webnovel

Witch Fate (Tagalog)

Ang hinirang na mangkukulam ay may misyong patayin ang hari ng mga demonyo na tinatawag na "jakan" para maibalik ang kapayapaan sa mundo. Ngunit para makamit ang pinaka malakas na kapangyarihan ay kaylangan mahanap ng mangkukulam ang tatlong mga babaylan na siyang may hawak sa tatlong mga sinumpang kagamitan na tinawag na "takda". Ngunit sakabilang banda ay may mga dagdag na kalaban sa paglalakbay ng mangkukulam. Ang mga sagabal na ito ay ang pitong prinsipe ng impyerno at mas kilala bilang mga Cardinal sin Sila ang maituturing na naghahari sa impyerno bago mabihag ng jakan. Misyon nang hinirang na mangkukulam na patayin ang jakan at ibalik ang kaayusan sa mundo at mapanatili ang kapayapaan nito.

namme · ファンタジー
レビュー数が足りません
11 Chs

SIMULA

Kinabukasan nagulat si Jess ng makita ang isang regalo na hawak ng kanyang ama.

Ginawan si Jess ng kanyang ama ng isang malaking manika na kasing sukat ng isang tao. Ito ay manikang babae, halos hanggang balikat rin nya ang tangkad ng manikang ito at may kulay rosas na buhok.

Bata pa lamang si Jess ay nagagawa na nyang mag manipula o pagalawin ang mga bagay-bagay mula sa kanyang paligid. Batid ng ama ni Jess na kung nagagawa ni Jess na kumontrol ng mga bagay, ay mainam at napaka epektibo ng isang manika upang protektahan ang kanyang sarili sa paglalakbay at mga sagupaang maaaring mangyari bilang isang hinirang na mangkukulam.

Labis ang tuwa ni Jess sa regalo ng kanyang ama. Nasa isip nya na napakalaking tulong ang manikang ito sa mga pagsubok at paglalakbay na kanyang tatahakin. Ngunit, ito ay halos kasing laki ng isang normal na dalagang babae, masyado itong malaki para bitbitin sa kanyang pag lalakbay. Hindi naman nya kakayaning kontrolin ang manika buong araw dahil batid nya na mauubos ang kanyang mana sa katawan.

Wala pang ilang segundo mula sa pag iisip ni Jess kung paano dadalhin ang manika, ay nabigla sya ng kainin ni Koro ang manikang iniregalo ng kanyang ama. Para bang walang nangyari at sabay balik sa ulo ni Jess si Koro pagkatalos kainin ang manika.

Dito naalala ni jess na isa nga palang perpektong kopya ng kalawakan ang loob ng bibig ni koro at nagagawa ni koro na iluwa ang kahit na anong makakapasok sa bibig nito.

"Ama, bakit isang babaeng manika ang iyong ginawa?" Tanong ni Jess sa kanyang ama. Dahil sa isip ni Jess. mainam at mas epektibo ang isang lalaking manika kahit pa naka depende ito sa kung paano nya kontrolin ang manika.

"Nais kong magkaroon ka ng kalaro at kaibigan noong bata ka dahil ikaw ang nag iisang anak namin ng iyong ina, itinago ko ito dahil masyadong malaki ang aking nagawa." Nag iisang anak lamang si Jess at dahil isang lalaki si Jess, naisipan ng kanyang ama na bigyan ng isang manikang babae si Jess, ngunit ang laki at katawan na nalikha ng ama ni Jess ay hindi aangkop upang paglaruan ng bata. Kaya naman itinago na lamang ito ng kanyang ama at sya namang pagkakataon na magagamit pa pala nila ito.

Isang ngiti ang binigay ni Jess sa kanyang ama. Hindi inakala ni Jess na ginawa ng kanyang ama ang manika noong bata pa lamang sya, at dalagang manika pa ang nagawa ng kanyang ama.

Sa likod ng mga tawanan at ngiti na nag mumula sa tahanan, nakatago ang lungkot at mga pangamba. Batid ni Jess at ng kanyang mga magulang ang maaaring kabayaran sa pag alis ni Jess, maaaring eto na ang huling pagkikita at tawanan nila na magkakasama.

