"Mukang okey naman siya kanina nung magkita kami sa kusina?" Nasambit ko.
Kasi nga di nanaman maipinta yung muka niya marahil sa almusal baka di nakakain ng masarap o kaya baka di natunawan. Naputol yung pag-iisip ko ng magsalita si Sir Martin.
"Saan tayo magsisimula?" Masungit niyang tanong.
Nagkatingin kaming tatlo ako, si Sir Albert at si Sir Ronald parang nagpakiramdaman kaming tatlo kung sino sasagot sa tanong ni Sir Martin pero dahil nga lahat sila naka tingin sa akin wala akong nagawa kundi sumagot.
"Ikaw po Sir, kung saan niyo po gusto?" Kiming sagot ko.
Lalong kumunot yung noo niya nung narinig yung sagot ko. Bigla niya kong inirapan na labis kong ikinagulat kaya napilitan uli akong magsalita kasi mukang di siya okey sa suggestion ko na siya na ang bahala.
"Mauna nalang tayo sa Sir sa parking area habang di pa mainit." Muli kong suggestion.
"Okey!" Maikling tugon at dali-daling tumalikod para lumabas.
Muli kaming nagkatinginang tatlo bago ngumit sa isat-isa at sumunod sa kanya. Hirap talagang makisama sa taong moody.
Hinintay ko si Sir Albert na nagsara na ng pinto bago kami sumunod kina Sir Martin at Sir Ronald na sabay ng naglalakad.
Malamang tumakbo si Sir Ronald kasi sa laki ba naman ng hakbang ni Sir Martin di mo siya maabutan sa pamamagitang ng ordinaring lakad.
Pagdating namin sa parking lot. Inutusan ko si Sir Ronaldo na lumabas muna sa parking area na gamit yung kotse niya para pa test yung boom barrier. Habang pinapagana namin ni Sir Albert yung parking si Sir Martin nakaupo sa pwesto ng guard seryosong nakatitig sa monitor kung saan nakikita niya kami.
Nung nasigurado kong okey na lumapit ako sa pwesto ni Sir Martin.
"Excuse me Sir!" Sabi ko sakanya para magalaw ko yung monitor.
Tumayo siya sa kinauupuan at ibinigay sa akin yung upuan niya.
"Okey lang Sir tayo na lang po ako!" Tanggi ko.
Di niya ko pinakinggan at iniwan yung upuan at tumayo sa likod ko.
Wala akong choice kung di umupo na lang at gawin ang trabaho ko. Pero andun parin yung pag-iingat ko na wag ko siyang masagi or madampian yung balat niya.
Dahil nga sa distance namin sa isa't isa di ko maiwasang maamoy yung pabango niya na ay pagka-clean at casual scent pero di nawawala yung pagka-masculine at sexing amoy niya.
Di ko maiwasang mapalunok lalo nung maramdaman ko na nilagay niya yung kamay niya sa ibabaw ng sandalan ng upuan ko buti nalang di yung dumikit sa likod ko kaya napilitan akong umabante para di kami magdikit.
Kahit nakatitig ako sa monitor di ko maiwasang tingnan din yung reflection ni Martin na maaninag mo rin sa monitor. Naka polo shirt siya puti na naka tuck in sa kanyang pantalon at naka snikers ng item. Kung tutuusin halos parehas kami ng porma naka blue nga lang akong polo shirt at puting snickers.
"Start na po tayo Sir?" Tanong ko nung mapansin kong naka titig din siya sa reflection ko sa monitor.
"Sige!" Maiksi niyang sagot.
Kaya agad kong kinuha yung phone ko sa may bulsa ko at tinawagan ko si Sir Ronald.
"Hello Sir, Ready ka na po?" Magalang kong sabi.
"Opo Ma'am, ready na ko!" Exited niyang sagot sakin.
"Okey po start na po tayo! Dahan dahan ka pong pumasok!" Utos ko.
Nang makita ko na papasok na yunh kotse ni Sir Ronald agad akong nagexplain kay Sir Martin.
"Makikita mo Sir, habang papasok yung sasakyan inii-scan na kagad siya ng cctv. Kinukuha niya na kagad ang plate number at modelo ng sasakyan. Yan yung ginagawa ng isang camera yung pangalawang camera naman siya yung kumukuha ng image ng driver at ng mga pasahero. Makikita mo Sir kahit di binaba ni Sir Ronaldo yuhg bintana malinaw parin yung picture niya dito. Sabay turo sa image niya sa monitor. Yung third na camera siya yung mag scan ng kabuuan ng kotse para siyang x-ray ng sasakyan dito mo makikita kung anong dala ng customer mo kung may dala ba siyang baril, kutsilyo, pagkain, inumin at kung ano ano pa. Kung wala naman naging problema pintudin mo po ang enter bubukas na po ung barrier para makapasok sila." At yun nga yung ginawa ko kaya biglang umangat yung barrier at dahan dahang pumasok yung sasakyan ni Sir Ronald.
Habang nagpapaliwanag ako nanatili lang yung mata ko sa monitor kay lang di ako naging comfortable kasi feeling ko pinaglalaruan ni Martin yung dulo ng buhok ko kaya nung matapos ako agad ko siyang nilingon. Kitang kita ko kung paano niya hinawakan yung dulo ng buhok ko na agad din niyang binitiwan ng bumalikwas ako pero para sa kanya parang bale wala lang iyon sa halip na magpaliwanag ay nagtanong.
"What if maraming sakay yung sasakyan? Seryosong tanong niya.
"If ever pong maraming sakay kukunin parin po nung camera yung mga image nung pasahero. Wait po pakita ko." Sagot ko pero sinadya ko ng ilagag yung buhok ko sa may harapan ko para wala na siyang chance na mahawakan iyon.
"Si Albert, kuya Guard pwedi po ba sakay muna kayo sa kotse ni Sir Ronald may ipapakita lang po ako kay Sir Martin." Utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod.
Naging maayos naman ang lahat ng testing ng boom barrier kaya lang sa dami ng tinanong niya at pinagawa natapos kami mag e-eleven na ng tanghali.
"Kain muna tayo!" Sambit ni Sir Martin na mukang napagod sa katatayo.
"Sige po!" Sagot ko naman paano napagaod narin ako ng kadadaldal.
Maliban pa sa bibig ko na kailangan ng magpahinga, pagpapahingahin ko narin yung puso ko na kanina pa malakas ang kabog paano kapag nagsasalita si Sir Martin napaka lapit niya sa akin. Andun yung yuyuko siya kapag may tuturo sa monitor habang nagsasalita kulang nalang ipatong yung baba niya sa balikat ko or idikit yung pisngi niya sa pisngi ko. Kaya nga minsan nag-iinit na yung muka ko sa ginagawa niya para bang inaakit niya ko.
Dahil nga break muna pinili ko ng lumayo sa kanya pero di pa ko nakaka tatlong hakbang ng tanungin niya ko.
"Saan ka pupunta?"
"Balik po muna sana ako sa room ko Sir para kumuha ng wallet para makakain." Paliwanag ko.
"Sumama ka naman samin nila Ronaldo at Albert mag lunch." Sabi niya sa akin pero sa the way niya sinabi yun parang utos yun na bawal tumangi.