webnovel

♥♡ CHAPTER 45 ♡♥

♡ Author's POV  ♡

Paglabas ni Dave sa kwarto niya, nagmadali siyang pumunta sa kwarto ni Syden para sunduin ito. Sean Raven is already in other building kaya lahat ng bagay na ginagawa niya, hindi na niya magagawa pa kay Syden. Dave is exactly planning to go to the bloody room because of the unexpected things that happen while Dean Carson is still out at hindi pa rin nakakabalik. The group is really trying hard to fix everything. 

Pagkadating niya sa tapat ng kwarto ni Syden, he didn't hesitate to knock on the door. Baka kasi magtaka si Syden kung bakit si Dave ang sumusundo sa kanya but it's already given because of Sean Raven's absence. Hindi naman siya naghintay pa ng matagal dahil kaagad ring binuksan ni Syden ang pinto. Nang makita niya si Dave, nabigla siya pero ngumiti din ito. It's really obvious na handa na rin siyang pumunta sa bloody room, "Dave, anong ginagawa mo dito?" Syden asked. Nagtataka rin naman kasi siya sa biglaang pagsulpot ni Dave.

"Isn't it obvious? Sinusundo kita." sagot naman ni Dave sa kanya and she couldn't help but to feel amaze towards Dave dahil sa itsura nito. He is actually cute, but also brutal on the other hand. If Dean Carson didn't exist, papatulan ko talaga 'to. She said to herself kaya't mas lalo pa siyang napangiti. Above all, no one could replace Dean's position in her heart. 

"Fine." sagot nito kay Dave. 

"And please make it faster, baka masigawan tayo kay Clyde. Kilala mo naman 'yon." dagdag pa nito at nakita niyang pinatay na ni Syden ang ilaw ng kwarto niya, "Ang aga pa kaya, 7:24 pm pa lang. 8 pm ang call time natin sa bloody room. Masyado ka namang nagmamadali. And I'm not like those other girls na mabagal, tapos na po kaya ako." pahayag niya kay Dave. Lumabas na siya at isinara ang pintuan. 

Napakamot na lang ng ulo si Dave na napansin naman ni Syden kaya nagtaka siya, "Napano ka ba? You look pissed off." tanong nito na iritang nakatingin kay Dave dahil sa itsura nito and they started walking across the peaceful hallway. 

"Sino bang hindi maiinis? Kakatapos lang natin ayusin ang mga problema, may bago nanaman." inis na saad nito habang naglalakad sila kaya napatingin sa kanya si Syden. 

"Sino bang umatake sa kanila?" tanong nito.

"I don't know. Wala namang kaaway ang grupo ngayon except sa council." 

"Council nga ba? Malay mo iba dba?" sagot ni Syden kaya tinignan siya ni Dave. 

"May kilala ka pa bang ibang kaaway ng grupo? Eh bago nga nila tayo lusubin, umaatras na sila sa takot."

"What if bukod sa council, may iba pa? Syempre hindi naman natin alam kung sinu-sino lahat ang may galit sa grupo natin dba?"

"That's why we need to talk about it hanggat maaga pa, hanggat hindi pa tayo ubos."

Natawa na lang si Syden ng marinig niyang sabihin ni Dave 'yon, "As if namang kaya nila tayong ubusin."

"Basta isang bagay lang ang alam ko, kung sino man 'tong kumakalaban at bumabangga sa atin  ngayon, they are not just our enemies. They have something kaya malakas ang loob nilang banggain tayo." seryosong sabi ni Dave na sakto namang pagdating nila sa bloody room. That room was supposed to be for their enemies pero dahil medyo malaki ang kwarto na 'yon, doon na rin nila naisipang magmeet-up since magkakasya lahat sila. Besides, they already have a new room for their bad doings. 

