webnovel

SEMESTRIAL BREAK

Biyernes ng hapon nung nag-announce ang adviser namin ng SEMBREK NA itong susunod na linggo. Tuwang-tuwa naman ako, kasi sa wakas makakasama na ako sa Quezon. Uwian na! kaniya kaniya na kaming diskarte sa pag-uwi. Nagtanong sakin si Eljin kung gusto ko bang mag-extra sa pinapasukan niyang restobar. May gig daw ulit sila, punta nalabg daq ako dun kapag gusto ko. Nagdadalawang isip ako, kasi baka maaga ang alis namin papuntang Quezon. Kaya pag-uwi ko ay ginamit ko yung bike ni kuya papunta kela Daisy. Upang malaman ko kung anong oras ang alis. Pero wala pa si Daisy dun, kaya Daddy niya ang naka-usap ko. "8am ang alis natin bukas" sabi ng dad niya.

Ok po, salamat! sabi ko naman sabay alis na. Para makasama pa ako sa gig. Nakakahiya naman kasi, wala manlang ako baong pera kaya sumama muna ako sa Tug-tugan. Apat na oras lang naman, mula 10pm to 2am. Tumugtog kami hanggang magdamagan dahil sa maraming nagrerequest. At tinaasan ng may-ari ng resto ang TF namin. Kaya umabot kami ng alas singko ng umaga.

Malaki ang kinita ko pero wala pa akong tulog, kaya pag-uwi ko nagbigay muna ako kay nanay ng pera bago ako pumunta kela Daisy baka ako ma-late at maiwanan.

7:35 na nung dumating ako sa bahay nila, pinapasok ako ng katulong nila,,

Si Daisy po? tanong ko

Nasa room pa niya, nagbibihis na siya, sagot ni aling Linda.

Mamaya at tatawagin ko, dugtong pa niya.

Ok po, salamat! sabi ko naman.

Nang may biglang kumalabit sa likuran ko,

Si Daisy, alam ko agad na paparating na siya kasi sa amoy niyang napakabango.

Sayang di man lang kita nagulat, sabi niya.

Pano mo ako magugulat, malayo ka palang naamoy na kita! pabirong sagot ko.

Ok lang ba pabango ko? tanong niya

Oo naman, ayos lang, di naman masakit sa ilong. Para ka lang namang anghel, na kahit malayo pa ay alam kong ikaw na yan. pabiro kong sagot.

Kala ko di kana darating eh, antagal mo kasi eh. malambing na sabi niya.

Ahmm, napasama ako sa resto kanina, sa totoo lang kakauwi ko lang. Tumugtog kami, para naman may pera ako at mabilhan ko sila nanay ng pasalubong pag-uwi ko. sagot ko sakanya.

Aahh,, kaya pala mejo namamaga mga mata mo. Dun ka nalang mamaya matulog sa kotse, kawawa ka naman pala, awang-awa na sabi niya sakin.

Next time sama naman ako jan! sabi pa niya.

Oo ba, basta payag mga magulang mo. sabi ko

Payag yan! akong bahala! sagot niya.

Pero bar yung papasukin natin, baka kung anong isipin nila! nagaalalang sagot ko.

Basta, leave it to me. Akong bahala sayo! sabi niya.

Narinig ko na naman ang expressions niyang "akong bahala sayo". Kahit nangangamba ako sa magiging reason niya, ipinaubaya ko nalang din sakaniya. Mas ok nga yun eh, para magkasama kami palagi. Yun lang naman gusto ko, pero baka bastusin siya ng mga lasing dun. Bahala na, kasama naman niya ako eh.

Come on let's go! sabi ng dad niya.

Pumasok na siya sa passenger seat, hinila niya ako para magkatabi daw kami. Ang mom niya nasa harap, ang dad niya ang nagddrive.

Iho, do you know how to drive a car? tanong sakin ng dad niya.

Hindi po!, tugon ko.

Dun sa Quezon, tuturuan kita sabi ng Dad niya.

Naku, wag na po, baka magas-gasan ang kotse niyo. sagot ko

Edi bayaran mo! pabiro niya.

Kaya kita tuturuang magdrive kasi ikaw nalang magdrive para sa anak ko, kapag gusto niya mag-shopping, ikaw nalang tatawagin namin. sabi ng dad niya.

Sir, gusto ko po sana yang offer niyo pero....

Wala ng pero pero. sabi niya, babayaran nalang kita.

Naku sir, payag nalang po ako na turuan niyong magdrive at ako magddrive para kay Daisy, pero wala po akong sinasabing nagpapabayad po ako, seriyosong sagot ko.

Ok ganito nalang, Di ka nagpapabayad, sige scholar kana lang namin hanggabg college. sabi niya.

Natahimik ako nun, nag-iisip ako ng isasagot ko, nawala din ang antok ko, pero biglang nagsalita si Daisy.

Pag di mo tinanggap ang offer ni daddy sige ka, di na talaga kita papansinin kahit kailan.

May kirot sa puso ko nung nasabi ni Daisy yun, kasi alam kong totohanin niya yun.

Osige na nga.. ok na po, tinatanggap ko na po yung offer niyo. sagot ko.

Good! mabait ka kasi, kaya magaan ang loob namin sayo. sabi ng dad ni Daisy.

Anong pangarap mo iho? Gusto ko po maging graphic artist. sagot ko.

Ikaw anak anong gusto mong course? tanong ng mommy niya.

Med Tech po! sagot niya

magkaiba kayo ni Dhon? tanong ulit ng mommy niya,

Opo, ayos lang po yun. basta pareho kami ng school, sagot ni Daisy.

Di ko na namalayang nakaka-tulog na pala ako.