Puno ng pamamaalam ang araw na iyon. Isang huling tingin at ngiti ang ibinigay ni Jess sa kanyang mga magulang bago maglakad papalayo sa kanilang tahanan upang umpisahan ang kanyang paglalakbay.

Isang normal na paglalakbay lamang ang araw na iyon para kay Jess. Walang panganib na nangyari. Kinagabihan, inutos ni Jess kay Koro na ilabas ang manika na iniregalo ng kanyang ama. Nais ni Jess na mabusisi ito at sanaying kontrolin.

Nang hawakan ni Jess ang manika, labis ang lungkot at pasasalamat ang kanyang naramdaman. Sa bawat hulma at ukit ng manika ay nakikita ni Jess ang pagmamahal ng kanyang ama para sa kanya. Kaya naman nais ni Jess na ingatan ang manikang ito kahit pa na sya ay nasa laban.

Tatlong segundong pumikit at huminga ng malalim si Jess para sa pagpopokus na gamitin ang kanyang chakra. Nang kanyang imulat ang mga mata, ay isa-isang lumabas mula sa kanyang daliri ang mistulang sinulid na nagliliwanag. Kinontrol nya ito na kumonekta sa kanyang manika, hindi naman nabigo si Jess at agad nyang napatayo ang manika gamit ang kanyang chakra.

Bata pa lamang si Jess ay nakasanayan na nyang kontrolin ang mga bagay, kaya naman napaka dali na lang para kay Jess na pagalawin at kontrolin ang manika.

Ayon sa nalalaman ni Jess, may pitong uri ng chakra. Ang chakra na kanyang tinataglay ay tinatawag na "ORAMATA".

Ang chakrang ORAMATA, ay ang chakra na may kakayahang mag manipula ng kahit anong bagay o kahit anong nilalang. Gamit ang pag iisip at kasabay ng porma ng mga daliri kung saan naka-kabit ang sinulid na kumokonekta sa User at instrumentong nais kontrolin ng user.

Matapos subukang kontrolin ni Jess ang manika ay binigyan nya ito ng pangalan, ang pangalan ng kanyang manika ay "Sese". Gabi na rin at pinili ni Jess na matulog na rin upang magkaroon ng sapat na lakas sa kanyang paglalakbay.

Kinaumagahan, nagpatuloy agad si Jess sa kanyang paglalakbay, buong maghapong naglakbay si Jess upang marating agad ang susunod na bayan na kanyang matatagpuan.

Isang gabi habang nag papahinga mula sa paglalakbay, isang katanungan ang naglalaro sa isipan ni Jess. "Koro, bakit hindi tayo tinutugis o gumagawa ng masama ang jakan at mga prinsipe ng impyerno, gayung ako ang hinirang na mangkukulam?"

May mga batid na kaalaman si Koro, dito nya sinumulang ikuwento ang pinagmulan ng lahat.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Kamatayan ang isa sa pinaka malakas na nilalang na nilikha ng langit at imyerno. Si Kamatayan ang nag sisilbing balanse ng mundo. Sya ang taga bawas sa walang hanggang kapangyarihan ng buhay.

Binigyan ni Kamatayan ng pangalan ang kanyang sarili. Ang pangalang ito ay "Koro", na tanging sya lamang ang nakakaalam.

Bilang balanse ng mundo, Si Koro lamang ang nilalang na may kakayahang magpabalik-balik sa impyerno at lupa. Sagradong lugar ang langit kaya hindi pa sya rito nakakatapak.

Nagsimula ang lahat ng isang demonyo ang nagtagumpay na makatakas sa kalupitan ng impyerno. Nagawa ng demonyong ito na makapag tago sa limbo. Ang pagtakas ng demonyong ito mula sa kalupitan ng impyerno ay nagbunga ng matinding pagkawala ng balanse sa mundo. Ang pag padpad ng demonyo sa limbo ay nagdulot ng kaunting lakas nito. Sinubukan syang kainin ng limbo dahil sa hindi sya ang nararapat na demonyo roon, kabaliktaran ang naganap. Kinain ng demonyo ang limbo dahilan para magtaglay pa ng kakaiba at mas malakas pang kapangyarihan ang demonyo. Dahil sa kapanyarihan mula sa limbo, naipanganak ang batang jakan, ang pagpapalit anyo ng isang Demonyo.