Pumasok na sila sa loob at naghanap ng magandang pwesto. Umupo sila sa pinakasulok sa bandang likuran. Bloody room doesn't contain anything, it is totally empty kaya sa sahig sila lahat umuupo which they find comfortable. Hindi pa sila lahat kumpleto at naghintay na lang ng oras to start the meeting. Habang papalapit ang oras, paulit-ulit na tinitignan ni Syden ang relo niya while she was still waiting for her twin brother. She still doesn't have an idea about what Sean Raven did. Naging tahimik na lang ang bloody room when Clyde and Roxanne entered, they were so serious that time kaya alam nilang  mainit nanaman ang ulo nilang dalawa. But it will be more complicated kung si Dean ang haharap sa kanilang lahat na galit. Mas nakakatakot pa rin talaga ang pinuno ng buong grupo. 

"Are we complete?" tanong ni Clyde kaya natahimik ang lahat. 

"Then, let's start. This morning some of our members were attacked by unknown enemies. Two of my members were reported dead. One died because he was stabbed 20 times in the chest habang nakaupo at nakagapos ang mga kamay at paa niya sa upuan while the other one, natagpuan namin siya sa 10th floor nakabigti, without both of his eyes." nabigla na lang ang lahat ng marinig nila 'yon. Everyone was informed that some members died pero hindi nila alam kung paano namatay ang mga ito not until when Clyde have told them the truth kay nag-umpisa na ang bulungan. 

"One of my members died too. Sorry to say but natagpuan namin siya sa kwarto niya at walang saplot, wala din lahat ng daliri nito. Clearly, pinutulan siya ng daliri. Hindi lang namin alam if she was raped." pahayag ni Roxanne sa kanila habang nakakibit-balikat. Although their two leaders seemed so mad, halatang malungkot din ang mga ito because of what happened to their members. They might not show concern to their members, but they also want for their members to be safe and protected. 

"Who would do such thing?" tanong ng isang phantom. 

"That's what we're going to find out. Hindi natin alam kung sinong kalaban ang may lakas ng loob na hamunin tayo. As you can see, halatang hinahamon nila tayo." saad ni Clyde na dinugtungan pa ni Oliver, "Or maybe, they are giving us a warning." dahil doon lahat sila napatingin sa kanya. Well, he has a point. 

"Warning for what?" tanong ng isang Redblade. 

"Warning na uubusin nila tayo." lahat ng atensyon napunta kay Dave as he spoke. 

"Nakakalimutan ba nila kung anong grupo ang binabangga nila? It's not even possible na maubos tayo." daing ng isa sa mga members ni Clyde. 

"They know us and they know what we can do kaya hinahamon nila tayo. Nagawa na nga nilang mapatay ang tatlo sa buong grupo, it clearly says that they want to show us na kaya nila tayo. No one will try to declare a war against us kung alam nilang matatalo rin sila sa huli, but the problem is we don't know anything kung sino ang kalaban natin."

"It might be the council."

"Right, it might be them but what if hindi council ang kalaban natin? We don't have enough evidence to prove that." pabalik na tanong ni Clyde sa sinabi ng member niya kaya muling natahimik. A complete dead air for a moment.

"Actually, we have something to say." pagsasalita ni Stephen which is one of the Vipers kaya sa kanya napunta ang atensyon, "Phantoms and Redblades were attacked, right?" tanong nito kaya nagsalubong ang kilay ni Clyde. Nakasandal sina Stephen at Caleb malapit sa may bintana na nasa harapan.

"And so?"

Nagkatinginan muna silang dalawa bago nagsalita si Caleb, "Just before you informed us early this morning na may namatay na sa grupo, we were attacked too." pahayag niya na mas ikinagulat pa ng lahat kaya't nag-umpisa nanaman ang bulungan. Surely, they are attacking not just the two groups but the whole group itself. 

"Silence everyone!" sigaw ni Clyde para patahimikin ang lahat at muli niyang tinignan sina Stephen at Caleb. Hindi rin maiwasang mag-alala ng Vipers dahil sa nalaman nila, "Speak." he said to the both of them. 

