Dito sa lugar na ito'y talagang may mga pangyayaring di maipaliwanag ng isip. Katulad nalang kanina, habang naglalakad kami nina Daisy at dad niya sa bakuran ay may nakita akong baboy damo na kulay itim, karipas nga takbo papalayo sa amin. Tinanong ko sila kung nakita ba nila yun, ang sabi nila ay hindi daw. Pero may mga naiwang marka ang baboy damo. Iniisip ng dad niya na baka yung anak ng hardinero nila ang may gawa.
Di ako mapakali, pero kinalma ko sarili ko, ibig sabihin ako lang nakakita dun?
Nagyaya si Daisy maligo sa ilog,
Tara dad! sama ka sa ilog? tanong niya sa dad niya
Sige lang iha, kayong dalawa nalang ni Dhon, isama niyo nga pala yung anak ng ating hardinero baka gusto niya sumana. sabi ng dad niya
Sige po, sagot naman ni Daisy.
Sumama ang tatlong bata sa amin. Si Rico 9yrs old. Si Carlo 12 at Clara 14. Magkapatid si Carlo at Clara, si Rico naman ay pinsan nila. May dala-dala kaming pagkain, para pag nagutom kami ay dun na kami kakain.
Pagdatin namin sa ilog, malayo palang ay may napansin na akong mga dalagang naliligo din, nakaputi silang damit, may mga bulak-lak sa tenga. Ang gaganda nila at ampuputi, umaawit pa ng nakakaakit na kanta dahil sa ganda ng boses nila. Pero pagdating namin sa pinaka-baba ng ilog ay biglang nawala ang mga babae.
Isip-isip ko, siguro ay bantay sila ng kalikasan kaya pinangaralan ko muna yung mga bata.
Oh mga bata, naikwento naba sainyo ng inyong nanay at tatay na may mga diwata dito? tanong ko
Opo kuya! madalas daw po silang maligo dito! tumindig ang balahibo ko sa sagot ng mga bata pero wala sigurong masama kung maliligo din kami dun, wag lang kami magkakalat. Nagulat din si Daisy sa akin kasi wala naman siya kinukwento tungkol sa diwata pero bakit alam ko.
Ok, totoo ang mga diwata, pero mababait sila, bantay lang sila ng kalikasan. Ang laging habilin ng diwata ay "huwag na huwag tayong magkakalat dito sa ilog". O di kaya ay manira ng kalikasan. Diba ate Daisy? sabay tanong ko si Daisy
Tama!!! kaya tara na ligo na tayo sa ilog! hikayat niya.
Sige, mauna na kayo at may gagawin lang ako. sabi ko.
Humingi ako ng abiso sa mga diwatang nakita ko kanina, at nagpakita ulit sila saakin. "Ako si Marikit" "Maraming salamat sa pag-papangaral mo sa mga bata". "Sana tuparin ninyo ang mga sinabi ninyo" sabi ng diwata.
Opo mahal na diwatang Marikit. Ako po ang bahala sa mga bata, sa totoo lang po, di ako makapaniwala sa nakikita ko. Di ko rin po alam kung paano gamitin ang kakayahan kong binigay saakin ng kaibigan kong si Dindi. nalulungkot na sabi ko.
Si Dindi? Madalas yun dito, ewan ko lang kung anjan pa, may nagugustuhan kasi daw siyang tao. Pero sabi namin sakanya na bawal makipag-relasyon sa tao. Pero pwedeng kaibiganin. sabi namin sakanya.
Opo, yun din po ang sinabi niya saakin., sige po maraming salamat po ulit.
Di ko alam na nakikita pala ako ng tatay ni Rico, si mang Fabian., nakikita niya rin yung diwatang kausap ko., pero nung bigla akong umalis papunta kela Daisy ay nawala na din ang mga diwata, nagtataka naman si mang Fabian sa nakita niya.
Sa ilog ko mas nakilala si Daisy, magaling din pala siyang lunangoy, napaka-puti niya sa tubig, parang kumikinang na porselana ang kaniyang balat. napaka-ganda rin ng hubog bg katawan niya. Nasa bandang gitna siya ng ilog, yun ang pinaka-malalim na parte. Nang biglang nag-cramps ang mga paa niya. Akala ko nagbibiro lamang siya nung time na yun pero parang papalubog na siya. Dali-dali akong tumalon sa ilog para sagipin siya., Sa bandang leeg ko siya hinawakan at hinila papunta sa mga bato. Pagdatibg namin sa mga bato, ok na siya! pero masakit parin binti niya. Dahan-dahan kong ibinabalik ang mga daliri sa paa niya na parang kusang umaangat. Nagkacramps ka! taranta kong sainabi sakaniya. Naninigas din ang binti niya kaya unti-unti kong minamasahe para bumalik sa dati.
makalipas ang isang minuto, ay ok na siya,
"Salamat ha! " sabay yakap sa akin.
Kung di dahil sayo, siguro wala na ako ngayon. Utang ko sayo abg buhay ko Dhon.
"Tama na! Wag ka na magdrama jan" Sakanya ka magpasalamat! Sabay turo sa itaas.
Akay-akay ko siya nung pauwi na kami,, "Anong nangyari? " tanong ng dad niya
"Nasa gitna ako ng ilog nung bigla pong nanakit ang binti ko, nagka-cramps, buti nalang sinagip ako ni Dhon.
"Kaya sayo ko ipinagkakatiwala ang anak ko kasi alam kong kaya mo siyang bantayan at proteksyonan". sabi ng dad niya sakin.
