Kinagabihan ay dumating na nga sila Jax at Roco. Sabay-sabay silang naghapunan at pagkatapos ay nagkwentuhan sa veranda.
"Kayong dalawa, kailan naman kayo lalagay sa tahimik gaya ni Axel?" Tanong ni Aling Susana kay Jax at Roco. "Naku nay, wala pa po sa isip namin ang magpasakal este magpakasal. Enjoy pa kami sa buhay namin na malaya." Nakatawang sagot ni Jax. "Saka nay, wala pang babaeng kasing ganda ni Dani ang bumibihag sa amin." Sagot naman ni Roco.
"Naku, itong mga batang ito, ako pa talaga lolokohin ninyo. Kung di ko pa alam eh pare-parehas kayong babaero. Pupunta lang kayo dito para takasan ang mga babaeng pinaiyak ninyo. Buti na lang itong si Axel ay nakahanap na ng katapat niya." Patuloy ni Aling Susana. Natawa naman ang tatlo lalaki.
"Iha, kapag pinaiyak ka ni Axel ay sabihin mo agad sa amin. Nakatago pa yung dos por dos na tinabi ni Tatay Boy mo." Sabi ni Aling Susana na nagpangiti kay Dani. "Huwag po kayong mag-alala Nay Susana, ako po mismo kukuha ng dos por dos sa inyo para ipalo sa kanya." Sabi ni Dani at tumawa naman si Susana.
Naku po, at nagkampihan pa kayo. Masabi nga kay Tay Boy na itagong mabuti yung kahoy at baka madurog ang buto ko sa inyong dalawa." Nakatawang sabi ni Axel. "Aba at may balak ka talagang paiyakin si Daniella?" Sabi ni Susana na akmang papaluin si Axel. "Nay, good boy na ko. Baka ako nga ang umiyak sa babaeng ito dahil sa dami ng nagkakagusto." Sabi ni Axel na tumingin kay Dani.
"Hindi mo masisisi si Daniella. Maganda talaga naman kaya ikaw, gawin mo lahat ng hindi siya maagawa sa iyo ng iba." Sabi ni Susana at sumaludo naman si Axel na ikinatawa ng lahat.
"Nasaan ba si Tatay Boy?" Tanong ni Roco na luminga-linga sa veranda. "Baka kumuha ng paborito ninyong alak. Oh, hayan na pala." Sabi ni Susana ng makita si Boy na may hawak na dalawang bote ng alak.
"Tay, mukhang mapapalaban na naman kami ah." Sabi ni Jax na nagpangiti sa matanda. "Matagal tagal din tayong hindi nakainom nito. Masarap ito dahil bagong gawa." Sabi ni Boy. Kumuha si Susana ng mga baso at saka nilagyan ni Boy ng laman ang bawat isa.
"Iha,tikman mo at tiyak na magugustuhan mo ang lasa." Sabi ni Boy. Tumingin naman si Dani kay Axel at ng tumango ito ay saka lumagok ng konti. Nang malasan ni Dani na masarap nga ay parang tubig na ininom ang isang baso. Napatitig ang lahat sa kanya.
"Masarap nga!" Sabi ni Dani. "Pahingi pa tay." Nakangiting sabi ni Dani na nilapit ang baso kay Boy. "Nako, iho, ako yata ang mapapalaban sa asawa mo." Sabi ni Boy at natawa ang iba. "Hinay-hinay lang, mahal, malakas ang sipa niyan sa bandang huli." Paalala ni Axel pero nagulat na naman sila ny maubos na naman ni Dani ang isang baso.
"Iha, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Susana ng makitang namumula na si Dani. "Opo, nay, masarap, parang juice lang." Nakatawang sabi ni Dani. "Isa pa po!" Patuloy ni Dani. Tumingin si Boy kay Axel. Natatawa naman si Jax at Roco dahil alam nilang may amats na si Dani.
"Enough." Sabi ni Axel. "Please, last na 'to. Tay Boy!" Sigaw ni Dani. "Tama na. Namumula ka na oh." Saway ni Axel. Nagulat ang binata ng lapitan siya ni Dani at bigyan ng isang mabilis na halik sa labi. "Last na, please..." Nagpapacute na sabi ni Dani. Natawa si Axel sa itsura ng dalaga. "Last na talaga?" Tanong ni Axel at tumango si Dani. Natawa naman ang mga kaharap nila.
"Cheers!" Sigaw ni Dani. Nagpatuloy ang kwentuhan nila sa Veranda. Nang bumagsak ang ulo ni Dani sa balikat ni Axel ay saka lang nila namalayan na nakatulog na pala ito.
