webnovel

My Poor Heart

Eksantong alas sais ng umaga ng tumunog yung alarm ng cełlphone ko. Agad akong bumangon para may oras pa kong gawin yung morning routine ko at syempre ang pinaka una dun ay ang mag kape. Tumawag ako sa front desk para sana magrequest ng hot water. Pero yung security guard ang sumagot na wala pa daw silang staff na pweding magdala ng hot water pero pwedi naman daw akong magpunta ng kitchen sa ground floor para mag init may mga gamit naman daw doon.

Nakalimutan ko di pa nga pala operational yung hotel kaya limited ang staff nila. Di na ko nagpalit ng suot kasi limitado lang ang damit kong dala kaya hinay hinay ako sa pagpapalit. Agad kong kinuha yung tuwalya at isinablay sa balikat ko para matakpan yung sando kong suot. Usually kasi ganun lang ang porma ko kapag natululog sando at pajama kumportable kasi ako sa ganung suot. Itinali ko nalang yung buhok ko sa isang messy bun kasi tinatamad pa kong magsuklay.

Pagdating ko sa kitchen agad akong nagsalang ng mainit na tubig. Habang hinihintay kumulo yung iniinit ko naghugas ako ng tasa at kutsasa na gagamitin ko.

''Oh... it's a beautiful life it's a beautiful day... ohh... when the sunshine yeah!" Napapakanta pa ko nang may biglang may pumasok sa kusina na ikinagulat ko.

Paglingon ko nakita ko si Sir Martin pawisan mukang galing lang mag jogging may maliit din na tuwalya na nakasampay sa balikat niya. Naka suot siya ng sando na makikita mo yung ma muscle niya at naka pang jersey na short habang naka pangtakbong sapatos. Para siyang sunshine sa umagang nakaka silaw.

Nagkatinginan kaming dalawa mukang nagulat din siya ng makita ako parang huminto ang buong paligid ng ilang segundo pero agad din kami nagiwasan ng tingin.

"Good Morning!" Bati niya sa akin na labis kong ikinagulat.

Bigla ko tuloy nabitawan yung tasang hinuhugasan ko buti nalang di nabasag. Habang siya dumiretso sa kinakatayuan ko muli akong napatitig sa kanya kung anu-anu na ang tumatakbo sa isip ko yayakapin niya ba ako o kikiss takbo ng imagination ko pero ang ending pala papatayin niya lang yung kalan kung saan kanina pa kumukulo yung sinalang kong tubig.

"Asumera!" Sabi ko sa sarili ko.

"Mainit na yung tubig mo!" Narinig kong sabi niya na nakapabalik ng ulirat ko.

Marahil di niya na natiis akong sabihan kasi nga ay nanatili paring akong tulala. Kaya agad akong nilagyan yung tasa ko ng mainit na tubig habang ang mga mata ko ay nakasunod parin sa kanya. Napansin kong kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at agad ding lumaba di man lang niya ako tiningnan na para bang walang ako dun. Di ko man lang nagawang gantihan siya ng bati dahil nga sa pagkakabigla ko.

"Feeling mo lang yun na nagpapansin siya sayo pero ang ending nagmumuka ka lang tanga!" Reklamo ko sa sarili ko habang bumabalik ako sa kwarto ko.

"Okey na ko!" Sambit ko sa sarili ko sa harap ng salamin.

Need kong mag focus sa trabaho kaya dapat alisin yung mga makakasagabal.

Nakasuot ako ng blue ng polo shirt na may logo parin ng aming kumpanya habang pantalon yung pang ibaba ko na pinarisan ko ng puti kong sneaker. Itinali ko yung buhok ko ng mataas na pony tail kahit basa pa para di maka sagabal sa gagawin ko ngayong araw.

Naglipstick ako ng light pink at nagpulbos lang. Di na ko nagpabango kasi alam ko naman pagpapawisan lang ako mamaya. Mabilis kong isinukbit yung bag ko at dumiretso sa may security room kung saan naabutan ko roon si Sir Albert.

"Good Morning Sir Albert!" Magalang kong bati at sinabayan ko ng ngiti.

"Morning din Ms. Michelle!" Ganting bati niya sakin.

"Kape?" Offer niya sa akin habang umiinom siya sa kanyang tasa.

"Okey lang Sir! Tapos na po, salamat!" Magalang kong tanggi habang inilagay ko yung bag ko sa may upuan.

"Nabanggit po ba sayo ni Sir Martin kung saan tayo magsisimula?" Muli kong tanong habang inilalabas na yung laptop ko para ready.

"Wala pa siyang instruction sa akin. Basta ang sabi niya lang kahapon is siya daw yung mag supervise nung project para sure na matatapos kaya wait nalang muna natin siya."

"Ah.. ganun po ba?"

"Yes Ma'am!" Pero pinagana ko naman na lahat ng device para mamaya pagdating niya tuloy-tuloy na tayo."

"Okey po!" Dahil wala pa nga yung magmamando ng dapat naming gawin naisip ko munang check yung facebook account ko sa phone.

Naisip kong ipost yung mga picture na kinunan ko kahapon. More on view yung pinost ko di rin kasi ako mahilig mag selfie. Nabubuksan ko lang ito pag ganito naghihintay at di pweding matulog. Ako kasi yung tipo ng taong mas gugustuhing matulog kaysa magbabad sa facebook. Pero pag nakakapunta ako sa mga magagandang lugar di ko imaiwasang mag post. Nagcheck din ako ng mga notification.

Nag-message sakin si Anna, One of my best friends nung college parehas kami ng kursong Electrical Engineering sa UP. Kaya halos araw-araw kaming magkasama. Nangangamusta siya pero dahil nga late ko ng nakita di na ko sumagot. Ex ko yung Kuya niyang si Christopher, matanda lang siya samin ng isang taon.

Sinagot ko siya nung third-year college ako at siya naman ay fourth-year sa kursong Architecture.

Naging kami for five years pero di rin naging maganda yung ending namin. Kahit na inakala kong siya na yung lalaki para sakin. It's been two years pero di pa ko pumasok sa panibagong relasyon kasi natatakot ako para saking puso.

"My poor Heart!" Sambit ko na bahagya ko pang kinapa paano kasi matagal na yung di tumitibok para sa lalaki pero ang pinagtataka ko ngayon parang lagi na siyang pumipintig ng gaya nito.

"Thump... thump...," at nung magtaas ng tingin bumungad sakin si Martin na kapapasok lang at talagang napaka guapo niyang tingnan.

"Good Morning!" Masayang bati ni Sir Ronald na kasunod niya kaya bigla akong napatayo at bumati na rin.

"Good Morning din Sir!" Masayang bati ko di ko na binanggit yung pangalan parehas naman silang Sir bahala na sila.

Napaka masayahin niya talagang tao laging nakangiti. Samantalang yung Boss niya ang aga naka kunot na ang nuo. Mukang masama nanaman ang gising.

"Ano nanaman kaya problema niya?" Takang tanong ko sa sarili ko kasi naka tingin siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin pero di niya alam kung paano uumpisahan.

Próximo capítulo