webnovel

Ansel the Horrible

Four years ago

"UY, AYAN NA SIYA!" Nangtutuksong anunsyo ng kaibigan ni Cass na si Greta. Ang tinutukoy ay si Ansel, ang kakambal nito at ang two years ng crush ni Cass. Paano hindi niya magugustuhan ang binata if he was the epitome of her dream guy?

Matangkad ang binata kaysa sa kanya ng dalawang talampakan, 4"9 lang siya. At kahit ilang talon niya sa New Year ay hindi na siya biniyayaan ng kaunti pang height.

Maputi rin ang binata at kung tutuusin pwedeng-pwede na itong maging model ng kahit anong whitening products na nangangailangan. He has pretty chocolate brown eyes, an aristocratic nose, and fully kissable lips. Like usual, nakasuot ito ng hoodie, plain jeans, at rubber shoes. At ang pinaka-winning feauture na paborito ni Cass sa overall na histura nito ay ang kulot nitong buhok na natural ng nag-pupuff out sa harapan.

Hay, salamat Lord at nakita ko na naman ang aking iniirog.

Lumakad papunta sa kanila si Ansel at binati ang kakambal. Inakbayan naman ito ni Greta na madali lang nitong nagawa dahil di nalalayo sa katangkaran ng lalaki.

"Hey there, bro bro. Like usual, say Hi to Cassie please," wika ni Greta sabay kindat sa kanya. Gusto niyang sikuhin ang kaibigan sa tahasang pagpapahalata naman nito nang nararamdaman niya. Nagpigil na lang siya at nginitian ang binata.

"Hi, Caz," ganting bati nito. Caz. Eto lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon ever since ipinakilala siya ni Greta rito. Hindi niya alam kung bakit iyon ang napili nitong nickname sa kanya pero hindi naman siya nagrereklamo. Ang pakiramdam niya lang ay special na siya. After all, ilan lang ba ang nakakuha ng custom-made na nickname mula sa mga crush nila?

"Hello." Ilang beses din siyang nautal noon bago niya nasabi ang simpleng 'Hello'. Buti na lang at hindi naman mukhang nakahalata ito.

At katulad ng dati, tapos na ang eksena, nawala na siya sa paningin ng binata. Ang buong atensyon na ng kanyang iniirog ay napupunta sa kakambal nito. Pero okay lang kay Cass iyon, ang importante sa kanya ay masulyapan at makasama kahit saglit ang kanyang iniirog.

Buti na lang at pinagtitiyagaan ni Ansel na daanan sila ni Greta sa canteen ng Journalism Building. Isang IT student kasi ang binata at asa kabila pa ang building nito. Ayon dito, mahaba naman ang break nito kaya minabuti na lang nitong puntahan sila. Ayon naman kay Greta, wala lang masyadong friends ang kapatid nito.

The reason? Biniyayaan man si Ansel ng katalinuan ay hindi naman ito biniyayaan ng talent na makipag-socialize ng mabuti. While he can actively participate in a class discussion or a group activity, he remains detached to people. Iilan lang ang talagang pinapapasok nito sa personal nitong buhay.

Swerte lang si Cass at kaibigan niya ang kakambal nito, ang nag-iisang taong laging gustong nakikita at nakakasama ni Ansel nang mas matagal sa sampung minuto at dahil may gustong iwasan ito. Marami kasing nagkaka-crush sa binata at ayon sa kanyang kaibigan, kung sinu-sinong babae mula sa iba't ibang school ang napapadaan sa building ng binata para lang masilayan ito. Hindi masyadong marami ang dumadayo sa canteen ng Journalism kaya safe ang binata roon.

Well, malas na lang sila at siya lang ang nakakatagal na nakakasama nito kahit hindi sila masyadong naguusap.

And if ever magusap sila, it's always when she ends up doing something stupid without meaning to.

Katulad na lang ngayon, nang nag-alok siyang kunin ang drinks ng magkambal, aksidente siyang natisod. Mabuti na lang at agad niyang nabalanse ang sarili bago pa mas madaming audience ang makakita. Ang kaso nakita na siya ng magkambal at pinipigilan naman ni Greta na pagtawanan siya kahit halata sa mukha nitong gusto na nitong humagalpak sa tawa.

"How is that even possible?" Tanong naman ni Ansel, nakatingin ito sa kanya at syempre, agad na bumilis ang tibok ng puso niya kahit na ang tingin na binibigay nito ay mapanghusga. "Ang flat ng sahig... may talent ka lang ba talaga sa pagdudulas?"

