webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · ホラー
レビュー数が足りません
21 Chs

P R O L O G O

"After nang book signing ng mag-asawa, natagpuan na lamang silang walang buhay sa fire exit ng mall---." Pag-o-open up ni Ghoul ng diskusyon.

"---cause of death was not just an accident, it was intentionally done."

"So? Why are you telling these things to me?" monotonous na ani nito. Sabay higop ng kape.

"Because you're one of the suspects," blankong sambit nito. Napabuga naman ng kape ang lalaki dahil sa pagkabigla.

"I didn't do anything!" bulyaw nito, animo'y ubos na ang pasensiya. Tumatagaktak na ang malalamig na pawis sa noo ng lalaki.

"Wala kang ginawa dahil nagawa mo na!" sigaw ni Ghoul. "Now answer me, are you the killer? Ikaw ba ang pumatay sa mag-asawa?" mapag-prankang tanong nito. Diretsong-diretso na tugon ni Ghoul, wala siyang inaatrasan. Kung nasa tama siya, ipinaglalaban niya. Kasama niya ang batas sa laban na ito.

"N-no. Hindi totoo 'yan. Tulog ako nang nangyari ang krimen, 'wag kayong mangbentang kung alam niyong wala kayong matibay na dahilan, at saka may ebidensya ba kayo, ha?" Alam ni Ghoul na nagsisinungaling ito, marapat lang na parusahan ang mga may sala. Hinahamon pa talaga siya, napangiti naman si Ghoul nang napakatamis.

"From the very start, alam kung ikaw na kaagad ang top suspect sa lahat. Why?" At mabilis na ibinigay ni Ghoul sa lalaki ang mga papeles, ziplock bags. Laking gulat naman nito sa mga bagay na nakita.

"You're a writer, kasama mo sa book signing ang mag-asawa. Pero dahil sa mas magaling sila kaysa sa iyo, you were filled with insecurities or let's just say na 'you're jealous'. And that where the story begins-" Katamtaman siyang napatigil. "You killed them," aniya.

"I-imposible. After nang book signing ay umalis ako kaagad sa mall. I was tired that time, at umuwi akong mabigat ang katawan, at nakalimutang natutulog na pala ako . . ."

"Shut up, i-de-deny mo pa ba talaga? Huling-huli ka na sa akto," matiniis, ngunit kalmadong tugon nito.

"Fuck, no. Wala akong kasalanan. I'll call my lawyer, and shut the fuck up these mess you were telling." At mabilis nitong kinuha ang kaniyang telepono.

"No need. You were caught, and there's nothing you can do now. Unless, mali kami." Napatigil naman ang lalaki, may pagkagulat pa rin sa kaniyang mukha. There's something behind those weird expression.

"No!" Ghoul smile brightly.

"All things, and videos na nakuha namin sa Scene of the Crime are all connected on you. They were pointing you, Mr. Author." Sabay turo sa lalaki gamit ang kaniyang hintuturo.

"Lies!!" sigaw ng lalaki.

"Unang-una, ang sign pen na ito nakuhang nakasaksak sa mata ni Mr. Clovaraya ay ang sign pen na ginamit mo sa book signing na ginawa ninyo sa mall." Kitang-kita ng lalaki ang sign pen na nasa loob ng isa sa mga ziplock bags. Napalilingo pa siya.

"Pangalawa, here is a ripped paper from the last page of your book entitled-Strangers. At ang nakasulat sa pahinang ito ay ang pangalan ni Mrs. Clovaraya at ang pangalan mo, so, does it make sense na may love affair pala talaga kayong dalawa, na ang biktima talaga rito ay si Mr. Clovaraya." Palaki nang palaki ang balintataw ng lalaki, busted. Nanlalamig na ang lalaki sa kinauupuan nito.

"Pangatlo, ang diary ni Mrs. Clovaraya. The last written page was so confusing. It says, 'Inferno was my paradise, you'd bring me to the highest sky. My love, Ekim. You're my greatest knight.' At dahil confused kami, we tried to analyze it over and over, and now. . . alam na namin kung sino ang tinutukoy ni Mrs. Clovaraya, and it was you. Mr. Mike Laponse or let's just say, Ekim." Tahimik pa ring nakikinig ang lalaki, imbes na sumagot ay hinahayaan na lamang niyang umagos ang mga pawis nito na senyales nang ibayong kaba.

"Last---"

"STOP!"

"Guilty?" She smirked.

"Shut up!" Hindi na niya pinakinggan pa ito at ipinagpatuloy ang paglalahad ng katotohanan.

"Before umalis ng mag-asawa sa book singing area, they planned to use fire exits dahil maraming fans ang nakaabang sa labas. At kataka-takang you've cleaned yourself at lumabas. And it was so surprising na 'di mo sila sinundan sa itaas, pero kita sa CCTV ng parking lot na pumunta ka sa labasan ng fire exit."

