webnovel

Chapter 13

Millary POV

Panibagong araw naman at ala singko na ng hapon at habang nagdidilig ako ng mga bulaklak sa hardin ng biglang dumating naman si sir jeron na may hawak na gitara sa isang kamay at sabi nito ay kakantahan naman niya ako,,, ayy naku alam ko naman ito aasarin naman niya ako at ang kakantahin naman nito ngyon ay Damn I Wish I was Your lover by Sophie B. Hwakins at sa malamig nitong boses ay sinimulan naman nito ang pagkanta nito

That old dog has chained you up alright

Give you everything you need

To live inside a twisted cage

Sleep beside an empty rage

I had a dream, I was your hero

Damn, I wish I was your lover

I'll rock you till the daylight comes

Make sure you are smilin' and warm

I am everything, tonight I'll be your mother

I'll do such things to ease your pain

Free your mind and you won't feel ashamed, oh, oh

Open up on the inside, gonna fill you up, gonna make you cry (cry, cry)

This monkey can't stand to see you black and blue

I give you somethin' sweet each time

You come inside my jungle book

What is it just too good?

Don't say you'll stay 'cause then you go away

Damn, I wish I was your lover

I'll rock you till the daylight comes

Make sure you are smilin' and warm

I am everything, tonight I'll be your mother

I'll do such things to ease your pain

Free your mind and you won't feel ashamed

Shucks, for me there is no other

You're the only shoe that fits

I can't imagine I'll grow out of it

Damn, I wish I was your lover (Yeah)

If I was your girl believe me

I'd turn on the Rollin' Stones

We could groove along and feel much better

Let me in

I could do it forever and ever and ever and ever

Give me an hour to kiss you

Walk through Heaven's door I'm sure

We don't need no doctor to feel much better

Let me in

Forever and ever and ever and ever

I sat on a mountainside with peace of mind

And I lay by the ocean

Makin' love to her with visions clear

Walked the days with no one near

And I return as chained and bound to you

Damn, I wish I was your lover

I'll rock you till the daylight comes

Make sure you are smilin' and warm

Damn, I wish I was your lover

Just open up I'm gonna come inside

I wanna fill you up I wanna make you cry

Gettin' on the subway and I'm comin' uptown

(Damn, I wish I was your lover)

Standin' on a street corner waitin' for my love to change

(Damn, I wish I was your lover)

Feelin' like a school boy, too shy and too young

Grabe ang ganda talaga ng boses nito, ang lamig ng kanyang boses, habang pinapakingan mo ito hindi mo maiiwasan sumabay sa pagkanta din dito, naku kung titignan kami sa malayo ay mapapagkamalan mo talaga kaming magkasintahamat muli tinignan nito ako ng may ngisi sa labi dahil alam kong nag-aasar naman ito.

"kumusta na ang crush mo?" sabi nito sa akin na may kapilyuhan sa labi

"Kailan ka ba aamin kay kuya na may gusto sa kanya" sabi ulit nito sa akin na may ngisi sa labi

" Pinapansin ka ba?" tanong na asar ulit nito sa akin.

Parang naalala ko ang mga tanong na ito,, ayy naku ito din ang mga tanong niya sa akin kahapon

"umalis ka na nga dito, nakikita mo na nagtratrabaho ako" sabi ko sa kanya habang nakanguso, yun din ang sinabi ko sa kanya kahapon

Kung sino man ang makakita sa amin sa malayo talagang mapapagkamalan kami na may relasyon at hinaharana nito ako at ganoon nga ang iniisip na isang pares ng mata na kanina pa nakamasid sa amin

Limang minuto na ang nakalipas ng bigla ko itong tignan at bigla itong ngumisi sa akin na may kapilyuhan, nakita ko na pinipicturan nito ako at kaagad kong sinabi "burahin mo nga yan, nahuli kita kinuwanan mo ako ng larawana!"sabi ko sa kanya ng may kasamang masamang tingin at nakasimangot, ano ba itong lalaking ito bakit ito nagnanakaw ng larawan , bakit ako nito lihim na pinicturan at kaagad lang niotng kinibit balikat ang aking sinabi at ilang minuto ang lumipas habang nakaupo ito at ako ay pinagmamasdan nito dahil kinakausap ko ang mga bulaklak, mukha akong tanga na kinakausap ang mga bulaklak na mamulaklak ng marami para sumaya ang aking amo, habang pinagmamasdan nito ako may binulong ito na ndi ko masyadong narinig at mawari kung ano ang kanyang binulong

"kamukhang kamukha mo si marjorie kinakausap din niya ang mga bulaklak" sabi nito pero hindi ko masyadong narinig ang kanyang sinsabi ndi ako nagreact, lumipas ang limang minuto na nakatunghay ito sa akin at nabigla nalang ako ng may biglang nagsalita at kahit nakatalikod ako kilalang kilala ko ang boses na yun

