webnovel

Chapter 19

THE NIGHT seemed very long. Ayaw pang matulog ng diwa ni Quincy pero bumibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod. Naiidlip na siya nang mag-ring ang cellphone niya. Aantuk-antok na sinagot niya ang tawag. "Hello!"

"Hello, Celine! How's Sicily? Enjoying Italy?"

Nawala ang antok niya nang marinig ang boses. "Yuan?" Tiniyak pa niya kung si Yuan nga ang tumawag. It was definitely Yue Anthony Zheng who was registered as her caller. "Oh, God! Yuan!" Hindi niya inaasahan ang pagtawag nito.

"Parang kagigising mo pa lang. It's like around seven in the evening there, right? Too late for a siesta, sleepyhead." Seven hours ang advance ng Pilipinas sa Italy. At kasalukuyang nasa Italy si Friza.

"It is too hot here." Nakapikit ang isang mata niya habang iniisip ang mga posibleng gawin sa Sicily. "We picked grapes at a vineyard near Mount Etna. I am so damn tired, Yuan. Perhaps I'll get a massage later."

"Sorry if I wasn't able to call back a while ago. Tawag ka nang tawag. Masyado akong busy sa trabaho."

Liar! Ibang babae ang iniisip mo at nako-konsiyensiya ka kaya ganoon.

"It's okay. I just want to ask you if you want some wine. I bought some for you. Maybe I will send them to your office through FedEx. And I just want to tell you that I miss you," aniya, sabay subsob ng mukha sa unan.

Nami-miss naman talaga niya si Yuan kahit kakikita pa lang niya rito kanina. Habang kinakalimutan niya ito ay nagsusumiksik ito sa utak niya. Ginayuma yata ako ng Yuan na ito. Marinig lang niya ang boses nito ay masaya na siya.

"Don't bother sending the wine. You won't miss me that much anymore. I am planning to join your European tour next week. Hindi ba, magri-river cruise na kayo ni Friza? Maybe I will join you in France then."

"Ikaw? Pupunta ka rito sa Europe? Hindi ba, marami kang trabaho?"

"Yeah! But I will fix my schedule. I must admit I don't have much time for you. And I think we should spend more time together. Dapat na siguro nating makilalang mabuti ang isa't isa. After all, we will get married in a year or two. Anong klaseng kasal ba ang gusto mo?"

Napalunok siya. Oh, God! Now he is talking about our wedding. Takot siyang maakit ng ibang babae kaya naniniguro na siya ngayon na kami nga ang makakasal.

"Yuan, that's a lovely idea. I am so excited about it," malambing na sabi niya pero ang pakiramdam naman niya ay parang sinasakal siya.

"So, I will see you in Europe in a week's time," anito at nagpaalam na.

"Oh, God! What am I going to do?" usal niya saka mabilis na bumangon. Binuksan niya ang lahat ng closet niya at inilabas ang maleta. Habang ginagawa iyon ay nagda-dial siya sa ticketing office ng American Airlines. "I'd like to book a flight for Los Angeles tomorrow. Do you still have any available seat?"

She was desperate to get out of the mess she'd made. Hindi na niya kailangang paabutin pa sa Europe si Yuan para malaman nito ang kasinungalingan niya. She must be the one to end her masquerade.

Sa ginawa niya, tiyak na hindi na siya pakakasalan ni Yuan. Pero mas mabuti nang natitiyak niyang siya ang naglabas ng alas kaysa ito.

Kung matutuloy na ang kasal nila ni Yuan, she won't be the Quincy who was independent and strong-willed anymore. Magiging sunud-sunuran siya rito.

"I must admit that a part of me would love to spend a lifetime with you, Yuan. But I'd rather lose you than lose myself."

Hala!!!! Nagbabanta na si Yuan.

Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.

Sofia_PHRcreators' thoughts
Próximo capítulo