webnovel

Chapter 2

Millary POV

" Napano ka, bat nanginginig ka at bakit namumutla ka ?" tanong ni Annie sa akin ng makita niya ako sa baba ng hagdaan

"Ahhhh, waaalllla" sagot ko kay Annie na may panginginig ang aking boses

"Anong wala ka diyan, tignan mo nga ang sarili mo nanginginig katapos namumutla ka, daig mo pa ang nakakita ng multo" sabi ni Annie sa akin at biglang itong lumapit sa akin at sinalat ang aking noo, agad ko tinampal ang kamay nito, anong akala nito sa akin may sakit

"Napagalitan kasi ako kay Sir Jann Michael" sagot ko kay Annie sabay ng pagkagat ng aking labi

" Bakit, Anong nangyari?" tanong ni Annie sa akin, siguradong mag-uusisa ito at hindi ako nito titigilan kaya kailangan ko na itong sagutin

" Bakit ang taggal ko daw linisin ang kanyang kwarto" sagot ko kay Annie kasabay ng aking paglukot ng aking mukha at nakita kong biglang may lumitaw na maliit na ngiti sa kanyang labi at sabay sabing

" Bakit nga ba ang taggal mo linisin ang kwarto ni Sir Jann Michael , wag mo sabihin sa akin MIllary na nahiga ka pa sa kama ni Boss at inamoy pa ang kanyang damit at niyakap ang kanyang unan at huwag na huwag mong sasabihin sa akin na pinagpantansyahan mo pa siya? Sbai ni Annie na walang gatol at walang tigil sa kakatanong, sabi ko na nga ba mahuhulaan nito ang pinaggawa ko , anong bang meron sa babaeng ito nahuhulahan ang aking pinaggawa

Napaisip akong bigla manghuhula ba itong babaeng ito, bat alam niya ginawa ko, ihhhh nakakahiya, mukha akong timang, ang lakas ng tama ko kay Sir Jann Michael

" hindi kaya noh, naglinis lang ako, natangalan lang" pagtangi sabi ko sa kanya, sabay baling ng aking mata sa kabilang gilid, ayaw kong malaman niyang pinaggagawa ko nakakahiya at hindi ako nito titigilan sa kakaasar

" osya, sabi mo eh, bahala kang papaniwalahin ang sarili mo sa hindi totoo, tara na kanina pa tayo hinahanap ni Manang Rosa kain na daw tayo" sabi ni Annie sa akin sabay kurot sa aking tagiliran, ano ba itong babaeng ito kahit makaila ako at itangi ko alam niyang nagsisinugaling ako, kaya napabungtong hininga nalang ako at sumunod na ako sa kanya papuntang kusina

At sabay na kami naglakad papuntang kusina para kumain ang sarap ng aming almusal kilain , usually ang ulam namin tuwing umaga ay mga pagkain itlog, ham, bacon, tuyo, dilis, longanisa o tocino, ngayon ang sarap ng ulam namin, ng natapos kaming kumain, linigpit na namin ang aming pinagkainan at ng paalis na kami, siya naman pagdating ng driver ni Sir Jann Michael na si John, gwapo si John maitim ito, may matang nang- aakit, kilay na makapal, matangos na ilong, labing mapupula may magandang pangangatawan, matangkad din ito at may awra ito na ndi ko mabatid kung ano ang bumabalot sa buong pagkatao nito pero may hinala ako pero ndi ako sigurado, mabait din ito sa akin , pero pagdating kay Annie , iba ang pakikitungo nito dito, parang bigat bigat ng loob niya dito, tinanong ko naman si Annie kung ano bang ginwa niya kay John o dati ba niya itong kilala at nagkakilala na sila dati ay meron itong nagawang masama dito ang sagot naman ni Annie ndi niya kilala si John at ngayon lang sila nagkita ng magtrabaho ito sa mansyon ng Dela Muonz, Nagpaparamdam ito sa akin pero bakit ewan ko ba bakit ayaw ko ito , matagal na itong nagpapalipad hangin sa kanya pero ni minsan hindi niya man ito nagustuhan, ang talagang gusto niya lamang ay ang kanyang boss na Sir Jann Michaek , ewan ko ba ang lakas lakas ng dating nito sa akin, naku hindi lang yata pagkagusto ang nararamdaman ko sa Boss ko kung hindi PAGMAMAHAL na yata ito. Narinig kong nagsalita si John kaya ganoon nalang ng bumalik ako sa realidad at napatingin ako dito

