Millary POV
Ng nasa kwarto na ko bigla ako napaisip, sino nga ba talaga ako?, bakit ako nagpapangap bilang isang katulong , hindi ganitong buhay ang nakasanayan ko, ang buhay na nakasnayan ko ay buhay ng isang prinsesa , ako ang pinagsisilbihan at ndi ako ang nagsisilbi
Sa aking pag-iisip bumalika ako sa aking nakaraan
Anak ako ng mag-asawang Andrea at Rommel Montemayor, mayaman angkan sa Pampanga, bakit ako nandito sa Manila, simple lang dahil tinatakasan ko ang aking magulang dahil nais nila ako ipakasal sa anak ng kaibigan nila sa negosyo, ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal, kaya ganoon na lang ang paglayas ko sa aming mansyon at ganoon na lang ginawa kong pagtatago.
Si Ronel Villaflor ang nais ipakasal sa akin, Hindi ko gusto si ronel pero alam ko siya , malalim ang kanyang pagkagusto sa akin , kasi ilang beses na siya nanligaw pero lagi ko ito binabasted, siguru dahil wala ako maramdam na kakaiba sa kanya, wala ako maramadaman na pagmamahal, sinubukan ko naman dahil alam ko siya ang tinakda ng mga magulang ko pero kahit anong pilit ko ayaw ng puso ko, kaya nagpasya na ko na umalis sa bahay namin
Noong una naging mahirap sa akin ang pag alis ko, kasi magkanu lang ang dala kong pera, iniwan ko lahat ng ATM debit card ko, alahas ko, sasakyan, pass book at ibang gamit ko baka masundan ako ng aking mga magulang, ang tanging nadala ko lang ay isang libo at kwintas na nasa leeg ko alam ko kung magkagipitan magagamit ko ito at masasangla ko ito or mabebenta ko ito, ndi alam nila mama at papa ang kwintas ko na ito , kaya alam ko ndi nila ako mahuhuli dahil sa kwintas, ang binayd ko sa bus pagluwas ng manila ay tatlong daan kaya may natira pa sa akin
Noong una sumakay ako ng bus, hindi ako sanay , kasu pinilit ko , kasi kung hindi ako sasakay doon, hindi ako makakaalis sa pampanga,iyon lang ang isang paraan para makaluwas sa Manila
At sa pagsakay ko ng bus ayan napunta ako dito sa manila, dahil kaunti lang dala kong pera, nghanap ako ng bed spacer , nakahanap naman ako buti nalang naging mabait ang pagkakataon sa akin,at naglakas loob na din akong magtanong sa land lady doon kung may alam siya naghahanap ng mangagawa o katulong , una nag-isip muna siya at ng may naalala siya bigla siyang napatayo at sabay sabing
" oo nga pla yung kaibigan ko , doon daw sa kakilala niya may naghahanap ng dalawang katulong" sabi niya sa akin pero bigla siya napaisip at biglang sabi niya sa akin"sigurado ka katulong ang hinahanp mong trabaho, ndi ka mukhang katulong, mas mukha pa nga akong katulong sa iyo"sabi ni Manang Rosana sa akin at nakatingin ito sa akin ng may kasamang paghanga
" kayu naman po manang rosana, mapagbiro po pala kayu" ganting biro ko sa ginang at ngumiti ng simple
" totoo kaya, ang ganda mo para maging katulong mukha ka ngang modelo, ang ganda din ng kutis mo at ang puti puti mo mukha ka ngang mayaman at galing sa amay kayang pamilya" sabi nito sa akin at sinusuri ako ng kanyang tingin
"hindi naman po galing sa mayaman g pamilya, mahirap lang po kami at nagkataon lang po naalagahan ko lang pong mabuti ang aking kutis "tangi ko sa ginang, bigla akong natakot paano kung hindi niya ako tulungan makahanap ng trabaho., at nanalangin ako sa aking isipan na sana mapatawad ako ng Dios sa aking pagsisinugaling, ayaw ko man po magsinugaling pero nagawa ko dahil sa kinakahrap ko sitwasyon ngyon
"sa probinsya po kasi namin, naalagahan ko lang po ng kaunti ang kutis pero hindi po kami mayaman" sabi ko ulit sa ginang, para lalo ko itong makumbinsi
" ay ganoon ba, oh sige, bukas ala otso ng umaga kailangan gising kana, para samahan kita doon sa kaibigan ko" sabi ng ginang sa akin, mukha siya mabait kaya magaan ang loob ko sa kanya at napayapa ako
"stay in doon ah" dagdag na salita nito sa akin at tumango ako bilang pagsang-ayon
" Mraming salamat po, hindi ko po kakalimutan , maging ng maaga bukas po" sabi ko kay manang rosana bilang pagbubugay ng asyurance na maaga ako bukas at tutupad ako sa aking sinabi
At kinabukasan nga tinulungan ako ni manang rosana sa mansyon ng mga dela munoz.