"At exactly 3 am this morning, bigla akong nagising when I felt a knife directly pointing towards my neck. Nabigla na lang ako ng makita kong may tao na sa harapan ko at nakatutok sa akin ang hawak niyang kutsilyo. I wasn't able to shout dahil tinakpan niya ang bibig ko at konting galaw na gawin ko, pwede ng pumasok sa lalamunan ko ang hawak niyang kutsilyo. There were two of them at ang isa naman, nasa tapat ni Caleb. He was about to stab Caleb..." saad ni Stephen na itinuloy naman ni Caleb. 

"Pero hindi  niya naituloy ang balak niyang pagpatay sa akin dahil bago pa man nila tapatan ng kutsilyo si Stephen, I was already awake but I pretended na natutulog ako. Bago niya pa man ako masaksak, nilusob ko na siya at bumangon ako just to beat him enough to distract the one na nakabantay kay Stephen kaya nakagalaw na rin siya. We were about to kill them but they escape through the door. Hindi na namin binalak na habulin pa sila because other than those two who attacked us, marami pa silang kasama na nakaabang sa hallway kaya agad naming isinara ang pinto. We sighed in relief ng malaman namin na hindi na nila kami nilusob ulit at agad rin silang umalis." pahayag nito na halatang malalim ang iniisip. 

"Have you seen their faces?" tanong ni Clyde at nakakibit-balikat na rin ito kagaya ni Roxanne habang nakatayo silang dalawa sa harap na malalim rin ang iniisip.

Umiling ang dalawa at nagkatinginan, "They were wearing black masks kaya hindi namin namukhaan."

"But wait!" napatingin ang dalawa kay Roxanne na parang bigla siyang nagtaka at napaisip, "Did you just say they manage to escape?" hindi makapaniwalang tanong nito. Other Vipers started to worry and think too dahil sa naging tanong ni Roxanne na ikinatango naman ng dalawa. 

"For the first time, someone managed to escape from two Vipers? You know that's impossible, right?" nag-umpisa nanamang magbulungan ang lahat because they clearly know, na mahirap takasan ang mga Vipers.

"We fought them and we could say that they are skilled fighters. Hindi sila madaling talunin." dagdag pa ni Caleb. But why would he say something like that? Is there something special about their unknown enemy which makes them different from the current groups?

"And what's worst, how did they even manage to enter your rooms ng ganon kabilis?" tanong pa ni Roxanne.  

"Because of all of this, isa lang ang masasabi ko. We don't know our new enemy but we should all be ready, they don't look weak. Malakas ang loob nilang banggain at hamunin tayo because they know that they have something against us. I suggest to always be on your guard. Huwag kayong magtitiwala basta-basta sa mga hindi natin kagrupo. Tandaan niyo, malakas ang bago nating kalaban. What we're going to do now is to be more aggressive. For now, I'll dismiss all of you except for the main members, especially Vipers. We need to talk what we can do about this matter and we hope na makabalik na si Dean sa lalong madaling panahon. We need him. Ngayon natin siya pinaka-kailangan."

"Alam naming mahirap but we must tell you na simula ngayong gabi na 'to, it's not possible na makakatulog pa tayo ng mahimbing because of what happened last night. We can still rest but we should always be on guard kung sakaling umatake nanaman sila. Stay together in order to survive. Do anything para hindi sila makapasok secretly sa mga kwarto ninyo, lock your doors carefully pati na rin ang mga bintana." dagdag pa ni Roxanne.

"You may all leave now, sasabihan namin kayo agad kung ano ang magiging plano ng grupo about this matter. Rest for now and always be ready." pagkatapos sabihin ni Clyde 'yon, nagsitayuan na silang lahat para bumalik sa mga kwarto nila. Nilapitan ng ibang Vipers sina Roxanne at Clyde because they badly need to make a plan on how they will be going to respond to that matter. 

