webnovel

Chapter 17

Millary POV

May nadaan kaming isang restaurant kanina kaya naisip ni sir kumain muna kami doon ng mag ala dose ng tanghali, ng bumaba kami sa restaurant pinatitiginan kami ng mga tao doon paano ba naman ang gwapo ng aking kasma ang lakas ng dating nito at kahit sino ay mapapatingin dito , ayyy ang gwapo ni sir jann michael talaga , agaw pansinin ito at lahat ng madaanan naming babae nakatingin dito at ndi mababali bali ang tingin at may mga mangilan ngilan na napapasinghap pa ang iba dahil sa taglay nito tangkad at ang tikas ng katawan at para kasi itong mala adonis kaya hindi ka na magtataka kung maraming humanga dito at ambahin ito at nakita ko pinagtitinginan naman ako ng mga babaeng yun at nakita ko sa kanilang mga mata na sila ay ingit dahil ako ang kasama ni sir jann michael at bigla naman akong nalungkot, oo nga kasama lang ako ,yun lang ang papil ko sa kanya ngayon , dni ako nito lalapitan kung ndi ito may kailangan sa akin, ndi naman pala ako nalalayo sa mga bababeng yun na hanggang tingin nalang ako kay crush, pag may time ito napapatripan akong inisin sa nakalipas na oras, mataman ko itong pinagmasdan habang kumakain kami, naku kahit sa pagkain nito ay napakagwapo nito, ano kayang gayuma ang nakain ko lahat ng lang ng makita ko dito ay maganda at nagmatapos kaming kumain ay nagpahinga muna kami ng kaunting minuto at nag order din ito ng dessert , ayy naku ang sarap ng chocolate pudding nila dito ndi ako nahiya na naubos ko ito at tinanong pa ako ni sir kung gusto ko pa ng isang order at agad akong nilukuban ng hiya kaya tumangi ako at nakita ko itong tumayo at nag-order ulit ng take-out ng chocolate pudding , paraba sa akin yung inorder niyang take-out , ihhh kung para sa akin yun naku kilig na kilig na ako at nagpahinga kami ng ilang minuto ulit at ng matapos na kaming magpahinga bumalik na kami sa sasakyan, pinaandar na sir ulit ang sasakyan papunta sa aming destinasyon at ng nasa daan na kami, hindi ko maiwasan ang mapatulog kasi naman parang hinehele ako ng tunog ng stereo at bago ako agawin ng antok ay narinig ko pa si sir jann michael na nagsalita " sige matulog ka lang, gigisingin nalang kita pag nasa villa corazon na tayo" sabi ni sir sa akin habang nagddrive ito dahil indi ko na talaga kaya, kaya natulog na ko, nakakahiya man pero talagang inaantok na ko, sorry talaga sir jann michael sabi ko sa isip ko at hindi ko alam kung panaginip ba ito , bakit parang naririnig ko ang boese ni sir na ang sinasabi " sleepy head gising na" grabe ang lambing ng boses nito at totoo ba naririnig ko si sir jann michael at bakit ang lambing ng boses nito, sinong kausap nito , hmmmm ako ba? Nanaginip siguro ako kaya inayahan ko lang ng ito at ng maramdaman ko na man may humihipo sa aking pisngi at ang lambot ng palad nito at pasimple kong inamoy ang kamay niya naglnadas sa aking ilong ayyy ang bango din ng kamay , parang kaamoy nito si sir jann michael pati ba ito ay panaginip? Ayyy parang ndi na kaya doon ako biglang napalikwas ng bangon at dahil doon kaya nakasalubong ang aming mga mata, garbe ang gwapo gwapo tlaga nito

" sorry po sir, nakatulog po ako" sabi ko sa kanya, habang nahihiya kasi iniisip ko ano ba naging itchura ko kaninang natututulog ako, baka nakabuka ang aking bibig, ayy naku minus point na ako doon at sobrang nakakahiya, baka isipin ni sirjann michael na ang pangit ko ng g gising , pangit pa ako pagtulog, ayyyy sobrang nakakahiya

