webnovel

Chapter 19

Millary POV

At ng nasa veranda kami agad kong tinanong si sir bakit kailangan niyang sabihin ana girlfriend niya ako kina mang tonyo a at manang senya at ang sabi ni sir sa akin mas mabilis sabihin girlfriend niya ako keysa eexplain niya na katulong ako, at kailangan pa niya sagutin bakit sila nagpunta dito at anong reason pa ang idadadahilan niya at agad naman akong tumango dahil naunawaan ko agad ito muli akong napaisip oo nga tama nga si sir jann michael mas madali ngang sabihin iyon keysa mag explain ng mahaba

At sa ikatlong araw na namin dito sa villa corazon at sa araw na ito ngayon kami tutungo sa villa sarmiento at nagtataka ako bakit kailangan pa bilhin ni sir ang villa sarmiento sa mga mag-asawang sarmiento kung meron naman itong villa corazon

Kaya agad ko itong tinanong "sir bakit kailangan mo bilhin ang villa sarmiento kung meron ka ng villa corazon" sabi ko kay sir ng nasa sasakyan na kami agad ako nitong tinignan at sabay sabing

"maganda kasi ang villa sarmiento at naghihinayang ako kung iba ang bibili nito at mapapabayahan ito kaya mas maganda ako ang bibili nito" sabi ni sir sa akin habang nasa daan ang kanyang mata

"sir kung maganda ito, bakit ibebenta ng mag-asawa" tanong ko ulit kay sir, naku baka makulitan na sa akin si sir sa dami ng tanong ko

"kasi pupunta na ng ibang bansa ang mag-asawa kaya ibebenta nila yun" sagot ni sir jann michael sa akin habang nakapokus ang kanyang atensyon sa pagpapaneho

"ah ganoon po ba, ang tanong ko po ulit sir bakit vilala corazon po ang tawag sa villa corazon ninyo" tanong ko kay sir jann michael kasi ang alam kong pangalan ng kanyang asawa ay marjorie at saan naman galing ang corazon, kaya nahihiwagahan ako sa pinangalingan ng pangalan corazon at sino si corazon at narinig kong tumawa ng malakas si sir jann michael , wow ag sarap tumawa ni sir jann michael at kaagad naman akong tumingin dito at sabay sabing

"ano pong nakakatawa sir" tanong ko kay sir habang nakakunot noo

" nakakatawa ka ang dami mong tanong" sabi ni sir sa akin

"ang saya naman sir, lagi ka nakangiti ngayon sana lagi ka nalang ngingiti" sabi ko kay sir at bigla ko winika sa kanya ang mga katagang yun at ndi ko alam saan ko kinuwa ang lakas ng aking loob na sabihin iyon

"sir alam mas gwapo ka talaga pag nakangiti ka" sabi ko kay sir jann michael habang sinasabi ko yun ay nakangiti ako sa kanya at alam ko hindi niya ako nakikita kasi nakatingin ito sa daan at ganoon nalang ang bigla ito tumingin sa akin at ngumisi ito

"alam mo napapansin ko padalas ng padalas ang papuri mo sa akin at noong isang araw crush mo lang ako baka niyan sa susunod na araw mainlove ka na sa akin" sabi ni sir jann michael habang todo ang ngiti nito habang may mapang asar na mukha ito, ayy naku sir kahit asarin mo pa ako lalo akong kinikilig , naku kinikilig ako kung alam mo lang sir pag-ibig na talaga nararamdaman ko sa iyo sabi ko sa sarili ko habang iniisip ko iyon ay ndi ko mapigilan mapangiti sa kanyang winika at bigla akong napatingin sa kanya ng bigla niya dinugtung ang salita naagpaalis sa ngiti ko sa labi

"hinay hinay sa pagkakagusto sa akin dahil may ibang mahal ang aking puso " sabi ni sir sa akin at biglang nalaglag ang aking balikat sa aking narinig at ganoon din ang paglaglag ng aking panga sa aking narinig sa kanya, ayy naku millary bakit ndi mo agad naisip yun? bakit ko nga ba kinaliumtan na mahal na mahal nito ang kanyang asawa at wala akong pag-asang mabaling sa akin ang kanyang nararamdaman, parang nadurog ang aking puso at nagkapirapiraso ito at ang sakit naman nito sobra at dahil doon kaya habang nasa bihaye kami papunta sa villa sarmiento naging tahimik ako at ndi na gumawa ng anong mang- ingay baka makarinig ulit ako ng salita na ndi ko magustuhan

At ng makarating kami sa villa sarmiento ay kaagad akong nagandahan dito, ang ganda nga ng villa sarmiento at tama nga ang sabi ni sir jann michael at talagang mapapawow ka talaga kaya ndi na ko nagtataka kung talagang bibilhin ito ni sir at may sumalubong sa amin na isang dalaga siguro anak ito ng katiwala base sa kanyan kasuotan at bigla akong sinalakay ng inis dito dahil nakakainis ang itong dalaga na ito at grabe napapacute ito kay sir jann michael , hello hindi ba niya ako nakikita at si sir jann michael ang binati niya siya lang ba ang nakita nito

"hello po sir bumalik po kayo hinahanap nyo po ba sina maam at sir?" sabi nito kay sir habang nagpapacute , ang landi grabe

"oo , nandyan ba sila?" taning ni sir na walang ngiti sa labi, buti nga sayo, ndi ngumingiti sayo si sir jann michael sabi ko sa sarili ko

