webnovel

Tangang Matigas Ang Ulo (6)

Editor: LiberReverieGroup

Nang makabalik na si Fan Jin sa munting tahanang kawayan, mahimbing pa ang tulog ni Fan Zhuo. Nakaupo lang siya sa labas ng kubo nang biglang dumating si Jun Xie. Bigla niya itong nilapitan at nagkwneto at sinabing pumayag si Fan Qi na pagalingin niya si Fan Zhuo sa kondisyon nito.

Nagkataong narinig ito ni Ah Jing na syang kakabalik lang din sa akademya. Biglang nakaramdam ng matinding pagkainis si Ah Jing.

Bilang opisyal na pagkuha sa kanya para pagalingin si Fan Zhuo, hindi na magbubulong si Jun Wu Xie sa araw-araw na pag-aalaga kag Fan Zhuo. Ang una niyang binago ay ang pagkain nito. Ginawa niyang medisinang pagkain ang mga ito mula sa normal na pagkain. Pagkatapos, pumunta siya sa kwarto nito, at sa isahang linis nito, inipon at kinuha niya ang mga medisina nito at mga elixirs at tinapon lahat.

Ang matinding aksyon nito at ay nagawang umiling lang si Fan Jin at patago niyang kinuha ang mga gamot at elixirs na tinapon nito, dahil bibihira ang mga ito at mamahalin, para preparasyon din sa mga di inaasahang mga sitwasyon.

Hindi kaya ng katawan ni Fan Zhuo ng kahit ano pang

traumatikong pagpapasigla, sa parehong paraan ng pag gamot sa kanya para sa kanyang sakit at mga gamot na binibigay para sa kanyang katawan. Ngunit, sa sobrang hina ng katawan nito, maaring kahit anong gamot ay maging pabigat sa katawan ni Fan Zhuo.

Isa pa sa bumabagabag kay Jun Wu Xie sa kondisyon ni Fan Zhuo ay mha pangyayari sa palibot ni Fan Zhuo na pabalik-balik.

Base sa mga dating karanasan niya, hindi lamang ito simpleng bagay na paulit-ulit na pangyayari. Sa obserbasyon niya sa katawan ni Fan Zhuo at sa pag-aalagang natanggap nito sa mga unang pagkakataon, na hindi nakatulong sa pag galing niya, ay hindi sigurado sa kaniya at hindi sapat para sa kondisyon ng kanyang kalusugan na hindi niya na ikinagulat ito sa mahabang oras. Pero ang marahas at bayolenteng pag galaw nito ng paulit-ulit, nararamdaman nyang mas may malalim pa na rason dito.

Araw-araw niyang sinusuri ang gamot, elixir at pagkain ni Fan Zhuo ngunit wala siyang nakitang rason para tumagal ang problema.

Para mas malinawagan siya, tinawag ni Jun Wu Xie si Ah Jing. Sumunod ng konti si Ah Jing pero may pagbabanta sa mga tingin nito.

Walang siyang pagpipilian kundi sabihin ng detalye ang mga pinapakain kay Fan Zhuo at dinala niya pa si Jun Wu Xie at Fan Jin sa kusina para masuri ang mga nakaimbak na pagkain. Kung ano man ang naibigay na pagkain dito ng dalawang araw ay walang pinagkaiba sa normal.

Tinanong ni Jun Wu Xie kung gaano kadalas sumasapay si Dan Zhuo sa mga paulit-ulit nito at sinagot siyang na walang bago sa ordinaryo.

Tila may parisan ang mga paulit-ulit na ginagawa ni Fam Zhuo. Minsan nangyayari ito isa sa isang buwan, minsan naman isa sa isang Linggo. Walang pagkasunod-sunod ito.

Matapos makita ang mga pinagmulan nito, hindi na nag tanong pa ulit si Jun Wu Xie at inihanda na nito ang mga kailangan oara sa pag-aalaga sa kalusugan ni Fan Zhuo.

Dahill balak nitong alamin ang kondisyon ni Fan Zhuo, sinadya ni Jun Wu Xie na gumamit ng dalawang pamamaraan. Pagkaing may gamot ang gagamitin para sa kalusugan niya sa loob ng katawan, at sa labas ay pampaligong gamot para mas lalong maging epektibo kasabay ang Acupuncture o pagtusok ng karayom sa mga katawan ni Fan Zhuo.

Nagtataka pa si Fan Zhuo sa pag-aayos ni Fan Jin na tulungan siya ni Jun Xie sa kaniyang kondisyon. Ngunit pagkatapos marinig ang paliwanag ni Fan Jin ay naintindihan niya ang gusto nitong mangyari at nagpasalamat siya kay Jun Xie sa pagligtas sa kaniya at labis na tanggap niya ang pag-aayos ni Jun Xie sa mga plano nito para sa kaniya.

Mabilis na lumipas ang limang araw. Sa limang araw na ito ni Fan Zhuo, ito na ang pinaka komportable sa kaniyang oras na iginugol niya sa mahabang panahon. Ang mga sakit na naramdaman niya noon ay nawala na at bumabalik na ang kulay sa kanyang mukha. Maaring hindi mamula-mula ang kanyang katawan gaya ng isang normal na kabataan, ngunit mas mas masigla na ito kaysa sa dati.

Binalaan ni Ah Jing si Fan Zhuo sa mga pinag gagawa nito ngunit hindi niya pinansin ito.

Nang nakikita niyang nagiging mas malapit araw-araw si Fan Zhuo at Jun Xie, biglang kamao ito at nilabas ang kanyang Ring Spirit na may dalang munting sulat.

Sa isang sulok ng akademya, nakatayo si Yin Yan sa may bandang bintana sa kaniyang silid sa dormitoryo habang binabasa ang natanggap nitong munting sulat. Ngumiti ito ng may panlalamig at umalis siya sa kanyang silid sa dormitoryo. Pa-sikreto niyang inipon ang ibang disipulo ng Zephyr Academy sa isnag madilim na sulok at nagbulong ito sa kanila.

Ang bagyo ay nananalaytay sa Zephyr Academy at ang payapa at trangkilong munting bahay na kawayan ay mawawalan ng katahimikan.

Próximo capítulo