Dahil napagod ako sa maghapon, natangay na ako ng antok at tuluyan nakatulog
Present
Habang nagdidilig ako ng mga bulaklak ng dumating si Sir Jeronn, Parang magugulo naman ang aking mundo dahil dito
"gusto mong tulungan kita" tanong niya sa akin, naku maganda namn ang kanyang hangarain ang tulungan akong sa pagdidilig ng mga bulaklak sa hardin na nakatoka sa akin
" huwag na po Sir Jeronn at buti po ang aga niyo nagising" tangi ko dito at sabay tanong ko dito kung bakit ito maagang nagising
" nakasanayan ko ng maagang magising" sagot ni sir jeronn sa akin, napatingin ako diro, mukha naman itong nagsasabi ng totoo
"nga pala millary , may boyfriend ka na? "tanong ni sir jeronn sa akin, anong klasing tanong yun bakit niya ako tinatanong ng ganoon aba aba may balak ba itong pagsabayin kaming magpinsan , agad kong piniling ang aking ulo impossible yun sa nakikita ko dito ay mahal na mahal nito ang aking pinsan kaya impossibleng tumingin ito sa iba lalong lalo na ndi ako ang gugustuhin nito dahil siguradong lagot ito sa pinsan ko kaya naisip ko pinagtritripan ako nito kaya bigla ko siyang sinamaan ng tingin at parang alam niya ang naglalaro sa aking isipan at ang walang hiya tumawa lang ng malakas, sa lakas ng tawa nito alam kong nakakuwa kami ng ibang atensyon
" ano bang iniisip mo type kita, ahahaha" sagot ni sir habanghawak ang kanyang tiyan , naku ndi pa ito nakakarecover sa kanyang tawa
" e bakit nagtatanong ka?, kala ko naman katulad ka ng iba babaero, pag hindi nakaharap ang girlfriend naghahanap ng iba, kala ko niloloko mo ang pinsan ko" sagot ko kay sir jeronn habang naiinis ang mukha ko sa kanya, ang lakas nitong mang-asar ganito din ba ito pag ang pinsan ko ang kaharap nito, nakita ko itong ngumiti at sabay sabing
" tinatanong lamang kita, kasi may ipapakilala sana ako sayo yung pinsan ko, naghahanap yun ng girlfriend, baka lang type mo siya, ipapakita ko sana yung picture niya sayo, para sana pag nagdadate kami ni Love ko, eh kasabay namin kayo, para double date" sbi ni sir jeronn sa akin na kinatawa ko naman ng malakas kaya bigla niya akong tinignan ng masama sabay sabing
"anong nakakatawa Miss Millary Montemayor "sabi nito habang magkasalubong ang kanyang kilay, kaya lalong lumakas ang aking tawa
" hahaha ang galing mo napatawa mo ako ng malakas ah, parang isang taon na ang nakakaraan ng tumawa ako ng ganoon kalakas, ahahaha ikaw lang pala ang makakapagtawa sa akin ng ganoon" sabi ko sa kanya habang hawak ko ang aking tiyan, sa ganoon namin sitwasyon may mga mata na pala nakatingin sa amin at pinagmamasdan ang pag-uusap namin ni sir jeronn at mababakas sa kanya ang inis dahil sa nakikita niya sa amin
" ah ganoon ba, edi masaya , matutuwa sa akin si Love, napatawa ko ang pinsan niya, HMMM. May good point ako kay love niyan" sabi ni sir jeronn habang nakangiti ito at may kislap sa kanyang mga mata, naku inlove nga itong lalaki na ito sa pinsan ko, at ano ang ginawa ng aking pinsan sa lalaking ito na kahit ndi nito kasama eh laging bukang bibig ito ng lalaking ito, ginayuma yata ito ng pinsan , ndi ko maiwasan kiligin para sa kanilang dalawa at kasabay ng pangiti ko dito ng matamis, kung titignan kami sa malayo mukha kaming may relasyon batay sa aming tinginan
