Kinuha ni Qiao Anhao ang mainit na gatas at gamit ang isang straw, humigop
siya sandali at pabirong sinabi, "Nagkakainsomia ka nab a sa sobrang
pagkamiss mo sa akin?"
Hindi niya inaasahan ang lalabas sa bibig niya kaya bigla siyang nahiya
pagkatapos niyang magtanong….
Dali-dali siyang yumuko dahil hindi niya kayang tignan si Lu Jinnian sa screen.
Maya-maya, pasimple siyang sumilip at nakita niya na nakatitig sakanya ang
napakagwapong lalaki na nasa kanyang screen.
Biglang bumilis ang tibok ng puso at namula ng sobra ang mukha ni Qiao
Anhao sa sobrang kahihiyan kaya muli siyang yumuko at hindi mapakaling
humigop ng kanyang gatas, pero bago niya ito malunok, bigla itong sumagot,
"Oo."
Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin ni Lu Jinnian. "Uh?"
Tinitigan ni Lu Jinnian ang hindi mapakaling si Qiao Anhao at ngumiti. Bago
siya sumagot, sumandal muna siya sa unan na nasa likuran niya. "Sabi ko oo,
namimiss kita."
Sa loob ng ilang araw nila bilang magasawa, hindi niya pa nasasabihan si Qiao
Anhao ng kahit anong sweet na salita.
Ito ang unang pagkakataon.
Parang biglang huminto ang tibok ng puso ni Qiao Anhao at sa sobrang kilig,
napakagat nalang siya sakanyang straw. Ilang sandali rin siyang hindi
nakapagsalita bago siya sumagot ng isang simpleng 'Oh'.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay nakatitig lang sakanya.
Sobrang nahihiya talaga si Qiao Anhao kay Lu Jinnian kaya nakayuko lang at
hindi makatingin dito. Pagkalunok niya ng gatas na nasa kanyang bibig, dahan-
daha niyang binitawan ang straw at nahihiyang sinabi, "Miss na rin kita."
Pagkatapos niyang magsalita, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Sa loob ng maraming taon niyang minamahak si Lu Jinnian, kahit pa noong
araw na gumawa siya ng eksena sa America, hindi niya pa nito nagagawang
kausapin ng ganito kaseryoso.
Ito ang unang pagkakataon.
Noong sandaling 'yun, parang tumigil ang lahat ng nakapaligid sakanila.
Bandang huli, hindi na kinaya ni Lu Jinnian kaya siya na mismo ang nagisip ng
bagong nilang mapaguusapan. Itinaas niya ang kanyang daliri at ikinaway sa
camera. "Tignan mo, nagpasa."
Tinignan ni Qiao Anhao ang daliri na ikinakaway nito—may mga bakas ng
ngipin at kulay dark violet ito.
Kaninang madaling araw, pinunit niya ang marriage certificate niya at kinagat
ang daliri nito… Noong oras na 'yun, magkahalong takot at galit ang
nararamdaman niya…. Kaya buong lakas niya itong kinagat, pero hindi niya
naman akalain na ganun kalala ang mangyayari….
Napanguso nalang si Qiao Anhao sa sobrang kahihiyan.
Nagpalit si Lu Jinnian ng mas komportableng posisyon sa kama bago siya
malambing na nagpatuloy, "Habang meeting, nakita 'to ng lahat kaya tinanong
nila kung saan ko raw 'to nakuha."
"Ah?" Biglang nanlaki ang mga mata ni Qiao Anhao sa gulat. "Anong sinabi mo?
Sinabi mo ba na ako?"
"Hindi," Sagot Lu Jinnian para mapanatag si Qiao Anhao bago siya muling
magsalita, "Sinabi ko na parang nabaliw yung tuta ko kahapon at kinagat ako
kaya sabi nila, kailangan ko raw magpainject ng anti-rabies."
Hindi napigilan ni Qiao Anhao na mapahalakhak sa narinig niya pero
pagkatapos niyang tumawa, bigla niyang tinignan si Lu Jinnian ng masama. "Lu
Jinnian, tinawag mo ba akong tuta?"
Natatawa si Lu Jinnian na sumagot. "Sa tingin ko hindi ka naman ganun
kabobo."
Parang batang napikon si Qiao Anhao, "Lu Jinnian, tinatawag mo ba akong
bobong tuta?"