HINAHAPLOS ni JED ang buhok ni Jenna Rose habang kinakantahan siya. They were at the waterfalls. Nasa lilim sila ng cottage habang nakahiga siya sa kandungan nito. Iyon ang bagong kantang na-compose nito para sa kanya.
"What do you think?" he asked.
Naghikab siya. "Inaantok ako. Effective na lullaby."
Pinisil nito ang ilong niya. "Come on. Be serious."
Bumangon siya. "Of course it is lovely." Yumakap siya sa baywang nito. "Because you composed that song for me."
Kapag wala itong schedule sa Manila ay lagi itong nasa riding club. Bukod sa magkasama sila maghapon, mino-monitor din nito ang ipinagagawang villa sa Woodridge Mansion na di kalayuan sa Forest Trail. Parang napakasimple lang ng lahat para sa kanilang dalawa. Marami rin silang bagay na pinagkakasunduan kaya hindi sila nagkakaroon ng problema. Everything was perfect.
"Malapit na ang launching ng commercial at MTV ng Stallion Shampoo. And the world will know everything about us."
"JED, madidismaya ang fans mo," nag-aalala niyang sabi. "Pwede naman nating huwag munang sabihin na girlfriend mo na ako."
"How about my effort to inform the world how much I love you?"
She smiled sweetly. "The world doesn't have to know. Ang importante alam nating dalawa na in love tayo sa isa't isa. Di naman lalabas ang balita sa riding club."
"Bakit ba masyado mong iniisip ang career ko? I want to be happy. I am proud to have you as my girlfriend." He nudged her chin. "So forget about it. It is high time that I think about my life with you."
Hindi na siya tumutol. Di niya alam kung bakit bahagya siyang nakaramdam ng takot. As if their lives were about to change drastically. And the paradise atmosphere of Stallion Riding Club couldn't protect them anymore.
"Are you sure, JED? This horse is mine?" Di pa rin makapaniwala si Jenna Rose habang pinagmamasdan ang kulay chestnut na mare. "Akala ko ba hiniram mo lang ito sa stable para sa akin."
Nag-horseback riding sila nang umagang iyon. Nasa falls sila nang sabihin nito na siya na ang may-ari ng kabayong sinasakyan niya. "You told me that you like her. Nakita mo na siya sa stable noong isang araw, di ba? So I decided to give her to you as a gift. Isn't Clover wonderful?"
"But she is not for sale. Tinanong mo pa nga, di ba?" Clover was a prized mare. One of the finest. Kaya di iyon basta-basta pakakawalan ni Reid.
Nagkibit-balikat ito. "I offered a price that Reid can't refuse."
She touched the horse's neck. Di pa rin niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. "You don't really have to buy her for me. It is too expensive."
Niyakap siya nito mula sa likuran. "It is a gift. Lahat ng regular members ng riding club hindi lang isang kabayo mayroon sila. At may sariling kabayo rin ang girlfriend nila. Actually, I will buy Mom her own horse once she comes home from her vacation. Para makakasama rin natin siyang mag-horseback riding."
Nasa Bahamas ang mommy nito at nagbabakasyon dahil nakabili si JED ng isang isla doon. Sa susunod na buwan pa uuwi ang mommy nito kaya di pa niya nakikilala. "I guess she'll also tell you that this is an expensive gift."
"Wala naman sigurong mahal na regalo basta para sa taong mahal mo." Pinagmasdan siya nitong mabuti. "Or are you going to tell me that you'll buy your own horse if you want one?"
Marahan siyang tumango. "That is one thing. Plano ko naman talagang bumilii ng sarili kong kabayo. Except that there is a rule here at the riding club that only members can purchase horses. Very chauvinistic, isn't it?" Exclusive lang ang membership ng riding club sa mga lalaki.
Lumungkot ang anyo nito. "And you are hurting my ego. Hindi mo ba matatanggap ang regalo ko sa iyo?"
Naglalambing siyang yumakap dito. "Of course I am happy. I gladly accept it. Thanks. However, I am not that materialistic. You don't have to give me anything, JED. Having you here with me is enough."
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. "I know that. Kung naiilang ka na tanggaping regalo si Clover, isipin mo na lang na investment siya."
She shook her head. "No. She's a gift so be it."
He beamed at her. "That is more I like it. Gusto mo bang makita ang villa? It is almost through."
"Sure. I'd love to."
Matagal na iyong ipinapaayos ni JED. Di lang balita sa riding club noon na ito ang may-ari. It was a two-story glass house. And what she loved most about it was the waterfalls effect at the glass walls. Animo'y napapalibutan ng waterfalls ang buong bahay. Di daw kasi maaring ipatayo ang bahay sa tabi ng waterfalls kaya ang waterfalls na lang ang dadalhin nito sa villa nito.
Ipinapasok na ang mga furniture nang dumating sila. Hindi pa kasi fully furnished pero malapit nang maayos ang lahat. Naroon si Eunice na siyang nagbibigay ng instruction sa kung saan ilalagay ang mga gamit. Ayon kay JED ay nagmagandang-loob na itong tumulong sa pag-aayos ng interior. Alam na daw kasi nito ang taste ni JED. When Eunice was around, she felt worthless.
May pa-raffle po ako at freebies sa magpapa-sign sa akin sa September 15 sa Precious Pages Booth sa Manila International Book Fair.
At kung Team Malayo ka, pwede pa rin pong magka-freebies at maka-join sa raffle. Order lang sa My Precious Treasures sa Facebook and make sure na paid na until September 13.