"Hi Millary" sabi ni John sa akin sabay ngiti nito sa akin , talagang ndi mo maalis na hangaan ito dahil sa ang gwapo nito, ang ganda pa ng ngiti nito at ang puputi ng ngipin nito pero kahit gwapo ito, ndi ko talaga ito magugustuhan kasi ang laman lang ng aking puso ay ang pangalan JANN MICHAEL

Ayaw ko naman maging bastos kaya sinagot ko din siya ng "Hi" , agad naman itong ngumiti

"libre ka ba sa linggo di ba da-off noon "sabi ni John sa akin, niyaya niya naman ako nitong lumabas, naku ilang beses na ba niya akong niyaya, lagi ko naman itong tinatangihan

" Ah oo day-off ko noon, pero tamad akong gumala, dito lang ako sa mansyon, ikaw nalang mag-isa o kaya sabay nalang kayung gumala nitong si Annie tutal nagyaya din ito sa linggo" sagot ko kay John, sabay tingin kay Annie , nakita ko itong sumimangot at nawala ang ngiti sa kanyang labi, parang mabigat din ang loob nito kay John

" Ayaw ko yan kasama " sagot ni Annie na biglang sumingit sa usapan namin ni John sabay tingin ng masama kay John

" Bakit ako ba gusto ba kitang kasama" sagot naman ni John kay Annie at sabay tingin din ng masama dito

Bigla akong napangiti sa nasaksihan kong palitan nilang salita, ahaha parang may mabubuong kanais nais sa mga ito, sabi nga nila the more you hate the more you love, hehehe HMMM… kaunting push nalang magugustuhan din nila ang isa't isa , kailangan ko pa silang lalong ilapit sa isa't isa

"o Siya mauna na ako sa inyo, mag-usap lang kayo ah, wag kayo magkagatan" asar ko sa kanila , ahaha baka maging aso't pusa sila pag-alis ko at tumalikod na ako sa kanila at ndi ko na narinig ano man ang pinag-usapan nila pag-alis ko, napangiti ako dahil doon dahil mukhang magkakamabutihan din sila bandang huli kasi may nakikita akong spark sa pagutan nila

Sinabi kahapon sa amin mga katulong ng mansyon na darating ang mga kapatid ni Sir Jann Michael na sina Ma'am Cristine at Sir Jeronn galing sila sa Canada at dito na sila titira sa mansyon ng Dela Munoz pero may isa pa silang mansyon kung saan nakatira ang kanilang ina pero mas gusto ng dalawa na dito manirahan sa pag-uwi nila

Sabi nila gwapo si Sir Jeronn at maganda si Maam Cristine , Pareho daw silang tahimik at ayaw nilang maingay kaya agad na nila kaming sinabihan

Mabilis lumipas ang maghapon at sabay kaming nagpahinga ni Annie, ndi ko na ito inusisa kung ano pa ang pinag-uspan pa nila ni John

At ngayon umaga ngayon darating ang dalawang magkapatid lahat kaming katulong ng mansyon ay nakapila sa labas kasama ko sina Annie, Mang Rosa, Sarah, Rachelle at Yeng, bali anim lahat kaming katulong dito sa mansyon na nag-aabang.

Ilang sandali lang dumating na ang kanilang sasakyan

At bumaba sa sasakayan si Ma'am Cristine, wow maganda at sexy si Maam Cristine at ng mapadako naman ang mata ko kay sir jeronn , hmmmm gwapo si sir jeronn may pagkakahawig ito kay Sir Jann Michael pero mas gwapo talaga si Sir Jann Michael kahit saan angulo at ng mapadako ang mata ni Sir jeronn nakita ko itong natigilan at ndi na niya ako nilubayan ng tingin na kinataka ko, kahit umakbang na ito , dni pa rin umalis ang tingin nito sa akin , pinakamasdan nito ako ng tingin na kinabahala ko , nakilala ba nito ako pero ni minsan ko ito nakita papaanong nakilala nito ako, sino ba ito? Alam ko sa tingin niya kilala nito ako at sa ndi maalis na tingin nito alam kong may alam ito sa aking pagkatao.

