webnovel

Chapter 8

Jann Michael POV

Pagdating ng ika ala singko ng gabi at ng matapos ang aking huling meeting ng gabing yun at dumretcho na ako sa aking lamesa para ligpitan aking mga gamit gaya ng aking laptop at iba pang papeles na kailangan kong reviewin sa ibang araw at ang mga papeles na kailangan pirmahan pagdating ko galing sa bakasyon namin ng aking asawa. sobrang excited ako ngayon araw na ito, sino nga ba ang hindi, kung alam mo makakadate mo ang asawa mo sa araw ng anibersaryo nyo at sobrang excited din akong umuwi para masilayan ko na ang napakagandang mukha ng aking pinakakamahal na asawa. ang aswang pinagarap ko at pinapangarap ng kahit sino man anak ni adan , kaganapan ng aking pagkatao at kaganapan ng aking pagkakalaki. Ang babaeng kahati ng aking pagkatao , babaeng nagtataglay ng aking apilido, ang babae nagmamay-ari ng aking puso at buong buo pagkatao.

Habang liniligpit ko ang aking mga gamit pakanta kanta pa ako ng let's stay together, ito ang kinanta ko sa kanya noong nililigawan ko pa ito at itong kanta din ang kinanta ko sa kanya ng yayain ko ito na magpakasal.

Let's stay together

I, I'm so in love with you

Whatever you want to do

Is all right with me

'Cause you make me feel so brand-new

And I want to spend my life with you

They say it seems, baby

Since we've been together

Ooh, loving you forever

Is what I need

Let me be the one you come runnin' to

I'll never be untrue

Ooh, baby

Let's, let's stay together

Loving you whether, whether

Times are good or bad

Happy or sad

Ooh, ooh, yeah

Whether times are good or bad

Happy or sad

Why, somebody?

Why do people who break up

Oh, turn around and make up?

I just can't see

You'd never do that to me

Would you, baby?

'Cause being around you

Is all I see

Here's what I want us to do

Let's, we ought to stay together

Loving you whether, whether

Times are good or bad

Happy or sad, come on

Let's, let's stay together

Loving you whether, whether

Habang kinakanta ko ito ay napapangiti pa ako kasi nagaganda ako sa lyris ng kantang ito

Hindi ko namalayan na nakatunghay na sa aking aking sekretarya, kanina pa pala niya ako tinitignan at pinakikingan sa aking pag awit, napapalakpak pa ito sa akin at sabay sabing "napakagaling mo po palang kumanta sir, naku maliban sa magaling sa pamamahala ng kumpanya may lihim ka din po pala na talento" sabi ng aking sekretarya habang nangiti ito sa akin at ako naman ay nahiya pinagmulhan ang aking buong mukha

"Salamat, uwi ka na gabi na, ingat ka " sabi ko sa aking sekretarya

"salamat po sir, kayo din po ingat po kayo, sabi ng sekretarya ko

Ng matapos kona ligpitin ang aking gamit, umalis na ko at dumretcho na ako sa aking sasakyan

Masaya akong nagdridrive habang pauwi dahil alam kong naghihintay na sa akin ang aking asawa at naalala kong sabi ko sa kanya ala sais ako uuwi, pero ang hindi niya alam , ala sinko kinse ako umalis ng aking trabaho para agad makauwi at agad din kaminng makaalis para sa pupuntahan namin.

Pagkapark ko ng aking sasakyan sa mansyon , agad akong pumasok sa loob, agad ko hinanap ang aking asawa, sabi ng isang katulong na nadatnann ko sa sala, nasa ikalawang palapag daw ang aking asawa, kaya aga akong umakyat sa ikalawang palapag at dumertcho sa aming kwarto at nadatnan ko ang aking asawa nakahiga ito at payapang natututlog , siguru napagod ito sa buong araw, siguru inayos nito ang mga dadalhin na gamit kaya siguro ito ay napagod at pinagmasdan ko ang aking asawa at kahit asawa ko na ito ay patuloy pa rin akong naamaze dahil napaganda talaga ng aking asawa kaya bigla ako natuksong nakawan ito ng halik ang aking natutulog na asawa. At agad ko dinampihan ng halik ang labi ng aking asawa , iiihhhhh ang kanyang labi ay sobrang nipis at sobrang lambot at ang kanyang labi ay mapupula, gumalaw ito kaya agad akong bumitaw sa paghalik ko dito baka magising ito at mahuli niya akongninakawan ng halik.

