webnovel

Chapter Two

Drea's pov:

**Kinabukasan...**

Maaga kaming nag ayos at naghanda na, kanya kanya kami ng bag na suot. Si zayne lang yung may baril samin, yung shotgun nya, si kevin naman may baseball bat na may madaming pako at kay felix naman yung katana. Kay cessa yung itak (bolo knife) at ang sakin ay itong crowbar.

"Tara na." Sabi ni zayne.

+

+

+

"Papasok tayo dun sa shopping mall." Sabi ni zayne.

"Teka lang, ang daming zombie dun sa loob." Sabi ni cessa.

"At saka pag pumasok tayo doon, hahabulin tayo ng mga zombie dito sa labas." Dagdag ni cessa.

"Ganun na nga mag papahabol tayo." Sabi ni zayne.

"Wait... wait... wait..." Sabi ni cessa.

"Wait, ganito na lang para walang gulo, maghiwalay tayo sa dalawang grupo. Kasama ko si Ate cessa at kuya felix, at kami yung mag papahabol sa mga zombie, tapos ikaw ate drea sumama ka kay kuya zayne okay?" Sabi ni kevin.

"Wait, pag may nangyari saking masama iitakin ko kayong dalawa." Sabi ni cessa.

"Hahaha, bahala na." Sabi ni kevin at tumawa sila ni felix.

"Tara na." Sabi ni zayne.

Agad nga kaming tumakbo papasok sa loob at hinabol na nga kami ng mga zombie.

"Grawwrr.. rawrr.."

"Rawwrrr.. rawwr.."

"Rawrr.."

"Grawwrr.. grawwrr.."

"Sige na!" Sigaw ni felix at tumakbo na nga kami papalayo ni zayne sa kanila.

Pero may humahabol parin saming tatlong zombie.

Hindi ako makatakbo ng maayos, madulas yung sapatos ko sa tiles. Shit.

"Bilisan mo." Sabi ni zayne.

*BAANNGG!*

Binaril ni zayne yung isa sa mga zombie at agad ko namang hinubad yung sapatos at medyas ko. Napatingin naman si zayne sa akin.

"Tara na." Sabi ko.

"Grawwrr.."

"Rawwrrr."

Nag sisigawan yung mga zombie.

"Doon tayo sa may tool shop." Sabi ni zayne.

"Nakasunod parin sila." Sabi ko.

Tumigil naman sa pagtakbo si zayne at agad bumunot ng kutsilyo sa may bewang nya.

Wow.

Agad nyang sinaksak sa ulo yung isang zombie at nung huhugutin na nya yun sa ulo nung zombie ay hindi nya magawa.

Agad syang sinugod nung isang zombie pero agad nyang iniharang yung zombieng sinaksak nya.

"Rawwrrr..!"

"Grawwrr..!"

Agad naman akong lumapit sa kanila at hinampas ko ng crowbar sa ulo yung isang zombie.

Parang hindi sya nasaktan at biglang tumingin sakin.

"Grawwrr!!" Yung zombie at galit na galit.

Nabitawan ko naman yung hawak kong crowbar.

Susugudin na ako nung zombie kaya napaatras ako at napatumba paupo.

Agad namang kinuha ni zayne yung crowbar at malakas na hinampas sa ulo yung zombieng susugod sakin. Agad naman yung bumagsak at nag iba yung shape nung ulo nya.

"Oh." Sabi ni zayne at inabot sakin yung crowbar.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong nya at tumango naman ako at kinuha yung crowbar sa kanya.

"Thanks." Sabi ko at tumayo, hinugot naman nya yung kutsilyo sa ulo nung zombie.

"Tara na." Sabi ni zayne at pumasok na kami sa loob nung tool shop.

-

-

-

-

Cessa's pov:

Grupo ng mga zombie ang humahabol samin ngayon.

"Rawwrrr!"

"Grawwrr.."

"Saan tayo pupunta?!" Pasigaw kong tanong.

"Rawwrrr!"

"Sumunod lang kayo sakin." Sabi ni felix.

"Grawwrr.."

"Ayoko pang mamatay!" Sigaw ko.

"Rawwrrr!"

"Same, dun tayo pupunta sa clothes store tapos magtatago tayo sa mga damit okay?" Sabi ni felix at tumango naman ako at si kevin.

Nung nakarating na kami ay agad akong sumiksik sa mga kumpol na damit na nakasampay at nagtago.

Ganon din yung ginawa nila felix at kevin.

