webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · 都市
レビュー数が足りません
26 Chs

Chapter 9 Part 1

"Oh, bakit para kang nalugi?"

Bungad kaagad sa akin ni Sarah pagka-bukas ko palang ng pintuan ng apartment ko galing sa magdamag na trabaho. Ilang araw na rin siyang nakiki-sleep over sa akin. Hindi ko rin maintindihan kay Sarah kung bakit ayaw kumuha ng sarili niyang matutuluyan,hindi iyong palikwad-likwad lang siya sa mga kaibigan kapag inaabot ng alanganing oras sa bar. Bar girl si Sarah. Nakapag-tapos naman siya ng pag-aaral ngunit sa bar niya mas piniling mag-trabaho. Hindi nalang ako nag-uungkat dahil mabilis niyang iniiwas ang sagot at sa huli ako ang nagigisa sa mga kabal-balang lumalabas sa bibig niya.

"So, sinasabi mo ngayon sa akin na?"

Tanong ni Sarah matapos kong sabihin sa kanya ang saloobin ko.

"Hindi ko kase alam kung ano pa ba ang dapat gawin. Kapag sinabi ko kay Joseph ang totoo, alam kong hindi siya maniniwala sa akin."

"Kaya mas pipiliin mo nalang manahimik at hayaan ang kaibigan mong patuloy na paikutin sa mga palad niya si Joseph? Ano nang nang-yari sa all is fair in love and war na katwiran mo. Iyon nalang nga nagpa-pakapal ng apog mo pinalipad mo na rin sa hangin. Mas kailangan mo iyon ngayon. Actually mas valid ngayon sa paningin ko ang qoute mo na yun. Ngayon mo dapat gamitin iyon, may laban ka na. "

" Para namang ganoon lang iyon kadali."

Kumunot ang noo ni Sarah, marahil ay iniintindi ang sentimyento ko.

" Hindi siya maniniwala. Iisipin n'ya na guma-gawa na naman ako ng hakbang para mag-papansin. Iisipin niya na sinisiraan ko lang si Chelsea at ang kaibigan n'ya.

"Atleast sinabi mo sa kanya ang tutoo. Nasa sa kanya nalang kung pipiliin niyang magpaka-tanga o pagka-katiwalaan niya ang sasabihin mo. Siguro naman hindi manhid si Joseph para hindi mapuna ang kababalaghan ng jowa niya."

Napa-buntong hininga nalang ako. Ang daling sabihin ng kung ano ang dapat gawin.

" Bianca! Bianca gising! "

Mariin kong isinuklob ang unan sa ulo ko ng mula sa labas ng aking kwarto ay umalingawngaw ang boses na iyon ni Sarah . Por Dios, Por Santo kahit ngayon lang makatulog naman ako ng mahaba at walang istorbo. Nang manahimik siya sa wakas kakatawag sa pangalan ko ay napangiti pa ako sa katahimikan. Inaakay na muli ako ng tulog ng biglang may kumu-babaw sa akin at halos pangapusan ako ng hangin sa baga nang idagan niya ang buong bigat sa katawan ko.

"Gumising ka Bianca!"

"Ano ba Sarah! Araw ko ito! Utang na loob, mag-babad ka nalang sa mga kaibigan mo at hayaan mo akong matulog."

Naiinis na iwina-wagwag ko ang katawan ko mula sa pagkaka-kubabaw niya.

"Gaga! Araw mo talaga ngayon! Naghihimala ang langit. Tingnan mo ito dali ."

Halos iduldol niya ang cellphone ko sa mukha ko. A-angilan ko sana siya pero nanlaki ang mata ko nang mabistahan ko ng mabuti ang missed calls doon. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa kamay niya at agad na bumangon pa-upo. Sa gulat ni Sarah ay napa-atras siya at hindi natantya ang tutukuran sana ng kamay niya upang sumuporta pero dire-diretso siyang nalaglag. Hindi ko na pinansin ang sunod-sunod na mura niya ng marahil ay masaktan sa pag lagapak sa sahig.