Napalunok ng laway si Mike dahil sa narinig. It was so unexpected na may nakapansin pa sa ginawa niya. It was devilishly done.

"Kita rito sa CCTV na nasa loob ng fire exits kung paano mo walang awang pinatay ang mga biktamang mag-asawa---" Walang ka-emo-emosiyon sambit nito.

"---at kung paano mo hinalay ang malamig na bangkay ni Mrs. Clovaraya. Necrophilia!"

"H-hindi. H-hindi totoo 'yan. Wala akong kasalanan. I demand you to stop this game, now!" utal at gatol na nagsalita si Mike. Tumayo kaagad ito at itinuro si Ghoul gamit ang hintuturo. His hands was cold as ice, his face was hot as hell. But the devil still sleeping, lying alone,

"Liar." Pero parang walang naririnig si Ghoul. Kalmado lamang siyang nakaupo't naka-dekuwatro sa harapan ng lalaki.

"Arrest him!" giit ni Ghoul sa mga police habang tinuro-turo pa rin siya nito.

"Wait, what? No . . ." Kasabay no'n ay ang pagkagapos ng lalaki sa posas.

"You'll pay for this Ghoul Villaroque, hindi pa tayo tapos! Mali ka, mali kang ako ang kinalaban mo! Magbabayad ka, magbabayad ka!" Huling sigaw ng lalaki kay Ghoul habang ipinapasok ito sa may patrol car.

M I S S I O N A C C O M P L I S H E D

***

"Good job, Ms. Villaroque." Napangiti naman si Ghoul sa sinabi ng kanilang Chief. Isang panibagong kaso na naman ang kaniyang nabigyang solusyon.

"Just doing my job, Sir. Thank you," aniya. Bilang tugon sa ulat ng kaniyang Chief. At mabilis itong tumayo at nakipagkamay sa matanda. Agad niyang nilisan ang lugar habang nakasukbit sa bulsa ng kaniyang brown coat ang magkabilaang mga kamay.

"Congrats, Ghoul!" wika ng isa sa mga kap'wa niya detektibo. Napatango naman siya rito.

"Wala ka pa ring kupas, ah. Matinik pa din. You're a legend talaga, and sexy pa." Sabay na sumipol ito. Habang sukbit sa mukha nito ang nakalolokong ngiti. 'Plastik' saad ni Ghoul sa kaniyang isipan.

Habang patuloy pa rin sa paglalakad sa malawak na pasilyo ng kanilang opisina, dumako ang kaniyang mga tingin sa lalaking nakasalamin na mapagkakamalan mong may galit sa mundo. Makalat na buhok, masasamang tingin, nakakunot na noo, nakalukot na mga kilay. Ang buong akala niya ay normal lang ito, ngunit ramdam niya na may kakaiba sa mga titig nito. Ang mas nagbibigay sa kaniya nang motibo ay ang kakaibang mga tingin nito sa kaniya, na parang galit at kayang pumuksa.

"Frenzy," bulalas ng lalaki sa kaniyang bibig, ngunit 'di naman gumawa ng anumang tunog. Pero basang-basa naman ni Ghoul ang bawat bigkas ng letra't buong salita.

Isinawalang bahala na lamang niya ito at baka ay may-iniisip lang. Napahinga nang malalim si Ghoul sa mga kakaibang iniisip.

Dali-dali siyang lumabas sa building ng departamentong kaniyang pinapasukan. Maingay at mausok kaagad ang bumugad sa kaniya. Samo't saring tao ang kaniyang nakahahalo-bilo---mga matatanda, mga bata, PWD, at mga kaedaran niya.

Napalingon siya habang tinitignan nito ang paligid, isang lalaking nakaitim. Titig na titig sa kinaroroonan niya, hindi niya ito kilala, ngunit laking gulat niyang nakangisi ito habang tumititig pa rin.

"Sino siya?" tanong niya. Nagtataka pa rin siya sa mga nangyayari.

Nagkaka-eye-to-eye na silang dalawa, parang wala ni isa sa kanila ang handang magpatalo sa titigan. Napasunod ang kaniyang bisyon nang itaas nito ang kanang kamay. Kitang-kita niya ang hintuturo nito na nakaturo sa billboard ng establisemento.

D E L I R I U M

Nagtaka naman siya nang 'di na niya makita ang nakaitim na lalaki.

"Sino siya? At anong ibig niyang iparating?" tanong nito sa sarili, sabay na lumingon ulit sa billboard. Napaiktad siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ito at agarang sinagot.

[Hello? Who's this?] Interogar' niya nang mapansing unknown number ang tumatawag.