On the other side, bago pa man makalabas si Leigh, hinarangan na siya ni Syden kaya natigilan ito at napatingin sa kanya, "S-sy? May kailangan ka ba?" she asked hesitantly. Hindi niya rin magawang makatingin pa ng diretso kay Syden because of all the things that she did.

"Leigh..." saad pa ni Syden habang tinitignan ang paligid na parang may hinahanap at tinignan niya ulit  si Leigh, "Itatanong ko lang sana kung nakita mo ba si Raven? Kahapon ko pa kasi siya hindi nakikita eh." pahayag niya and she looks so worried. She doesn't even know what did Sean Raven do because he didn't tell her the truth for she would just stop his brother from leaving. Obviously, gusto lang talagang bumawi ni Sean  kaya niya nagawa ang lahat ng 'yon.

Nabigla na lang si Leigh dahil sa tanong ni Syden kaya nanlaki ang mata nito at nakuha na niyang tignan si Syden ng diretso, "W-what? H-hindi  mo alam?" gulat na tanong nito na ipinagtaka naman ni Syden kaya nagsalubong ang kilay nito. 

"Ang alin? B-bakit? May nangyari ba sa kanya?" tanong ni Syden. She's really worried at dahil sa naging itsura ni Leigh, nakaramdam siya ng kaba thinking that something bad happened. 

Napalunok si Leigh bago nagsalita at kasabay noon ay ang paglapit ni Dave sa kanilang dalawa kaya narinig niya ang sinabi ni Leigh, "Umalis na siya." saad nito na mas ipinagtaka ni Syden, "Umalis? Saan pumunta?" 

Tinignan muna ni Leigh si Dave kaya nagtaka naman si Dave because he still doesn't have an idea kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa at muling tinignan ni Leigh si Syden, "Noong gabing humingi ako ng tawad sa'yo, nagkausap rin kami. I-i broke up with him...a-and that was also the time that he decided na aalis siya sa dito sa building para hanapin si Dean at Julez." natigilan na lang si Syden ng marinig niya 'yon. Her mind was still absorbing what she had heard from Leigh kaya natulala siya. 

Her eyes blinked many times before anything started to be processed in her mind, "W-what did...you just say? U-umalis siya?" napatingin pa ito kay Dave at ibinalik ang tingin kay Leigh. 

"Wait! D-don't tell me hindi siya nagpaalam sa'yo?" saad ni Dave being so confused and at the same time nagulat din siya dahil sa naging reaksyon ni Syden. Syden shook her head in confusion, "A-alam mo rin, Dave?"

Tinignan ni Dave si Leigh at pareho silang nagtataka kung bakit walang alam si Syden when in fact, bago umalis si Sean nagpaalam siya sa kanila, "W-well yeah. Nagpaalam siya sa akin bago siya umalis and I didn't stop him kasi desidido na siya and he really wants to do it. I-i'm sorry, ang akala ko kasi alam mo na umalis siya kaya hindi ko na sinabi sa'yo." muli silang nag-alala sa sitwasyon ni Syden dahil halos hindi na siya makapagsalita. It's like she was left hanging. Walang pumapasok sa isip niya. 

"W-why did he do that ng hindi man lang nagpapaalam sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ni Syden, "Because he knew, that you would stop him kaya hindi na rin siguro siya nagpaalam. Hindi ko alam na aalis siya ng ganun-ganon na lang at hindi magpapaalam sa'yo, but I think that was the reason. Kilalang- kilala ko na siya and I know how much he really loves you. Kapag nagpaalam siya, pipigilan mo siya and he didn't want to back out because he already decided. I think that might be the reason kung bakit umalis siya ng walang paalam sa'yo." pahayag naman ni Leigh kaya tinignan siya ni Syden. 

"Don't worry, he promised that he would come back na kasama si Dean at Julez." hinawakan ni Dave ang isang balikat nito kaya napatingin sa kanya si Syden and he smiled in order to comfort her kaya pinilit ni Syden na ngumiti, "He did it as an apology at gusto niyang bumawi sa ating lahat. It's just bad na naisip niyang gawin 'yon knowing that it's too dangerous but I trust him since he promised that he'd come back so you don't need to worry." ngumiti din si Leigh.

