webnovel

Ang matang iyon...

"Gussion, Ezekiel. Tama na 'yan." mahinahon na sinabi ni Gin sa dalawang bata.

Agad na binitiwan ni Gussion si Ezekiel at tinayo niya ito. Tumawa ang dalawang bata at nagbanggaan ang balikat nilang dalawa bilang tanda na magkaibigan pa rin sila. Ngumiti ng ka-unti si Gin sa dalawang bata dahil nare-relate siya. Dark, 'di ka na ba talaga babalik? sabi ni Gin sa isipan niya at nagulat ito.

May kakaibang naramdaman si Gin kay Ezekiel at tinitigan niya ito. A-ang matang 'yon.. Dagdag sabi pa nito sa isipan niya. "Haha, tara pumasok na kayo dito." pamungkahi nito sa dalawang bata at sumunod ang mga ito. Pa-simpleng hinawakan ni Gin si Ezekiel sa balikat at ginamit niya ang Own Eye States. Nagulat si Gussion dahil naramdaman niya ang napakalakas na awra ng kuya niya at natakot ito.

Makalipas ang ilang minuto na pag-lilinis ng dalawang bata ay kumain agad ang mga ito at umuwi na rin agad si Ezekiel at hindi na nagpahinga.

"Kuya Gin, Gussion. Uuwi na ako!" sigaw ni Ezekiel sa dalawa at sumagot rin ito.

"'Ghe! Ingat!!" sabay na sagot ng magkapatid na Sonata.

"Kuya, ba't mo ginamit yung Own Eye States mo?" biglaang tanong ni Gussion kay Gin.

"Nakita mo ba yung mata niya kanina?" tanong ni Gin at nagulat si Gussion.

"Nakita ko, kulay Green nga 'yun ehh. Nakakagulat, pwede palang magkaroon ng kapangyarihan ang mga ordinaryong tao, kuya. Alam mo ba kung ano ang matang 'yun? Kuya?" tanong ni Gussion kay Gin. Ilang segundo rin ang nakalipas bago sinagot ni Gin ang tanong nito dahil biglang may pumasok sa isipan niya.

"Oo alam ko kung ano ang matang 'yun.." sagot nito.

"Kuya, sa galit at puot ba nabubuhay ang zone states?" dagdag tanong pa nito.

".. Oo.." sagot ulit nito. Nagtataka na si Gussion dahil ayaw linawan ni Gin ang mga sagot nito sa mga tanong niya.

"Kuya, 'di ako nalilinawan sa mga sagot mo, puro 'Oo' lang ang sagot mo!" nagagalit na pasabi ni Gussion kay Gin.

Huminga ng malalim si Gin bago niya ulit ito sinagot. "Gussion.. Ang matang 'yun ay nabubuhay kapag ang nagtu-turo ay isang miyembro ng angkan ng Sonata." mahinahong sagot nito.

"Kuya, ano ba ang tawag sa matang iyon?" dagdag tanong ulit ni Gussion.

"Ang matang 'yun ay ang.. 'Atomic Leaf Eye'." sagot ni Gin at wala manlang emosyong pinakita si Gussion sa kanya. "Sige na Gussion, pumasok ka na sa kwarto mo, ako na bahala dito." utos at pamungkahi ni Gin kay Gussion at sumunod naman agad ito sa kanya.

Ng makapasok sa kwarto si Gussion ay agad na tumatak sa isip niya ay ang kuya niya. "Bakit? Bakit ganon ang naging reaksyon ni kuya ng tinanong ko siya kanina? May nililihim ba siya sa'kin? Ano ba talaga ang Atomic Leaf Eye na 'yon? 'Di ko maintindihan. Nakakainis talaga!" bulong ni Gussion sa sarili niya bago ito natulog.

The Next Day.

"Gussion.. Gussion.. Gising na Gussion" paggising ni Gin sa kapatid niya at ilang minuto rin ang nakalipas bago ito nagising.

"Kuyaa.." nang hihinang boses ni Gussion at namumutla ito. Nag-alala si Gin kaya hinawakan niya ito sa leeg.

".. Grabe, ang init mo Gussion." sabi ni Gin kay Gussion at nag-aalala ito. "Sandali, kukuha lang ako ng thermometer" lumabas ng kwarto si Gin at natulog ulit si Gussion.

*******

Sa School.

Pumunta si Gin sa paaralan kung saan pumapasok si Gussion at binigay niya ang excuse letter kay Chelsea.

"Kuya, ano po itong letter?" tanong ni Chelsea kay Gin.

"Excuse letter 'yan, ahhh pakibigay na lang sa teacher mo ahhh, paki sabi na excuse letter ni Gussion 'yan kase nilalagnat siya." sagot at utos ni Gin kay Chelsea at tumango ito.

Sana gumaling agad si Gussion. Sabi ni Chelsea sa isipan nito at napatulala.

"Uooy! Chelsea!" tawag ni Ezekiel sa kanya at nilapitan agad ito.

"Nakasalubong ko kuya ni Gussion, binati ko pa nga ehh" nakangiting ibinahagi ni Ezekiel kay Chelsea pero nananamlay pa rin ito. "Bakit ka nakasimangot?" tanong pa nito sa kanya.

"... 'Di raw papasok ngayon si Gussion sabi ni kuya Gin." sagot nito kay Ezekiel at napansin nito ang papel na hawak ni Chelsea.

"Anong nakasulat sa papel na 'yan?" dagdag tanong pa nito.

"Ah 'eto, excuse letter 'to ni Gussion." sagot pa nito. Kinuha ni Ezekiel ang papel at pagkatapos ay binasa niya ito.

Dear Ma'am/Sir

Pasensiya na po kung ipagliliban ko ang aking kapatid na si Gussion sa kadahilanang nagkalagnat po siya na umabot ng 40.7°c, salamat po sa inyong pag-uunawa.

"Ahhhh, ibig sabihin nag-kalagnat si Gussion, ang taas naman." pagulat na sinabi ni Sir Lann at nagtaka ito dahil ngayon lang niya nabalitaan na nagkasakit si Gussion na lumampas na sa 40°c, ang madalas nitong balitaan kapag nagkakasakit ito ay nasa 38 to 39°c at nung nakaraang taon pa nung huli siyang nagkasakit.

Ng matapos na ang buong matapos ang pitong oras na pagkaklase ay nag-uwian na ang lahat maliban kay Sir Lann at Ezekiel.

"Sir Lann, pwede po ba kitang tanungin?"

Próximo capítulo