webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · ホラー
レビュー数が足りません
21 Chs

I K A L A B I N G - L I M A

Someone's POV

Tikman ninyo ang bagsik ng aking paghihigante. Kung hindi lang kayo nangialam sa mga plano ko, kung hindi sana kayo naging balakid sa dinadaanan ko hindi sana kayo mapapasok sa ganitong sitwasyon.

"Sir, patay na po si Ms. Sioney, apat na lamang silang nasa laro. Game over na po ba?" Napangiti ako sa mga nangyayari. Umaayon ang lahat sa plano, humanda kayo Lux, at Allure. Kayo na ang isusunod ko.

"The game is just starting, paiinitin na muna natin ang laban. Hayaan natin silang magpatayan, hanggang sa isa na lang ang matira sa kanila. Saka tayo kumilos," I said blankly, habang pinapakiramdaman ang init na nagmumula sa chimney ng bahay.

"Yes, sire. Masusunod," aniya.

"Set an appointment with my lawyer, tell him that all of my properties and shares will be given to . . ."

"But, Sire?" Pagpipigil ng butler ko sa akin.

"No buts, I'll sign the document tommorow, quick it up. Kung mas maaga mas maganda, I need it A S A P!" Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang. I should have done this before, and now siguradong-sigurado na akong ibigay sa kaniya ang lahat.

"As you wish, Sire." Yumuko siya sa harapan ko't umalis. Humigop akong saglit sa kape ko. Buong buo na ang desisyon ko na ibigay sa kaniya ang lahat, I wouldn't be here sa buhay na mayroon ako ngayon kung hindi dahil sa kaniya, sa kanila.

"Sino kaya ang mananalo sa larong ito?" I said to myself, habang marahan na tinititigan ang kaniya-kaniyang picture. Napatitig ako sa litrato ng nag-iisang babae, she's looks like her mom-Sleuth. Damn, I miss her.

"Ano kaya ang mayroon tayo ngayon , Sleuth, kung hindi ka lang nila pinatay?"

* * *

Ghoul's POV

Mabilis naming pinuntahan ang lugar na nakita namin sa live video kanina. Fuck, kasalanan ko 'tong lahat, eh. Sana sa akin na lang nangyari ito, sana ako na lang ang namatay at hindi siya.

"Allure, sabihin mo okay lang ba si Sioney, 'di ba? Buhay pa siya, hindi ba." Paghihingi ko sa kaniya nang motibasyon. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang na nakatikom.

Natahimik ako. Jusko, sana isang masamang panaginip na lamang ito, isang bangungot na mawawala kung magigising na ako. Hindi ko na talaga kakayanin pa kung pati si Sioney kunin nila. Hinding hindi na ako makapapayag.

"Bilis, Allure." Habang pinapanoud ko itong mabilis na nagmamaneho.

"Kalma lang, Ghoul, magiging okay din ang lahat. Tahan na," aniya, habang patuloy pa rin sa pagmamaneho. Lagpas alas dose na rin ng gabi, medyo maluwag na rin ang kalsada. Hindi sumang-ayon ang aking isip sa sinabi niya, kalma?

"Kalma? Sinasabi mo bang kumalma ako? Tangina, Allure, buhay ang nakasalalay dito. Buhay ng kaibigan ko, tapos sasabihin mong kalma?" bulyaw ko sa kaniya.

Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga. Tumingin ito sa akin saglit at ibinalik sa kalsada.

"S-sorry. Ayaw ko lang na maapektuhan ka sa mga nangyayari, ayaw kong umabot ka sa puntong magpatiwakal na lang dahil sa tinding lungkot. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magkataon man." Para akong nabuhusan nang malamig na tubig nang sabihin niya iyon.

Hindi na lamang ako sumabat at tahimik na pinapahid ang mga luhang paunti-unting tumutulo sa mga pisnge ko.

Nang narating namin ang Hospital, mabilis kaagad naming pinuntahan ang likod ng Hospital, ito iyong nakita namin sa Live video kanina. Tagumpay naming narating iyon at malaka-lakang napatingin sa itaas kung saan ang bintana ng silid ni Sioney. Ito yon.

Kinukutuban na ako. Bakit ang daming tao?

"Sir, ano po ba ang nangyari?" pagtatanong ni Allure sa police na dumadaan.

"Pinatay ang isang pasiyente, sinakal at hinulog siya mula sa ikatlong palapag ng Hospital. At hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ng mga awtoridad kung sino ang murderer." Napalunok ako, i-imposible. Siya ba talaga ang tinutukoy nila? Si Sioney ba ang kokompleto sa kani-kanilang mga haka-haka.

Napadako ang mga mata ko sa kumpulan ng mga tao. Mabilis kong nilisan ang lugar ng kinatatayuan ni Allure at ng police na kausap niya. Hindi, imposible ito, hindi totoo ito. Para akong nalilito, nahihilo, umiikot ang paningin ko sa bawat hakbang na aking ginagawa. Malapit na ako sa kumpulan ng mga tao, ang mga police ay pinapalibutan na ang lugar ng dilaw nga kulay ng teyp. Sabay din nito ang pag-aanalisa at pabalik-balik na lakad ng mga taong naka-mask at gloves.

