webnovel

10 years of love

Sa relasyon na mayroon sina Vida at Andro, Hindi nawawala ang pagtatampuhan, pag-aaway, pikunan at iyakan. Ngunit... Mas nangingibabaw sa kanila ang kasiyahan, pagkakasundo, biruan at pagmamahalan. Sa siyam na taon nilang pagsasama, ilang beses na rin silang napagod pero hindi sumuko dahil sa pagmamahal sa isa't isa. Hanggang sa umabot ang sampung taon... Mas lalong tumibay ang kanilang samahan... Sa... Sampung taon na pagmamahalan.

Joyce_Jayson · Adolescente
Classificações insuficientes
12 Chs

Kapitulo 7

"Grabe laki na ng tiyan mo."

Pilit na nakikisali sa usapan namin ni emerald si andro. May pa-party kasi sina emerald at itong fiance niya ng malaman ang gender ng baby nila. It's a girl.

"Manahimik ka nga diyan, insan. Palunok ko sayo 'tong tiyan ko!" Inis na sabi ni emerald.

"Lah, sungit mo. Mas lalo kang pumangit," pang aasar na naman ni andro.

Hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi. Dapat maging careful siya sa sinasabi niya lalo na't pregnant itong si emerald. Bawal stress.

"Aray babe. Masakit yon a." Pinandilatan ko siya ng mata ko. Simula ng makauwi ako nung nakaraang buwan, panay dikit na naman sa 'kin ni andro na para bang mawawala 'ko. Mukhang hindi na nga nagtatrabaho sa kompanya e.

"Wag kang ganyan kay emerald. Maselan yung mga buntis," pagpapaalam ko sa kanya kahit alam niya 'yun. Tumango-tango lang siya at lumapit sa fiance ni emerald na nakikipag-usap sa iba pang bisita.

"Kailan kayo magkakaroon ng anak, vida? Hindi na kayo pabata 'no. Dapat ikasal na kayo or may bata na diyan sa sinapupunan mo. Either two lang, masaya na kami!"

Natahimik ako sa sinabi bigla ni emerald. She's right, we're not getting younger anymore. Pero hindi ko rin alam e. We both busy for each other's life. Napag-usapan na namin ang tungkol dito na hindi pa nga ngayon taon. I trust andro very much. I know na may plano siya for our future.

"Ang tahimik mo," sambit ni andro na ikinalingon ko.

Pauwi na kami ngayon sa bahay ko para magpahinga. It's already 11pm ng umalis kami ni andro sa bahay nina emerald at ng fiance niya. Niyaya pa kaming matulog nalang sa kanila pero may kailangan pa akong ayusin na mga papeles sa bahay.

"Hmm? Wala naman. Pagod lang," sagot ko kay andro.

Ininom ko na ang mcfloat na inorder namin ng makadaan kami ng mcdo kasi nagutom ako bigla. Hindi naman kasi ako kumain sa bahay ni emerald, nakipagdaldalan lang.

"Malapit na din tayo, wag kang mag-aalala," he assured.

We're already here in my room at nakahiga na sa kama. Nakapag-skin care routine na rin kami bago humiga. Ilang oras na rin akong ininis ni andro hanggang sa makatulog din kami.

"Kamusta ka na Avida?" Lahat silang lumapit sa 'kin matapos magsalita ng dati kong classmate sa highschool ng makita ako.

"I'm okay, hello sa inyo," bati ko.

I'm here sa reunion naming batch nung highschool. Dito kami nagkita-kita sa restaurant na isa pagmamay-ari ng fiance ni emerald. Nagulat din ako nung nakita ang fiance ni emerald pero casual lang laming nagbatian kanina.

"Kamusta naman life mo? Balita namin malapit na ipamana sayo ang company niyo. Kamusta lovelife?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa dami nilang tanong pero may nasagot rin naman ako ng pa unti-unti after nilang magbato ng mga tanong.

Natigilan ako sa pakikipag-usap sa kanila ng biglang nag-text sa 'kin si andro na nasa labas daw siya ng restaurant. May pupuntahan daw kami na hindi ko naman naalalang may pinag-usapan kami.

"Girls, kailangan ko nang umalis. I'm sorry sobrang bilis ko lang dito. Promise babawi ako," I assured.

Tumango-tango naman sila at sinabing naiintindihan ako. Bago pa ako tumayo ay may humawak sa balikat ko. Tumayo ako ng makitang si andro pala.