Salamat po, coincidence lang po siguro, at di ko rin po alam na ganun ang mangyayari. sagot ko
Halla, magbanlaw na kayo sa banyo at magpalit na kayo, sabi ng Mom niya.
Pero kinikilig talaga ako nung yumakap siya sakin, di ko lang masabi ang tunay na nararamdaman ko kapag kasama ko na siya. Nabubulol ako, ganun naman talaga, kapag seryoso ka sa taong nahal mo, halos di mo mabigkas ang salitang gusto mo sabihin sakaniya. Di ko alam kung anong meron kami ni Daisy, basta ayaw ko nang malaman yun. Ang mahalaga, mahal ko siya higit pa sa kaibigan.
Pagkatapos maligo ay ipinasyal niya ako sa kanilang hardin. Paborito niya daw ang lugar na yun kasi dun sila naglalaro at nagkkwentuhan ng kaniyang lolo. Yung hardin na yun ay isa din sa design na ginawa ko, pero magaling lang talaga ang hardinero nila, kasi angganda ng landscape. Mas maganda pa sa inaakala ko. May dala-dala din pala siyang camera. Kaya nagpapa-picture kami sa dalagitang si Clara.
'Kapag napa-develop ko ito, bibigyan kita ng copy mo, para may remembrance tayo dito." sabi niya
Kuya Dhon, kayo naba ni ate Daisy? udyok na tanong ni Clara.
Naku! Clara! alam mo, napaka-bata mo pa para jan! Atsaka, di ako sasagutin ni ate Daisy mo noh, malaki ang agwat namin sa buhay! sagot ko.
"Bakit di mo subukan"? Tanong ni Daisy.
Para akong nasa dulo ng mundo, konting kilig nalang tatalon na ako sa sobrang tuwa.
Intense ang tanong sakin na yun ni Daisy, pero aaminin ko, sobrang nasurprise ako dun.
Talaga? Di ka magagalit? tanong ko
Bakit naman ako magagalit? Mas maganda nga yun para alam ko kung san ako lulugar jan sa puso mo. Malay mo, tayo ang itinadhana. dag-dag niya.
Umaawit ang puso ko sa mga narinig kong mga salita sakanya. Di ako makakibo, di ako makatingin sa mata niya, kasi para niya akong tinutunaw.
* * * * *
Nasa salas ako nun, iniisip ko yung mga sinabi saakin ni Daisy kanina. 8:00 na ng gabi, nang may tumawag sa pangalan ko.
Si mang Fabian. kinompronta niya ako tungkol sa nakita niya sa ilog.
mang Fabian: sino yung kausap mo kanina sa ilog?
ako: po?
mang Fabian: narinig mo ako.
ako: maniniwala po ba kayo kung sasabihin kong diwata ang kausap ko knina sa ilog?
mang Fabian : diwata? sus me! Pano mo nalamang may diwata dun?
ako: di ko po alam, basta nagpakita lang po sila sa akin. Wala naman po ako nalalaman sa mga kwento-kwento dito na may diwata.
mang Fabian: may kakaiba kang kakayanan bata, alagaan mo yan at wag mong gamitin sa masama.
ako: opo
Si mang Fabian ay naniniwala sa mga anting, at nga orasyon. Kaya nakitaan ko siya ng isang kwintas na yari sa tanso. At meron din siyang kulany puti sa kaniyang katawan. Di ko alam kung ano yun, pero malakas ang pakiramdam kong proteksyon niya yun.
Nang buksan ko ang aking silid upabg matulog na ay nakita ko si Daisy, andun sa salas. Parang may inaantay.
"Anong ginagawa mo jan?" tanong ko
"Inaantay ka, san kaba nanggaling?" tanong niya
"Kay mang Fabian, tinawag niya ako, nagtanong lang kung anong nangyari kanina sa ilog" sagot ko
Aaahh,, "di ako makatulog, iniisip kita, sa tingin ko kulang pa yubg pasasalamat ko sayo sa pagsagip mo saakin"
"Wala yun! Ginawa ko lang ang makakaya ko, atsaka sa Diyos ka magpasalamat, wag sakin"
Kamusta na pala binti mo? tanong ko
"Ok na siya, nawawala na ang sakit. Osige, matutulog na ako,! Goodnight!!! sabay halik sa aking pisngi.
Para na namang kumpleto ang araw ko, Di ko maipaliwanag ang kilig ko. Di ko ito makakalimutan, yung unang halik niya sa akin.
Lumililipad na naman ang isip ko, may tugtog akong naririnig sa aking isipan. Kinuha ko ang ballpen at papel upang isulat ang mga liriko na nasa isip ko. Ang title ng kanta ay "Ikaw at ako"
"IKAW AT AKO" by Dhon2x
G-Em7-C9-D
I. NAPATITIG, AKO SA IYONG MATA,
IBANG-IBA TALAGA ANG IYONG... GANDA..
II. HINDI ALAM KUNG PANO,
IKA'Y NAGING SERIYOSO
AT AKO AY NAPA-IBIG MO.
BIGLANG NAGKAHIYAAN,
TAYO'Y NAPALIGIRAN
NG BULAK-LAK AT HALAMAN..
CHORUS
DIBA'T IKAW,
ANG AKING REYNA AT AKO ANG IYONG HARI
SA DAIGDIG
NA TAYONG DALAWA ANG
NAMUMUNO AT NAGMAMAY-ARI..
III.
HINIHILING KO
SA LANGIT NA
DI NA SANA MAGLAHO,
O KAY SARAP TALAGA
ANG MABUHAY
SA PILING MO!
(REPEAT 2ND STANZA, CHORUS)
(CHORUS ULET PERO MABAGAL NA ANG PAGKANTA)
* * * * *