Hindi makatulog si Nate sa kakaisip ng mga oras na iyon. Hindi niya lubos maisip na meron pa siyang natitirang matatawag na pamilya.
Hindi siya nag iisa sa mundong ito.
'Kailangan ko yatang makilala ang aking lolo, hindi bilang Chairman ng Round Table Company kung hindi ay bilang aking lolo.' Sabi ni Nate sa kanyang sarili at dito inalala ang sinabi ni Ronan sa kanya.
Habang iniisip hindi naiwasan ni Nate ang hindi mapangiti dahil noon paman ay pinapangarap niya nang magkameron ng tinatawag na pamilya and now ay dumating na ang kanyang pinangarap at hiniling.
Habang iniisip ito agad na naalala ni Nate ang tungkol sa World of Weapons. He almost forgot the virtual world game dahil sa pangyayari kanina.
Kaya naman sa oras din na iyon ay agad na tumayo si Nate at kinuha ang kanyang Virtual Helmet.
Once na makuha agad siyang humiga sa kanyang kama at isinuot sa kanyang ulo ang Virtual Helmet. Next kinonekta niya ito sa tinatawag na Virtual Desk right beside him.
After being connected agad na lumitaw ang red line sa virtual helmet, dito ngumiti si Nate at kanyang ipinikit ang dalawa niyang mga mata.
"Connect." Sabi ni Nate at dito ay bigla niyang naramdaman ang kakaibang feeling like something is dragging his whole body
Bigla namang nakaramdam si Nate ng kakaibang upward force na tila ay hinihigop ang kanyang consciousness papasok.
Ilang sandali pa nakita niya ang kanyang sarili sa loob ng isang basic white na kwarto. Basic dahil wala nang iba pang makikita dito maliban sa mga white walls.
Nothing more.
[Auto Translate On.]
Sabi ng isang boses at lumitaw naman sa harapan ni Nate ang sinasabing Virtual Screen. Kasunod nito ay ang paglitaw ng iba't ibang uri ng mga nilalang sa kanyang virtual screen.
This nilalang are called Races. The playable races na pwede mong piliin before entering the World of Weapons.
Humans
Elfs
Dwarfs
Beastmen
This are the basic and primary Races na makikita sa World of Weapons. Ganon paman there's also other races but they're not available for now.
That's why hindi pwedeng ma view ang mga ito. Pero walang pake si Nate dito dahil firstly he already choose his race.
But he also view the other races about their pro's and cons. Kanya itong ini isa-isa.
'The Elf race mabilis at malakas ang mga magical attack pero low on defence.'
'Dwarft malalakas ang physical attacks at mataas ang depensa but they're very slow.'
'Beastmen... There traits are all different from one on another and there's a lot of beastmen races all over the World of Weapons. The only downside is that many places in the game is not accepting a Beastmen.'
Lastly tiningnan ni Nate ang Human Race, the Human Race are very balance sa lahat ng mga traits and stats.
They're also the race na may biggest population sa buong World of Weapons. Kaya naman you can explore many places with this race.
Dito hindi na sinayang pa ni Nate ang kanyang oras at agad siyang nakapili ng Race na gusto niya ng mga oras na iyon and just like what he picked up sa una, he chooses the Human Race.
Compared to the other Races na available, ang human race ang pinakamahina base on stats. But hindi ito ang pinag basehan ni Nate sa pag pili ng kanyang race.
He just wanted something na balance on everything. With that he can decide on the later part of the game kung saan siya mag fo-focus.
Once na matapos sa kanyang pagpili ng Race ay kasunod naman ay ang pagpili ng kanyang Class.
Like race there's a lot of available class na para sa mga beginners like him. Una na dito ang Swordsman.
The most basic class on the world of weapons. Available din dito ang class na Knight, Archer, Lancer, Mage and Assasin.
While kapansin-pansin din ang mga characters na naka locked mode. Meaning hindi pa pwedeng magamit.
Maganda ang lahat ng mga class at iba-iba din ang kanilang mga pros and cons. Magbabase ka nalamang talaga sa situation.
Pero para kay Nate he always dream on being a powerful Swordman and became a Master Swordsman. Kaya naman hindi na inisip pa ni Nate ang kanyang sagot at pinili ang Swordsman Class.
Dito meron ulit lumabas na virtual screen sa harapan ni Nate at makikita dito ang iba't ibang uri ng mga clothes.
Pumili naman agad si Nate and oce all done, kanya na itong ini-accept at sinave.
Panghuli namang lumabas sa kanyang virtual screen ay ang username. Dito mo kailangang ilagay ang magiging pangalan mo sa mundo ng World of Weapons.