"Grawwrr.."

"Rawwrrr.."

"Rawwrrr..."

Yung mga zombie at hinahanap kami. Maya maya pa ay umalis na rin sila.

"Ano? Okay ba?" Tanong ni felix.

"Anong okay dun? Siraulo ka ba?" Sabi ko at natawa naman si felix.

"Kumuha ka na ng mga damit, kuhanan mo na rin si drea." Sabi ni kevin at kumuha na kami ng mga damit, kumuha rin ako ng dalawang pares na sapatos. Nakita ko pa kasi kanina na hinubad ni drea yung sapatos nya.

"Ano okay ka na?" Tanong ni felix.

"Huh? Ang bilis mo naman." Sabi ko.

"Alam ko na yung kukunin ko eh, bibilhin ko dapat kasi tong mga to, kaso nagka zombie apocalypse, edi libre ko lang nakuha." Sabi ni felix at tuwang-tuwa.

"Tuwang tuwa ka pa talaga huh, yung kuya zayne mo kuhanan mo rin." Sabi ko.

"Si kevin na yung kukuha." Sabi ni felix.

Hindi na ako nagsalita at kumuha na ako ng mga damit at jacket na pwede naming masuot ni drea.

-

-

-

Drea's pov:

Kumukuha si zayne ng tools pang ayos ng mga sasakyan ata, hindi ko alam, basta yung tool box.

Kumuha naman ako ng mga screw driver pati yung iba pa.

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ni zayne at tumingin sakin.

"Ha... Ah wala." Sabi ko, may nakita naman akong flashlight at kinuha yun. Kumuha rin ako ng mga battery.

-

-

-

-

Cessa's pov:

"Tara na, kumuha na tayo ng mga pagkain sa kabila." Sabi ni felix kaya agad kaming pumunta dun.

Agad ko namang nakita yung isang zombie at sa sobrang takot ko at tinaga ko sya ng itak sa balikat na dapat sa ulo ko itatama.

"Rawwrrr!"

Agad namang hinampas ni felix ng katana sa leeg yung zombie, napugutan at bumagsak yun.

Agad akong kumuha ng mga pagkain at tubig. Lahat ng ready to eat ay kinukuha ko.

Tumingin naman ako kay felix at puro chocolate yung kinukuha nya.

Agad ko syang sinuntok sa ulo at napadaing naman sya sa sakit.

"Aray.. Bakit?" Napadaing si felix.

"Bakit puro chocolate yan?" Tanong ko.

"Wait lang kasi, nag crave kasi ako." Sabi ni felix at natatawa pa.

"Ulol." Sabi ko.

Bumalik ako sa pag kuha ng mga makakain at tinulungan ako ni kevin.

-

-

-

-

Drea's pov:

May food store malapit dito sa may tool shop, kaya agad kaming pumasok dun.

Yung mga zombie ay nandun sa side kung nasaan sina cessa, felix at kevin. Sana ayos lang sila.

Kumuha na kami ng mga pagkain at tubig. Naghanap naman ako ng first aid kit kung meron at may nakita naman ako at kumuha na ako.

Laking gulat ko na lang ng may biglang humawak sa braso ko, isang lalaki at may kagat sya sa leeg.

"T-tu-tul-unga-ngan m-mo ako..." Sabi nung lalaki.

Pilit ko namang hinihila yung braso ko sa kanya pero hinigpitan nya ang hawak dito at ayaw akong bitawan.

"Bi-bitawan mo ko." Nauutal kong sabi.

"T-tulungan mo ko." Yung lalaki at nagiiba na yung kulay nung mata nya.

Hindi ako pwedeng sumigaw maririnig ako ng mga zombie.

Agad kong kinuha yung screw driver at agad tinusok dun sa mata nung lalaking magiging zombie na at nagsiritan yung dugo nya sa may pisngi ko at leeg at binitawan na nya ako.

"Arghhhh!!! Rawwrrr!!" Yung lalaki.

"Drea!" Sigaw ni zayne at agad tinulak yung lalaki.

Agad naman akong hinawakan ni zayne sa braso at tumakbo kami palabas.

"Ayos ka lang ba? Hinihintay na nila tayo dun." Sabi ni zayne at tumango naman ako.

+

+

+

"Saan na tayo dadaan?" Sabi ni cessa.

"Dun na lang sa may likod, papunta na sila, tara na." Sabi ni felix kaya nagtakbuhan na sila palabas.

"Grawwrr.."

