webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · ホラー
レビュー数が足りません
21 Chs

I K A L A B I N G - A P A T

Sioney's POV

Nagising na lamang ako dahil sa mga ingay na nagmumula sa labas, maraming tao rito. Nakakalat ang mga pulis, at mga sundalo-feeling ko isa akong reyna narapat na protektahan. I grinned. Ano ba naman itong pinag-iisip ko, nangangarap na nga lang ang imposible pa. Hays.

Napalingon ako sa may bintana ng silid ko, tanaw ko rito ang mga naglilipanang mga makukulay na ilaw ng mga building, mga sasakyan, at mga bituin. Napahinga ako nang malalim. Mukhang pansamantala ko na lamang itong makikita, ramdam ko na ang mabilis na pagtakbo ng oras na nakalaan para sa akin.

Tumayo ako at dinamdam ang pagkahilo, masakit ang leeg at likod ko. Ano bang nangyari? Ang naaalala ko lang ay 'yong huling sigaw na aking narinig bago ako tuluyang sinakop ng dilim. Tinungo ko ang pintuan ng silid, mahina lamang ang bawat paghakbang ko na tila dinaramdam ang sakit at pagkahilo. Napatingin ako sa lalaking naka-unipormeng pang-sundalo.

"Bawal po kayong lumabas, ma'am. Bilin po iyan ni Sir Allure at Ma'am Ghoul. Pumasok na lamang po kayo at magpahinga. Delikado po rito sa labas lalo na't may dalawa na nama'ng lalaki ang umatake kay Ma'am Ghoul kanina, kaya mas mabuti po'ng magpahinga na lamang po kayo." Saka siya tumalikod sa akin at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ah, kuya?" Kalabit ko sa kaniya. Lumingon lamang ito na blanko ang mukha at parang naghihintay sa sasabihin ko.

"May DSLR ka po ba riyan?" Napakunot ang kilay niya.

"Wala po," aniya.

"Digital Camera?" Naghihintay pa rin ako dahil kinakailangan ko talaga iyon ngayon.

"Wala rin po. Saan niyo po ba gagamitin 'yon?" Tipid na ngiti lamang ang iginante ko sa tanong niya. Iisang bagay lang naman ang dapat na tapusin.

"Cellphone or kahit na ano na may camera? Mayroon po ba?" Tumango siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng camouflage pants niya.

"Ano po ba kasi ma'am ang gagawin niyo?" Hindi ko siya ulit sinagot. It's now or never. Makasalba o mamatay!

"Hiramin ko lang sandali, ha?" Tumango na lamang siya. Kompleto na ang plano ko, kailangan ko na ring gawin ang kaparte ko. Kung hanggang dito na nga lang ang buhay ko, tanggap ko na. Pero ang mapilitan na hindi magsabi ng katotohanan ... hindi magandang i-himplo iyon, kaya hanggang kaya pa gagawin ko.

* * *

Ghoul's POV

Mabilis naming nilisan ang lugar na iyon pagkatpos niyang i-kuweninto sa 'min ang mga bagay na nalalaman niya tungkol sa Deceit Elysium, kaya pala rito kami pumunta dahil kaibigan pala ito ng Papa ni Allure-dating miyembro ng Deceit Elysium. At sinabi rin nito sa amin kung paano pa namin mapipigilan ang masamang plano ng bagong leader ng grupo. I really don't believe this kind of stuffs, gangsters? No, hindi naman na gangsters or something. Para silang isang organisasyon na puno ng detective. Kumbaga kapareho namin sila, pero patago silang kumilos.

Ngayon ay iniisa-isa na nila kami, lalong-lalo na ang mga First-class na mga detektibo. They want to role the entire Detective Agency.

Pati na rin ang abandonadong lugar ng mga detective ay siyang mismong lugar kung saan. . . Wait, wait, wait? What? Sa abandonado? lugar? Deceit Elysium? Hindi ba't... saka ako nagbigay ng teolohiya sa aking isipan. Hindi kaya? . . . napakunot ako ng kilay.

