webnovel

Work of Words

[FILIPINO] This is just a compilation of my works such as poems and flash fiction.

dreamghorl · 若者
レビュー数が足りません
17 Chs

Patawad, Paalam

Hindi lingid sa aking kaalamang ika'y sumusuko na;

Yumuko pa nga ako sa iyong harapan upang manatili ka;

Ngunit, bago pa kita muling mahagkan,

Tumalikod ka na.

"Babalik ako,"

'Yan ang sinabi mo.

Umasa't nagbaka sakali,

Kahit na alam kong sa katotohanan ay hindi.

Hinintay kita;

Umiiyak sa tuwing nag-iisa;

Litrato mo'y hinahagkan 'pag naaalala ka;

Patuloy akong nangungulila.

Mga mata mong bilugan;

Ang ngiti mong kasing liwanag ng buwan;

Kailan kaya muling matatanaw?

Makikita pa kaya balang-araw?

Lumuhod ako sa aking replika;

Nang may luha sa mga mata;

Nagmamakaawang sana bumalik na;

Ngunit sinabi mo lang, "Patawad, Paalam."