Biglang nahimasmasan si Qiao Anhao kaya dali-dali siyang umiling. Habang
nakatingin sa camera, malambing siyang ngumiti at sinabi, "Wala."
Hanggat maari, ayaw niya na sanang ikwento kay Lu Jinnian ang mga ginawa
niya kaya bigla niyang binago ang topic, "Tapos ka na sa trabaho mo?"
"Err…Pagkatapos ng twelve hours ko na meeting, kakabalik ko lang sa hotel.
May isa pa akong meeting mamayang 3 pm." Detalyadong sinabi ni Lu Jinnian
ang kanyang schedule sa tanong ni Qiao Anhao na 'oo' o 'hindi' lang ang sagot.
Ang tagal ng nagtatarabaho ni Lu Jinnian at wala na itong oras para
makapagpahnga dahil may meeting nanaman ito ng 3 pm…"Oh…" Sobrang
nagaalala si Qiao Anhao para sakanyang asawa. "Bakit hindi ka
nagpapahinga?"
"Mamaya na," malambing na sagot ni Lu Jinnian. Sinilip nito ang paligid ni Qiao
Anhao at mahinahong nagtanong, "Malungkot ka ba? Bakit magisa ka lang sa
labas?"
"Hindi." Umiling si Qiao Anhao at bahagya niyang iniangat ang kanyang phone
para ipakita ang suot niyang evening gown kay Lu Jinnian. "Umattend ako ng
ball."
Nakasuot si Qiao Anhao ng evening gown na medyo mababa sa bandang dibdib
at coat na nakapatong sakanyang mga balikat kaya nang itaas niya ang
kanyang phone, nakita ni Lu Jinnian ang halos kalahati ng kanyang dibdib.
Dali-daling umiwas ng tingin si Lu Jinnian at naiilang na sinabi, "Pumasok ka sa
loob ng sasakyan mo. Magkakasakit ka niyan."
"Maya-maya…"
Nang muling tumingin si Lu Jinnian sa screen, nakatutok pa rin ang camera sa
dibdib ni Qiao Anhao. Napalunok nalang siya at pilit na pilit na sinabi,
"Sumunod ka na."
Bakit pinagsasabihan siya ni Lu Jinnian na parang isang bata…. Hindi na siya
bata…
Ngumuso si Qiao Anhao na para bang naiinis pero sa loob loob niya, sobrang
kinilig siya. Kahit na gusto niya pa sanang makausap si Lu Jinnian ng mas
matagal, hindi niya rin maintindihan kung bakit biglang nagkusa ang katawan
niya na tumayo at maglakad papunta sakanyang sasakyan.
Hindi naman naputol ang tawag pero imbes na video call ay ginawa muna ni Lu
Jinnian na voice call. Alam niya naman na ligtas sa Beijing pero natatakot pa
rin siya na baka maaksidente si Qiao Anhao kapag nagvideo call sila habang
nagmamaneho ito.
Ayaw niyang madistaract ito, kaya hindi rin siya masyadong nagsasalita habang
nasa byahe ito.
Walang ibang marinig si Lu Jinnian kundi ang galaw sa loob ng sasakyan,
samantalang si Qiao Anhao naman, na nakasuot ng earphones, ay rinig na rinig
ang tunog TV mula sa kabilang linya. Kahit na hindi ito nagsasalita, ramdam ni
Qiao Anhao na kasama niya pa rin si Lu Jinnian kaya sobrang panatag niya
habang nagmamaneho.
Pagkatapos niyang mag'maniobra sa loob ng Mian Xiu Garden, dali-dali niyang
tinanggal ang kanyang earphones at pinatay ang voice call para makapag'video
call sila ulit. Pagkasagot ni Lu Jinnian ng tawag, sinalubong niya ito ng
malambing na boses, "Nakauwi na ako."
"Oo nga," Sagot ni Lu Jinnian. Ngayon na naguusap na sila ulit, medyo
nakakagulo ang tunog ng TV kaya dali-dali niya itong mi'nute. "May gatas sa
ref. Wag mong kakalimutang initin muna yan para makatulog ka ng mahimbing."
Kapag nasa bahay si Lu Jinnian, siya ang laging nagiinit ng gatas para kay
Qiao Anhao. Masaya siya sa tuwing ginagawa ito kaya kahit ngayon na nasa
ibang bansa na siya ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang kanyang mga
responsibilidad.
"Hmm.." Nagpalit muna si Qiao Anhao ng tsinelas bago siya maglakad papunta
sa kusina. Habang hinihintay niyang uminit ang gatas, muli siyang sumilip sa
screen, kung saan nakita niya si Lu Jinnian na nanunuod ng ng financial news
sa naka'mute na TV. "Hindi ka pa ba pagod?"
Tumingin sakanya si Lu Jinnian at malambing na sinabi, "Maya-maya, hindi pa
ako inaantok."