webnovel

Chapter 30

Millary POV

Pagkatapos kong kumain at nagpahinga ay nagpasya na akong umuwi at gaya nga ng kanyang sinabi nagpunta ako sa frint desk at sinabi ang sinabi nito na magpapahatid ako sa driver nito na agad naman tinawag ng nakduting mga receptionist at habang kausap ko sila kanina ay ganoon nalang ang tingin nila sa akin dahil nakikita at naaninag ko ang ingit sa kanilang mga mukha

At ng makauwi na ako sa mansyon at nabigla ako sa nakita ko dahil nandito si Melanie , yung papakasalan ni sir jann michael at ng igala ko ang aking mga mata at may nakita din akong babaeng kamukha nito si maam cristine ito ba ang nanay ng tatlong magkakapatid dahil hawig ito ni maam cristine at dahil sa sala ako dumaan ng pagpasok ko ay napatingin sila sa akin at agad ko silang binati ng good afternoon at ng tumango ang mama ni sir jann michael ay agad akong dumretcho sa aming kwarto ni annie upang magpalit ng damit dahil ang damit na suot ko ay nakita ko lang sa cabinet ni sir jann michael , kanino ba ang damit na ito sa dati ba niyang asawa kasi wala akong nadalang damit kaya sinuot ko na bahala na kung magalit ito sa aking ginawang pagsuot sa damit na walang paalam at ng makapagpalit ako ng damit sakto naman ng pagdating ni annie

"saan ka galing , bat ngayon ka lang umuwi?" agad na bungad nito sa akin, mahahalata mo ang kanyang concern sa kanyang tanong sa akin

"pinalinis ni sir jann michael ang kanyang condo unit at kakatapos kong lang kanina kaya ngyon lang ako umuwi" sagot ko dito na ndi tumitingin sa kanyang mga mata baka kasi ipagkanulo ako ng aking mata , ndi pa naman ako sana'y magsinungaling at baka mabuking ako ng aking mga mata , sabi nga nila kung gusto mong malaman kung nagsisisnungaling ang isang tao tignan mo sa kanyang mga mata at nakita ko itong ngumiti , yung ngiting alam mong may malisya at nababatid kong alam kaasarain nito ako

"nagkabati na ba kayo ni sir?" tanong nito sa akin at kaagad ko lang ikinibit balikat ang tanong niya

" sino yung kasama ni maam melanie" tanong ko dito para maiba ang usapan namin at para maitanong kung tama ba ang aking hinala ko na ang ina nga ito ni sir jann michael at nagtataka ako kung bakit sila magkasama

"si maam paulina yun ang mama ng tatlong magkakaptid, grabe ang ganda niya kahit may edad na mukhang kapatid lang nila ito" sabi sa akin ni annie

"tara labas na tayo baka hanapin na nila tayo" sabi ko dito at kaagad kaming lumabas ng aming kwarto at mabilis lumipas ang ilang oras hanggang nagyon nandito pa rin sina maam paulina at melanie at ng sumapit ang alas sais na ng gabi dumating ang magkakapatid at mukhang pagod na pagod ang mga ito siguro galing ang mga ito sa board meeting at ng makita sila ay kaagad silang sinalubong nina maam melanie at maam paulina

Agad na humalik sa pisngi ng kanilang ina ang tatlo at ng mapatingin si sir jann michael kay maam melanie napakunot noo ito sabay sabi

"why are you here, diba ang-usap na tayo" sabi nito kay maam melanie

" si mama paulina nagsama sa akin dito" sabi nito at bigla ito sumimangot

" sinama ko siya dito jann michael para mapag-usapan na ang kasal ninyo" sabi ng mama nito at nakita ko nagkatinginan sina maam crsitine at sir jeronn

"ma nag-usap na tayo sa phone na hindi ako papakasal kay melanie " sabi nito at napahilamos ito ng mukha dahil nadismaya ito sa nadatnan sa bahay at siguro nagkaproblema sila sa opisina at pagkatapos dumadagdag pa itong problema na ito kaya mababakas sa kanyang mukha ang inis

" I also told you na ipapakasal kita dahil ayaw kong makita kitang habang buhay na walang makakasama sa buhay at pasalamat ka nga mabait itong kakabata mo at pumayag pakasal sayo at pumayag sa aking kahilingan " lintanya ng kanyang ina ni sir jann michael at nakita ko tahimik lang sina maam cristine at sir jeronn at mukhang takot sila sa kanilang ina