Napapaisip pa rin ako sa mga nangyayari, minamarkahan ko ang CEO ng Delirium bilang isa sa mga suspeks. Lahat ng mga bagay ay komokonekta sa kaniya, lahat ay itinuturo siya, imposible ngang paniwalaan pero may kutob akong may kinalaman siya sa mga nangyayari.

"Ibaba niyo na lang ako Ghoul sa Hospital, titingnan ko lang si Sioney saglit." Napatingin na lang ako kay Allure dahil siya naman ang nag-mamaneho ng sasakyan. Parang alam na nito kaya hinayaan ko na lamang.

Nang makarating kami sa pasukan ng Hospital ay agad naming ibinaba si Lux.

"Mag-iingat ka Ghoul," saad ni Lux nang lumabas siya sa kotse at mariing tinignan si Allure. "Dahil hindi natin kilala kung sino ang pumapatay." Nakita ko pang humigpit ang pagkahawak ni Allure sa manibela ng sasakyan. Nagulat din naman ako sa itinuran ni Lux, ano bang ipinapalabas niya?

Tuluyan' nang nawala sa tanawin namin si Lux maski na ang anino nito.

"Hayaan mo na ang isang 'yon, baka dismayado lang siya sa nangyari kay Eunice." Tumititig lang si Allure nang sabihin ko iyon.

Napatingin kaming bigla nang tumunog ang telepono ko. Napadako ang tingin ko rito.

"Tumatawag si Clandestine," wika ko na siyang bumuhay sa mukha ni Allure.

"Sagutin mo," tugon nito sa akin. Mabilis 'kong tinugon ang utos niya. Clandestine, sino ka ba talaga?

[Hello? Clandestine?] tanong ko rito. Alam kong may alam siya at may kinalaman sa mga nangyayari. Napansin ko lamang iyon nang tanungin ako ni Allure sa mga nangyari bago lagutan nang hininga si Lola. Ni-loudspeak ko ang speaker ng cellphone ko.

[Kumusta ang imbestigasiyon ni'yo? Kilala niyo na ba ang totoong pumatay?] saad nito sa telepono.

[Mabuti naman. Kaunti na lang at malapit na naming matukoy ang salarin.]

[Huwag ka nang mag-abala pa,] sambit nito. Napakunot naman ako ng noo nang sabihin niya iyon. Ano'ng ibig niyang sabihin?

[What do you mean Tine?] mariin na tanong ko, ano namang iniisip ng taong ito at nasabi niyang huwag akong mag-abala.

[Pumunta ka sa may abandonadong building sa may Barrio Cansiso, malapit sa may balete, ngayon din. Ipagtatapat ko na sa iyo kung sino ang totoong may sala. Huwag kang magtatangkang magsama ng iba, may tiwala ako sa 'yo at dapat gawin mo.]

[Sabihin mo na lang kaya sa cellphone. Nang hindi na ako pumunta pa riyan.]

[No, pupunta ka rito nang malaman mo ang totoo. Naghirap ka sa kasong ito tapos gaganiyanin mo lang. Pumunta ka nang matahimik ang kaluluwa ng Lola at mga kaibigan mo. Pupunta ka o pupunta ka?] He has a point. Pero, WTF? Sa ganitong gabi?

Hindi pa man ako nakapagsasalita ay mabilis niya na itong ibinaba. Nagkatinginan kaming dalawa ni Allure, inaalam ang plano ng bawat isa.

"Pupuntahan ko siya!"

"Sasamahan kita!"

Sabayang bigkas namin, tiningnan ko siya ng may blankong ekspresyon.

"No, bumalik ka na lang do'n sa Hospital at bantayan si Sioney," saad ko nang marahang 'tinatanggal ang seatbelt na nakagapos sa akin.

"No, hindi! Sasama ako, hindi kita hahayaang pumunta roon mag-isa. Delikado na, at hindi mo pa siya talagang totoong kilala." Saka puwersahan niyang ibinalik ang seatbelt ko habang nakatunganga lang akong nakatitig sa kaniyang habang ibinabalik ito.

