Sa pagkakataong ito, gusto sanang magsalita ni Han Ruchu pero walang
lumabas na salita mula sakanyang bibig.
Kung may pinaka malungkot na tao sa lahat ng mga nangyari, si Xu Jiamu yun
kaya habang nakaluhod, bigla siyang yumuko na abot hanggang sahig.
"Sorry, Ma."
Ang mga salitang iyon ay simpleng paghingi ng tawad ng isang anak.
Dahil alam niya na kahit anong sabihin niya ay tumatak na sa puso't isipan ni
Han Ruchu na isa siyang suwail na anak.
Muling nabalot ng katahimikan ang buong interrogation room at ilang minuto
rin siyang nanatili sakanyang posisyon, bago siya dahan-dahang tumayo.
Tinitigan niya ng diretso sa mga mata si Han Ruchu at bumulong, "Magingat
ka."
Pero pagkalipas ng ilang minuto, wala siyang nakuhang kahit anong sagot,
kaya bandang huli, tumalikod nalang siya at malungkot na naglakad palabas.
Samantalang si Han Ruchu ay nakatitig lang sa likuran ni Xu Jiamu habang
naglalakad.
Pero nang mahawakan na nito ang pintuan, hindi niya na napigilan ang sarili
niya at punong-puno ng emosyon na sinabi, "Jiamu, alagaan mo ang sarili
mo."
Napakasimpleng mga salita, pero sapat na ang mga ito para madurog
nanaman ang puso ni Xu Jiamu. Mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay Han
Ruchu at nakangiting sinabi, "Ma, hihintayin kitang makalabas."
Habang sinasabi niya ito, nagdadasal din siya na sana pagkalipas ng
labindalawang taon ay pumabor sakanila ang tadhana at makalabas talaga
ang mama niya sa presinto. Sa panahon na yun, siguradong puro puti na ang
buhok nito, kaya sisiguraduhin niya na babawi siya at aalagaan niya ito
hanggang sa huli nitong hininga.
Pero hindi niya naman akalain na hindi na pala nito mahihintay ang
labindalawang taon….
-
Habang inihahanda ang lahat ng kakailanganin para sa 'big day' nina Qiao
Anhao at Lu Jinnian, sobrang daming ideya ang pinagsama-sama para maging
perpekto ito, pero noong mismong araw na ng kasal, lahat sila ay hindi
makapaniwala sa sobrang ganda ng kinalabasan dahil para silang literal na
nasa fairy tale.
Punong-puno ang paligid ng mga chandelier, may mga petals ng bulaklak na
walang tigil sa pagbuhos, shaig na salamin, mga lamesang magaganda ang
pagkakaayos, isang siyam na palapag na cake na kasing tangkad na ng
tao…at isang malaking screen na nagfaflash ng mga prenuptial pictures nina
Qiao Anhao at Lu Jinnian, na sinabayan pa ng mga nakakakilig na kanta.
Pagsapit ng alas dose impunto, nagsidatingan na ang mga bisita.
Kaya pagtungtong ng alas dose kinse, umakyat na ang assistant ni Lu Jinnian
sa stage para maumpisahan na ang programa.
Alas dose bente singko, pinaakyat na nito ang groom sa entablado at
nagsipalakpakan ang lahat.
Base sa astrology, alas dose trenta'y tres ang maswerteng oras para
magpakasal kaya ibig sabihin may walong minuto pa bago pumasok ang bride,
at bilang master of ceremonies, sinamantala ng assistant na usisain si Lu
Jinnian ng mga katanungang matagal ng bumabagabag sakanya habang
nagpapalipas ng oras.
"Narinig ko na nagkaroon kayo ng pekeng kasal ng bride noon, at ayon sa
isang mapagkakatiwalaang source, ayaw daw ng bride na malaman ng lahat
ang tungkol dun, kaya ang tanong ko ngayon, paano ka napapayag ng bride?"
'Hay nako… Halata namang sinusulit ng lalaking 'to ang pagkakataon na
mangusisa… Pero pasalamat ka dahil araw ng kasal ko ngayon…' Itinaas ni
Lu Jinnian ang microphone at walang pagdadalawang isip na sumagot, "Noong
gabi ng pekeng kasal naming, binigyan niya ako ng tatlong rule."
AHA! Dahil sa sagot ni Lu Jinnian, lalo pang naging interesado ang assistant.
"Ano naman ang tatlong rule na yun? Naalala pa kaya yun ng groom natin?"
Naalala? Paano niya naman kaya makakalimutan? HELLO? Lahat kaya ng
sinabi ni Qiao Anhao, masakit man o nakakakilig, ay tandang-tanda ni Lu
Jinnian.
Sa totoo lang, sobrang nasaktan siya ng tatlong rule na tinutukoy niya, pero
ngayon, isa na ito sa mga pinaka paborito niyang mga salita.
Muli, kalmado niyang itinapat ang microphone sakanyang bibig at sinabi,
"Hindi mo ako pwedeng hawakan sa publiko.
"Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino na misis mo ako.
"Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino na tumitira tayo sa iisang bubong."