" talagang mahal na mahal mo ang pinsan ko noh, ako kaya kailan ako makakahanap ng ganyan, yung mahal ako at mahal na mahal ko din" sabi ko ka Sir Jeronn sabay pagseryoso ko ng aking mukha at bigla akong napaisip isa lang naman ang gusto ko kasu mahirap abutin ang aking gusto , mukha itong bituin na hangang tingin lang ako, gusto lang ba? ay mali pala mahal ko na pala si sir jann michael kailan ka niya ako mapapansin at hanggang kailan ko kaya ito titingilahin , kailan ka niya ako mapapansin? May pag-asa bang mapansin niya ako? Mga tanong na naglalaro sa aking isipan
" oh look, ito yung gusto ko sana ipakilala sayo" sabi ni sir jeronn habang pinapakita sa akin ang kanyang cellphone na nasa kanyang pciture gallery kami at pinapakita sa akin ang larawan ng kanyan pinsan, napagwapo ng kanyang pinsan niya, maputi, matangos ang ilong, mapupulang labi, magandang katawan at mukhang matangkad din ito
" anong masasabi mo sa pinsan ko , pasado na ba? " tanong ni sir jeronn sa akin habang nakatingin ito sa akin at nagtatanong ang kanyang mga mata
"pwede na" sagot ko kay sir jeronn sabay kibit balikat dahil kahit ganoon man ito kagwapo ,wala itong sinabi kay Sir Jann Michael , sa aking paningin ito ang pinakagwapo sa lahat
"yun lang ang masasabi mo sa kanya" sabi ni sir jeronn habang nakakunot noo at nakatingin sa akin, at tumalikod ako dito para ituloy ang aking pagdidilig at napabutung hiniga ako ng malalim sabay bulong sa akin sarili "eh di sana si kuya mo ang nirecomenda mo sa akin ,yun kaya ang type ko, mali pala mahal ko na" bulong ko sa aking sarili, ndi ko namalayan na napalakas ng kaunti ang aking pagbulong kaya narinig nito ito, ndi pa pala ito umalis kala ko umalis na ito, nakakahiya tuloy narinig niya ang mga sinabi ko , kaya napapikit nalang ako, tama ba narinig niya ang mga bulong ko, baka ndi naman niya narinig may kinakalikot ito sa cellphone nito ng humarap ako dito , ihhh tama ndi nga niya narinig ang aking binulong at ganoon nalang ang aking pagkakabigla ng bila ito magsalita
"anong sabi mo?" sabi ni sir jeronn , habang may ngisi sa labi, hala yung bulong ko sa aking sarili narinig nga niya,tumingin ito sa akin at ganoon din ang aking ginawa binabasa ko ang naglalaro sa kanyang isipan
" narinig ko sinabi mo"sabi ni sir jeronn , ala lagot na, ang ngisi niya sa kanyang labi ay kakaiba , ndi ko na kailangan basahin ang sinasabi ng mukha niya dahil pinapakita na ng kanyang labi, kaya nakaisip ako ng makakatwiran dito
" joke lang yun" sabay tawa ko para mawala ang aking takot na baka isumbong nito ako sa kuya nito , siguradong matatangal ako sa trabaho pero parang namutla ang aking mukha ng makita kong lalong ngumisi ito sa akin, parang may ibig itong sabihin ah, maloko itong lalaki na ito
" ahaha nakakatawa ka, nahuli ka na nga nagkakaila ka pa" sabi ni sir jeronn sa aakin ng biglang ngumisi itong muli sa akin, parang sinasabuing huli ka na huwag ka ng magkaila
