webnovel

You Series 1: Still You

She wants to move on. She wants to forget her past. Pero paano niya 'yon magagawa kung sa bawat pagpikit ng kaniyang mata ay maaalala niya ang nakaraan? Sa bawat pagpikit ng mga mata, makikita niya ang alaala nilang dalawa? At kapag ganoon ay maiiyak na naman siya dahil maaalala niyang iniwan siya ng lalaking pinakamamahal niya? Na sa isang iglap, bigla na lang siyang naging mag-isa? Pero paano kung isang araw, bigla na lamang itong susulpot sa harap niya na parang walang nangyari. Na parang hindi siya nito minahal. Na parang hindi siya nito kilala. Na parang isa siyang estranghero sa kaniya? Na parang hindi man lang nagkrus ang landas nila sa nakaraan?

Trisha_7738 · 若者
レビュー数が足りません
1 Chs

Prologue

Nakatulala lang ako sa puntod ni Daddy. Kanina pa ako nandito pero hindi man lang ako nagsasalita. Nagsindi lang ako ng kandila at nagdala ng bulaklak. Paulit-ulit lang din naman kasi ang sinasabi ko everytime na nandito ako. Magsusumbong lang ako sa kanya sa pang-iiwan sa akin ni---. Napailing ako. Hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya kahit sa isip ko man lang. Nasasaktan pa rin kasi ako hanggang ngayon. Nasasaktan pa rin ako kahit ilang taon na ang lumipas.

Napapikit ako nang maalala ko ulit ang nangyari pero agad ding inalis sa isip ang alaalang 'yon. Sumasakit pa rin ang puso ko tuwing maaalala ko iyon.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya't kinuha ko ito. Nagtext pala si Maddie. Tipid akong napangiti dahil sa sinabi niya.

From Maddie: 

Jillian? Mamayang 3 pm ang alis natin ah.

From Maddie: 

One week tayo roon.

From Maddie:

I'm so excited naaaa.

Umiling ako. Halata nga sa kanya.

Sinulyapan ko ang wrist watch ko. 12:00 nn na pala. Tumayo na ako at lumabas ng sementeryo. Sumakay na ako sa sasakyan ko at dumiresto sa mall. Doon na lang ako mamimili ng mga damit na dadalhin ko sa bakasyon namin ni Maddie.

Halos isang oras na nang matapos ako sa pamimili. Nakaramdam ako ng gutom at naalalang hindi pa pala ako nanananghalian kaya naisipan kong pumunta muna sa isang restaurant dito lang din sa loob ng mall.

Habang kumakain ay napalingon ako sa isang lalaking naglalakad sa mall. Nandito ako sa dulo at gilid ng restaurant at glass lang ang harang kaya't kitang kita ko ang mga taong namamasyal sa mall.

Napadako ang tingin ko sa isang lalaki na naglalakad malayo sa akin. Tinanaw ko ang likod niya at sinundan siya ng tingin. Napailing ako at tinapik tapik ang pisngi ko.

"Imposible. Imposibleng siya iyon," pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Natawa ako sa aking sarili dahil naisip ko 'yon. Bakit ko nga ba iyon naisip e napaka-imposible no'n. Nababaliw na yata talaga ako.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako sa powder room. Naghugas ako ng kamay at nagretouch na rin. Medyo haggard na pala ako. Hindi rin naman ako nagtagal sa loob at lumabas na rin. Lumiko ako pakanan nang marealize kong sa kabila pala ang may mas malapit na exit.

Pagtalikod ko pabalik sa boutique ay may nabangga ako. Nahulog tuloy ang mga paperbag na dala ko laman ng mga pinamili ko.

"Shit!" gulat kong sabi at pinulot agad ang mga nahulog.

Tinulungan din ako ng nakabangga ko. Tinignan ko ang kamay niya at narealize ko na lalaki pala iyon. Napangiti pa ako nang may maalala.

Ganito rin ang nangyari noon.

Nang matapos ay tumayo na siya at gano'n din naman ako.