"Pwede na rin," masayang sabi niya at inayos ang tayo. That's more than five words in a day. Okay na para sa kanya iyon dahil lagi itong one word reply sa kanya at minsan binabati lang siya nito.

Naupo na siya at ipinasa ang mga inumin sa magkambal. Napailing lang ang kanyang iniirog at hindi na nagsalita pa. Habang siya ay pilit na itinatago ang pasimpleng pagngiti niya. Hindi yun ang pinakamagandang paraan para magpapansin pero iyon lang ang nagawa niya ngayon kaya syempre take advantage na siya.

"Ah, nakalimutan ko pa pala yung complementary na meryenda. Kunin ko--"

"Ako na," pagpriprisinta ni Ansel, inunahan pa siya nitong tumayo. "Mahirap na baka sa susunod tumilapon, sayang naman."

Napatango na lang siya at mas lalong dumagdag ang pogi points nito dahil worried ito sa well-being niya. Kahit na syempre di naman talaga iyon ang ibig sabihin ng binata.

Pasimpleng siniko naman siya ni Greta. Nakangisi na ang kanyang kaibigan. "Ikaw ah, ngayon lang 'yon nag-effort, ayieee."

"May pag-asa na ba, bes?" Natutuwang tanong niya. Mga ilang beses niya na rin natanong iyon kay Greta at kahit ilang beses siyang ina-assure nito, never naman siyang gumawa ng first move para iconfirm.

"Syempre naman," sabi nito. "Gusto mo subukan na natin? Asa akin pa rin yung love letter na sinulat mo kahapon para sa Valentines gift mo sana."

Agad siyang umiling nang paulit-ulit at inatake ng kaba. Never pa siyang direktang nag-confess sa mga crush niya. Para sa kanya, okay na yung lagi niya lang nakakasama o nakikita ang crush niya. Secret admirer ang peg kumbaga.

Hindi siya katulad ni Greta na simula first year pa lang ay may boyfriend na ito. Agad nag-confess ang kaibigan sa crush nito, pinalad naman ito at tinanggap iyon ng iniirog nito.

Kung tutuusin malayo rin naman ang agwat nila ng kaibigan niya. Natural na maganda si Greta at matalino rin katulad ng kakambal. Ang pinagkaiba lang nito sa kakambal ay hamak na mas friendly at sociable ang dalaga.

Samatalang si Cass, eto normal lang. Boring manamit, hindi naniniwala sa makeup, hindi sociable, at no boyfriend since birth. Baka nga wala siyang pag-asang magka-boyfriend until grumaduate siya ng College.

"Bakit ayaw mo?" Tanong ni Greta, nakataas ang isang kilay nito. "I think he might like you, hindi pa naman siya nagsasabing ayaw ka niyang makita. You've been crushing on him for two years now, Cassie. Na-amaze pa rin ako sa tatag mong iyan kahit hindi naman si Ansel ang poster child ng boy next door, handsome lang ang mayroon siya. But I like you for my brother."

Napailing lang siya ulit. "Sa susunod na lang... ta-timing ako." Kung kelan ako tutubuan ng lakas ng loob.

"Promise?"

"Sure."

Nang nakabalik na si Ansel, iniba agad ni Greta ang usapan. Alam lang nilang pareho na kahit nag-promise siya, hinding hindi niya pa rin sasabihin kay Ansel ang nararamdaman. Kahit pa siguro life-and-death situation pa 'yan.

Kahit pa siguro life-and-death situation pa 'yan.

PAKIRAMDAM NI CASS parang aatakihin na ata siya sa puso sa biglang paninikip niyon nang makita niya si Ansel. Bigla kasi itong sumulpot sa canteen ng Journalism Building at mukhang papunta sa direksyon niya.

And that is strange.

Unang una, hindi niya kasama si Greta. May sakit kasi ang kanyang kaibigan kaya pinauwi ito nang maaga matapos nitong bumisita sa clinic. Wala namang ibang kasama si Cass na pwedeng sadyain ni Ansel. Kalma lang, girl. Baka gusto niyang tanungin kung asaan ang kambal niya, sita niya sa sarili bago pa niya mas i-assume na siya nga ang ipinunta ng binata roon.

Habang papalapit nang papalapit ito, nagpasalamat na naman siya sa Diyos at gaganda ang araw niya dahil nakita niya ito. Kahit pa hindi naman maganda ang timpla ng mukha nito. Sa mga ibang nakakita, mukhang may gusto itong kagatin, pero sa kanya para lang itong Greek God na kukunin na siya mula sa lupa para dalhin sa magiging kastilyo nila sa langit.