Matagal nang pinag-isipan ni Nate kung ano ang ipapangalan niya sa kanyang character sa mundong ito at kanya itong inilagay.
"Shadow." Clinick ni Nate and save at agad na lumitaw ang red lines sa kanyang harapan. Makikita sa kanyang virtual screen ang malaking words na "already taken."
Napailing lamang si Nate at sinubukan ang iba pang pangalan na kanyang naiisip but to his disappointment ay already been taken ang lahat ng mga ito.
Napabuntong hininga nalamang si Nate ng mga oras na iyon dahil wala na siyang maisip na magandang pangalan. Ngunit bigla niyang na alala ang sinabi ng kanyang lolo.
Ito ay ang tungkol sa tunay niyang pangalan, kaya kanya itong sinubukan.
"Red." Ito ang inilagay ni Nate at a green light appears sa harapan nito.
[Name is available.]
Natuwa si Nate dito kaya naman agad niyang pinindot ang confirm. Kasunod naman nito ay ang paglabas ulit ng isang panibagong virtual screen at may sulat na nakalagay dito.
[You will be transported at the Central City.]
[Enjoy the game new player.]
***
Round Table Company
"Sir nag log in na po siya." Sabi ng isang boses.
Habang lumitaw ang isang ngiti sa labi ni Ronan ng mga oras na iyon at tumingin sa isang napakalaking monitoring screen.
"Mabuti naman at naglaro na ang apo ko, akala ko habang buhay nalamang siyang mag-aaral." Sabi ni Ronan at dito ay tumawa habang makikita ang expectations sa kanyang masayang mukha.
***
The Central City, the Central City is the biggest and the respawn area ng lahat ng mga new player sa loob ng World of Weapons.
"Wow." Ito lang ang nasabi ni Nate o Red sa mga oras na iyon once na makita niya ang magnificent sight sa kanyang harapan at sa mga bagay na nass kanyang paligid.
Red already saw the picture of this place at nagmula ito sa isang tutorial guide about sa larong ito. Pero hindi niya lubos akalain na mas maganda pa pala ito on person.
Lalo na ngayong gabi.
Right now agad na humanap si Red ng upuan na pwede niyang maupuan at nang makakita ay agad siyang umupo dito.
Dito he explore the settings na meron siya at nakikita ni Red ngayon ang icon na makikita sa kanyang bandang kaliwa ng kanyang ulo.
Makikita din dito ang Health Bar [HP] at Mana Bar [MP]. Yes, MP not MB. Sunod na tiningnan ni Red ang kanyang Status Window at tiningnan ang laman ng kanyang inventory.
Basic HP potion x5
Basic MP potion x5
Wheat Bread x5
Ito ang mga basic items sa loob nito at lahat ng mga beginners will received this automatically. Sunod namang tiningnan ni Red ang kanyang pera at ang laman lamang nito ay 50,000 Gold.
Sa larong World of Weapons may pocket money kang makukuha at ito ay 50,000 Gold. Ito ay package na at kasama na sa virtual helmet na iyong binili.
Also mag dedepende din ang package depende sa virtual helmet na iyong ini- avail dahil merong mga virtual helmet na masasabi mong ginto.
While ang Virtual Helmet na binili ni Red is just the standard one. "Nothing special." Sabi ni Red.
Sunod namang nagtungo si Red sa isang blacksmith at tumingin ng pwede niyang mabiling sword.
Ngunit pag pasok niya sa loob masyadong mahal ang mga ito para sa kanya, kaya naman humanap pa siya ng ibang shop sa lugar.
Gayunpaman tulad kanina sobra ang presyo ng mga ito at hindi niya kayang bumili kahit na isang basic sword manlamang.
Red know na merong free sword for beginner sa kanyang inventory but it's just there for occupying the space nothing more.
Kaya naman this time he will need to find a sword na pasok sa kanyang budget pero dapat ay meron itong malaking stats na magagamit niya even on the later days.
Ayaw niyang bumili ng espada na isang beses lamang gagamitin dahil sa bigla nalamang siyang nag level up.
Sa oras na iyon nakaka-ilang shop na si Red na napupuntahan ngunit wala parin siyang makita na pasok sa kanyang budget.
Kaya naman inilabas nalang ni Red ang isang wheat bread dahil nakaramdam na rin siya ng pagkagutom. Kanina pa siya ikot ng ikot sa buong lugar kakahanap ng shop kaya it's normal lamang na magutom.