"Rawwrrr"

"Rawrr"

Grawwrr!"

Marami ring zombie sa labas.

*BAAANG!*

*BAANG!*

Binabaril na ni zayne yung mga zombieng papalapit sa amin.

"Umakyat na kayo sa bakod." Sabi ni zayne.

+

+

+

Tuluyan na kaming nakaakyat sa kabilang bakod.

Nagpahinga muna kami saglit.

"Drea suotin mo tong sapatos." Sabi ni cessa at kinuha yung sapatos sa bag nya.

"Thanks, alam mo size ng paa ko ah." Sabi ko.

"Syempre ako pa, 8 years na tayong mag bestfriend, alam ko na lahat sayo." Sabi ni cessa at natawa.

"Bakit puro dugo yang pisngi at leeg mo, pati si kuya zayne puro dugo yung kamay at damit." Sabi ni kevin.

"Tinusok ko yung mata nung zombie kahit takot na takot na ako, nagsiritan yung dugo nya sakin." Sabi ko at pinunasan ko ng kamay ko yung dugo sa pisngi ko.

"Kaya pala kumuha ka ng screw driver." Sabi ni zayne.

"Naramdaman siguro ng utak ko na mangyayari yun." Sabi ko kaya natawa yung tatlo.

"Ano na? Tara na." Sabi ni kevin.

Tumayo na nga kami at nag simulang maglakad pabalik sa village.

+

+

+

Sa bahay nila kevin.

Sabay sabay kaming kumakain nung mga kinuha naming pagkain.

"Ano ng plano ngayon? Saan ba nila dinala yung mga nirescue nila? Kailangan nating nakapunta dun, sigurado ako andun yung parents ko, pati yung papa ni drea, kayo ba?" Tanong ni cessa.

"Hindi namin alam, si mama at papa ay nasa kabilang city eh, kaya plano naming pumunta dun, baka dun din dinala yung mga nirescue, kaya pag naayos na ni kuya zayne yung kotse namin, pupunta na kami dun." Sabi ni kevin.

"Sasama kami." Sabi ni cessa.

"Sige! Kailangan lang maayos agad ni kuya zayne yung kotse, para makaalis na tayo dito." Sabi ni felix. Kaya pala kumuha kanina si zayne ng tool box para ayusin yung sasakyan.

"Aakyat lang ako sa taas." Pagpapaalam ko sa tatlo.

Tumaas na nga ako at agad pumasok sa kwarto, nagulat na lang ako ng nakita ko si zayne na walang damit.

Nagulat din sya nung makita ako at nagkatitigan pa kami.

"What the he-" Mahinang sabi ko at naramdaman kong nag init yung mga pisngi ko.

"S-sorry...!" Natatarantang sabi ko at agad lumabas ng kwarto, maling kwarto pala yung napasukan ko, nakakahiya!!!

+

+

+

*Kinagabihan...*

Kumakain kami.

"Ano kuya zayne, naayos mo na ba yung sasakyan natin?" Tanong ni kevin.

"Bukas ng umaga itutuloy ko, matatapos na yun, kaya kayong apat kukuha ng gas sa city bukas." Sabi ni zayne.

"Wait.." Sabi ni cessa kaya napatingin kaming apat sa kanya.

"Ano? Hindi ka na naman sang ayon?" Tanong ni felix at natatawa.

"Wala, may sinabi ba ako?" Sarkastikong sabi ni cessa.

"Galit agad hahaha, sana may makita tayong tao sa city bukas para may new comrade tayo." Sabi ni felix.

"Ang sana ko ay hindi tayo mapahamak at mamatay bukas, tara na drea, matulog na tayo." Sabi ni cessa.

"Good night sainyo." Sabi ko.

"Good night, sleep well." Sabi ni kevin at umakyat na nga kami ni cessa sa taas.

+

+

+

*Kalaliman ng gabi.*

Nakatago kami ni cessa ngayon sa ilalim ng higaan, naitago rin namin yung mga bag namin.

May dalawa kasing lalaking nakapasok sa loob ng bahay at nandito sila ngayon kung san kami natutulog ni cessa. Buti nagising agad kami at nakatago.

"Ate cessa? Gising ba kayo?" Boses ni kevin sa labas ng pinto ng kwarto.

"Shhh..." Sabi ni cessa at nag sign na wag maingay.

Nakatayo lang yung dalawang lalaki dun sa tapat ng pinto. Mapapahamak si kevin kapag binuksan nya yung pinto.