"GINULO mo ang pananahimik ko para lang ipakita sa akin ang basura na iyan?"
Humagis pabalik kay Quincy ang mga larawan ni Yuan kasama ang ibang mga babae. Humihingal sa galit si Lolo Loreto habang matalim na nakatingin sa kanya.
"Lolo, hindi ito basura. Totoo ang mga ito," aniya sa boses na nakikiusap. Halos wala siyang pahinga mula sa walang tigil na flight niya.
Nagpaalam lang siya sa mga kasamahan sa Rider's Verandah. Nagulat ang mga ito sa kanyang biglaang pagre-resign. Pero sinabi ng kanyang boss na si Gino na kahit kailan ay puwede siyang bumalik. Marami raw kasi sa mga members ang natutuwa sa kanya. Mula sa Los Angeles ay kumuha pa siya ng flight papunta sa Huntington Beach dahil gusto niyang makausap agad ang Lolo Loreto niya.
"Gusto mong paniwalaan ko ang mga kalokohan mo?" tanong nito at itinuon ang tingin sa malawak na dagat.
"I saw them myself, Lolo. Ako mismo ang kumuha sa mga pictures."
Kumunot ang noo nito. "Hindi ba, nasa Europe ka kasama si Friza?"
"I lied. Hindi ako sa Europe nagbakasyon. I went to the Philippines and worked at the Stallion Riding Club. It's Yuan's hideaway. Doon niya ginagawa ang mga bagay na hindi basta-basta nakikita ng iba. He is not as clean as you think. He is not as faithful as he projected. Nakita ko ang lahat ng ginagawa niya sa Stallion Club. I saw the real Yuan. At hindi siya ang lalaking gusto kong pakasalan."
Yuan wasn't as black as she painted. Pero kailangan niyang gawin iyon. She had to win her grandfather's favor. Para ito mismo ang pumutol sa kasunduan at tumutol sa pagpapakasal niya kay Yuan.
"Sa palagay mo ba, hindi ko alam ang tungkol sa Stallion Club? Yuan told me about it sometime. And he did nothing indecent that could bring you shame. Disenteng lalaki si Yuan. And he is just enjoying his bachelorhood."
"That's not fair, Lolo! Mali na ang ginagawa niya, siya pa rin ang kinakampihan ninyo." Naluha siya sa kawalan nito ng simpatya sa kanya. "Paano naman ako, Lolo? Hahayaan ba talaga ninyo akong makasal kay Yuan?"
"Everything has been predestined, Celine.You know that. And you can't fight your destiny lest you will suffer."
Pumikit siya nang mariin. "I hate to say the word. But please don't give me that crap. Kinakampihan ninyo si Yuan dahil sa mga bagay na nagawa nila sa pamilya natin. Alam ko kung gaano kalaki ang utang-na-loob ninyo sa mga Zheng dahil sa naitulong nila para paunlarin ang negosyo natin."
Ngumiti ito nang mapait. "Hindi maunlad ang negosyo natin, Celine. Matagal na tayong walang kompanya kung hindi lang tayo tinulungan ng mga Zheng."
"But, Lolo, I thought our business is doing well?"
"Your father made a lot of bad deals before he died. Nalaman na lang namin iyon nang wala na siya. We were totally bankrupt. Baon tayo sa utang. Yuan's family picked us up. They integrated our company with theirs. Tinulungan nila ang Uncle Patrick mo na palaguin uli ang kompanya. This house would never be here if not for them. Magpasalamat ka sa kanila dahil `di na tayo pupulutin sa kalye."
Bata pa siya nang mangyari iyon sa pamilya niya. She had no idea about it. "You are right, Lolo. Malaki nga ang utang-na-loob natin sa kanila. Kailangan ko bang pakasalan si Yuan para lang makabayad ng utang-na-loob sa kanila? I don't want to be a puppet wife. Gusto ko rin naman ng lalaking magmamahal sa akin.
"When I was with Yuan pretending to be someone else, I felt like his other women were luckier. They don't have to stay with him forever. Pero ako, parang nakakulong. I had to pretend to be someone whom I am not. That is not easy. Just to be a perfect wife for him and to please him, I have to forget who I really am."
Ginagap nito ang kamay niya. "I am sorry, hija. Nang magkita kayo ni Yuan noon, naisip niya na ikaw ang babae na babagay sa kanya. You were a docile young girl who adored him. And it was perfect."
"Hindi na ako ang batang iyon, Lolo. Hindi na ako puwedeng maging sunud-sunuran na lang sa inyo o kay Yuan. I want my freedom. I want to be me. Hindi na ako ang babaeng bagay sa kanya."
"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ka na makakaurong sa kasal ninyo ni Yuan. You are already his since you were eighteen."
"What do you mean?"
"Pamilya na ni Zuan ang sumasagot sa lahat ng kailangan mo. From your everyday needs to your education. Parang kulang na nga lang sa inyo ni Yuan, kasal at pagsasama, parang asawa ka na rin niya."
"What? Are you telling me he already bought me?" Kulang na lang, sabihin ng lolo niya na pati ang hanging hinihinga niya ay galing kay Yuan.
"Hindi ka niya binili, hija. Ibinigay lang niya ang lahat ng karapat-dapat para sa iyo bilang magiging asawa niya."
Natigagal siya. "Kaya ba lahat na lang ng gusto niyang gawin ko, kailangan kong sundin? He already got a hold on me?" Tiniyak na ni Yuan na mahahawakan siya nito sa leeg. Hindi na siya makakawala pa. "He is a hard man. How can I stay with him? And once he finds out about my deception, he won't marry me anymore."
Paano kung tuluyan nang magalit si Yuan sa pamilya niya at pabayaan sila? Kaya niyang mabuhay nang mag-isa. Pipilitin niyang suportahan ang lolo niya. Pero paano kung hindi nito makayanan ang kahihiyan? Mababawi pa ba niya iyon?
"That would be Yuan's decision. Siya lang ang makakapagsabi kung dapat nga kayong magpakasal o hindi. Pero hangga't hindi pa nangyayari iyon, wala kang karapatan na tanggihan siya. He became responsible for you all these years and you must return the favor."
Hindi na ba talaga matutuloy ang kasal nina Quincy at Yuan? Will she break-off the engagement?
Paano pag nalaman na ni Yuan kung sino talaga siya?
Don't forget to comment, vote, and rate this chapter.
I will have a school tour for Booklat soon. Di ko pa alam kung saan pero ia-announce ko rin soon.
And see you on September 15, 2019 sa SMX Mall of Asia for my Manila International Book Fair Book Signing. Pwede kong i-sign ang Stallion Books ninyo at iba pang books.