Bilang isang balanse, nalaman ni Koro ang nangyari. Damang dama ni Koro ang kawalan ng balanse ng mundo dahil sa pagkawala ng limbo. Nararamdaman rin ni Koro ang Jakan.

Upang maibalik sa kaayusan ang impyerno, ay kinuha ni Koro ang batang Jakan at isinama ito sa empty world, ang mundo ni Koro.

Maraming kaisipan ang naglalaro sa isip ni Koro. Simula ng dalhin nya ang Jakan sa kanyang mundo, ay naisip nyang halos iisa na lang rin ang demonyo at limbo. Kong iisipin ang Jakan ang buhay na katawang bersyon ng limbo. Naisip ni Koro, na kung sya ay isa sa mga pinaka malakas na nilalang sa daigdig, bakit hindi nya magawang magkaanak tulad ng impyerno na nagawang makalikha ng jakan?

Isang ideya ang pumasok sa isip ni Koro. Gumawa si Koro ng tatlong anak. Inihulma nya ito base sa kanyang kapanygyarihan, sabay sabay nyang ginawa ang tatlong anak na nag rerepresenta sa mga lugar na kanyang binabantayan, ang Langit, lupa at impyerno.

Hinati ni Koro ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga anak, at pinangalanan nya ang kanyang mga anak na sina "Netro, Geko at Tengko". Si Geko ang napili nya para sa langit. Si Netro ay para sa lupa. At Tengko naman ay sa impyerno.

Labis ang mangha at kasiyahan ni Koro dahil nagawa ng Kamatayan na lumikha ng buhay. Dahil sa pangyayaring naganap, at may panibagong papalit sa kanya bilang isang balanse, magagawa na ni Koro na magpunta sa lupa na walang kinukuhang buhay.

Agad na nagtungo si Koro sa mundo ng mga tao, at tila nakaligtaan na ang tungkol sa Jakan. Dahil sa tatlong anak ni Koro, ay nakahigop ng lakas at kaalaman ang jakan sa mga ito.

Ang Jakan ay anak at nag mula sa impyerno, kaya ang Jakan ay hulma ng pitong kasalanan (seven deadly sin) ng mundo. Kapalaluan, Inggit, Katakawan, Kahalayan, Katamaran, Galit at Pagkaganid ang nananalaytay sa dugo at katawan ng Jakan, na syang naging dahilan kung bakit mas lumakas ang Jakan.

Dahil sa tatlong anak ni Koro ay nakakuha ng lakas at kaalaman ng Jakan tungkol sa langit, lupa at impyerno. Nagkaroon ito ng sapat na kaalaman at nagkaroon ng mithiin na mamuno at maghari sa impyerno. Ginamit ng Jakan ang tatlong anak ni Koro gamit ang mga kapangyarihan nito upang maghari at bihagin ang pitong prinsipe ng impyerno, ang cardinal sinners upang gawing taga sunod.

Dahil sa pagkawala sa pwesto ng tatlong anak ni koro, Mula sa lupa, ay naramdaman ni Koro na nawala muli ang balanse ng mundo. Agad siyang bumalik sa empty world ngunit wala na ang Jakan at ang kaniyang tatlong anak.

Pinakiramdaman ni Koro ang kaniyang tatlong anak, at sa impyerno nya naramdaman ang presensya ng kanyang sariling kapangyarihan. Bumaba si Koro sa impyerno upang bawiin ang kanyang mga anak.

Nabawi ni Koro mula sa Jakan ang kaniyang mga anak. Batid ni Koro na may sapat syang lakas upang talunin ang Jakan, ngunit batid nya rin na huli na ang lahat dahil may sapat ng kaalaman at lakas ng Jakan upang makipaglaban, naabot na rin nito ang maturidad nitong katawan.