"I'm sorry, Miss," he apologized.

Pamilyar ang boses na 'yon, parang narinig ko na kung saan.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at halos hindi ako makagalaw.

Natulala ako. Parang binuhusan ng malamig na tubig.

Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagtulo ng luha ko. Hindi ako kumurap at pinakatitigan ang mukha niya. Natatakot akong kapag kumurap ako, mawawala siya sa harap ko.

Pero totoo ba ito?

"Shit! Miss, are you okay? Did I hurt you? I'm sorry Miss, I'm sorry. Hey, why are you crying?" aligagang tanong niya pero nanatili akong lumuluhang nakatingin sa kaniya.

"Klyzer..." 'di ko namalayan na nabanggit ko na pala ang pangalan niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal nang huli kong banggitin ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang banggitin iyon matapos nang ilang taong pagpipigil ko sa aking sarili ang pagbanggit ng pangalan niya.

Natigilan siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"You know me?" kunot-noong tanong niya.

"Klyzer..." ulit ko.

Nakatingin lang siya sa akin na parang takang-taka kung bakit kilala ko siya. Para akong isang stranger sa kanya. Hindi niya ako kilala. Pero, bakit? Pinaglalaruan niya ba ako? Bakit hindi niya ako kilala?

"H-how did you know my name?" Naguguluhang tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang gagawin. Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng alaalang pinipilit kong kalimutan.

"Miss?" Muling untag niya at mukhang nauubusan na ng pasensya.

Paano nangyari ito? Paanong nasa harap ko na ulit siya at kinakausap ako? What happened? What the hell is happening?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulala sa harap niya. Hindi rin siya umalis at para bang naghihintay pa rin ng sagot sa mga tanong niya kahit na halatang naiinip na ito.

"Hey."

Napakurap ako bago bumaling sa babaeng bagong dating. Mas mataas nang kaunti sa akin. Ang itim na itim niyang buhok ay abot hanggang balikat. Bilugan ang kaniyang mata na pinaresan ng tamang kapal ng kilay.

Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang humawak sa braso ni Klyzer.

"Hi, Miss," nakangiting bati niya sa akin.

She looks friendly but I couldn't smile at her. Bumalik ang tingin ko kay Klyzer na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. He looks confused. I don't know if it's just an act or he really doesn't know me. But why?

"Do you know each other?" Matinis ang boses ng babae nang magtanong.

"I guess not. Ngayon ko pa lang siya nakita," mahinang sagot ni Klyzer.

I felt something inside my chest because of his answer.

Tumango ang babae at nagtatanong na tumingin sa akin. "Do you know my boyfriend, Miss?"

I can name that something I felt inside my chest. It's pain. My heart is hurting after hearing those six words question.

Tinignan ko ang babae dahil sa tanong niya pero hindi na ako nag-abalang sumagot dahil agad ko na silang tinalikuran. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko pero hindi ko iyon inalintana makalayo lamang sa kanila. Ang bilis ng tibok ng puso ko na halos hindi makahinga.

Umalis ako roon nang sobrang sakit ng puso ko. Ang luha ko ay sunod-sunod ang pagbagsak pero hindi ko na iyon pinansin. Pati ang mga mata na napapatingin sa akin ng mga nakakasalubong ko ay hindi ko na rin pinagtuonan ng pansin. Gusto ko na lang makaalis dito. Makalayo sa kanila.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya na ako kilala. Ang sabi niya noon, makalimutan niya na ang lahat, 'wag lang ako.

God knows how much I prayed to see him again. I thought that that would never happen but I just saw him a while ago. And I didn't thought seeing him again would be this painful.

I promised to myself that if I ever saw him again, I would be the happiest person. Noon, lagi kong hinihiling na sana ay bumalik na siya. Kahit hindi na para sa akin basta ay bumalik lang siya. And God is too good, huh? Bumalik na nga siya. Bumalik lang siya. Bumalik siya pero hindi na para sa akin. Bumalik siya ngayon at may kasamang iba.