Ilang hakbang na lang. Ilang agwat na lang. Malalaman ko na, ang tanong kakayanin ko ba?

Bawat hakbang na aking ginagawa ay parang pabagal nang pabagal na. Nabibigatan na ang mga ito na animo'y natatakot sa maaari kong masaksihan. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang harapin ang katotohanan?

"S-sioney . . ." taimtim na bigkas ko habang sunud-sunod na tumulo ang aking mga luha. Hindi ito totoo, buhay pa siya. Buhay pa siya. Tila parang bumalik ang sakit nang mga oras na iyon, sa mga oras na nawala rin si Lola. Bakit sa akin pa rapat 'to nangyari? Ano bang mali ang aking nagawa at ako itong pinarurusahan?

"Sionnnneeeeeyyy!!" sigaw ko habang mabilis na tumakbo papalapit sa duguang bangkay niya. Hindi ko na inalintana ang mga bulung-bulungan at mga gulat na reaksyon ng mga tao. Ang mahalaga ngayon, si Sioney. Siya lang.

"Gumising ka, Sioney. Hey, gising na. Sioney naman, eh, hindi magandang biro 'to. Hoy, gising na!" aniko, habang yakap-yakap ko ang malamig niyang katawan.

"Bhess, gising na. Hindi ba sabi mo mamamasyal pa tayo, hindi ba sabi mo gusto mo pang libutin ang buong mundo kasama ako, kami na mga kaibigan mo. Kaya sige na, Sioney, bangon ka na riyan." Natataranta, naiiyak, naiinis, natutulala kong sambit. Hindi ko na alam kung ano ang tama.

"Ma'am, bawal po kayo rito. Mamaya na po, kukunin na po namin ang bangkay . . ." hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita.

"Hindi, hindi niyo siya kukunin. Buhay pa siya. Tignan niyo, oh, natutulog lang siya. Buhay pa siya, buhay pa ang bestfriend ko," impit na sigaw ko sa lalaking naka-mask. Mas lalong dumagsa ang mga luhang kanina'y impit lang na tumutulo.

"Nurse, kunin ang bangkay," dinig kong wika ng lalaki kanina, tanaw ko na rin ang mga lalaking nakaputi at naka-mask papalapit sa akin, sa amin.

"Noo! Hindi niyo sita kukunin," bukyaw ko, saka tiningnan maigi ang mukha ng akig matalik na kaibigan. Bigla na lamang may yumakap sa akin at inilayo ako nito sa katawan ni Sioney.

"Hindi, bitiwan mo ako. Ang bestfriend," naluluhang ani ko, kinakabahan na hindi ko na siya makikita pa. Nagpupumilit pa rin akong kumawala, gulung-gulo na ako sa kaiisip kung ano ba ang tama sa mali.

"Hey, Ghoul. Tama na please, nandito na ako. Tahan na," aniya. Bigla akong nangatog nang marinig ang boses niya, ang malalim na boses niya.

"Shhhh, tahan na. Nandito ako, hindi kita iiwan." Iyon ang huling kataga na siyang nagbalik sa ulirat ko. Parang bumagal ang ikot ng aking mundo, tumigil ang oras, pabilis nang pabilis ang bawat pintig nitong aking puso, habang malungkot na nakatitig sa aking mga mata ang mga mata niya. Bigla akong napahagulhol, at marahan ipinikit ang mga mata. Allure . . .

"S-s-sal-a-m-mat."

* * *

Allure's POV

"Pagpahingain mo lang siya, she's okay. Over fatigue at dehydration ang naging dahilan kaya siya nawalan ng malay. Siguro dahil na rin sa walang tigil niyang pag-iyak kaya siya naubusan ng tubig sa katawan." Napatango pa ako sa Doctor na tumingin sa kalagayan ni Ghoul.

"Salamat po, Doc." Tumango naman ito.

"Ikaw, magpahinga ka na rin. Baka ikaw naman ang makaratay sa higaan niyan," wika niya. Sabay kaming napahalakhak ng wala sa oras.

"Ikaw talaga, Tito. Siya nga po pala, kumusta na po siya?" tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa may bandang waiting area, ginaya ko naman ang ginawa niya.

"Good news, Lure. Gising na siya and she's recovering now. May gagawin lang kaming mga test, at observation sa kaniya, then, mga therapy para bumalik ang dating sigla niya." Napangiti naman ako, napayakap ako kay Tito.

"Salamat, Tito." Tinatapik-tapik pa niya ang likod ko. Nang naghiwalay ang katawan namin ay saka ko naman naramdaman ang kakaibang mga titig. Bigla akong napatitig sa madilim at tahimik na kabilang banda ng corridor, sa may bandang likod ni Tito. Dim light lang ang tanging nagbibigay ikaw sa pasilyo. Hindi maganda ito, malapit lang sila. Nakatitig lang mula sa malayo.

"Tito, maaari ko bang mahingian ka ng isang pabor?" bulong ko, na tanging siya lang ang makaririnig, mahirap na.