Upang hindi na muli pang lumakas, nag desisyon si Koro na paslangin na ang Jakan. Ngunit, tila ba may basbas ng sarili ang Jakan at ito ay nakatakas kasama ng pitong cardinal sinners at nag tungo sa lupa. Sinubukan ni Koro na habulin ang Jakan, ngunit ang kaniyang tatlong anak ay hinid makakapasok sa mundo ng mga tao dahil wala itong sariling katawan. Tanging si Koro lamang ang maaaring makapunta sa mundo ng mga tao. Ngunit batid ni Koro na hindi nya kayang talunin at paslangin ang Jakan ng wala ang kanyang tatlong anak, dahil nasa kanila ang kanyang lakas na kapangyarihan.

Tinanggap ni Koro na tuluyan ng masisira ang balanse sa mundo. Ang kasamaan ay mas higit na sa kabutihan. Nanaig ang kasamaang kumakalat sa mundo ng mga tao. Habang malaya ang Jakan ay patuloy na lumalakas ang kasamaan, at patuloy rin lumalakas ang kanyang kapangyarihan.

Sa lakas na taglay ng Jakan, nagawa nitong pagpalitin ang dalawang mukha ng bantay sa pinto ng langit at ng impyerno. Ang pagpapalit ng dalawang mukha, ito ay magdudulot ng hindi kaangkupan. Ang pinto ng langit at impyerno ay mananatiling bukas, malayang makakalabas ang mga espirito at halimaw sa impyerno upang magtungo sa lupa. Kakalat ang kasamaan, ang mga hindi makataong pangyayari tulad ng pagpatay. Kakalat ang mga espirito at demonyo sa lupain, dahilan para lumaban ang mga tao at pumaslang. Tao laban sa tao. Tao laban sa halimaw. Tao laban sa espirito. Sa pamamagitan ng pagkalat ng kasamaan sa mundo at impyerno, ay lalong lalakas ang Jakan. Kahit na namamahinga ang Jakan ay patuloy itong lalakas dahil sa kasamaang lumalaganap.

Di naglaon ay nabatid na ng langit ang kaguluhan na nangyayari sa lupa at impyerno. Nagpadala ang Diyos ng pitong anak na anghel na syang tatalo sa Jakan at sa pitong cardinal sinners.

Michael, Raphael, Gabriel, Uriel, Saraquel, Raguel, at Remiel. Sila ang pitong anghel na pinadala ng Diyos upang wakasan ang kaguluhan na nagyayari sa mundo. Ngunit hindi basta basta makakababa ang mga anghel sa lupa. Kaya naman kaylangan mabuksan ang harang sa mundo sa pamamagitan ng mga chakra na nagmumula pa sa pito pang mundo. Ang Asgard, Jutonheim, Nidavellir, Svartalfheim, Vanaheim, Alfheim at Muspelheim.

Mabubuksan ang harang ngunit ang pitong chakra na ginamit para mabuksan ang harang ay makakapasok sa midgard o sa mundo. Kung ganun, ang mga tao ay magkakaroon ng kaalaman at kapangyarihan sa pamamagitan ng chakra. Dahilan para mas tumindi ang kaguluhan at mga labanan sa pagitan ng mga tao, halimaw at espirito.

Ang pagbaba ng mga anghel sa lupa ay nagdulot ng malaking kaganapan sa mundo. Nang magkaroon ang mga tao ng kaalaman at kapangyarihan, ay natuto ang mga tao na lumaban sa mga demonyo at mga espirito na kanilang makakaharap. Matututo ang tao na pumaslang at ang kanilang kalooban at katauhan ay maaaring balutin ng pitong kasalanan.

Sa pagbaba ng anghel ay napaghandaan na pala ito ng Jakan. Sinugo nya ang pitong prinsipe ng impyerno na tinatawag na cardinal sinners. Sinalubong ng cardinal sinners ang pitong anghel na pinadala ng Diyos.

Nagsimula ang laban sa lupa. Lamang na lamang ang kasamaan sa lupa kaya naman kalunos-lunos na pagkatalo ang sinapit ng mga anghel. Naging bihag ng mga cardinal sinner ang mga anghel. Ngunit may isang anghel ang nakaligtas mula sa pagkakabihag. Ito ay si Michael. Nagawang makatakas ni Michael bago pa man sya mahuli ng mga cardinal sinners. Nagtago ang anghel na si Michael sa empty world, ang mundo ni Koro. Hinayaan ng Jakan na magpunta si Michael sa empty world, dahil kung susundan niya ito o ng mga cardinal sinners, ay paniguradong matatalo sila ni Koro sa sarili nitong Mundo.