Di na talaga kaya ng mata ko, Ginising nalang ako ni Daisy nung nasa kilalang fastfood na kami, para kumain. Matagal na pala akong nakasandal sa balikat niya, hiyang-hiya talaga ako.

Iho, gising kana pala, napasarap ka ng tulog ah! sabi ng mom niya.

Oo nga po eh, sorry po, nakatulugan ko kayo. nahihiyang sagot ko.

"Ano bang ginawa mo kagabi at san ka galing?"

Sa resto bar po, napasama ako sa kaibigan ko para tumugtog po. sagot ko

Aah kaya naman pala, sige ok lang yan. Maganda nga yan para kahit nagaaral ka, may income ka diba? sabi ng dad niya.

Opo, pero first time ko po yun! Di ko po talaga ginagawa ang tumugtog sa resto. sabi ko.

Kaya nga po dad, gusto ko din makita sa dhon tumutugtog sa resto, sama po ako minsan ha dad! sabi ni Daisy

Naku sir, wag niyo po sana payagan, baka po bastusin siya dun ng mga lasing. sabi ko.

Anjan ka naman eh, sabi ni Daisy.

Halla siya sige, payag ba ako, pero ikaw ang bahala sa anak namin. Alam mo naman, unica hija ko yan. sabi ng dad niya.

Malaking responsibilidad ang bigyan siya ng proteksyon, lalo pa at babae siya. At di pa ako mahilig sa gulo. Pero tinanggap ko ulit ang sinabi sakin ng dad niya.

Kumain kami sa isang sikat na fastfood sa may Isabela banda. 12:00pm na, apat na oras na din ang biyahe. Pagbalik namin sa kotse, nagpahinga lang saglit tapos biyahe na naman kami,

Sanay ang dad niyang bumiyahe bg malayo kasi yun na talaga nakaugalian nila tuwing long weekend ay nag-oouting or umuuwi ng Quezon. Every 4hrs kami humihinto, para maka-idlip yung dad niya,

Pero si Daisy naman ang nakasandal sa balikat ko, siya naman ang tulog.

Kahit na nangangawit na ako, ok lang! wag lang siyang maantala sa pagtulog. Nagising lang siya nung naramdaman siguro niyang tumutulo na laway niya, hehehe

Ayy sorry! natulo na pala laway ko, dimo ko ginising. sabi niya na mejo nahihiya.

Ayos lang yan, para di mo na ako mausog, kasi nilawayan mo na ako. hehehe,, biro ko

Kinurot niya ako sa tagiliran ko, pero kunwari masakit. Yun pala nakikiliti ako.

Oo anglakas ng kiliti ko sa tagiliran.

Malapit na tayo! sabi ng mom niya.

Mag-12am na nung makarating kami sa bahay nila. Pero gising pa mga katulong nila sa kakaantay samin. Itinuro sakin ang silid ko, Pagpasok ko palang sa silid ah nahiga na ako. Nakakarelax, angsarap iunat ang mga paa ko, anlambot ng kama. Matutulog na sana ako nung may kumatong sa pinto, si Daisy.

Bakit? tanong ko

Wala, ahm gusto ko lang magpasalamat kanina, at goodnight narin. sabi niya

Good night din, sweet dreams! sabi ko

Pagkahiga ko ay tulog agad ako. At napakasarap ng tulog ko, iba talaga kapag malambot ang kama, di tulad ng kama ko sa bahay namin, banig at karton lang ang sapin. 10am na ako nagising. Ganun din si Daisy, dahil sa pagod sa biyahe.

Nag-alok agad ng kape yung mga kasambahay nila, pero sabi ko, ako nalang magtimpla, kasi di naman ako amo nila.

Pinaubaya naman sakin.

Ansarap magkape, kasi malamig sa lugar nila. kahit alas diyes na ng unaga, nalamig parin.

Good morning po sir! bati ko sa dad ni Daisy.

Good morning din iho! sagot naman niya.

Tapos niyaya niya ako sa paligid bg bahay nila.

Kopiyang-kopiya lahat ng design na ginawa ko.

Nakakaramdam ako ng saya sa sarili ko, nagiging proud ako sa mga nagawa ko. Yung fountain, yung pagsasaayos ng mga halaman, Yung kubo, at mga pathways, alam kong ako nagdesign nun kasi gusto ko ganun ang design ng bahay ko sa future. Meron pa silang pinapadesign saakin, yun naman yung taniman nila ng mga gulay at mga fruit bearing trees. May mga alaga din silang hayop, may mga baboy, manok, itik, pabo, pato, mga baka, kabayo at kalabaw.

Grabe, namangha ako sa yaman nila Daisy,

Mas lalo akong nagkakaroon ng dahilan upang magaaral ng mabuti at maging katulad ng dad niya na naalaga din sa mga kasambahay nila. Di sila matapobre, bagkus tumutulong sila sa mahihirap na gaya ko. Kaya marami ang nagtatagal sakanilang tauhan sa hacienda. Kung magkano ang kita ng hacienda ay hati-hati sila, basta mapalabas lang ang naging puhunan. Di ko napansin na sumusunod na pala si Daisy sa likuran namin.

"Mukhang malalim pinag-uusapan niyo dad ah." sabi niya.

Di naman iha, pinapakita ko lang kay Dhon ang design niya.

Ano dhon? maganda ba? tanong ni Daisy.

Mas maganda pa kesa sa inaasahan ko! sagot ko.

Mas maganda pa sakin? tanong niya ulit.

Ahaha, si dad mo makakasagot niyan. sagot ko.

Ano dad?

Hindi iha, mas maganda ka kesa sa design ni Dhon,, mas maganda ka kasi design ka namin ng mommy mo. biro ng dad niya.

* * * *

Próximo capítulo