Hi Bianca. If it isn't too much to ask. Can you call me as soon as you  read this? 

Iyon ang message ni Joseph. Mayroon ding three missed calls.

Nang i-check ko ang oras ay malapit ng mag alas syete. Marahil ay nasa shop siya. Pero ng i-dial ko ang numero niya at sagutin niya iyon ay ang malakas na musika sa background ang agad na sumakop sa pandinig ko.

Slurred ang bosses ni Joseph at nasisiguro kong may tama na siya. Nang tanungin ko kung nasaan siya ay nasa bar daw siya. Tinanong niya kung pwede daw ba akong pumunta at samahan siya doon kahit saglit. Nalukot ang mukha ko. Parang dinakot ang puso ko sa hinaing at sakit ang maulinigan ko ang pait sa boses niya.

"Ang akala ko pa naman nag-milagro na ang langit. Lasing lang pala kaya ka naalala. "

Kumento ni Sarah habang nagpa-palit ako ng damit.

"Ikaw na muna dito, pupuntahan ko lang si Joseph."

Sagot ko nalang. Masakit man sa loob ko, natuwa na rin ako kahit papaano dahil ako ang pumasok sa isipan niya ng mga oras na ito.

"Manong sa Strumms po."

Sabi ko sa taxi driver ng makasakay na ako. Medyo malayu-layo din ang bar sa amin.

Nang sa wakas ay makarating ako sa lugar ay may live band nang kuma-kanta ng makapasok ako sa loob. Inilibot ko ang paningin upang hanapin si Joseph, hiling na sana ay hindi ito nagpa-pakalango sa alak.

Hindi pa naman crowded ang lugar, at may pagka-cozy ang ambience. Magla-lakad na sana ako upang hanapin si Joseph nang may kamay na humawak sa braso ko at pihitin ako paharap. Halos bumangga ang mukha ko sa dibdib niya at ng mag-angat ako ng paningin ay ang nakangiting labi ni Joseph ang unang tumawag sa pansin ko. Napa-lunok ako kasabay ng pag ahon ng kaba sa dibdib ko dahil sa sobrang lapit namin sa is at-isa.

"You came. I thought you'll stood me up too."

Sabi ni Joseph tsaka ako marahang hinila patungo sa mesa niya na mas madilim na parte. Napa-nganga ako ng makita ko ang bote ng hard drink na halos lagpas na sa kalahati. May isang bucket din ng light beer at finger food. Nang maka-upo ako ay ipinag-bukas niya ako ng isang beer.

"I hope you don't mind the beer."

Nakangiti niyang inabot sa akin ang bote ng alak. Hindi ko mai-alis sa kanya ang mga mata ko. He look stressed out. Magulo ang buhok niya na marahil ay sa paulit - ulit na pagdaan doon ng mga daliri niya. Nasasaktan ako kapag ganito siya. Pakiramdam ko bahagi ako ng katawan niya at kadugtong ng emosyon niya ang sa akin. Hindi man niya sabihin kung ano ang buma-bagabag sa kanya ay nasi-siguro kong ang magaling kong kaibigan iyon.

"She stood me up again. "

Nabitin sa ere ang pag-tungga ko sa bote ng alak ng mag-salita si Joseph,pero ang atensyon niya ay naroon sa hawak na cellphone kung saan naka-screensaver pa ang picture niya at ni Chelsea. Hindi ako nag-salita. Gawain ko din ang ibuhos pa minsan-minsan sa alak ang naiipon kong sama ng loob. I'm sure Joseph just want somebody to keep him company. Nagsi-simula na siyang mag-taka sa girlfriend niya. Soon enough questions and doubts will follow. Should I just wait for him to discover it himself?

"Sa tingin ko tatawagan ko na ang mommy mo.."

"What am I? A teenager?"

Sa bahaw na tawa ay sabi niya.

"I'm a 29 year old adult Bianca. I'm perfectly fine."

Napaingos ako. Perfectly fine daw, pero parang matutulog na anu mang oras. Mapu-pungay na ang mga mata niya at namu-mula na ang mukha at leeg.