"tara na baba na tayo" sabi niya sa akin at siya na nagtanggal ng aking seatbelt, napapikit ako kasi ang banggo niya parang hindi ako makahinga sa sobrang kilig dahil naamoy ko si sir ng malapitan at bahagyan ngdantay ang aming balat sa kanyang paglapit sa akin at doon naman siya napatingin sa akin at nagtataka ako bakit parang tumigil ang kamay na nag-aalis ng aking seat belt at nararamdaman ko pa ito na hindi natangal kaya kaagad kong binuka ang aking mga mata para tignan ang bakit nito tinigil ang pag alis sa akin seatbelt at ganoon na lang ang aking pagkakabigla na nakatingin din pala ito sa akin at nagsalubong ang aming tingin walang nangahas na magsalita sa amin , parang nag-uusap ang aming mga tingin , parang nag enjoy kami sa kakatingin sa isa't isa at parang namamagneto ako sa kanyang mga mata kaya ndi ko man inalis ang aking tingin sa kanya mga mata at sa kanyang mukha at nabigla ako ng bumaba ang kanyang mukha sa akin, ayyy hahalikan na ba ako ni sir jann michael?, tanong ko sa aking sarili, parang nikuban akong ng excitement , ihhh Naeexcite ako, hindi ko mapigilan ang aking kilig at dagli akong napapikit at hinhintay ang kanyang halik pero ganoon nalang bigla ko ng pitikin niya ang aking noo at sabay sabing " baba na tayo, ako na magdadala ng ating mga bag"bulong ni sir sa akin at biglang tumaas ang aking balahibo sa aking batok kasi nararamdaman ko ang kanyang hininga sa aking punong tengga

Sayang

Sayang

Sayang ..........

Malapit na eh, kaunti kaunti nalang…

Dahil sa inis ko , binagsak ko ang kanyang pinto ng malakas

Nakakainis

Nakakainis

Nakakainis

Pinaasa niya ako

At kaagad na ako naglakad pagkababa ko ng sasakyan at naiwan ito sa sasakyan dahil sabi nito ito daw magbaba sa aming mga bag, wow, bumawi sa pambibitin sa akin at pagpapaasa sa akin at siya ang nagbuhat ng dala namin at napangiti ako mukhang ako pa ang boss dahil ni isang gamit wala akong dala, habang siya ang magbaba ng aming mga dala at siya din ang magpapasok din ng mga gamit sa villa corazo at dahil sa inis ko hindi ko namalayan nasa harapan na ako ako ng villa corazon at may sumalubong sa akin, dalawang matanda at mukhang mag-asawa ang dalawa at mukha silang katiwala ng villa corazon.

"good afternoon po maam"sabi ng mag-asawa sa akin sabay ngiti ng matamis, napagahan ng aking pakiramdam sa kanila

"good afternoon din po, wag nyo po akong e maam at katulong din po ako " sabi ko sa kanila ng nakangitidahil yun naman ang totoo at kaagad naman sila nagtinginan at siguro iniisip nila kung katulong ako eh bakit hindi ako ang nagdala ng mga gamit namin at bakit ang boss ang pinagbuhat ko dahil kaagad kaming napatingin ng dumating sir jann michael dala ang aming bag at parang ang gaan gaan lang kung makabuhat ito ni wala man itong kaeffort effort at kaagad kong naisip siguro kahit pati ako kaya niyang buhatin kasama ng aming mga bag at ng mababa niya ang aming mga gamit sa sala ay agad din siyang binati ng matandang lalaki

"sir good afternoon po, ang tagal ninyo po hindi nakadalaw dito, kumusta na po kayo?" Sabi ng matandang lalaki kay sir jann michael , mukhang namiss nito si sir jann micahel

' oo nga po mang tonyo, okay naman po ako , kayo po kumusta na po kayo ni manang senya" sabi nito sa dalawang matanda mag-asawa , mukhang malapit si sir jann michael sa dalawa base na rin sa kanilang tinginan at kanilang mga kilos

Mang tonyo at manag senya pala ang pangalan ng dalawang matandang katiwala niya dito

" okay naman kami sir jann michael" sabi ni mang tonyo at agad din itong nagtanong kung bakit biglaan pagdalaw ni sir jann michael sa villa corazon

"napadalaw po kayo sir" sabi ni mang tonyo

" oo nga mang tonyo napadalaw kami bigla ni millary dito kasi nabalitaan ko ibebenta ng mag-asawang sarmiento ang kanilang lupa at balak ko sanang bilhin" sabi nito kay mang tonyo na nakangiti

At bigla ito bumaling sa akin

" nga pla si mang tonyo at manang senya sila pala ang aking katiwala sa villa corazon" sabi ni sir jann michael sa akin at ng bumaling ito kina mang tonyo at manang senya ako naman ang pinakilala nito

" mang tonyo at manang senya si millary po pala " pakilala ni sir akin kina mag tonyo at manang senya

"girlfriend niyo po sir?" tanong ni mang tonyo, ndi sumagot si sir jann michael at ngumiti ito ng makabuluhan sa dalawang katiwala, ndi ko nakita ang kanyang pagngiti dahil agad kong niyoko ang aking ulo para basahin ang isang mensahe sa aking cellphone