webnovel

Chapter 55

Millary POV

Pababa na kaming tatlo sa hagdanan ng naging malinaw ang mga boses ng mga nag-uusap at bigla akong namutla dahil doon at kaagad akong napahawak sa hagdanan bigla kong naisip na ang mga kausap ng aming mga anak ay hinding hindi ako maaring magkamali boses nina sir Jann michael ,sir jeronn at john ang naririnig ko

ngayon lang naging malinaw ang kanilang boses ng nasa malapit na kami sa kusina at kasama din nila si kuya greg dahil naririnig ko din ang boses niyaat nakita kong namutla si annie at rizalyn ay parang wala lang sa kanya at parang inaasahan na niya na darating dito si jeronn at bigla kong naisip na ama ba ang aking hula na boses nga nila yun at naisip ko na maaring magkamali ako sa boses nila jeronn at john pero ang boses ni jann michael ay nding ndi ako pwedeng magkamali dahil alam na alam ko ang kanyang boses at ndi mo ito mahahalo sa iba at anong gingawa nila dito ? bakit sila nandito? At napatingin ako kay annie at katulad ko din ang naglalaro sa kanyang isipan at parehas kaming naguguluhan pero ng tignan ko si rizalyn ay wala ka man mababakas sa mukha nito na naguguluhan ito at parang alam nito ang nangyayari, parang ndi man ito nabibigla na narrinig namin ang boses ni jeronn at parang talagang siya ay alam na alam nito na darating sina jeronn sa aming mansyon at parang inaabangan nito ang mga iyon at ng nasa malapit na kami sa kusina ay naisip ko na tama nga ang hinala ko sina jann michael, jeronn at john nga ang mga nandito pero bakit sobrang aga naman nilang nagpunta dito dahil daig pa nila ang mangagatas at magpapandesal sa sobrang aga nila at ng nasa malapit na kami sa kusina ng makita ako ni hunter at karter ay kaagad ako nila akong sinalubong at hinila sa upuan malapit sa kanilang ama at tinuru sa akin ang kanilang ama at nakita kong ngumiti si jann michael sa akin at kaagad akong napatingin dito at parang bigla kong namiss ang ngiti nito pero ndi muna ako ngumiti at pinigilan ko munang mapangiti baka iba naman ang pakay nito ang mga anak namin at ndi naman ako

At ganoon din sina bria belle, braylee at brian ng makita nila ang kanilang ina na nasa gilid ko agad nila itong tinuru sa kanilang ama at ganoon din ngumiti si jeronn kay rizalyn at napaniti ako sa aking nakita

Ganoon din ang ginawa ni keya at kailey ng makita nila ang kanilang ina na si annie sa nasa gilid ko din ay kaagad din nila itong tinuru kay john at nakita ko ngumiti ng sobrang tamis si john at napangiti ako sa aking nakita

Nabigla ako sa narinig ko umubo si jann michael at bakit mukha itong galit sa nakita nitong pagngiti ko kina jeronn at john , sino ba ang ndi mapapangiti sa nakita mo

" sa akin ang tingin at wag sa iba " sabi ni jann michael sa akin at mukhang nagseselos ito dahil ngumiti ako sa nakita ko kina jeronn at rizalyn at ganoon din kina annie at john at ano bang magagawa ko kinikilig ako para sa kanila

" alam mong seloso ako at pinpagselos mo pa ako kaya humanda ka mamaya sa akin" dugtong nito agad ko itong tinignanat tama ba ang aking rinig na nagseselos ito at tama ba ang aking narinig na pinababantahan ako nito na mananagot ako dito dahil pinagselos ko ito at nakita kong tinapik ito sa balikat ni mama at papa at may binulong si mama dito at kumalma ito at ganoon din may binulong si kuya greg sa kanya kaya lalo itong kumalma at bigla akong napaisip ano kaya ang binulong nila dito at bigla nawala ang galit nito sa mukha at naging payapa ito at nakikita ko naman itong nakangiti ng napakatamis at kung makatingin ito sa akin ngayon mukha ako lang ang nakikita nito at base sa mukha nito mukha ako lang ang pinakamaganda babae na nakikita ng mata nito dahil nasa akin lang ang atensyon nito, ayy naku inikilig ako at tototo ba ito o nananginip ako at kung panaginip ito sana huwag na akong magising at kaagad kong naisip na bakit ba siya nandito? At kaagad itong tumingin sa akin at parang alam nito ang naglalaro sa aking isipan kaya kaagad itong tumingin sa akin mata sabay sabing " nandito ako mila para sunduin ka at ang mga anak natin ayy ndi pala nandito ako para dito na tumira sa bahay nyo " sabi nito habang nakatinigin ito sa aking mga mata at tama ba ang aking narinig at parang lumambot ang aking mga tuhod sa aking narinig at buti nalang nakaupo na ako sa upuan at ndi pa ako nakakabawi sa panginiginig ng aking tuhod ng may narinig ako ulit na salita na galing sa kanya na kinatingin ko dito

"dahil ang mag-asawa ay dapaat nagsasama sa iisang bahay kasama ang kanilang mga anak" sabi ulit nito sa akin habang nakatingin ito sa akin mga mata, ano daw ?ASAWA daw? Ano daw at sinong asawa nito , ayy bigla akong naguluhanat naitanong ko sa aking sarili ako ba ang tinutukoy nito?

"ako ba?" tanong ko dito sabay turu sa akin sarili at nakita ko itong ngumiti muna at tumawa at kalaunan naging halakhaka ng tawa nito kaya napakunot ang aking noo bakit ako nito pinagtatawanan may mali ba sa tanong ko

"sa palagay mo sino pa ba?" sabi nito sa akin habang may ngiti ito sa labi na mapaglaro

" imposible naman na si rizalyn dahil asawa yan ng aking kapatid" sabi nito at kaagad napadako ang tingin ko kay rizalyn nakita kong nagsilaki ang kanyang mga mata at nagsibilog ito dahil sa pagkakabigla

"at impossible din si annie dahil asawa yan ni lord john" sabi nito at ganoon din ng mapadako ang aking mata kay annie sa aking gilid nabigla din ito at nagsibilog ang kanyang mga mata

"so ako nga?" sabi ko dito habang naguguluhan at nagtataka ako paano ko itong naging asawa at paano naging asawa ni rizalyn si jeronn at paanong naging asawa ni annie si john

"oo" sabi nito sa akin habang nakangiti ito ng matamis at nabigla nalang ako ng biglang magsitawanan silang lahat na lalaki kasama sin kuya greg at ng tignan ko silang apat ndi maalis alis ang ngiti nila sa labi sina sir jeronn, john, kuya greg at sir jann michael at nguluhan naman ako dahil bakit sila nagtatawanan? Anong nakakatawa? At tinignan ko ang sina rizalyn at annie at pati sila nagtataka bakit nagtatawanan ang mga ito at nabigla ako ng biglang magsalita si kuya greg at sabay sabay kaming tatlong babae na tumingin sa kanya

"grabe kayo at pinakasalan nyo ang mga asawa nyo ng ndi nila alam buti pa ako pinakasalan ko ang prinsesa nyo pero alam nya yun pero yun lang may tama sa alak dahil lasing ito " sabi nito sabay tawa ng malakas

Nabigla ako ng bigla at biglang na- apiran o naghigh five ang tatlong lalaki na sina sir jann michael ,sir jeronn at john at base sa kanilang mukha masaya sila sa ginawa nila

"hindi ko alam na ganoon din ang ginawa nyo ay kala ko ako lang ang gumawa ng ganoon " sabi ni jann michael sabay tingin sa akin ng malagkit

"oo sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ganoon din ang ginawa ko " sabi ni sir jeronn sabay tingin kay rizalyn na may kahalong pagmamahal

"ako din ganoon ang ginawa ko kakunchaba ko nga si rizalyn siya ang nagpapirma sa asawa ko ng marriage contract at mahal na mahal ko din ang asawa ko kaya pati ang trick na yun ginawa ko" sabi ni john sabay tingin ng matiim kay annie na may kahalong pagmamahal

" ako ang kakunchaba namin ni jeronn sina mama at papa" sabi nito sabay tingin sa magulang ko na sabay bigkas ng salamat sa aking magulang