Maaga pa lang ay nag-rounds na si Gerald kaya maaga pa lang din ay nakasamabakol na ang mukha ni Axel.
"Today is the day, Dani. You can go home now and take a rest for three days then you can come back sa work." Nakangiting sabi ni Gerald. "Thank you Dr. Cr...I mean, Gerald." Sabi ni Dani na binago ang pagtawag sa doctor ng makita itong nakatingin sa kanya ng seryoso. Lalo naman nainis si Axel sa harap harapang pag-flirt ng doctor sa kanyang girlfriend.
"Bakit pag ikaw ang bumabanggit sa pangalan ko, ang sarap pakinggan." Sabi ni Gerald. Ngumiti si Dani. Nag-iinit naman ang punong tainga ni Axel. Pero maya-maya ay ngumisi dahil may naisip na kalokohan.
"Doctor Cruz, will the poison affect our baby?" Tanong ni Axel. Nasamid bigla si Dani at tumingin kay Axel. Si Gerald naman ay natigil sa pagsusulat at tumingin kay Dani. "Are you pregnant?" Gulat na tanong ni Gerald. "Yes, she is and we're planning to see an OB today." Si Axel ang sumagot. Nawala sandali sa sarili si Gerald. Si Axel naman ay may ngiting tagumpay sa mukha. Si Dani naman ay hindi makaimik. Bumalik sa kanya bigla ang ginawang kalokohan kahapon.
"I knew a very great OB, I can refer you to her." Sabi ni Gerald ng makabawi sa pagkabigla. "Oh, no need for that doctor, we can manage." Sabi ni Axel. "Oh, ok. I'll go ahead. Puntahan ko pa ang ibang patients ko." Sabi ni Gerald. Alanganing ngumiti si Dani samantalang abot tenga ang ngiti ni Axel.
Palabas na ng pintuan si Gerald ng madinig magsalita si Axel. "Baby, huwag mong pahirapan si mommy ha para makagawa agad kami ng kapatid mo paglabas mo, ok?" Sadyang nilakasan ni Axel ang boses para siguradong madinig ni Gerald ang sinabi niya. Sinarado na ni Gerald ang pinto na may ngiting sawi sa mukha.
Pinalo naman ni Dani si Axel sa braso. "Aray!" Sabi ni Axel na hinihimas ang brasong nasaktan. "Ano bang kalokohan ang ginawa mo!?" Tanong ni Dani. "Ms. Monteverde, sa iyo ko lang nakuha ang idea na iyon." Sabi ni Axel na nakatawa. Umikot lang ang mata ni Dani.
"Sir, nakaready na po ang mga sasakyan." Sabi ni Dalton ng pumasok ito sa kwarto. "Ok, let's go." Sabi ni Axel sabay hawak sa kamay ni Dani. Pero bago pa sila makalabas ay tumunog ang phone ni Axel.
"Yes, pare. Anong balita?" Tanong ni Axel kay Zack na nasa kabilang linya. "Pare, mas makakabuti siguro kung magbakasyon muna kayo ni Dani. Napag-alaman ko na may kumuha sa mag-inang Mateo sa ospital. Hindi pa namin sigurado kung si Britney ang may pakana pero malakas ang kutob ko na may kinalaman siya." Sabi ni Zack. Dumiin ang pagkakahawak ni Axel sa kamay ni Dani. "Sige, pare, salamat sa info." Sabi ni Axel.
"Dalton, ibahin natin ang ruta ngayon, didiretso na kami sa Davao. Siguraduhin ninyo na walang makakalapit sa amin." Sabi ni Axel at tumango si Dalton. Lumabas ito para masecure ang buong ospital.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Dani. "Nawawala ang mag-inang Mateo. Sabi ni Zack ay may kumuha sa mga ito pero hindi pa nila alam kung sino at kung saan dinala ang mag-ina." Sabi ni Axel na ikinaputla ni Dani. "Hey, huwag kang matakot, nandito ako. Hindi ako papayag na makuha ka din nila." Sabi ni Axel at niyakap ng mahigpit si Dani.
Habang papunta sa airport ay tinawagan ni Axel any kanyang mga magulang pati na din ang mga magulang ni Dani. Sobrang nag-alala ang mga ito pero pinangako ni Axel na siya ang bahala kay Dani. Pinatiggil muna ni Axel ang pagpapatayo ng second branch ng Karozza. Gusto muna niyang magconcentrate sa safety ni Dani.
Tinawagan naman ni Dani si Aubrey at Cleo. Gaya ng iba ay nag-alala din ang dalawang dalaga sa kanilang kaibigan pero alam nilang gagawin lahat ni Axel para sa security ni Dani.
"Ma'am, binago po ng kampo nila Axel ang ruta nila ngayon at mukhang aalis po sila dahil nasa airport na po sila ngayon." Sabi ng isang bayarang tauhan ni Britney. "Hayaan ninyo muna silang magpakasaya. Magpalamig muna tayo para hindi sila magduda. Pagbalik nila ay saka ulit tayo kikilos. Si Siguraduhin ko na mawawala ang mag-inang iyon sa landas ko." Sabi ni Britney at tumawa na akala mo luka-luka.