"Dito ka na lang, kaya ko naman ang sarili ko." Saka nakipag-agawan sa seatbelt na napapagitnaan sa amin.

"Sasama ako and that's final," pinal niyang sabi. Hindi pupuwede ito, madadamay lang siya sa mga gulong hindi naman dapat siyang kasali.

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit mo ba ipinagpipilitan ang sarili mo sa mga gusto ko?" Nagkatitigan kami, naghihintay pa rin ako sa maaari niyang isagot. Sinusubukan kong basahin ang mga emosyon na namamayagpag sa kaniyang mga mata, ngunit nakalilito kung ito nga ay tititigan mo. Natahimik lang siya.

"Ha! Sagutin mo ako, Allure. Bakit mo ba---"

"Dahil mahalaga ka sa akin, Ghoul." Gulat man sa isinagot niya ay nagpapakamatigas pa rin ang damdamin ko.

"Mahalaga ka sa akin dahil matagal na kitang gusto, Ghoul, alam mo ba 'yon?! Tangina!" Napangaga ako sa mga inani niya. Mahalaga ako dahil gusto niya ako?

"Mahal kita!!" Dalawang salita na siyang nagpagulong sa utak ko, kasabay din nito ang pagtulo ng mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Hinawakan niya ang mga kamay ko, saka pinahid ang mga luhang kanina pa tumutulo.

"Patuloy kitang minamahal Ghoul matagal na, at sana naman mapansin mo rin 'tong damdamin ko." Napasinghap ako. Halo-halo itong nararamdaman ko, ano ba rapat ang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong maging masaya?

"S-sorry, Allure. P-pero . . ." Para akong pinagsuklaban ng langit at lupa nang makita kong siyang umiiyak sa harapan ko.

"Sorry!" Saka 'ko tuluyang natanggal ang seatbelt at mabilis na tumakbo palabas ng sasakyan. Patawad, Allure. Nagugulahan pa talaga ako sa nararamdaman ko ngayon, sorry.

Mabilis akong tumakbo nang mabilis, madilim na rin dahil sa gabi na. Wala na akong pakielam kung ano na ang itsura ko, kailangan kong matapos ngayon ang mga nangyayari, dahil marami na ang nadadamay. Kung kaya kong solusyonan, gagawin ko.

Tanaw ko na ang pasukan ng Barrio Cansiso, masukal ang lugar papasukan pero sa loob nito ay mga sibilisadong mga tao. Malapit na lamang dito ang building, malapit sa may puno ng balete.

Napalunok ako ng laway nang makarating ako sa harapan ng building. Madilim, tahimik, na tanging mga insekto't hayop lamang ang nag-iingay at sabayan pa nito ang mahilamyos na dampi ng hangin sa aking balat na nagbibigay sa kaba sa dibdib ko. Kayanin mo Ghoul.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang bilis nang sigabo ng dibdib ko. Wala rin akong makita dahil sa dim lamang ang lumalabas aa flashlight ng cellphone ko. Namamaos na rin ako sa kadahilanang nanunuyo ang aking lalamunan. Kaya ko ba talaga? Nagpatuloy na lamang ako hanggang sa ligtas ako nakaapak sa sira-sirang sahig ng hallway ng building.

"Tine!?" sigaw ko sa kawalan, madilim sa parteng ito wala 'kong nakikita, kaya hindi mo malalaman kung may aatake sa iyo.

"Tine! Narito ka na ba!?" wika ko nang makapasok ako. Bigla ako nagulat nang biglaang sunod-sunod na bumukas ang mga ilaw sa corridor ng building. Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman na may presensiya roon.

"Tine, ikaw ba 'yan !?" sigaw ko. Naka-coat siya, parang humaba ang tela sa bandang likod niya-para itong isang balabal, suot nito ang brown na sombrero na siyang bumagay sa porma niya. Bakit parang pamilyar ang suot niya ngayon? Nakita ko na ba ito dati? Narito ako sa kanang bahagi ng corridor sa dulo nito, at kabaliktaran naman ang taong nakatayo sa kaliwang dulo.