"I-uuwi na kita."

Tumayo na ako pero pinanuod lang ako ni Joseph. Huminga ako ng malalim. Joseph is drunk and I'm not. Patience Bianca. You can do it.

"But you can't drive."

Nakangising sabi ni Joseph na pinaka - diin pa ang you can't.

"I know genius. Kaya nga may taxi. Now uuwi na tayo o iiwan kita dito. I'm telling you this aamagin ka lang dito kaka-hintay kay Chelsea."

Nauubusan na ng pasensyang sabi ko.

"Yes ma'am.."

Tatawa-tawang tumayo na din ito. Para itong kawayan na hina-hangin habang nakatayo.

"You know, you should be offering your shoulder to support me."

Sasagot na sana ako pero hinigit na niya ako tsaka inakbayan. Kailangan ko pang ipirmi ng maayos ang mga paa ko upang mai-balanse ko ang bigat niya sa akin.

"Pasalamat ka mahal kita bwisit ka."

Hihingal-hingal na bulong ko ng sakay na kami ng taxi pauwi sa pad niya.

"I know, that's why you're the one who came into my mind first. I'm sorry but I can't help it."

Natigilan ako ng sumagot siya kahit na nakapikit. Buong akala ko ay nakatulog na siya. Nang mag-mulat siya ng mga mata ay nag-iwas ako ng tingin. So I'm just an option. Ang sakit nu' n ah.

" I'm sorry. But please, don't get tired of me Bianca. "

Nang tumapat na ang taxi sa building kung saan naroroon ang pad ni Joseph ay nag-patulong pa ako sa guard para maalalayan siya. Good thing na cautious pa siya para mabuksan ang pinto. Pabagsak na naupo siya sa sofa tsaka sapo ang ulo na napa-ungol.

" Okay ka lang ba?"

Lapit ko sa kanya.

"I'm dizzy and my stomach felt bloated."

"Malamang, ubusin mo ba naman ang isang buong Jack ba't di ka nga malango."

Irap ko sa kanya kahit di niya ako nakikita mula sa pagka-yukyok niya.

"I'm not lango,"

Sa paraan ng pagsa-salita niya ay para na rin akong nahihilo. Hinawakan ko siya sa balikat at marahang pinahiga sa sofa.

"Humiga ka lang. Lalo kang mahihilo kapag yumukyok ka. Gusto mo ba ng kape? O warm honeyed water?"

Hinintay ko siyang sumagot habang nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko ng ilang minuto pa ay hindi siya mag-salita. Nako-conscious na tuloy ako sa paraan ng pag-tingin niya.

" Your future boyfriend or husband is going to be one hell of a lucky bastard."

He said. Hilaw ang ngiting sumungaw sa labi ko sa sinabi niyang iyon. Bokya talaga ako sa kanya. Kahit lasing siya itinu-tulak pa din niya ako sa non-existent person na iyon. Unless siya iyon.

" Pwede bang huwag mo nalang banggitin iyan? Hindi ko ma-appreciate eh."

Hindi ko maitago ang hinanakit. He's just praising me, or whatever. Pero iyong alam niyang siya ang mahal ko pero itinu-tulak niya ako lalo sa isang taong malabo pa yata sa patay na ilog kung available eh naka-kasakit lang talaga ng damdamin. Bago pa siya may maisagot na alam kong dedepensahan niya lang ang sarili niya ay tumalikod na ako patungong kusina upang igawa siya ng kape.

Bitbit ang tasa ng kape ay dadalin ko na sana iyon pagbalik sa sala para mahimas-masan kahit papaano si Joseph. Pero lacking gulat ko ng pagharap ko ay bumangga ako sa noon ay nasa likod ko palang si Joseph. Nagti-tili ako sa gulat at pagkatapos ay sakit ng maramdaman ko ang mainit na likidong tumapon sa tiyan ko. Feeling ko nga nawala ang lasing ni Joseph dahil doon. Taranta niyang kinuha ang tasa ng kape sa akin at agad inililis ang damit ko upang maiwasan ang lalong pagka-paso.