Kinain ni Red ang tinapay at umupo sa isang upuan, ngayon lang napansin ni Red na kahit gabi ay madami paring mga player o hero kung tawagin sa larong ito na naglalaro parin kahit ganitong oras.
Sa oras na iyon nakaramdam si Red ng pagkilos mula sa kanyang likod kaya agad niya itong tiningnan. Dito nakita niya ang isang batang babae na nakahawak sa kanyang tiyan habang nakatingin sa tinapay na kinakain ni Red.
Naunawaan naman agad ni Red ang gustong ipahiwatig ng batang babae. Ang batang babae na ito ay isang NPC at sa kanyang tingin ay mga nasa edad 12 or 13 na ito.
"Seat I'll give you one my bread" Sabi ni Red dito at kanyang inilabas ang isa pang wheat bread mula sa kanyang inventory.
Ini-abot ito ni Red sa bata na agad na nag pasalamat.
"Salamat po" Sabi ng bata kay Red dahilan para mapangiti dito si Red.
"No need ano ngapala ang ginagawa mo dito? Delikado para sa isang batang katulad mo na gumala sa gabi." Sabi ni Red.
Hindi naman ito agad na sinagot ng bata dahil kinain muna nito ang wheat bread at agad na inubos within a few bite..
"Nakita po kasi kita kanina na pabalik-balik sa mga blacksmith shop kaya po sinundan kita." Sabi ng bata dahilan para malito si Red dito sa sinabi nito.
"Bakit mo naman ako sinusundan?" Tanong ni Red.
"Kasi po sa tingin ko ay may hinahanap po kayong bagay at sa mga blacksmith niyo lang ito makikita pero hindi mo ito mahanap, tama po ba?" Paliwanag ng bata.
Napangiti naman si Red dito dahil nakuha ng bata ang kanyang sitwasyon, isa itong matalinong bata.
"Tama ka, naghahanap ako ng sword na masasabi kong malakas at maganda pero wala akong makita kaya ito ako ngayon." Sabi naman ni Red dito.
"May alam po akong magaling ng Blacksmith segurado pong matutulongan ka po niya!" Excited na sabi ng bata habang nakuha naman ng bata ang interest ni Red kaya tumango ito.
"Sige pwede mo ba akong samahan sa sinasabi mo and anong pangalan mo?" Tanong ni Red dito.
"Ako nga po pala si Ericka at sasamahan po kita kay Ate Aisha." Nakangiting sabi ng batang NPC.
'Ate?' Pagtatakang sabi ni Red sa kanyang sarili ngunit hindi na nagtanong pa si Red tungkol dito.
Kanya nalamang sinundan ang excited na batang si Ericka patungo sa isang direksyon.
Central District 1
Ang Central City ay hinahati ng mga tinatawag na District. Right now ang kinalalagyan ni Red ay ang Central District 1 o District 1.
"Nandito na po tayo." Sabi ni Ericka.
Tumingin naman si Red sa kanyang harapan at dito ay makikita ang isang bahay. Maliit lang ito gayunpaman pumasok parin siya sa loob at sumunod kay Ericka.
"Ate Aisha!" Excited na sigaw ni Ericka habang tumakbo sa isang kwarto.
Tiningnan ni Red ang buong lugar at umupo sa isang upuan sa lugar habang tinitingnan ang buong paligid.
Namangha ng mga oras na iyon si Red sa mga nakikita niya sa lugar. Masasabi niyang mga tunay na master piece ang mga pagkakagawa ng mga sandata at armor na makikita sa buong lugar.
"Ano iyon?" Sabi ng isang boses at agad na lumitaw ang isang babae na hila-hila ngayon ni Ericka.
Base on height sa tingin ni Red ay mas mataas siya ng kaunti sa babaeng ito at mukhang ka-edad niya lamang ito.
"Good evening." Sabi ni Red dito.
Tumingin naman ang babae kay Red at tumango."Good evening din" Sabi ng babae.
"Ate siya po si Kuya Red siya ang sinasabi kong gustong bumili!" Sigaw ni Ericka.
Tumingin muli ang babae kay Red habang tumango naman si Red dito.
"Ako si Red at ikaw si?" Tanong ni Red dito habang naka-abot ang kanang kamay para sa isang handshake.
"Ako naman si Aisha, so anong kailangan mong bilhin?" Tanong ni Aisha dito at kanyang binawi ang nakalahad na kamay.
Si Aisha ay isang babaeng may itim na buhok at maputing kutis, tama lang din ang height at meron ding figure ang katawan nito. A very charming young lady.
"Kailangan ko ng sword na masasabi kong malakas." Sabi ni Red habang tumango naman dito si Aisha.