"Kahit ano, Lure. Kahit ano." Napasinghap naman ako ng hangin, salamat at nakikiayon si Tito.

"Maari niyo po bang ilihim lang muna ang tungkol sa kaniya. Kung may magtangkang magtanong man huwag na huwag niyo pong sasabihin, Tito, ha? Nasa panganib ang buhay niya ngayon, mahirap ng sa huli tayo magsisi" wika ko, na siya namang itinango nito.

"Your secret, is my secret too. Huwag kang mag-aalala, walang sino man ang makaaalam nito. Your secret is safe with me." Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niya iyon, thanks God at umaayon sa akin ang lahat.

"Mukhang kailangan ko nang umalis, it's already passed 2 am. Mag-iingat kayo," saad niya. Tumayo siya habang nakatingin pa rin sa kaniyang wrist watch.

"S-salamat, Tito. Mag-iingat po kayo." Tumango siya saka mabilis na tinungo ang kabilang pasilyo. I took a deep breath.

What a day!? Hay!

* * *

Ghoul's POV

Nagising na lamang ako nang may narinig akong kaluskos. Napabalikwas ako nang tingin sa may sofa. Sandali? Nasaan ba ako? Nakatingin ako ulit kung saan nagmula ang kaluskos na iyon. Allure? Mahimbing siyang natutulog sa itaas ng sofa, napasailalim ang kaliwang kamay sa ulo nito. Ngayon ko lang napansin na nakasando lang siya, habang ginawang kumot ang jacket na mayroon siya.

Tumayo ako't taimtim siyang nilapitan. Napatitig ako sa katamtamang masculadong kaniyang katawan, hindi mabatak, hindi rin naman payat-iyong sakto na mapapalaway ka talaga. Ma-sex appeal siya, and I admit that I'm once captivated by him.

Napatitig ako sa mukha nito, bakas dito ang pagod na iniinda niya, ang puyat sa maliliit niyang eyebags, at ang katangian na kahihiligan mo sa isang mala-adonis na lalaki. He's a hunk, a hot cutie hunk.

Dumako naman ang mga mata ko sa labi niya, para itong nangungusap na sanay tikman ko. Inaakit ako nito na mapalapit sa pag-aari niya, na angkinin iyon. Uminit bigla ang mukha ko at pinakiramdaman ang init na ibinibigay niya sa katawan ko.

Ano bang mayroon sa 'yo, Allure? Bakit ba ako natutuliro kapag nandiyan ka?

Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko, pagkakataon ko nang maramdaman siya. Inilapit ko ang aking mukha palapit sa kaniya, bawat agwat na nawawala sa pagitan namin ay siyang silakbo ng aking damdamin. Pumipintig itong puso ko higit pa sa normal nitong pagtibok, and I know I would not regret it. Alam ko sa sarili ko ginusto ko ito, at patuloy na gugustuhin.

Nagdampi ang aming mga labi, siniil ko ito. Narinig ko pa siyang umungol. Libo-libong boltahe ang pumasok sa katawan ko, I feel this strange goosebumps na siya lang ang nakapagbigay. Ang kilig na ngayon ko lang ulit naramdaman sa tanang buhay. At mas pinapatibay nito na may nararamdaman na ako para sa kaniya.

Mahal ko na siya.

"Mahal kita, Ghoul. Please, mahalin mo rin sana ako," sambit niya nang bumitaw ako sa una kong halik. Matinding kiliti ang naibigay no'n sa akin, parang paru-paro na nasa tiyan kong animo'y gumigiling.

"Kahit sa panaginip mo ay ako pa rin talaga, mahal din kita, Allure. Higit pa sa nauna," wika ko.

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang pumuna sa diwa ko.

"Sino ka, ha? Ano na naman bang kailangan niyo sa amin? Kulang pa ba na pinatay mo ang mga kaibigan ko? Kulang pa ba iyon, ha!?" tanong ko sa lalaking naka-mask. Iyong nakatatakot na mask. Kahit na natatakot, kinikilabutan, kinakabahan ay patuloy pa rin ako sa pakikipaglaban sa kilabot na nararamdaman ko.

"Isa lang naman ang kailangan ko . . ." tumigil siya saglit sa pagsasalita. Sabay lingon sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa may sopa.

"Don't you dare touching!" sigaw ko.

". . . kailangan ko lang ang malamig mong bangkay, sa kamay ko!" Gulat akong napatigil sa sinabi niya, kita ko na ang mabilis niyang pagkuha sa armas na nasa ilalim ng jacket niya.

"MAMATAY KA!!" Napapikit na lamang ako sa kadahilanang katapusan ko na, isang malakas na putok ang umalingawngaw sa buong silid. Ngunit ilang segundo na ang nakararaan, wala akong sakit na naramdaman. Isang mainit na bagay lang ang nararamdaman ko, napamulat ako ng mata.

"M-mah-hal . . . ki-ta-a, Ghoul." It was him. Hindi . . .

"ALLURE, MAHAL KO!!"

---

HeartHarl101