"Tara na, may appointment pala ako mamayang gabi e," agad na turan niya. Magsasalita sana ako ngunit naunahan na 'ko ng isa sa mga ex-classmates ko.

"Ang gwapo! Anong name niya, vida? Pakilala mo naman kami sa friend mo!"

Kita ko ang paigting ng panga ni andro at ramdam ko na biglang napalitan ng negative vibe ang aura na happy mood niya kanina.

"Hindi, boyfriend ko. Si Leandro Sevilla," pagpapakilala ko kay andro sa kanila.

"Ay siya ba 'yan? My god, ang gwapo pala sa personal! Hindi ka namin nakilala Kasi nakashades ka. Balita ko performer ka daw dati bilang singer?"

"Kung hindi ka magpapaalam ngayon na, hindi tayo matutuloy," bulong sa 'kin ni andro.

Dahil sa banta o kung ano man ni andro ay nagpaalam na 'ko sa kanila. Nandito na kami sa parking lot sa harap ng kotse ni andro.

"Pumasok ka na sa kotse, friend," binigyang-diin niya pa ang word na friend.

Humalakhak ako at hindi siya pinansin. Hindi naman nila sinasadya pero ang pikon nitong lalaking 'to. Bumuntong-hininga nalang ako. I fastened my seatbelt habang pinaandar na ni andro ang kotse.

Hindi ko pala natanong kay andro kung saan kami pupunta pero nanahimik nalang ako. Mukhang hindi ako sasagutin nito dahil sa inis pa rin niya. Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa huminto na ang sasakyan.

Tatlong oras rin ang biyahe namin. Naka-idlip ako kanina pero nagising rin agad at nag-social media nalang.

"We're here," he said, seriously.

Lumabas na siya sa kotse ng hindi man lang sinasabihan o magpaalam man lang. Mukhang galit nga siya. Pero dahil ba sa friend? Natawa nalang ako bigla. Kahit kailan super childish niya. Mawawala rin yang galit niya mamaya. Isang kiss ko lang 'don bibigay na 'yon. Ganon siya karupok.

Binuksan ko na ang pinto at tumakbo para habulin si andro. Nandito pala kami sa mall pero hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa elevator.

"Babe, are you mad?" Tanong ko kahit halata naman.

"Hindi," Tipid na sagot niya.

Galit nga.

Gusto ko siyang lambingin pero, mamaya na. Aasarin ulit ako e. I-enjoy ko muna 'tong tahimik at hindi siya nangungulit bago kami makarating sa floor na hihintuan nitong elevator.

Ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto at mabilis na lumabas si andro. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa pumasok kami sa may exhibit.

Anong gagawin namin dito?

Nauna si si andro na pumasok sa exhibit pero nag-alangan pa 'ko ng unti kaya nahuli ako. Binuksan 'ko ang pinto at nagulat sa tunog ng pagsabog ng confetti sa ulo ko.

"Happy 7th anniversary, babe!" Hindi ako nakapagsalita pagkatapos ng surpresa ni andro. Inilibot ko ang paningin sa ibang family namin na nandito.

So ito pala sinasabi niya. Usually kasi nagce-celebrate kami ng anniversary ng gabi. May appointment si andro mamaya kaya hindi matutuloy so ngayon nalang.

Niyakap ko kaagad si andro ng mahigpit.

"Happy 7th anniversary babe. Akala ko galit ka," pag-amin ko sa iniisip kanina. So hindi pala talaga.

"Nagalit ng slight. Sino bang hindi magagalit kung napagkamalang magkaibigan lang tayo, amp!" Bulong niya sa 'kin. Tumawa lang ako habang yakap niya pa rin.

Humiwalay na 'ko sa pagkakayakap ng mapansin ang lahat ng painting na nakasabit sa buong exhibit.

"T-This is all mine..." I stuttered. Ibinalik ko ang tingin kay andro na nakangiti.

"Half-half tayo sa kikitain a." Napatakip ako sa bibig at lumapit sa isa sa mga gawa ko.

Actually may binabalak ako na i-exhibit lahat ng 'to kasi nakatambak lang sa art room ko pero nauna na si andro sa balak ko palang.

"Nagustuhan mo regalo ko?" Biglang sulpot andro sa likod ko.

I kiss him on the lip quickly and hug him tightly.

Kahit na maraming tao ay wala na 'kong pakialam. I just want to show how grateful I am to have andro and to be his girlfriend for 7 years!

"I'm really happy, thank you babe!" I whispered.

_____________________________________________________________________________________________

:>