Bigla ako napatulala sa kanya at bigla na lang niya ako kinurut sa pisngi at sinabayan niya ng takbo, malako talaga ang lalaking ito anong akala niya sa pisngi ko pwedeng kurutin at kumaway pa ito sa akin at sabay senyas na iziziper niya labi niya na ndi niya pagkwekwento sa iba nag nalaman niya, kaya nakahinga ako ng maluwag at biglang balik ng tibok ng aking puso sa normal na tibok at itinuloy ko na ang aking pagdidiligsa mga bulaklak baka masita pa ako na ang tagal tagal ko dito, ginala ko ang aking mga mata , ganoon nalag ang aking bigla ng makita ko ang mga kasama ko na katulong na nakatayo sa may pintuhan at nakatingin ng masama sa akin
At ganoon nalang ang aking pagkabigla ng makita ko sa isang gilid si Sir Jann Michael at masama ang tingin sa akin, dali dali kong inayos ang aking sarili
Nataranta ako ng bigla ko marinig ang maatoridad na boses nito, ang bilis naman nitong maglakad bakit andito na siya bugla sa aking gilid , alam ko kahit hindi ko siya nakikita , alam ko kung sino siya si sir jann michael dahil sa maatoridad na boses nito, kahit sa akin pagtulog napapanaginipan ko ang kanyang boses at iisang tao lang ang may boses na ganoon na kilala ko at ang boses niyang yun ang nakakapanginig sa akin, ano bang meron sa boses nito at natataranta ako
"bat ang aga aga napakaingay mo? At sino nagsabi sayo na pwede mong kausapin ang mga amo sa mansyon na ito, na kung makipag-uspa ka na parang kaibigan mo lang, at diba trabaho pinunta mo dito , hind makipagkwentuhan at makipagbulungan" sabi ni sir jann michael sa akin habang nakakunot noo at hindi mo mabasa ang nais ipahiwatig ng mukha niya, ibig sabihin nakita niya kaming nagbubulungan kagabi ni sir Jeronn, lagot na niyan ako mukha ako nitong kakainin ng buo , at ng mapadako ang aking mata sa leeg nito nakita ko ang mga ugat nito sa leeg, hala lagot mukha itong galit na galit kaya dali dali kong binaba ang aking aking tingin sa sahig
" h----indi n---aman po nakikipgkwentuhan lang po sir, kinausap lang po ako kanina ni sir jeronn" ewan ko ba paano ko nasabi iyon ng hindi ako nabubulol at hindi naginginig ang aking boses , ewan ko ba kay sir Jann Michael anong ginawang mahika sa akin pag nakikita ko siya para sinisiliban ang buong pagkatao ko, Habang binabangit ko ang mga salita na yun , hindi ako makatingin sa kanya
" diba kinakausap kita, bakit sa sahig ka nakaharap, bakit nandyan ba ako" sabi ni sir sabay biglang tingin ko sa kanya baka lalo siya magalit sa akin,pagtingin ko sa mukha niya, nkakakunot noon parin siya at wala ka mabasa na emosyon sa kanyang mukha
"O---ppppo, sorrrrry pooo sir" sabi ko kay sir, wow nasabi ko naman sa kanya ng hindi nanginginig ang boses ko pero nabubulolo naman ako
" Next time , iwas iwasan makipag usap kay jeronn-babaero yun" sabi ni sir sabay alis sa aking harapan, hindi man ako nakakasagot sa sinabi niya umalis na siya agad sa aking harapan, ano ba yan?, bakit niya sinabi sa akin yun, pinapaiwas niya ba ako kay sir jeronn ,kung pinapaiwas niya, bakit? At bakit kailanganpa niyang sabihin na babaero si Sir Jeronn, anong ibig sabihin nito, may gusto ba sa kin sir jann michael, ayy imposible naman magkagusto sa akin yun, laging nakakunot noo sa akin yun at hindi maipinta ang mukha paano magkakagusto sa akin yun,kaya ikinibit balikat ko nalang ang pinagsasabi nito at agad kong iniwaksi sa aking isipan at ng matapos ako sa akin pagdidilig at pumasok na ako sa loob ng masyon.