"ayy sir wala po sina sir at maam baka bukas palang po sila babalik" sabi nito kay sir sabay ng ngiti ng matamis kay sir jann michael , wala nga epek ang pangiti nito pero ndi pa rin nito tinigil ang pagpapacute, ndi ba ito makaintindi

"ah ganoon ba sige babalik nalang kami ng asawa ko bukas" sabi ni sir sa dalaga at ganoon na lang paglalaki ng mata nito at sabay tingin sa akin at bilang ganti pinaglakihan ko ito ng mata para ipahayag na ndi mo ako pinapansin ah , asawa ko lang yang nilalandi mo at bigla kong naisip ohh ayan gaga ano napahiya ka, sabi ko sa sarili ko dahil sa inis ko sa dalaga na ito

"tara honey balik nalang tayo bukas" sabi nito sa akin at bigla ito tumingin sa akin at agad akong inakbayan at parang gusto kong maglumpasay sa sahig sa sobrang kilig, tinawag akong honey, grabe naman pero alam ko naman kasama sa pagpapangap ni sir yun na paniwalaan ang lahat na mag-asawa kami sa harapan ng dalagang ito at diba nga nilinaw na niya sa akin na may iba na siya mahal at mahal pa rin nito ang asawa nito at kinilig ako kasi inakbayan ako nito sa harapan ng dalagang ito

Pero agad kong pinigilan ang puso ko sa pagwawala dahil naalala ko naman ang mga winika nito ng nasa sasakyan kami, tumigil ka na aking puso sa pagwawala at kahit anong pagwawala mo diyan hindi ka rin niya papansinin at kung pansinin ka man niya ay hindi niya matutungunan ang nararamdaman mo sa kanya kaya itigil mo na ang pagwawala ng iyong puso at dahil sa inis ko sa babaeng ito ay gumanti naman ako ng salita dito

"sige honey tara na para makapagbonding pa tayo" mabilis na sagot ko kay sir sabay tingin sa kanya, at bigla ko tinignan yung dalaga na yunat ng makita ko ang kanyang magiging reaksyon at naaninag ko sa kanyang mga mata angselos, selos na selos ka noh sabi ko sa sarili ko, yan ang ganti ko sa iyo sa pag-iinis sa akin

Paalis na kami ng may dumating na babae, mukhang nanay ito ng dalaga

"ayy sir kayo po pala, napadalaw po kayo sir" sabi nito kay sir jann michael

"oo nga po nana elsa bigla ang aking pagdalaw at gusto ko sana makausap sina misis sarmiento tungkol dito sa vilala sarmiento"sabi nito kay nana elsa

"naku sir bumalik nalang kayo sa sabado, mga alas dos ng hapon" sabi nito kay sir bakit sa sabado pero sabi ng anak nito na bukas kami bumalik parang anguluhan ako sa winika nilang mag-ina

"sigurado po kayo sa sabado nandito sina misis sarmiento?' tanong ni sir kay nana elsa alam ko sa mukha nito ay naguguluhan din dahil sa ibang araw ang binangit ni nana elsa at anak niyo

"opo, hindi po ba sinabi ng anak ko sa sabado pa babalik sina maamdiro" sabi nito kay sir at ganoon nalang ng biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi ni nana elsa kaya sumabat ako sa usapan nila

"pasyensya na po sa pagsabat po sabi po ng anak nyo po nana ay bumalik kami ng asawa ko bukas, tuesday palang bukas ano pong ibig sabihin po ba noon kung hindi namin kayo nakita siguradong babalik kami ng asawa ko dito bukas at anong balak ng anak ninyo araw-araw pababalikin kami dito dahil gusto nitong makita ang ASAWA KO" sabi ko kay nana elsa at diniinan ko ang salita asawa para maunawaan nito na may ibang pakay ang anak nito at para mapagdiinan na may nagmamaari na sa lalaking gusto nito at kaagad nitong tinignan ang kanyang anak at sabay sabing

"anong sinasabi ni maam, marie?" sabi nito sa anak nito at nakita ko nakuyom nito ang kamao nito dahil sa inis sa anak nito at nakita ko parang lumabas ang mga ugat nito sa leeg

So marie pala ang pangalan ng dalagang ito

"ahhhh-hhhh nanay ka----si" sabi nito sa nanay nito , bigla itong namutla at hindi ito makapagsalita dahil sa nahuli ito sa akto

"kabastusan ang ginawa mo sa mag-asawa ito, nakakahiya ka, ano bang tinutru ko sayong bata ka at ngayon din pumasok ka sa loob at mamaya tayo mag usap pag umalis na ang mag-asawang ito" sabi nito sa kanyang anak sabay turo ng pintuhan pero maaninag mo dito ang galit sa anak nito at dahil nakita nito ang kanyang ina na galit kaya dali daling pumasok si marie kaya ng maiwan kami tatlo ay tumingin ito sa akin na may nahihiyang itchura

"pasyensya na po kayo maam at sir, may gusto po yata ang anak ko sa asawa nyo po at sana kayo na po ang bahalang magpasyensya sa aking anak sa kanyang naging asal baka ginusto po nito pabalikin bukas si sir para siguru makita ulit ito dahil may gusto ito dito" sabi nito sa akin may mapag umahin na mukha

"okay lang po nana elsa , sana huwag nalang po niyang ulitin sa susunod " sabi ko at sabay ngiti at tuluyan na kaming nagpaalam kay nana elsa at sumakay ng