"Sumunod ka sa akin." Dito nag lakad si Aisha sa isang direksyon habang sinundan naman ito ni Red.
Once na makarating agad na lumitaw ang pagkamangha at tuwa sa mukha ni Red. He didn't expect na sa almost rundown na bahay na ito ay meron palang nakatagong shop sa lugar.
Currently madaming mga naka display na swords sa buong lugar at kapansin-pansin ang mga level ng mga ito.
They're all a high level swords!
"See for yourself." Sabi ni Aisha habang lumapit naman si Red at tiningnan ang espada na inilahad ni Aisha sa kanya.
"Gusto ko nang mabigat pero tama lang ang laki, mga ganito kalaki seguro." Sabi ni Red habang trinatry ang espada.
Nag-isip naman si Aisha sa mga oras na iyon at pumunta sa isang sulok. Na curious si Red dito ngunit hindi siya nagsalita.
Sa sulok binuksan ni Aisha ang isang malaking box na nagmumula sa isang secret compartment. Dito lumitaw ang isang espada.
"Ito ay isang cursed sword." Sabi ni Aisha.
"Cursed sword?" Tanong naman ni Sol habang makikita ang question mark sa kanyang mukha.
This is the very first time na marinig ni Red ang word na ito. Kahit sa mga forums ay wala ang salitang ito.
Sa oras na iyon ay inilagay ni Aisha ang box at binuksan ito. Dito tumambad ang isang sword na nababalot ng kakaibang aura.
Ang kulay ng espada ay kulay pula at kasing pula ito ng dugo.
"Ito ang tinatawag na Crimson Blood Sword matagal na ito dito at nagmula pa ito sa aking ama." Sabi ni Aisha habang hinawakan naman ni Red ang handle ng Crimson Blood Sword.
[Ting!]
[You received a cursed!]
[You will lose 1 HP every minute.]
Lumabas ito sa virtual screen ni Red ngunit hindi niya ito pinansin at hindi binitawan ang espada.
Nakikita naman ni Red right now ang pagbaba ng kanyang [HP Bar].
"Ito pala ang epekto nito sa humahawak sa kanya." Sabi ni Sol habang tumango naman dito si Aisha.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Aisha habang tinitigan naman ni Red ang cursed sword.
[Crimson Blood Sword] (Cursed)
[Rare]
[ATK +80 - 120]
[Durability: 100/100]
[Chance of Critical Hit 10 percent]
[Level restriction: none]
[Description: A cursed sword used by an unknown swordsman.]
"Mabigat ito, mataas ang mga stats at hindi lang basta mataas kung hindi mataas na mataas at isa pa isa itong rare item." Sabi ni Red na may ngiti sa labi.
"Tulad ng sabi ko kanina isa yang cursed sword pero pwede namang mawala ang cursed status nito kung dadalhin mo ito sa Church for purification." Sabi ni Aisha.
Tumango si Red dito at agad na nag-desisyong kukunin ang espada.
Bihira lang ang mga ganitong klase ng item lalo na't level 1 palamang siya. Besides walang lvl restriction ang espadang ito para sa kanyang user!
Meaning kahit na sino ay maaring gamitin ant espada na ito.
"Magkano ito?" Tanong ni Red habang napa-isip naman si Aisha.
"20,000 Gold." Sabi ni Aisha na ikinatuwa ni Red ng mga oras na iyon.
Walang problema ito kay Red, sobrang mura na nga nito at para nalamang itong sale item dahil sa kanyang presyo.
Pero naalala ni Red ang sinabi kanina ni Aisha na galing pa ang espadang ito sa kanyang ama. Tsaka isang [Rare] ang espadang ito na walang level restrictions!
"Masyadong mababa atsaka sabi mo diba galing pa sa iyong ama ang espadang ito at bihira lang ang mga ganitong klase ng espada. Sabi ni Red.
Tumango naman dito si Aisha at lumapit kay Ericka na sa ngayon ay nakatulog na sa sulok.
"Ganito nalang sa tuwing uuwi ka galing sa iyong paglalakbay dalhan mo nalang ako ng kahit anong bagay na pwede kong magamit dito, ok na ba iyon?" Sabi ni Aisha habag inag-isipan ni Red ang sinabi ni Aisha at walang problema dito.
Fare trade...
"Sige asahan mo, ngapala may pwede kabang maisuot diyan na armor?" Tanong ni Red.
Tumango dito si Aisha at itinuro ang napakaraming mga armor type na naka display sa loob ng kabilang kwarto ng shop.