" napano siya, bat ganoon siya makatingin?" tanong ko sa sarili ko, at tuluyan ko ng inalis ang tingin ko dito

At nabigla ako ng pumunta ito sa aking harapan at pinakatignan tignan ako habang si maam cristine diretchong pumasok sa loob,habang ang ibang katulong kinuwa ang mga dalang bag nila si Sir Jeronn at Maam Cristine sa likod ng sasakyan

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang masamang tingin sa akin ng kasama kong katulong, parang alam ko na ano naglalaro sa kanilang isipan

Nabigla ako ng bigla niya akng niyakapat bigla niyang sabihin " sa wakas nahanap na din kita, saan ka ba pumunta?, ang tagal na kita hinahanap" sabi ni sir jeronn sa akin habang nakangiti na mababakas mo sa kanyang binitawan salita kahit ndi ko ito nakikita, nakita kong lalong dumilim ang mga mukha nila sarah, rachelle at yeng, agad ko itong inawat at nilayo ko ang aking sarili sa kanya

" ss--iiiiir" yun lang ang nasabi ko dahil sa bigla, hindi ko man 'to kilala bakit niya ako hinahnap , ngayon ko nga lang ito nakita, bakit niya sinasabi ito at parang kilalang kilala niya ako base sa kanyang binigkas na salita, sabi niya MATAGAL anong ibig sabihin nito matagal na niya akong hinahanap, Sino ka ba talaga Sir Jeronn, ano ang kaugnayan ko sayo?

Ganoon na lang ng biglang tumingin si Manag Rosa at Annie sa amin, nakita ko nagsilaki ang kanilang mga mata

"baliw ba yun" tanong ko sa sarili ko matapos akong yakapin ni sir jeronn , pumasok na ito sa loob ng mansyon at ang sabi nito kay kay Manang Rosa na magpapahinga na ito dahil napagod ito sa biyahe na agad naman sinangayunan ni Manang Rosa at sinabing tatawagin nalang niya ito pag-oras ng tanghalian at agad naman itong tumango at nagpaalam na pupunta sa kanyang nakalaan na silid

" Millary kilala mo si sir jeronn" tanong sa akin ni Annie ng nasa kusina na kami para tulungan si manang carol para sa paghahanda sa pagluluto dahil kailangan nito ng tagahiwa at marami itong lulutuhin na mga putahe na request ng dalawnag magkapatid dahil namiss daw nila ang mga Filipino Food, nagkibit balikat ako at sabay sabing

" Hindi, ngayon ko lang nga nakita Sir Jeronn, Bakit" sabi ko kay Annie, dahil yun naman ang totoo , ndi ko kailan man nakasalamuha si Sir Jeronn

" bakit kung makatingin siya, kilalang kilala ka niya at kung makayakap siya para namiss ka niya, sigurado ka , hindi mo siya kilala?" ganting sagot ni annie sa akin, yung mga tanong niya alam kong may punto ito pero kahit anong halukay ko sa aking isipan ndi ko talaga kilala si Sir Jeronn

" Oo sigurado ako,alam mo ang mahirap hindi ko kailan man nakadaop palad ang isang mayaman katulad ni sir jeronn at diba sabi ni Manang Rosa na sa canada lumaki yung dalawang magakapatid at nainirahan ang dalawang yun, paano ko naman siya makilala" sabi ko kay annie, na kahit ako ay naguguluhan

" ayyy oo nga pala " sabi ni Annie sa akin ng marealize niyang may punto ako at sinimulan na niyang magbalay ng patataas habang ako binabalatan ang mga carrots , isa sa mga lulutuhin ay menudo

" Osya tapusin na natin tong ginagawa natin baka mapagalitan pa tayo kay Manang Carol" sabi ko kay Annie at tuluyan na nga naging abala sa paghiwa ng mga sangkap