Ng hindi na ito gumalaw muli ay nahiga ako sa kanyang tabi, doon ko lalong malayang napagmasdan ang kanyang mukha at agad akong napaisip kailan kaya kami bibiyayan ng isang supling, supling na magiging sentro ng aming pagsasama maliban sa paginooon na gumagabay sa amin dalawa, yung supling na mgigigng simbolo ng aming pagmaamahalan at hindi ko namalayan sa aking pagtitig sa kanya lumipas na pala ang trenta minutos at biglang tumunog ang kanyang cellphone at ng tigna ko ay ang kanyang alarm clock na kanyang isinet para magising ito sa oras na yun at pag mulat ng kanyang mata ay nabigla ito ng makita niya ako sa kanyang gilid.

"mahal nakauwi ka, anong oras ka umuwi" sabi niya sa akin sabay haplos sa aking mukha, agad ko pumikit para damhin ang kanyang malambot na palad na naghahatid sa akin ng init.

"Oo mahal kaninang pang 5:25 pa ako nakauwi mahal" sabi ko sa kanya na may kasamang lambing ng aking boses at ngumiti ako dito g sobrang tamis

" bakit hindi mo ako ginisning mahal?" sabi niya sa akin habang nakangiti at ang may lambing sa boses

" Hindi na kita ginising mahal, alam ko pagod ka, napaka walang puso ng mahal mo na asawa kung gigising niya ang kanyang reyna" sabi ko sa kanya sabay ng isang kindat

"Tara na " sabi ng aswa ko habang niyaya niya na ako tumayo habang ito naman ay nakatayo na sa gilid ng aming kama , grabe ang bilis gumalwa ng aking asawa patayo pa lamang ako ito nakatayo at nakapamewang pa sa aking harapan at ng makatayo na ako kinuwa ko na ang aming mga bagahe para madala ko na sa ibaba at ng maisakay ko na sa aming sasakyan at ng maipasok ko na ang mga bagahe ay agad kong inalalayan ang aking asawa para makapasok na sa loob, ng makapasok ako sa loob, agad ko sinuot ang seat belt ng aking asawa pagkatapos sinuot ko ang aking seat belt. At agad ko din binuksan ang aking stereo para makinig musics habang nasa bihaye para ndi mainip ang aking asawa.

Matulin lumipas ang ilang oras ay nasa pampanga na kami, sabi ng asawa ko dumaan daw kami ng pampanga dahil may bibilhin ito doon at sabi nito na doon lang daw mabibili ang kanyang bibilhin kaya agad kong pinagbigyan ang aking asawa.

Ng paalis na kami sa establisyimentong yun, may bumungo sa amin truck, hindi ko napaghandaan yun, at hindi ko nakita na mababanga na kami ng truck na yun, parang paulit ulit na bumabanlik sa akin yung unti unti nito pagsalpok sa amin, lalo na sa gilid ng pinto ng kotse kung saan nakaupo si misis at sa aking naglalabong mata nakita ko na para kaming nagpagulong gulong dahil masyadong malakas ang pagbungo sa amin ng truck na yun at sa naglalabo ko paningin at nalalabong pandinig, narinig ko sinabi ng asawa ko ," mahal iligtas mo ang anak natin, buntis ako" sabi ng asawa ko , habang may dugo ang kanyang mukha at ilang saglit lang ay puro na ito dugo at nakita ko na nagkasugat sugat ito dahil sa impact ng pakakabanga sa amin at sa sinabi nito ay nanlaki ang aking mata at agad ako napatingin sa kanya , gusto kong igalaw ang aking katawan pero ndi ko ito magalaw at sobrang naglalabo na ang aking paningin at kahit hindi ko kaya dahil may mga sugat na din ako, pinilit ko daluhan ang asawa ko at narinig ko pinapaligtas nito ang aming anak, buntis ang asawa ko, at hind ko man alam ang aking gagawin at siguro ito yung kanyang sinasabi na sopresa, talagang napalakaing sopresa nito pero ndi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil nasa isang alaganinin kaming sitwasyon, ang sakit naman nalaman ko ang mabuting balita habang nandito kaming dalawa na duguan dahil sa aksidente na sinasakutan namin

"oo mahal ililigtas ko kayong dalawa ng anak natin" sabi ko sa kanya habang lumuluha dahil nahihirapan ako dahil sa pinsala ko pero mas nahihirapan akong makita nasa ganoon na kalagayan ang aking asawa kaya agad akong sumigaw ng tulong sa mahina kong boses at ilang miunot lang ay may dumating na tulong sa amin at agad kami sinugod sa pinakamalapit na ospital dahil sa impact ng aksidente hindi ko namalayan nakatulog na pala ako