webnovel

Naligaw na Demonyo (1)

"Risa, anong ginagawa mo dito?"

Iyan ang bumungad sa akin nang binuksan ko ang pinto nang may nagdoorbell. Kung nagtaka yung taong pinagbukasan ko ng pinto, mas nagulat naman ako. Never in a million chance I imagined that they were close enough to be visiting each other's home.

Pero kung sa bagay, hindi ko bahay ito kaya natural lang na magtaka siya. Nasa bahay kasi ako nina Stan. Dumaan lang ako para hiramin ang PS Vita dahil pinagdamot niya ito sa akin noong huling araw na ng pasok. Pagkatapos noong play, sinabi ko sa kanya na hihiramin ko muna ng ilang araw ang Vita niya pero ang isinagot lang niya sa akin ay ito. "Sumali ka muna sa tutulong para sa grad ball."

Natural hindi ako sumangayon kahit halos silang lahat ay pinilit ako dahil kahit si Aya ay isinali din ni Dan sa tutulong para sa grad ball. Ang ibang mga basketball boys naman ay mag-aayos ng summer camp nila. Kami lang dalawa ni Mia ang hindi kailangan pumasok ng isang linggo bago mag-graduation.

Nag-apir kami ni Mia. "Bakit kami papasok eh bakasyon na?"

"Edi pagkatapos na ng grad ball mo mahihiram 'tong PS ko." Ang huling sinabi sa akin ni Stan bago siya umalis para magpalit ng uniform.

Kaya baka nagsakali ako na iniwan ni Stan ang PS niya sa kwarto niya. Pumunta ako sa bahay nila noong umaga ng Lunes at pinapasok naman kaagad ako ni Tita nang nakita niya ako. Pagdating ko sa kwarto niya, wala doon at kahit noong tinanong ko si Chester ay hindi din niya alam kung nasaan dahil malamang dala ni Stan iyon sa school.

Uuwi na sana ako noong hindi ko nakita yung PS Vita ni Stan kaso pinilit ako ni Tita na doon na lang ako magtanghalian. Pati si Chester pinilit ako kaya hindi na ako nakatanggi. Naglaro pa kami ni Chester ng playstation pagkakain ng tanghalian at sa kalagitnaan ng paglalaro namin ay nagring ang doorbell nila. Nagboluntaryo na ako na tingnan kung sino dahil may ginagawa si Tita.

"Ikaw, Jared, anong ginagawa mo dito?" tanong ko din sa kanya.

"Diba bahay 'to ni Stanley Ramirez?" tanong pa ulit niya.

Isinarado ko yung pinto pagkasigaw ko kay Tita na kaibigan lang ni Stan yung tao. Sinagot ko si Jared tapos tinanong ko ulit siya kung ano ang ginagawa niya dito. Nakita ko din ang sasakyan niya na nakaparada sa harap ng gate nina Stan.

Hindi pa niya din ako sinagot at sa halip tanong na naman ang bumalik sa akin. "Ikaw ba yung best friend na tinutukoy ni Denise?"

Nakutoban ko na kung ano ang ipinunta niya dito. Inalala ko din kung hindi ko ba nabanggit sa kanya kung ano talaga ang relasyon namin ng boyfriend ng kapatid niya bago ko siya sinagot. "Oo, hindi ko ba nabanggit sayo dati?"

Medyo napaisip siya at nang hindi siya sumagot, tinanong ko ulit siya. "So pwede mo na bang sabihin sa akin kung bakit nandito ka? Nasa school pa kasi sina Stan at Denise."

Napabuntong hininga siya at napahawak sa ulo niya. Ginulo niya ng konti ang buhok niya. "Dapat pala itinext muna kita."

Nginitian ko lang naman siya kahit hindi ko pa talaga naintindihan kung ano ang ginagawa niya sa bahay nila Stan.

"Congrats nga pala at belated happy birthday na din," sabi niya ng nawala na ang nakakailang na atmosphere na namamagitan sa amin kanina. "Pasensya na kung hindi ako nakapanood pero may regalo nga pala ako para sayo kaso hindi ko dala. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito."

Kaya ayun napakwentuhan kaming dalawa ni Jared sa harap ng bahay ni Stan, kumustahan lang at mga bagay tungkol sa entrance examination sa St. Gregorian University. Ganoon pa din ang itsura ni Jared noong huli ko siyang nakita. Nang naubusan na kami ng pag-uusapan tinanong ko siya kung hindi ba siya papasok sa loob at saka pa lang lumabas ang totoong dahilan ng ipinunta niya sa bahay nina Stan.

Thanks for reading dear readers! I'm sure you're tired by now how much I go on and on about my other story. But here I am. Haha. Ugly Little Feelings is featured on the NEW Block on Web Novel App under Promising Originals. Do check it out.

Btw, what do you say about english version of this? Should I translate?

Twitter: @wickedwinter3

Ko-fi: ko-fi.com/wickedwinter

wickedwintercreators' thoughts
Próximo capítulo