Ang anim na anghel ay ikinulong sa impyerno, gamit ang kandado na mabubuksan lamang kapag namatay ang Jakan. Buhay ng Jakan ang susi sa mga kandado ng anim na anghel. Walang nagawa si Koro dahil lubos na malakas ang Jakan at pitong cardinal sinners kahit pa sa lupa at impyerno.

Ang natitirang anghel na si Michael ay wala ng ibang maisip na solusyon para matulungan ang kanyang mga kasamang anghel. Kaya naman nagkasundo si Koro at Michael na magtulungan. Dahil walang katawang lupa ang tatlong anak ni Koro ay hindi ito makakapasok sa lupa pero kung ito ay magiging bagay ay makakapasok ito.

Ngunit hindi magiging bagay ang tatlong anak ni Koro, kung si koro mismo ay hindi magiging isang bagay. Gamit ang kapangyarihan ni Michael, ginawa nyang bagay si Koro at ang tatlong anak nito. Labis ang kapangyarihan na nagamit ng anghel para gawing materyal si Koro at ang mga anak nito, kaya naman wala na itong lakas na lumaban pang muli sa prinsipe at sa Jakan. Kinakailangang may gumamit sa mga materyal na sina Koro at kanyang tatlong anak. Kaya naman ibinuhos ni Michael ang kanyang buong kapangyarihan para sya ay maging isang spirito. Ang spirito ni Michael ay bababa sa lupa at sasanib sa napili nitong magiging katawan. At si Koro at mga anak nito ang syang magiging kagamitan o armas na gagamitin para palangin ang Jakan. Ang mapipiling katawan ng spirito ni Michael ay ang syang hihiranging tatalo sa Jakan at sa mga prinsipe nito.

Dahil may limitasyon ang buhay ng isang tao, ay nabuo ang cycle. Ang cycle ay ang paglipat ng spirito ng yumaong hinirang sa panibagong hinirang na isisilang. Ang cycle na ito ay hindi matitigil hanggang nabubuhay ang Jakan.

Magkasamang napadpad sa iisang lugar ang spirito ni Michael at si Koro na isa na lamang na tatsulok na sumbrero. Ang tatlong anak naman ni Koro ay hindi nila kasama dahil sa mayroon na itong sariling pag iisip bilang hiwalay na parte ni Koro. Pinili ng mga anak ni Koro na magtunggo sa malayong lugar para sa mga sarili nitong mga kadahilan at kagustuhan.

Tinawag na Mangkukulam ang hinirang ng spirito ni michael. Labis ang lakas ng hihirangin sa oras na makamit nya ang sukdulan ng kanyan kapangyarihan. Misyon ng hinirang na mangkukulam na hanapin ang nagkalat na kagamitan at makilala ang babaylan nito., ang babaylan ay ang taong may hawak ng kagamitan. Ang babaylan ang syang poprotekta at tutulong sa hinirang upang paslangin ang Jakan.

--------------------------------------------------------------------------

Ang dahilan kung bakit hindi tinutugis ng Jakan ang hinirang ay dahil mas pinagtutuunan nito ang magpalakas ng husto. Dahil sa kaganapang nangyayari sa lupa ay mapapaaga at mapapabilis ang paglilitis na gagawin ng Diyos. Ito na ang pagkakataon ng Jakan para talunin ang Diyos at bihagin pati ang kalangitan, upang mamuno at maghari sa buong sanlibutan.

Walang kaalam alam ang Jakan at mga cardianal sinners sa cycle, at kahit pa magkaroon sila ng kaalaman ay muli itong mabubura sa kanilang isipan. Kabilang ito sa mga kapangyarihang ginawa ni Michael bago sya maging isang spirito at gawing bagay si Koro at ang mga anak nito.

Dito napagtanto ni Jess na kaya patuloy na tinutugis ng mga alagad ng Jakan sila Jerry at Sona ay dahil wala itong alam sa bagong hinirang. Ang tanging alam lamang ng Jakan ay sila Jerry at Sona ang natitirang malalakas na kalaban nila.

