webnovel

Ang Matinik Na Mamamatay (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa hapong iyon,bumalik si Fan Jin sa munting bahay na kawayan para bisitahin ang kapatid niya. Nang makita niya na namumula na ang mga pisngi nito, sabay siyang akampante at natuwa para dito.

Tuluyan ng may gamot ang pagkain ni Fan Zhuo. Kahit hindi ito masyadong malasa gaya ng nakasanayang paghahanda ni Fan Qi, hindi alintana ang pagbabago at malugod ang pagtanggap dito.

Hindi maipinta ang mukha ni Ah Jing nang dalhin nito ang mga plato sa mesa. Kinuha ni Fan Zhuo amg chopsticks niya at ibinaba ang kaniyang ulo para kainin ang pagkaing may gamot, at ginagawa niya ang lahat para hindi mapansin ang hindi kanais-nais na amoy nito na napupunta sa kaniyang ilong para paghandaan ang mga susunod na kakainin.

Maliit lang talaga ang kanyang gana sa pagkain at oagkatapos bigyan siya ni Jun Xie ng pagkaing may gamot sa mga nakalipas na araw, gumaling ang kaniyang mukha at naging mas masigla ang kaniyang pakiramdam. Nagsisimula na siyang makaramdam ng pagkasigla para sa masayang mga araw na darating at konting sakripisyo sa mga nais niyang kaining pagkain.

Sa kabilang dako naman kay Fan Jin, hindi ito mapakali sa lahat at ang kaniyang chopsticks ay tila gumagawa ng bilog na pagguhit sa mesa. Sa mabuting palad, mas mabilis si Fan Zhuo ngayon, at kumuha ng maliliit na pagkain sa iba't-ibang inihain at hiwalay nitong nilagay sa plato para kay Jun Xie. Kung hindi, sa bagal ng pag galaw ni Jun Xie, walang matitira sa kaniyang pagkain kapag kasabay niya si Fan Jin sa pagkain sa parehong mesa.

Maliban sa kay Jun Xie at sa magkapatid na Fan, may isang pang maliit na anyo sa mesa.

Simula ng malaman ni Fan Zhuo na hindi takot sa kaniya ang Ring Spirit nito, lagi niyang tinatanong kung pwede ba itong sumabay sa pagkain nila sa mesa.

Kahit hindi nakakakuha ng nutrisyon ang mga Ring Spirits sa pagkain ng mga mortal, hindi naman ito labag sa kanila tikman ang mga ito.

Ganito lagi ang maliit na itim na pusa. Tuwing may inihahain si Fan Zhuo, hindi ito tinatanggihan ng maliit na itim na pusa at kinakain nito ng walang pag alinlangan. Habang kumakain ito ay gumagalaw ang buntot nito sa braso ni Fan Zhuo para ito mamula.

Mabilis kumain si Fan Jin habang dahan-dahan naman si Jun Xie. Makalipas ang ilang sandali, natigil si Jun Xie sa kaniyang chopsticks.

"Ano yun?" Tanong ni Fan Jin habang inuubos ang kanyang pagkain. Napansin ni Fan Jin na halos hindi nagalaw ni Jun Xie ang pagkain nito at ang kanin nito ay halos puno pa.

''Hindi ba gusto ng panlasa mo ang pagkain?" Ibinaba ni Fan Zhuo ang sariling chopsticks at tinanong si Jun Xie, bakas sa mukha nito ang pag-alala.

Sumimangot si Jun Xie at tinikom niya sandali ang kanyang mga labi. Tiningnan niya ang pagkain sa mesa at biglang tumayo at hinugot angvhawak na chopsticks ni Fan Jin at tinapon sa sahig.

"Te… Teka, hindi pa ako tapos…" Tumingin si Fan Jin, pumikit-pikit siya ng pagtataka kay Jun Xie.

"Huwag kumain." Biglang sambit ni Jun Wu Xie.

Biglang natakot si Fan Jin at nabago ang ekspresyon nito agad. Kinuha niya bigla ang pilak na chopsticks at sinuri ang lahat na mga pagkain sa mesa. Ngunit wala siyang nakitang bakas na pangingitim sa pilak na chopscticks matapos niyang idikit ito sa mga pagkain.

"Walang lason." Sabi ni Fan Jin.

"Hindi siya lason. Ang gamot ito." Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie. Amoy na amoy sa buong silid ang pagkain. Ngunit sa nababalot nitong amoy ay napuna oa rin ni Jun Wu Xie ang nakakahilong amoy ng halaman.

Hindi niya alam ang eksaktong amoy nito pero ang sigurado niya lang ay hindi ito lason, ngunit isang uri ng gamot.

"Gamot?" Mas lalong nagtaka si Fan Jin.

Yumuko si Jun Wu Xie para isipin ang tanong at biglang pumasok sa isip niya ang sagot.

"Ang naransan na paulit-ulit ni Fan Zhui ay hindi nagkataon lamang kundi kagagawan ng kamay ng isang tao." Muling pinagtibay niya ang kaniyang hinala sa malakas niyang pagsabi nito.

"Ano!?" Galit na tumayo si Fan Jin, hlndi siya makapaniwala at tiningnan niya si Jun Xie. "Little Xie, sinasabi mo bang… may naglagay nitong gamot na ito sa mga pagkain?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Sa una, noong sinuri ko ang pulso ni Fan Zhuo, naisip kong may mali agad. Base sa kondisyon ni Fan Zhuo, hindi dapat ganun kagulo ang pulso niya."

Próximo capítulo