"Mabuti pa ay dalin mo na siya sa kwarto ninyo ng makahiga na siya ng maayos." Sabi ni Susana. Tumango si Axel na medyo may tama na din. Binuhat niya ang dalaga at naglakad na papunta s kwarto nila.
"Tay, Nay, aalis na din po kami." Paalam ni Jax at Roco na lasing na din. Tumango lang si Susana. Nang tumayo ang dalawa ay deretso na sila sa...kwarto. Natawa si Susana. Sa tuwing malalasing ang tatlo ay sasabihin na uuwi na sila pero lagi lang sa kwarto ang tuloy ng mga ito. "Mga batang ito." Sabi ni Susana na iiling-iling. Tumingin si Susana sa asawa at nakita na nakatulog na din ito sa silya. "Ikaw ang pinakamatanda pero ikaw ang pinakapasaway. Mag-aaya ka ng lasingan pero ikaw ang unang babagsak." Sabi ni Susana at inalalayan na si Boy papunta sa kanilang kwarto.
Maingat na binaba ni Axel si Dani sa kama. Iniayos niya ito at saka kinumutan. Nagulat siya ng biglang magmulat ng mata si Dani at ngumiti. "Mr. Axel Monteclaro!" Sigaw ng dalaga. Tinakpan ni Axel ang bibig ni Dani dahil sa lakas ng boses nito. "Ssshhh, huwag kang maingay at natutulog na sila." Sabi ni Axel. Tumango si Dani. Pagkatanggal niya ng kamay sa bibig ng dalaga ay nagsalita na naman ito pero pabulong na lang. "Mr. Axel Monteclaro." Sabi ng dalaga. Natawa si Axel.
"Tindi ng amats mo." Sabi ni Axel na nakatawa. Ngumisi si Dani. Pagkatapos ay tinanggal ang kumot at saka tumayo. Nagulat si Axel ng tanggalin ni Dani ang butones ng kanyang damit. Nataranta si Axel.
"Sandali, bakit ka naghuhubad!?" Tanong ni Axel na pinipigil ang kamay ni Dani. "Ano ba, mainit eh." Sabi ni Dani na tuluyan ng natangal ang mga butones ng damit at lumantad kay Axel ang mapang-akit na dibdib ng dalaga. Napalunok si Axel pero ipinilig niya ang ulo para gisingin ang sarili.
"Naka-aircon tayo, paanong mainit!?" Sabi ni Axel na sinarado ang harapang damit ni Dani. "Mainit nga!" Sabi ni Dani at pilit na tinanggal ang blouse niya. Napalunok muli si Axel ng tuluyan ng natanggal ni Dani ang blouse niya. "Naku, Daniella!" Inis na sabi ni Axel at nakakaramdam na din ng kakaiba init sa katawan niya.
Lalong nanlaki ang mata ni Axel ng isinunod naman ng dalaga ang pang ibabang suot nito. Parang itinulos na kandila si Axel na nakatingin sa katawan ng dalaga. Hinilamos niya ang kamay sa mukha at huminga ng malalim.
Si Dani naman ay walang pakialam sa binatang nasa harap niya. Nang makaramdam siya ng ginhawa ay muli na siyang nahiga. "Ganyan ka matutulog?" Tanong ni Axel. Tumango ang dalaga "Sisipunin ka sa gingawa mong iyan!" Sabi ni Axel pero parang walang nadinig ang dalaga. "Daniella!" Tawag ng binata pero hilik na lang ang sinagot ng dalaga.
Bumuntong hininga si Axel at nagdesisyong maligo para mabawasan ang kakaibang init na naramdaman. Nakatulong naman ang tubig, ang kaso, paglabas niya ay nag-init na naman ang pakiramdam niya. Kinumutan niya ang dalaga at nagpasalamat ng hindi nito tinanggal ang kumot. Tiningnan niya ang dalaga na mahimbing ng natutulog.
"Isa kang napakagandang tukso." Sabi ni Axel saka sinubukang matulog pero madaling araw na ay hindi pa din siya datnan ng antok. Bumuntong hininga siya at nilingon si Dani. "Sarap ng tulog mo ah, samantalang ako, dilat na dilat pa." Sabi ni Axel sa sarili.
Unti-unti ng lumiliwanag sa labas. Nagdesisyon na lang si Axel na bumangon. Kakamustahin na lang niya ang mga tao sa labas kaysa bantayan ang tuksong katabi niya.