Ngunit kung gaano siya ka-excited na makita ito, mabilis ding nagbago ang ekspresyon niya nang umupo ito at itinaas ang bagay na ni minsan ay 'di niya pinangarap na makita nito.

"Caz," panimula nito.

"Saan mo nakuha iyan?" Ayaw niyang pagduduhan si Greta pero eto lang ang one-and-only suspect niya. Sa kanya lang niya ibinigay ang love letter na iyon, scratch that, kinuha iyon ni Greta sa kanya. Nagustuhan ng kaibigan niya ang sulat, kaya nagprisinta itong itago iyon. She even offered to give it to Ansel once Cass is ready.

Cass is definitely not ready right now. Nagsimula na siyang pagpawisan kahit na malamig naman sa canteen. Malakas na rin ang kabog ng kanyang puso at hindi dahil nasa harap niya ang kanyang iniirog kundi dahil sa nerbyos. Gusto na niyang kainin siya ng lupa ngayon din.

"Caz," sabi ulit ng binata.

"Y-Yes?" Ano ba, paulit ulit?

"Did you write this letter?"

Pwede niya bang i-deny? Sinignan niya ang letter na iyon. Ginandahan niya pa nga ang signature niya. May puso pa sa 'i' ng pangalan niya. Ang baduy, ang corny. Ngunit naroroon ang lahat ng pinangalagaan niyang damdamin para rito. All the things she would never dream of telling this guy. Kaya kahit ayaw niya, tumango na lang siya. Asa hot seat na siya, ano pa bang magagawa niya?

Tinignan niya na lang ang magiging ekspresyon nito. Katulad ng nakasanayan niya, naka-poker face pa rin ito. Minsan niya lang itong nakitang tumawa nang nag-joke ang kakambal nito ng joke na di nakuha ni Cass. Minsan lang din ito magmukhang amused at interested na nakita lang ni Cass nang nag-usap ang magkambal tungkol sa isang librong malalim ang tema.

Slowly... ngumiti si Ansel at hindi niya alam kung magdidiwang ba siya o tatakbo bago pa magsalita ito. And without warning, bigla nitong pinunit ang love letter niya. Napabuka ang kanyang bibig sa gulat pero ni isang salita'y walang lumabas sa kanya.

"Oh, sorry, alam kong gwapo ako, Caz. But I don't need you to be another fan, I liked you when you were just my sister's best friend so please stay that way," walang emosyong sabi nito sabay tayo. "And don't blame Greta, it's a chanced discovery, alam mo naman siguro kung gaano siya kaburara."

"A-Ansel," nagawa niyang masabi at 'di pa rin siya makapaniwala sa ginawa nito. Hurt flashed across her face. Gusto niya itong murahin, sampalin, at ipahiya... pero ni isa roon wala siyang ginawa. Nakatingin lang siya rito na para bang nanaginip lang siya. Kurutin niya kaya ang sarili?

Napabuga lang ng hangin si Ansel at dala dala ang love letter niya, basta nitong itinapon sa basurahan at walang lingon-likod na umalis. Doon na siya napahikbi ng hindi sinasadya.

Pakiramdam niya hindi naman imposibleng ganoon nga ang magiging reaksyon nito. She knew that this is going to happen somehow. Na-witness niya nang ilang beses ang pag-rereject nito sa mga babaeng nag-coconfess dito. Isa nga iyon sa mga rason kung bakit ayaw niya ring malaman nito.

Disappointed and hurt, tumayo siya mula sa kinauupuan at hindi na lang pinansin ang mga tingin na ipinukol sa kanya ng mga taong naroroon. Dumiretso siya sa basurahan at kinuha niya ang napunit na love letter mula roon at nagsimulang mas punitin pa iyon.

"Ewan ka naman, magpupunit ka na nga lang, dalawang piraso pa," reklamo niya sa basurahan. "Pag mangbabasted ka na lang din, punitin mo nang buong buo, 'wag ka namang mang-iwan nang ganyan ganyan lang..."

Napahikbi ulit siya at naiinis na itinapon ang huling piraso ng papel, bago patakbong umalis ng canteen. Ansel was never great in the first place, she knew that. In fact... he is horrible: that was the truth.

hello :> publishing this story in Webnovel as well. Na-post na din po siya sa Wattpad, Booklat, and Sweek. So you can choose to read it there as well or here. Thanks po in advance sa mga babasa. :)

pinutbutterjelli_creators' thoughts