Nakasakay na sila sa private jet ni Axel ng tumawag ang binata kay Jax at Roco. Nagulat ito sa ibinalita ng binata. "Sige, pare, kami na ang bahala." Sabi ni Jax.
Kasama nila Axel at Dani ang limang bodyguards at si Dalton. Naiwan ang iba para siguraduhin naman ang kaligtasan ng mga mahal nila sa buhay na naiwan sa Manila. Natuwa naman si Dani na kakaunti lamang ang bubuntot sa kanya ngayon. Pagkatapos ng kalahating oras ay nasa Davao na sila. Pagbaba nila sa jet at natulala si Dani. Tumingin kay Axel at ngumiti lang ang binata.
"Ano ko, Presidente ng bansa?" Tanong ni Dani ng makita ang mga lalaking nakaitim na Amerikana. "Maryosep, Axel, si Dalton at ikaw ay tama na. Hindi mo na kailangan tawagin ang buong Davao para lang bantayan ako." Pagmamaktol ni Dani. "Mahal, ngayon lang ito. Hangga't hindi ako sigurado sa kaligtasan mo, they will stay here and secure your safety." Sabi ni Axel at walang nagawa si Dani. Alam niyang kapakanan lang niya ang iniisip ni Axel pero "Sobrang OA lang talaga ng lalaking ito. Sabi ni Dani sa sarili.
Hindi sila sa penthouse ni Axel pumunta kundi sa isang malaking bahay na may dalawang palapag. Ang bahay sa lugar ay malalaki at halatang mayayaman ang nakatira. Ngunit magkakalayo ito at may matataas na pader. Bawat poste ng kuryente ay may rotating cctv na nakakonekta sa guard house na akala mo ay police station sa laki. Bago ka makapasok ay may dadaanan kang scanning device para sa tao at para sa sasakyan. Napa WOW si Dani sa mga nakita.
"Grabe, ang yamam ng boyfriend ko! Pwede na pa lang hindi na ko magtrabaho. Kayang kaya mo naman pala akong buhayin." Nakangiting sabi ni Dani. "Hindi sa akin iyan. Sa amin tatlo nila Jax at Roco yan. Pagkailangan namin mag unwind ay diyan kami nagstay. Ikaw pa lang ang unang babaeng nakapasok dito." Sabi ni Axel at hinila na siya papasok ng bahay.
Sinalubong sila ng mag-asawang Boy at Susana na caretaker ng bahay. "Magandang umaga iho. Matagal tagal ka ding hindi napasyal dito ah." Sabi ni Aling Susana. "Oho nga, medyo naging busy po sa trabaho." Sagot ni Axel. "Nagulat nga kami ng sabihin ni Jax at Roco na dadating ka na kasama ang asawa mo." Sabi naman ni Mang Boy. Namula naman si Dani sa nadinig.
"Nako, iha, hindi ba sumasakit ang ulo mo sa batang to? Mabait naman iyan, anak, ang kaso ay talagang habulin ng babae pero huwag kang mag-alala, ikaw pa lang ang babaeng dinala niya dito." Patuloy na salita ni Aling Susana. "Si nanay talaga, nagbago na po ako." Sabi ni Axel na inakbayan ang matandang babae. "Aba'y dapat lang! Napakaganda ng asawa mo at mukhang mabait." Sabi ni Mang Boy.
"Mabait talaga iyan tay, may pagkaluka-luka nga lang." Sabi ni Axel na inakbayan ang dalaga. Tumingin si Mang Boy sa labas at nakita ang madaming kalalakihan na mga kala mo aso ng nagbabantay sa labas ng bahay.
"May nakabangga ka bang malaking tao, anak?" Tanong ni Mang Boy kay Axel. "Hindi po ako tay, mabait kaya ako." Sagot ni Axel. "Eh bakit ang dami mo naman kasama ngayon?" Sabi ni Mang Boy na nakatingin sa labas. "Kailangan ko po kasing gawing ligtas ang babaaeng ito kasi pagnasugatan po kahit hinliliit lang niyan ay marami pong bubugbog sa akin." Nakatawang sabi ni Axel. "Ikaw talaga bata ka, puro ka kalokohan. Mag-ayos na nga kayo at na makakain na tayo. Isang baranggay pala ang kasama ninyo. Buti na lang at madaming pinaluto si Roco. Tiyak na maya-maya lang ay dadating na din ang mga iyon." Sabi ni Aling Susana.
Sumunod naman ang dalawa. Pumasok na sila sa kwartong nakalaan sa kanila. "Saan nga pala magstay sila Dalton?" Tanong ni Dani. "Mayroong available na guardhouse sa malapit. Mag shifting sila. Huwag mo na silang intindihin, matatanda na ang mga iyon. Ako na lang ang intindihin mo saka ang baby natin." Nakatawang sabi ni Axel. "Sira!" Sabi ni Dani at pumasok na sa CR para magshower at magpalit ng damit.