Sa mga sumunod na gabi, unti unting binuo ni Jess ang isang payong na gawa sa kawayan para gawing armas ni Sese. Makikitang hinahanda na rin ni Jess ang sarili sa panganib na maaari nyang kaharapin sa pag lalakbay. Isinasanay na rin ni Jess na kortrolin si Sese gamit ang bago nitong armas.

"Bakit payong ang armas na iyong napili?" tanong ni Koro kay Jess.

"Ang payong na ito ay isa lamang panangga. Inihulma ko ito bilang payong upang hindi maging kahinahinala sa aking mga makakaharap." Ninais ni Jess na magkaroon si Sese ng napangga upang magawa rin nitong protektahan ang manika sa anumang tira na maaaring ibato ng kanyang makakalaban.

"Mainam kung magiging sandata mo rin ang payong na iyan. Mas gagaling ka sa pakikipaglaban at pagtira sa oras na matutunan mo na ang ibang chakra." Batid ni Jess ang punto ni Koro. Hindi lang dapat puro depensa mula sa kalaban ang kanyang dapat paghandaan. Sa binanggit na iyon ni Koro, ay nagkaroon ng interes si Jess sa iba pang uri ng chakra. Labis ng namamangha si Jess sa chakra nyang ORAMATA, kaya naman ninanais na rin nyang matutunan ang iba pang chakra na maaari nyang magamit bilang isang hinirang.

Ipinaliwanag ni Koro kay Jess ang tungkol sa chakra at mga nakapaloob rito.

Ang bawat chakra ay may ibat ibang simbulo at estado sa katawan ng tao. May kanya-kanya rin itong pwesto sa katawan, kanya-kanyang kulay. Bawat isa may tinatanging lakas sa oras na napag aralang mabuti. Ngunit hindi lahat ng tao at halimaw ay may kakayahang gumamit ng dalawang chakra. Tangging ang hinirang at Jakan lamang ang syang may kakayahan na gamitin ang pitong chakra.

Dalawang chakra ang limitasyon at kayang gamitin ng isang tao. Isang chakra naman para sa mga halimaw, ngunit ang kapalit naman nito ay ang kadalubhasaan sa paggamit ng iisang chakrang tinataglay nito.

Ang prinsipe ng impyerno (Cardinal sinners) ay iisa lamang rin ang tinataglay na chakra. Bawat isa ay nagtataglay ng ibat-ibang uri ng chakra.

Pride - Utakora

Sloth - Oramata

Wrath - Throra

Envy - Pusora

Lust - Orasol

Greed - Sacoral

Glutonny - Rootora

Ang bawat prinsipe ay simbolo ng isang chakra. Kilala ang mga prinsipe na ito dahil sa pagiging dalubhasa sa pag gamit ng chakrang kanilang sinisimbulo.

Maging ang mga babaylan ay nagtataglay rin ng ibat-ibang chakra, maliban lamang sa chakrang SACORAL. Ang bawat babaylan ay nagtataglay ng chakrang Sacoral, dahil may kakayahan silang makipag sanib sa kanilang takdang kagamitan, ang kapangyarihang ito ay nagagawa lamang ng mga nagtataglay ng Sacoral.

Ang babaylan ni Geko ay nagtataglay ng chakrang: Utakora, Oramata, at Sacoral

Ang babaylan ni Netro ay nagtataglay ng chakra na: Throra, Pusora at Sacoral

Ang babaylan ni Tengko ay nagtataglay ng chakra na: Orasol, Rootora at Sacoral

Sa oras na magsama-sama ang tatlong babaylan ay katumbas nila ang lakas ng isang hinirang na mangkukulam. Sa kabila nito, ang lakas ng pitong prinsipe ng impyerno ay katumbas ng dalawa hinirang na mangkukulam, bukod pa rito ang lakas na tinataglay ng Jakan.

Check out the upcoming updates of witch fate on my Facebook account : Em Ramos

Follow me to see the official witch fate art & design.

IG :@nammemmy | FB :Em Ramos

nammecreators' thoughts