webnovel

When You Love Too Much

Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.

EmionEtyel · 現実
レビュー数が足りません
31 Chs

Chapter 11

Carlhei Andrew POV

"So how's the preparing for board exam?" Tanong ni Mama

Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan at nanananghalian. Kumpleto kami at ngayon nalang iyon nangyari dahil busy na rin sina Mama at Papa.

"Ayos lang po. Hindi ko pinipressure ang sarili ko dahil magugulo lang ang utak ko." Saad ko

Tumango tango si Papa bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

"Eh how about your friends? How are they?" Tanong ni Mama

Napangiti ako ng maalala ang ginagawa nilang pag hahanda para sa board exam. Talagang disiplinado dahil gustong gustong makapasa at maging lisensyadong inhinyero.

"They're good. Honestly, sobrang dedicated nila sa pag rereview. We have no contact with each other because we're too busy." Nakangiti kong sabi

"Well that's a great progress. Sigurado na ang mga lisensya niyo. Pag butihin niyo dahil maraming projects na nag aantay sa inyo. Inaabangan kayo ng mga business partners ko." Nakangiting sabi ni Papa

Ang sinabing iyon ni Papa ang mas nag tulak sa aming apat na mag review ng maigi. Nang malaman nilang sinabi iyon ni Papa ay mas ginanahan. Excited na raw silang mag exam.

Nang sumapit ang hapon ay nag pasya akong mag pahinga sa pag rereview. Nanlalabo na rin ang mata ko sa kakabasa sa libro at kakatingin sa laptop ko.

Napagpasyahan kong mag jacket at jogging pants dahil hanggang tuhod lang iyong short ko. Dahil hapon na ay malamig na rin. Matapos mag bihis ay dumiretso ako sa labas ng opisina ni Mama.

"Ma lalabas ako!" Saad ko mula sa labas ng opisina ni Mama

"Okay! Mag ingat ka!" Saad rin ni Mama

Hindi ko na ito inistorbo pa dahil alam kong busy rin siya sa pag papataas ng stock sa kompanya. Nang makababa ay nag tungo ako sa parking upang kunin ang bike ko.

Hindi ko mapigilang matawa dahil naalala kong ilang buwan ko itong hindi nagamit.

"You're scary." Saad ni Neomi sa gilid ko

Hawak rin nito ang bike niya at mukhang may pupuntahan rin.

"Naalala ko lang na hindi ko nagamit ito ng ilang buwan. Hindi na rin tuloy kami nakapag ride nila Karl. Nag karoon tuloy ako ng taba." Saad ko

Sabay naming inilabas ang bike namin sa bahay at sabay na nag bike.

"Sa sobrang effort mo hindi mo na naman namalayang tumataliwas na sa sarili mo ang mga ginagawa mo. Sayo ko talaga nasasabing kasalanan ang maging mabait, promise." Natatawa ring sabi ni Neomi

"Ganito tayo pinalaki ni Mama at Papa eh." Sagot ko

Narinig ko ang pag tawa ni Neomi ng malakas. Napatingin rin tuloy ang mga nag lalakad sa gilid na mga tao.

"Pinalaki tayong mabait pero hindi tanga, kuya." Natatawa paring sabi niya

Hindi ako nakasagot dahil pinroseso ko ang sinabi niya. Nakakatuwa rin ngang isipin na hindi ko namamalayan ang mga kilos ko. Ganoon ako pinalaki ng magulang ko dahil may kapatid akong babae. Hindi ko maatim na pabayaan siya kaya ganoon rin ako sa ibang babae.

Disadvantage? