Millary POV
Nahihiyang itong tumingin sa akin at sabay tango
"kailan pa?" sabi ko dito
Agad itong sumagot dahil natatakot itong magalit ako kasi napag-usapan namin na dapat wala kami magiging koneksyon sa labas para ndi maabala ang aming pagtatago pero nakabuti din iyon para malaman ko ang nangyrai sa aking ama kaya kaysa magalit ako dapat nga matuwa ako sa nangyari kung wala ito koneksyon sa labas paano namin malalaman ang nangyari sa aking pamilya at ndi iba sa amin si kuya greg
" hindi ako galit" sabi ko agad dito para ndi ito mangamba dahil sa nakikita ko dito parang nawalan ng kulay ang mukha nito
" simula ng nadito tayo ay alam na ni kuya greg" sabi nito at huminto ito sa pagsasalita at parang nararamdaman kong may sasabihin o idudugtong ito kaya agad kong sinabi
"at?" sabi ko dito habanag nakataas ang mga kilay ko dahil nambibitin ito
" at wala ka matatago kay kuya greg" sabi nito sa akin na kinatingin ko dito , ano daw? At kaagad kumunot ang aking noo at biglang may naglalarong tanong sa akin isipan
"Anong ibig mong sabihin"sabi ko dito na nagtataka
"ng mapunta ka ng manila at naninilbihan sa mga dela munoz ay alam ni kuya greg iyon at siya ang unang nakaalam dahil may nakasunod o nakabantay sayo ng araw na umalis ka at lagi ka niya pinapabantayan ay hindi lang pala ikaw ang may nakabuntot o nakabantay lagi pati din sa akin dahil ayaw ni kuya greg na mag-aalala kaya pinapabantayan niya tayo para laging ligtas at ndi mapahamak" sabi nito na kinabigla ko at bakit ngayon ko lang nalaman ito at bigla ko naisipp kaya pala noon ay feeling ko laging may mga matang nakatingin sa akin, at yun pala ang dahilan
"ibig mong sabihin pinapasundan tayo ni kuya greg? Simulan kailan?" sabi ko dito at parang ayaw maprosseso sa utak ko ang natuklasan ko
" simula noon mga dalaga tayo' sagot ni rizalyn sa akin na kinatingin ko dito at hindi ako makapaniwala sa aking natuklasan ngayon
" alam niya simula palang, bakit ndi niya ako sinumbong kina mama at papa" sabi ko dito na naguguluhan
" mahal niya tayo at gusto niya gumawa tayo ng deisyon natin kaya inayahan niya tayo pero lagi siya nakasubaybay sa atin dahil nga mahal niya tayo at alam mo naman na parang mga nakakabatang kapatid na ang turing sa atin ni kuya greg " sabi nito na agad kong kinatango, oo tama nga ito
"at ako lubos akong nagpapsalamat na napunta ako sa pamilya nyodahil umaapaw ang pagmamahal nyo sa akin kahit ndi nyo ako totoong kamag-anak o kadugo at kahit nalaman nyo na ang totoo ay ndi kailaman nagbago ang maganda ninyong pakikisama at pagmamahal sa akin at isa iyon sa lubos kong pinappasalamat sa Dios na napunta ako sa mabuting pamilya na may takot sa Dios at mapagmahal " sabi nito habang umiiyak ito
Dahil sa naramdaman ko ang bugso ng damdamin nito ay ndi ko mapigilan ang umiyak at ganoon din si annie nakita ko sa gilid na tahimik na itong umiiyak
Agad kong niyakap ang aking pinsan sabay sabing" ang pagmamahal ko sayo ay ndi magbabago at ndi man tayo tunay na magkadugo ndi naman doon masusukat o magiging batayan ng pagmamahal ko sayo at ndi lang kita tinuring na isang kamag-anak kundi bilang isang kaibigan din at mahal na mahal kita yan ang lagi mong tatandahan ah at kaming lahat ang turing namin sayo ay isang tunay namontemayor, isang legal na montemayor" sabi ko dito sabay yakap ng mahigpit dito sa mga salitang binitiwan ko alam ko napaintindi ko dito kung gaano ko ito kamahal at ilang minuto lang ay tuluyan naging payapa kami galing sa iyak at kaagad akong may naalala