"Come, Ghoul, come. Lumapit ka at sasabihin ko sa 'yo kung ano ang katotohanan, kung ano ang dapat mong paniwalaan," mahinang wika nito, ngunit umi-echoe ang bawat salita kaya't madidinig mo talaga.

Naglalakad na ako patungo sa kinaroroonan niya, hindi ko alam ngunit parang may sariling buhay ang aking mga paa na sumusunod sa bawat salitang kaniyang binibigkas. Para akong nahihipotismo sa kaniyang mga sinasabi. Narating ko na ang kagitnaan ng corridor, subalit parang hindi sang-ayon ang isip ko. Bakit parang mali ito? Itong ginagawa ko.

"Ghoul!" Napalingon ako sa kinaroroonan ko kanina. Bumalik siya?

"Allure!?" It was him. Siya nga, hindi niya ako iniwan.

"Huwag kang lalapit sa kaniya Ghoul, may masama siyang balak sa 'yo." Kuno-kilay ang tanging naging reaksyon ng mukha ko.

"Anong ibig mong sabihin, Allure?" Nakaharap pa rin ako sa kaniya, at kasalukuyang nasa likuran ko si Tine. Ilang metros lamang ang pagitan namin.

"Siya si Ulterior. Siya ang pumapatay! Siya ang . . . GHOUL!" Napalingon ako kay Clandestine nang isigaw niya ang pangalan ko. Hindi...

"Aaarrgghh!" 'riin na sigaw ko nang madaplisan ng punyal ang braso ko. Napahawak ako sa bandang may sugat at pinapakiramdaman ang sakit at dugong tumatagas mula rito.

"B-bakit? B-bakit mo ba 't-to g-ginagawa?" impit kong tanong kay Clandestine habang mabigat na awra ang nararamdaman ko mula sa kaniya. Marahan siyang naglalakad papunta sa 'kin na siyang naging dahilan nang pag-atras ko. Tinitigan ko ang kaniyang mukha at talagang nakangisi itong papalapit sa akin

"Simple lang. Dahil gusto ko, at kung anong gusto ko nakukuha ko." Isang malakas na putok ang bumungad sa akin nang makalapit si Allure. Ngunit, hindi nito tinamaan si Tine.

"Manloloko ko, nagtiwala pa naman ako sa 'yong gago ka. Pinaglaruan mo lang kami!" Ngumiti siya na siyang nagbigay kilabot sa akin.

"Binalaan na kita sa simula pa lang, lahat tayo ay maaaring suspek kaya huwag mo akong sisihin kung nauto kita, nanloko lang ako, at ikaw ang nagpaloko." Umigting ang tenga ko sa sinabi niya. Pero, siya nga si Ulterior. Bakit boses Clandestine siya ngayon? Inalala ko saglit ang nangyari kanina, may bagay sa bandang leeg niya. Hmmmm...

"Mamamatay ka!" Galit na talaga ang lumalabas sa akin ngayon, galit ako.

"Kahit na magsanib puwersa pa kayo, wala na kayong magagawa. Mamamatay at mamamatay lang kayo sa mga kamay ko. HAHAHAHAHA!" Demonyong-demonyo talaga ang tawa niya. Inilabas ko ang baril ko at itinutok sa kaniya. Pareho kami ni Allure na handa nang kalibitin ang gatilyo ng baril.

Biglang tumunog ang cellphone ko, isang email mula sa unknown user. Kinabahan ako, bakit ba sa amin ito nangyayari?

"At ngayon-" Sabay kaming dalawa ni Allure na napatingin kay Clandestine.

"-saksihan ninyo kung paano mamamatay ang kawawang kaibigan niyong si Sioney." Natigilan ako nang may lumabas na projected image sa pader. Live video.

"Sioney." Unti-unti nang bumuhos ang mga luha ko. Hindi puwede ito, hindi maaari ito.

"Ghoul, tulungan niyo ako! GHHHOOUUULL!"

---

HeartHarl101