Bigla kaming kinabahan mga katulong na sumalubong sa amo namin at nadatnan namin ang ganitong sagutan ng aming mga amo

"kung papakasal man ulit ako maama ako ang magdedesisyon noon at pipili kung sino man yun, naiintindihan mo ba mama" sabi nito sa ina nito na halatang nagagalit na ito

"sige kung ikaw ang pipili nito, sino ang papakasalan mo" sabi ng ina nito na halatang tumaas na ang boses dahil sa napupuyos na ito ng galit, naiintindihan ko ang ina nito na mahal na mahal lang nito ang anak nito at ayaw nitong malugmok ito sa lungkot habnag buhay kaya hinahanapan nito ng asawa ang kanyang anak at ganoon nalang ang pagkabigla ko ng bigla itong humarap sa akin parang nakita kong bigla sumaya ang kanyang mata at sumigla iyon pero madali lang dumaan yun

"may girlfriend na ko to be honest with you mama at kung sakaling nanaisin ko man lumagay sa tahimik siya ang yayain ko pero nag-usap na kami regarding this matter at alam niyang mahal ko pa rin si marjorie" sabi nito sa mama nito at nabigla ako ng lumapit ito sa akin at bigla itong humarap sa iba oo nga pala halus nasa sala kaming lahat pati ang mga kasama ko kasambahay nandito sa sala kaya nakikita nila ang aksyon ni sir lalo ng humarap siya sa akin at hinawakan nito ang aking kamay malay nito pinaglandas at ilang saglit lang magkahawak kamay na kami at sabay tingin sa kanyang ina

"gusto mo siya makilala mama ito si millary," sabi nito sa mama nito habang nakaharap sa akin at sa nahihiyang istchura ko ay tumingin ako sa ina nito, at ng mapatingin ako kay sir jeronn may ngiti ito sa labi at may mapanukso itong ngiti sa labi

" mila meet my maam" sabi nito sa akin

Tinawag niya akong mila at ito ang kauna unahang beses na tinawag nya akong ng ganoon palayaw at tinignan ako ng mama nito at hindi ko mababakas ito ng kahit na ano at naisip ko ano kaya ang naglalaro sa kanyang isipan at nakitang nabigla lahat ng kasambahay lahat sila ay napasinghap pa at nalaglag ang kanilang mga panga atnakita kong nabigla si maam cristine at ganoon si maam melanie at nakita kong nalaglag ang kanilang mga panga at akita ko din nagsilaki ang kanilang mga mata dahil sa pagkakabigla at akita ko din ang inggit sa mga mata ng mga katulad kong kasambahay at nakita ko si annie ang saya sa kanyang mukha

Nabilga na lang ako ng sabihin ng mama nito na

" mag-usap tayo sa library,ngayon na at sumunod kayong dalawa" sabi nito sa amin ni sir jann michael habang nakatingin ito at kaagad nitong hinawakan ang aking kamay para igaya nito ako papunta sa library at nakitang kong kinikilig si annie dahil sa ginawa nito pag akay sa aking papuntang library at nang makapasok na kami sa loob ng library

" ano to jann michael" sabi ng mama nito

" what ma? " sabi nito sa mama nito na naguguluhan

"ano ito at totoo ba ito?' sabi ng mama nito sa naguguluhan mukha

"oo naman mama at mukha ba akong nagbibiro" sabi nito sa mama nito sa mukhang seryoso at nabigla ako ng tumingin sa akin ang ina nito at kasabay ng pagtatanong

"kailan pa ito hija" sabi nito sa akin

" mga isang linggo na po" sagot ko sa mama nito at nabigla na lang ako ng bigla nito akong yakapin at sabay sabing

"welcome to our family hija at ikaw na ang bahala sa katigasan ng ulo ng aking anak naku mabait naman yan"sabi nito sa akin habang nakayakap ito

"thank you po" at yun lang nasagot ko sa ina nito, kung sa ibang pagkakataon baka kiligin ako dahil sa pagwelcome nito pero dahil sa nagkagipitan lang kaya ako ang pinakilala nito at siguro para matakasan niya ang kasal na nakaplano dito kaya ako ang pinasangala nito at dinahilan