Namaywang agad si Eunice nang makita sila. "JED, where have you been? It is two in the afternoon. May TV guesting ka pa mamayang gabi."
"Relax, Eunice. Maaga pa. We can leave at four or five in the afternoon. Maaga pa rin tayong makakarating sa studio. Saka nag-e-enjoy pa kami ni Jen na mag-horseback riding. You should see her mare. She's beautiful."
"Yeah, great!" matabang na sabi ni Eunice. "You should be prepared by now. Why don't you get the coat that you are going to wear tonight? It is in my car."
"Jen, I will just get it," sabi ni JED. "Tapos saka mo sabihin sa akin kung anong bagay na I-partner ko."
"Sure. Hihintayin na lang kita dito," nakangiti niyang sabi.
Pagdating sa wardrobe ni JED ay siya ang pinagkakatiwalaan nito kahit pa nga madalas ay may dala na para dito si Eunice. Ayon kay JED, dapat daw ay masanay na siya dahil kapag kasal na sila ay siya mismo ang maghahanda ng damit nito kahit pa may sarili na itong fashion consultant.
"You don't really have to say anything about JED's outfit. I already chose everything for him," wika ni Eunice.
"He wants me to help him anyway. Siguro dahil sa tingin niya may maisa-suggest pa ako na mas magpapaganda sa outfit niya," depensa niya. Bilang nobya ni JED ay hindi siya magpapatalo dito.
"So what's this? You want to invade his life."
Nakahalukipkip niya itong hinarap. "What is it that you have against me, Eunice? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Parang lahat ng gawin ko para kay JED, mali para sa iyo."
"You are not right for JED. Nahahati ang atensiyon niya sa iyo at sa career niya. Career niya ang priority niya pero nagbabago iyon dahil sa iyo."
"Wala bang karapatan na magkaroon ng girlfriend ni JED? And besides, sino ka ba para magsabi sa kanya na nakakasama ako sa kanya? Ang ibang bandmates niya, may mga girlfriend din naman. At di naaapektuhan ang career nila."
JED was a professional. Kapag oras ng trabaho, sa trabaho lang ito naka-focus. And she respected that.
"They are different from JED. He worked so damn hard while those guys are rich brats. Nakita ko kung paano siya umangat mula sa wala. Di ko gustong mawala ang lahat ng iyon dahil lang sa iyo."
"Hindi iyon mawawala kay JED. He can handle it right," kampante niyang sabi. "Then again, he has his own happiness to mind. Hindi mo hawak ang buhay niya. Huwag mong ulit-ulitin na career lang ang dapat harapin ni JED. Tao rin siya. HIndi siya robot na pakikilusin mo sa gusto mo. Please let him live his life."
Tinalikuran niya ito at sinalubong si JED na papasok ng pinto dala ang outfit na isusuot nito. Naramdaman niya ang matalim na tingin sa kanya ni Eunice. Importante rin sa kanya ang career ni JED. Pero hindi rin naman niya hahayaan na mawala ang kaligayahan nito. Ang kaligayahan nila.