Sa tagal ng pagkakakilala ng assistant kay Lu Jinnian, ngayon niya lang
narinig na may taong kinayang kausapin ang amo niya ng ganun ka'bossy
kaya lalo pa siyang humanga kay Qiao Anhao. "Sobrang tapang pala talaga ng
bride natin…"
Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, nakita niyang nakatingin ng
masama sakanya si Lu Jinnian. Para sa mata ng ibang tao, mukhang normal
na tingin lang ito, pero para sakanya…alam niyang patay na siya… Kaya dal-
dali siyang tumawa at biglang pinalitan ang topic. "Pero ang mas gusto
naming malaman ngayon ay paano kaya kung ngayon ibinigay ng bride ang
tatlong rule na yun? Papayag pa rin ba ang groom natin? Hahayaan niya bang
maging lihim ulit ang kasal nila ng bride?
Kung ngayon….medyo nahuli ng assistant si Lu Jinnian sa pagkakataong ito
ah…kaya ilang segundo rin siyang nagisip bago muling magsalita, "Kung hindi
ko siya pwedeng hawakan sa publiko, edi chachansingan ko nalang siya."
At dahil sa napakapilyong sagot na ito, hindi napigilan ng mga bisita na
mapahalakhak.
'Tsk, napaka manyakis mo talaga' Muling itinapat ng assistant ang microphone
sakanyang bibig at muling nagtanong, "Eh yung pangalawang rule?"
Walang bakas ng kahit anong kaba sa itsura ni Lu Jinnian nang muli siyang
sumagot, "Kung hindi ko pwedeng sabihin sa lahat na misis ko siya, edi
sasabihin kong mister niya ako."
At dahil sobrang pilosopo, muling nagsihalkhakan ang mga bisita, na sa
pagkakataong ito ay may kasama pang palakpakan.
'Grabe, sagad na talaga ang kamanyakan mo…' Paghihimutok ng assistant sa
loob-loob nito bago ito muling magsalita, "At ang pangatlong rule naman?"
Ang pangatlong rule? Yung hindi niya pwedeng ipaalam sa lahat na nakatira
sila sa iisang bubong?
Hmmm… Halos limang segundong natigilan si Lu Jinnian kaya ang buong
akala ng assistant ay natalo niya na ito, pero noong magsasaya na siya, muli
nitong iniangat ang microphone at kalmadong sinabi, "Sasabihin ko na gabi-
gabi kaming magkatabi sa kama ni Qiao Anhao."
At kagaya ng naunang dalawang reaksyon, muling nagsilahakhakan ang mga
bisita na may kasama pang palakpakan at hiyawan.
Maging ang assistant ay napapalakpak ng wala sa oras, pero sa loob-loob
niya ay hindi niya pa rin tanggap ang kanyang pagkatalo. 'Higit pa 'to sa
manyakis eh! Hmft. Mas bagay sakanya ang salitang walang hiyang
manyakis!"
Pagsapit ng alas dose bente otso, pormal ng nagumpisa ang seremonya.
Muling tumahimik ang mga bisita at nangibabaw ang wedding march mula sa
mga speaker, na nakapwesto sa bawat sulok ng venue.
Hindi nagtagal, dahan-dahang nagbukas ang malaking pintuan sa dulo ng
mahabang aisle na gawa sa salamin, na punong puno ng mga chandelier.
Suot ang napaka gandang wedding dress, humawak si Qiao Anhao sa braso ni
Uncle Qiao at dahan-dahang naglalakad papunta sa altar.
Habang patagal ng patagal, ang kanina'y kalmadong Lu Jinnian ay pabhilis ng
pabilis ang tibok ng puso.
Halos sampung metro rin ang layo niya mula sa pintuan at medyo mabagal
ang paglalakad ni Qiao Anhao.
Pinaghalong saya at kilig ang makikita sa mga ngiti ng mga bisitang
nagaabang ng mga sunod na mangyayari.
Habang binabaybay ang kahabaan ng aisle, nakatitig lang si Qiao Anhao sa
mga mata ni Lu Jinnian.
At noong oras na para ipasa siya ni Mr. Qiao kay Lu Jinnian, masaya niyang
tinignan ang kanyang uncle at nang nakita niyang mangiyak-ngiyak ang mga
mata nito, maging siya ay naluha rin.
Dahan-dahan niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Lu Jinnian at mga
taong naglalakad sa likuran nila, ay mabagal ring sumunod sakanila papunta
sa entablado.
Sobrang gwapo ng groom at walang salita ang makakahambing sa
kagandahan ng bride.
At ang tingin ng lahat sakanila ay para silang hari at reyna.
Sa loob ng siyam na minuto, seryosong binasa ng assistant ang ceremonial
speech. Pagkatapos, maingat niyang isinarado ang pulang libro at sinabi, "Mr.
Lu Jinnian, do you take Miss Qiao Anhao to be your lawfully wedded wife? Do
you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in
health, to love her and to honor her in all the days of your life?"
Muli, tinitigan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao ng diretso sa mga mata at punong-
puno ng emosyong sumagot, "I do."