webnovel

Chapter 48

Millary POV

Nasa ganoon akong pag-uusap ng may kumatok sa pintuan kaya agad akong bumalik sa kasalukuyan at nakita kong dumungaw mula sa pintuhan si annie at sabay sabing

"may pag-uusapan ba tayo" tanong nito sa akin

"oo" sabi ko dito at tumango si rizalyn sa tanong ni annie, sinabihan ko si rizalyn na mamaya papuntahin din si annie dito sa library para makapag-usap usap kami kasi malaking desisyon ang aking gagawin at karapatan ni annie malaman ang desisyon ko dahil matagal kaming nagsama sama sa iisang bubong at isa pa kaibigan ko itong matalik kaya karapata niyang malaman ang aking naging desiyon

"anong pag-uusapan natin? uuwi na ba kayo ng pampanga" tanong nito sa amin at kaagad ito tumitig sa akin at naaninag ko na nalungkot ito at sabi ko na nga ba madali akong basahin dahil tulad ngayon ay mabilis na nabasa ni annie ang aking desisyon na balak ko ng umuwi sa pampanga

"oo " mabilis kong sagot dito at tumingin dito balak ko sana itong yayahin na sumama sa amin pero ndi ko saklaw ang desisyon nito pero gusto magbakasakali na sasama ito sa amin dahil nasanay na talaga ako na kasama ko ito lagi at ndi ko ito kayang iwan dito at ipasapalaran ang kalagayan nito dahil alam kong mabigat ang pinagdadaaanan nitong problema kaya naisip ko itong tanungin pero bago ako nakapagsalita ay nauna na itong magtanong

"iiwanan nyo na ako dito?" tanong nito sa amin at nakita ko itong maluha luha na ito kaya agad ko itong niyakap sabay sabing

"Gusto mo bang sumama sa amin sa pampanga?" tanong ko dito na nakangiti ng maghiwalay kami ng yakap ay kaagad ko itong tinanong

Agad ito tumango sabay sabing "oo natural sasama ako at nasanay na akong kasama ko kayo at alam kong ligtas ako kung kasama ko kayo" sabi nito sa amin

"kung ganoon ay kailangan na natin magligpit para makauwi tayo bukas" sabi ko dito at tumango ito

"at kailangan nating magpaalam kina nanang lora at tatang august at sabay sabay na tayo" sabi ko sa kanila at sabay sabay kaming umalis sa alibrary para puntahan ang dalawang matandang katiwala sa kusina kasi alam ko sa oras na ito ay nasa kusina ang mga ito kasi sabi nila gusto daw nilang magluto ng carbonara para miryendahin ng mga bata at tama nga dahil sa kusina namin natagpuan sina nanang lora at tatang august at kakagaling lang nilang mag grocery ng sangkap ng carbonara at ng makita nila kami agad silang ngumiti at bumati at agad din silang nagtanong sa amin

" good afternoon mga hija, magbabake ba kayo? Kasi balak sana namin pagluluto muna ang mga bata ng carbornara" sabi nila sa aming tatlo at kaagad kaming nagkatinginan at sumenyas sila na ako na ang mag-umpisa magsalita na agad ko naman sinang-ayunan at sinimulan ko na nga ang pagsasalita

" nanang lora at tatang august hindi po kami magbabake , opo sige po pagluto nyo po ang mga bata at siguradong matutuwa sila at kaya po pala kami nanditong tatlo upang magpapaalam na po sana kami kailangan ko na po kasing umuwi ng pampanga dahil sa nagkasakit ng malubha ang ama ko at pinapauwi na po nito ako,at itong dalawa na ito gusto po daw nila ako samahan" sabi ko dito at ndi ko mapigilin na mangilid ang mga luha ko sa aking mga mata dahil matagal tagal na rin ang pinagsamahan namin kaya napamahal na sila sa akin at kung pwede nga lang na sumama sila sa amin ay yun ang aking gagawin na isasama ko na sila pero ndi sila sasama o papayag man lang dahil mahal na mahal nila ang lugar ng baguio kasi dati napag-usapan na ang bagay na ito at kaagad nilang winika sa amin na ndi nila kayang iwan ang bayan nila at alam ko ang mga anak ko mamimiss sina nanang lora at tatang august dahil napamahal na sila sa dalawang ito

" hindi na ba namin kayo mapipigilan pa sa pag alis" tanong ni nana lora habang nagpupunas ng luha kaya kaagad ko itong niyakap at ng kumalas ako ng yakap dito ay kaagad itong niyakap ng kanyang asawa para mapayapa ito at lalo akong naluha sa nakita ko alam ko nasasaktan sila sa aming pag alis at dadamdamin nila iyon pero ano ba magagawa ko gusto ko man magstay dito pero kailangan ko ng umuwi sa amin at siguru ito na angatamang panahon sa pag-uwi ko sa amin at tama na ang matagal na pagkawala ko sa aming bahay

" hindi na po nanang lora" sabay yakap sa kanila at ganoon din nagsisunud sina rizalyn sa pagyakap kina nana lora at tatang august at nagsi-iyakan na kami

"alam nyo ba mga ineng na mamimiss namin kayo" sabi ni tatang august mahahalata sa boses nito ang pinipigilan na mga luha sa mata at mararamdaman mo na hirap nitong magsalita dahil sa nasasaktan ito

" at ang mga anak nyo mamimiss namin sila dahil simula ng pinaganak sila ay nakasama na namin sila at mahihirapan kaming mag adjust ng asawa ko sa pagkawala nyo pero yun ang nakatadhana kaya kailangan sundin" sabi ni nanang lora, lalong humigpit ang yakap ko sa kanila dahil sa tinuran nito

" mamiss din po namin kayo ng sobra sobra at mahihirapan din po ang mga bata dahil nasanay na nakikita po nila kayo pero kailangan na po talaga namin bumalik sa aming bayan " sabi ko sa kanila at ngumiti at mga ilang minuto din ang dagling lumipas at ng mahimasmasan kami sa pag-iyak ay kaagad na kami nagpaalam sa kanila para magligpit ng aming mga gamit at bago kami tumuloy sa aming mga kwarto upang maligpit ay pumunta kami sa sala para sabihan ang aming mga anak na aalis na kami bukas at tutungo sa ibang lugar at kailangan na nilang magpaalam kina nana lora at tatang august at noong una nagtataka pa sila bakit mugto ang aming mga mata pero ng sabihan ko sila ay kaagad naman nilang naunawan at naisip ko parang matatandang mag-isip ang mga anak namin at naunawahan nila ang aming tinutukoy at kaagad silang umalis sa aming mga harapan at nagtungo sila sa kusina para magpaalam kina nanang lora at tatang august at ng nawala sila aming paningin ay kaagad nagsalita si rizalyn na kinatinign ko dito

" tatawagan ko si kuya greg para sunduin nila tayo dito bukas" sabi nito na kinalaki ng aking mga mata, so bali alam ni kuya greg na nasa baguio kami pero kailan pa?

"alam ni kuya greg nandito tayo sa baguio? " tanong ko dito na kinakunot noo ko