"I can't stop but to worry. You know why? Because Dean even promised that he would come back pero nasaan siya ngayon? So why would I still need to believe those broken promises?" then her smile slowly faded from her face na anytime, parang maiiyak na siya but she's strong. She will try her best to hide her feelings and do the opposite infront of many. Mapait siyang ngumiti hanggang sa magsalita si Roxanne kaya napatingin silang tatlo doon habang nakapulong ang mga main members sa gitna, "Let's find a place kung saan tayo makakapag-usap ng maayos." saad ni Roxanne at nakita nilang palabas na ang mga kasama nila kaya tumango si Syden.

"Take care, Leigh." sambit niya dito kaya tumango si Leigh at umalis na. Nakalabas na ang mga kasama nila at silang dalawa na lang ni Dave ang natira, "Let's go?" tanong ni Dave sa kanya kaya tumango siya but still, it's so obvious that she felt sad because of what Raven did, na hindi man lang nagpaalam sa kanya. They were right, pipigilan ko siya kung sakaling nagpaalam siya kaya pinili na niyang huwag magpaalam. I just want you to come back together with my muffin and Julez. I badly miss all of you. She said to herself. 

Binalak nilang sumunod na sa mga kasama nila para pag-usapan ang problema ngunit bago pa man tuluyang makalabas si Syden sa kwartong 'yon, natigilan siya ng may maapakan ito kaya napatingin siya doon. Dahan-dahan niyang pinulot 'yon at nalaman niyang isa itong singsing. Her eyes widened in shock ng makita at makilala niya ang singsing na 'yon. Naalala niya ito noong nakausap niya si Fortune at kamukha nito ang suot na singsing ng presidente. Pinakatignan niya ito at kaparehong-kapareho ng singsing ni Fortune ang hawak niyang singsing. It has an eagle, a gold eagle. Napansin siya ni Dave kaya natigilan din si Dave at lumapit sa kanya ng may pagtataka, "May problema ba?" tanong niya kay Syden at nakita niya ang hawak nitong singsing. 

"Dave, y-yung singsing." saad ni Syden at napansin ni Dave na malalim ang iniisip ni Syden hanggang sa mag-umpisang manginig ang kamay nito na parang may naisip siyang hindi maganda. 

"Are you okay? Bakit?" nag-aalalang tanong niya. 

"I've seen this before." sagot ni Syden kaya muling tinignan ni Dave ang singsing, "Ano namang meron sa singsing na 'yan?" tanong ni Dave kaya diretso na siyang tinignan ni Syden. 

"Dave, may suot na ganito ang mga members ng council pati na rin yung mga estudyanteng nagtratrabaho para sa kanila. Bakit may napuntang ganito dito?" naghihinalang sambit nito kaya napaisip na rin si Dave ng maalala niyang nakita na rin niya ang isa sa mga estudyanteng kasabwat ng council na may suot na ganoong klase ng singsing kaya nanlaki ang mata nito, "Sy, don't tell me...pareho tayo ng iniisip ngayon?" 

Tumango si Syden, "That's what I think too. It's either the officers or yung mga estudyanteng tinutulungan ang officers ang may ganitong singsing."

"Then we need to find whoever is that person." naging seryoso si Dave habang nagkakatinginan sila ni Syden, "May traydor sa grupo, Dave. Secretly, he or she is helping the officers ng hindi natin alam." 

"That person is working for them." dagdag pa ni Dave. His eyes badly wants to kill just thinking of that fact. Whoever you are, I'm gonna rip you off. A traitor is present in this group. Dave said to himself at namumula na rin siya dahil sa galit. 

Obviously, that traitor is taking command and being controlled by the council officers.

To be continued... 

Próximo capítulo