[Hi Ghoully-ghoully? 'Musta na ang detective girl namin? This is Sioney, new number ko 'to.]

[Oh, bhess? Ikaw pala, napatawag ka? Detective girl mo mukha mo. Pa'no mo pala nakuha number ko? Stalker ka, 'no? Hahaha.]

[Well, gusto lang kitang sabihan na magbabakasyon kami riyan nina Lux, Chim, Lena, at Eunice sa susunod na linggo. Ihanda mo bahay mo, alams na. Party-party. Wahahahah!] Napatawa naman siya, bagyo na naman siya nito.

[Baliw. Oh, siya, alis na ako. Baka naghihintay na si Lola.]

[Sige bhesssy Ghoully. Baboosh.] At mabilis na nag-hang up sa tawag. Napangiti naman siya sa sarili. Aalis na sana siya nang biglang . . .

"Hija." Nagulat siya nang bigla siyang hawakan nito sa braso. Napakunot ng noo siyang tumingin sa matanda, naghihintay sa susunod na gagawin.

"Malapit na. Kayanin mo, kayanin mong labanan ang takot. Ikaw, at ikaw lang ang makaaaalam kung ano ang sagot," pa-bugtong na saad nito. Napangiwi naman si Ghoul sa mga narinig.

"Ah, e. Ano po ba 'yon? At saka, puwede bang bitawan mo ako." Wala siyang nakuhang sagot, nginitian lamang siya nito.

"Ikaw at ikaw lang ang may alam." sambit nito habang binitawan ang mga kamay na pumulupot sa kaniyang braso. Nabuo naman ang malaking pagtataka sa mukha niya. Wala siyang alam, 'di niya alam, at walang makaaalam.

Nang tignan niya ang matanda na naglalakad palayo, nakita niya ang pangungusap sa balabal na umaayon sa agos ng hangin. Kunot-noo niya itong tinignan nang mabuti.

'WHO'S THE KILLER?'

***

Nakarating na siya mula sa opisina gamit ang sasakyang kasalukuyang hinuhulagan.

Buong taka niyang pinasok ang bahay. 'Bakit 'di naka-lock?' tanong ni Ghoul sa kaniyang isipan. Nakasanayan niya kasing nag-lo-lock ang Lola niya sa tuwing aalis siya, at sa puntong ito ay may kakaiba talaga.

"I'm home!" sigaw nito habang isinusukbit sa may hatstand ang kaniyang mala-Kuya Kim na sombrero. Mabilis niya namang hinubad ang brown coat at inilapag sa sofa.

"La?" sigaw ulit nito. Pumunta siya sa kusina't uminom ng tubig, laking taka niya na walang sumasagot. Hindi kasi ganito ang kaniyang Lola, alam niya kung paano ito umasta.

"Lola?" Bigkas nito habang patuloy pa rin sa paghahanap. Napadako siya sa halos lahat ng sulok ng bahay, sa hardin, at maging sa malawak na sala. Ngunit, ni isa ay wala siyang nakita. Kinakabahan na siya, hindi siya sanay sa ganito. Alam niyang may kakaiba sa mga nangyayari.

"Lola?" bulyaw nito habang tuloy pa rin sa paghahanap. Napaisip siya, may tatlo na lamang na lugar ang 'di pa niya napupuntahan. Ang kuwarto niya, ang kuwarto nito, at ang opisina niya sa itaas.

Inakyat niya ang hagdanan, at mabilis na tinungo ang kuwarto niya. Ngunit, bigo siyang lumabas. Wala roon ang hinahanap niya. Sa opisina naman siya, at baka ay naglilinis lang, ngunit bumungad lamang sa kaniya ay ang tahimik at puting kulay na mga gamit. Unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. Pero nawala agad ito nang maisip niyang baka ay nasa kuwarto ito, at mahimbing na natutulog.

Bawat hakbang na ginagawa niya ay parang mabigat, bawat tunog nang hakbang ay parang tunog sa mga pelikulang ipinapalabas, bawat tunog ay siyang kilabot na kaniyang nadadama.

"Lola?" Habang hawak-hawak pa rin niya ang seradura ng pinto. Kinakabahan pa rin siya. Paano kung wala rito? Rinig na rinig niya ang bawat pintig ng kaniyang puso. Then she open the door.

Halos bumagsak ang buo niyang katawan nang makita niyang lupaypay at naliligo sa sarili nitong dugo ang Lola niya. Dilat ang mga mata, wakwak ang dibdib, at bukang-buka ang bibig na animo'y tinanggalan ng dila ito habang tumutulo ang mga nanunuyong mga dugo. Tumulo na rin ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Hindi, hindi ito totoo! Hindi. Buhay pa ang Lola ko. Buhay pa siya!"

"Lolaaaaaa!"

---

HeartHarl101