"sir may tawag po kayo sa telephono" sabi ni sarah kay sir jeronn sabay abot ng telephone , habang sinasabi nito iyon, napakatamis ng ang kanyang ngiti, ndi naman gumanti ng ngiti si sir jeronn pero sa akinnapakatamis nitong ngumiti, ganoon pala ang personalidad nito sa ibang tao at nagyon lang nabatid at agad naman nitong kinuwa nag telephone na hawak ni sarah at kaagad nitong sinenyasan si sarah na umalis na at agad naman tumalima si sarah at kaagad na umalis si sarah sa harapan namin at ilang minuto lang ang lumipas ay kaagad itong nagpaalam sa akin na sasagutin ang tawag at pupunta ito sa sala at ng sumenyas ako dito na okay ay kaagad itong umallis sa akin harapan, napapadalas ang pagtawag dito ng kausap ntio at alam kong ndi si rizalyn iyon, sino kaya iyon , tanong ko sa akin sarili habang tinitignan ko itong papasok sa mansyon hanggang mawala ito s akin paningin

Nasa sala ako ng mansyon ngayon hinhintay ko si sir jeronn sabi niya may sasabihin ito sa akin kaya hintayin ko daw ito sa sala, ano naman kaya ang sasabihin nito s akin at pinapunta pa ako sa sala at habang nasa sala ako, narinig kong bumukas ang pinto ng library at lumbas doon si sir jann michael, bigla akong nilukob ng kaba at nerbyos , ayy naku kapag nakikita ko si sir jann michael ang pintig ng aking puso ay nag-iiba at napansin kong walang nagbago wala pa din emosyon ang kanyang mukha at naka kunot noon ito, nagtataka siguro ito bakit nasa sala ako kaya tinanong ako nito

"anong ginagwa mo dito?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay at gamit ang boses nitong mabagsik

"hnhintay ko po si sir jeronn" sabi ko kay sir jan michael nasabi ko ang salita na hindi nabubulol o napiyok man lang , self nakapakagaling mo bulong ko sa aking sarili

" bakit mo siya hinihintay?" tanong niya ulit sa akin at gamit pa rin ang maawtoridad niyang boses, talagang nakakapanginig ang kanyang boses at nakakatakot

" nagpapahintay po siya sa akin, may sasabihin po daw siya sa akin" sabi ko kay sir, sa wakas ndi naman ako nabulol, ayyy self ang galing mo talaga, proud na proud ako sayo sabi ko ulit sa akin sarili , dati rati nabubulol ako pagkausap ko si sir

" huwag mo na siya hintayin, bumalik ka na sa trabaho, at isa pa alam mo bang may girlfriend na si jeronn?" sabi ni sir sa akin habang nakatingin siya sa akin ng matalim, bakit niya kaya tinatanong kung alam kong may GF to? Naturala alam ko e pinsan ko yun , gusto na sana sabihin sa kanya yun kaso agad ko pinigilan ang aking sarili, baka ano pa ang masabi ko at malagay ako sa alanganin na sitwasyon

"opo, alam ko po" sabi ko kay sir jan michael,, ayy naku kung alam mo lang sir jann michael alam ko naman talagang may girlfriend ito, haller pinsan ko pa kaya ang GF niya

"babalik na po ako sa trabaho" sabi ko kay sir sabay alis sa kanyang harapan bago pa man ako umalis may sinabi ito na ikinatigil ko sa paglakad at sabay tingin dito ulit at kasabay ng pagguhit ng pagtataka sa aking mukha

" layuhan mo ang kapatid ko" sabi niya sa akin sa mabagsik nitong boses na para bang pinapahiwatig nito sa akin na sundan koang utos nito kung ndi ay mangyayari sa akin na ndi ko magugustuhan

"ano pong sabi niyo sir?" tanong ko kay sir jann michael sa tonong naguguluhan at baka nagkamali lang ako ng dinig sa bawat katagang kanyang sinabi

" sabi ko layuan mo ang aking kapatid, hindi ko alam ano ang naglalaro sa iyong isipan at kung ano man balak mo at sinasabi ko na sa iyo huwag nahuwag mo na ituloy dahil masisi ka" sabi niya sa akin sa maawtoridad niyang boses , parang ito yata ang pinakamahaba niyang salitang nabigkas sa akin , parang gusto kong ngumiti dahil doon pero agad ko din sinawata ang aking sarili, pinagsasabihan at pinagbibintangan ka na nga kinikilig ka pa , sabi ko sa aking sarili

"Kaibigan ko po si sir jeronn, wala naman pong masama kung makipag-usap siya sa akin" sabi ko kay sir jann michael ,kahit nanginginig ang aking boses ay agad ko itong napigilan kasi baka isipin nitong totoo ang binibintang nito sa akin na may lihim kaming relasyon ni sir jeronn , kung alam mo lang sir ikaw ang aking gusto bulong ko sa akin sarili

Saan kaya ipinaglihi ang taong yun, ang sungit sungit niya, naku kung hindi ka lang gwapo baka nasapak na kita at sobrang ang tingang mong magsalita at walang kabuhay buhay at talim pa kung tumitig, naku kung talagang ndi kita crush kanina ka pa nakatikim sa akin, agad kong sinawata ang aking sarili CRUSH lang ba talaga? Tanong ko sa akin sarili, at agad ko tinanong ang aking sarili may ginawa ba ako dito at ganoon nalang ang galit nito sa akin a tuwing kaharap ko ito ang sungit sungit nito, walang kangiti ngiti sa labi, nakataas ang pa kilay at walang emosyon ang mukha, nag meno pause ba ito? minsan gusto ko na mainis dito, wala man akong ginwa dito pero kung paktunguhan ako ibang iba laging walang emosyon , walang kangiti ngiti at laging nakasimangot, saan ba itong pinaglihi?