"yung tumawag sayo kagabi si kuya greg ba yun?" sabi ko dito at kaagad ko itong binalingan ng itnign ngunit naging mailap ang kanyang mga mata
" siya ba ang lagi mo kinakatagpo?" sabi ko ulit dito at kaagad itong umiling
" si sir JERONN ba?" sabi ko dito at kaagad naglaki ang kanyang mga mata sabi ko na nga ba ayan bull eyes ang hula ko at tama nga ang aking hinala
"kailan pa?" tanong ko dito agad itong namula sa aking sinabi, at parang itong maiiyak at tama ang hinala ko matagal na silang nagkikita base sa mukha ng aking pinsan at sa reakson nito ngayon
"matagal na ba?" tanong ko ulit dito at ndi ito nakasagot kaya muli akong nagtanong dito
"paano niya nalaman na nandito ka?" tanong ko ulit dito at muli ay ndi ito sumagot
"siya ba ang kinatagpo mo kahapon?" tanong ko ulit dito at kaagad itong tumango
At sabay sabing "oo siya nga ang kinatagpo ko kahapon" at nakita ko itong napalunok dahil sa pinagtapat nito sa amin ngayon ni annie at nabigla ako sa sumunod na sinabi niya dahil hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi at agad akong napatakip sa aking bibig at kaagad ko natanong ang aking sarili kung totoo ba ang aking narinig?t ama ba aking narinig? O pinaglalaruan ba ako ng aking pagdinig
" nalaman ni JERONN at ni JANN MICHAEL nandito tayo dahil kay cristine" sabi nito na lalo akong naguluhan sa aking narinig , ano daw? At anong kinalaman ni maam cristine bakit at kanino niya na nalaman na nandito kami at nakita ko sa gilid ng aking mga mata si annie na biglang natakot dahil narinig niya ang pangalan ni jann michael dahil driver nito si john dahil si john ang isa sa mga iniiwasan nito at naguluhan ako ano ba itong nangyayari? anong ibig sabihin nito?
" si kuya greg ay asawa niya si cristine" sabi nito na lalo kong kinanuot noo at parang sumakit lalo ang ulo ko sa narinig ko ngayon na mga pasabog, ano daw? paano nangyari iyon?kailan?
"ako din nagulat sa akin nalaman dahil si kuya greg ay matagal ng kasal kay cristine ng minsan umuwi si cristine sa pilipinas ng 18 years old ito nagtataka nga ako kasi sa canada ito lumaki kasama si jeronn paano ito nakasal sa pilipinas" sabi nito agad lumaki ang aking mga mata sa aking nalaman , 18 years old ito ng ikasal ito kay kuya greg at ang tagal na pala at bakit parang walang may alam nito at bakit nila itinago?
" hinayahan ni kuya greg si cristine para maabot muna nito ang pangarap nito kaya walang alam ang lahat at talagang ndi nila pinaalam kaso nabahala si kuya greg ng malaman nitong ipapakasal si cristine sa iba dahil ndi pwedeng mangyari iyon dahil asawa na niya ito kaya gumawa siya ng hakbang at-----------" sabi nito at nabitin naman ako sasabihin nito
At ano daw? Anong hakbang ang ginawa nito, nahala nito na nabitin kami sa sinasabi nito kaya agad din nitong dinugtungan ang kanyang sasabihin
" ang hakbang nito ay kailangan nitong magpalakas sa mama ni cristine" sabi nito at huminto ito sa pagsasalita at kinatingin nito sa akin na lalong kinakunot noo ko at ano daw ? at anong kinalaman ko dito dahil nakatingin ito sa akin
"ang hakbang na yun ay kailangan sabihin ni kuya greg sa mama ni cristine at ganoon na rin kina Jeronn at jann michael kung nasaan tayo para matangap siya ng buong pamilya ng mga dela munoz" sabi nito na kinalaki ng aking mata at yun pala ang ginawa nito, napakatuso ni kuya para maisip ang bagay na yun , matalino talaga si kuya