webnovel

Ezekiel vs Gussion

"Gussion. GAME!" pasigaw na sinabi ni Ezekiel kay Gussion at tiningnan lang niya ito.

Ng nakapagsuot na sila ng MMA gloves ay pumosisyon na sila na parang magkatunggali.

Nakatingin lang ng diretso si Gussion kay Ezekiel at ganon din si Ezekiel sa kanya. Ng biglang umamba si Ezekiel sa kaliwang paa ay biglang sinalag ito ni Gussion ng kanang kamay niya. Ng sumangga ito ay sumipa si Ezekiel sa kanang paa at hindi ito napansin ni Gussion kaya natamaan ito sa tuhod at napaluhod ito ng kaunti.

"Agh!" sigaw ni Gussion. Lumapit sa kanya si Ezekiel at tinuhuran niya ang mukha ng kalaban niya. Pero nakailag agad ito at tumayo at umatras ng kaunti para maka b'welo.

"Muntik na 'ko dun ahh" payabang na sabi ni Gussion at nginitian lang siya ni Ezekiel.

Ng umatras si Gussion ay bigla siyang lumapit at sumuntok sa mukha ng kalaban niya't natumba ito. Ng matumba si Ezekiel ay agad na lumapit si Gussion sinipa nito ang mukha ni Ezekiel at tuluyan ngang napahiga si Ezekeil.

Naka apat na suntok si Gussion ng biglang humawak sa ulo niya si Ezekiel at ginamitan niya ito ng headbutt. Napatayo at napaatras si Gussion.

"Agh!" sigaw ni Gussion at tumayo si Ezekiel. Ng tumayo si Ezekiel ay nakiramdam si Gussion at may kakaibang naramdaman si Gussion sa kanya.

Ang bilis niang gumalaw, parang kasing bilis niya ako 'pag naka Zone state; Stage 1 ako. Sabi ni Gussion sa sarili niya at nakita niya ang mata ni Ezekiel na kulay Green. Kakaiba ang matang 'yun, 'di kaya.. May kapangyarihan rin kaya siya? Dagdag sabi pa ni Gussion sa isipan niya.

Ng tumayo si Ezekiel ay lumapit agad ito kay Gussion ng mabilisan at nadatnan ulit niya ulit na kulay Green ang mata nito.

Hindi ako makapaniwala, parang zonestates pero iba ang kulay. Zone States; Stage 2. sabi ulit ni Gussion sa utak niya at inactive niya ang zone states.

Magkasing bilis silang gumalaw, bawat ilag ni Gussion may kasunod agad, buti nalang at nakakailag ito pero natatamaan pa rin siya kaso daplis lang. Ganon din si Ezekiel pero 'di siya dinadaplisan kase tinatamaan talaga siya.

"Agh!"

"AhhhH!" sigaw ni Ezekiel ng susuntukin niya na si Gussion at biglang nagbago ang expression nito.

Ng malapit ng tamaan ng suntok si Gussion ay umilag ito ng napakabilis, seryoso ang emosyon, nakatingin lang siya sa mata ni Ezekiel ng masama. Bigla niyang sinikmuraan ni Gussion si Ezekiel ang napayakap ito sa tiyan niya't napaatras, tumalon sa kanya si Gussion tinu-huran niya ito sa mukha at natumba ulit.

Seryoso pa rin si Gussion at na-nanamihik. Naka-yuko yung ulo niya pero nakaharap yung katawan niya kay Ezekiel.

Bigla ulit tumayo si Ezekiel na tumahimik rin. Patas yung laban pero mas madalas na tamaan ng suntok at sipa ay si Ezekiel. Mas pinapa-iral ni Ezekiel ang galit niya kaya parang may namuong zone states na kulay Green.

"Grrrr" ng tumayo ulit si Ezekiel ay nadi-disgust ang mukha nito kay Gussion at nanlilisik an dalawang mata nito.

Tinitigan ulit ni Gussion si Ezekiel sa mata at sabay sabing, "Ezekiel, 'wag mo pairalin ang galit mo dahil lang sa mas lamang ang kalaban mo sa'yo. Dapat 'yun ang maging panapat mo sa kanya dahil mas mainam kung magiging kalmado ka kase mahuhuli mo yung bawat atake na gagawin niya" mahinahon na sinabi ni Gussion sa kanya ng may halong maliit na ngiti pero 'di siya nakatingin kay Ezekiel sapagkat ay naka-yuko at nakatingin lang ito sa lupa.

Naging kalmado si Ezekiel at tumayo ng diretso. Tinitigan siya ni Gussion ng walang emosyon at ganon rin ito. Huminga ng malalim si Ezekiel sabay sabing, "Simula na ng totoong laban!" sabi ni Ezekiel ng nakangiti at tinitigan lang siya ni Gussion.

Pumorma ulit ang dalawa at inunahan ulit ito ni Ezekiel pero kalmado na ito 'gaya ng sabi sa kanya ni Gussion. Nakakailag pa rin siya sa mga suntok ni Gussion pero mas madalas parin itong tamaan at sa mukha pa. Kung makakatama man siya rito sa daplis lang dahil dihasang dihasa si Gussion sa pakikipaglaban lalo na kapag seryoso.

"Agh!" sigaw ni Ezekiel at napaatras ito dahil ginamitan siya ni Gussion ng jab punch, "Muntik na akong matumba dun ahh"

"Oo nga ehh" sagot ni Gussion.

Tumigil ang dalawa. Ilang segundo rin bago ulit umatake ang dalawa hanggang...

*******

Sa umuwi na si Gin at nadantan nito na nakadapa si Ezekiel at nakapihit ang kamay nito na hawak-hawak ni Gussion. Puro pasa ang mukha ng dalawa ng umuwi si Gin at marurumi rin ang suot-suot nilang damit.

Sabi na nga ba, ito na. Nangyari na. sabi ni Gin sa utak niya at sabay sigaw ng, "Tama na 'yan, Gussion."

Pasensya na po kung di nakapag upload nitong nakaraan kase nagkasakit lng hehe?

MicroIsLifecreators' thoughts
Próximo capítulo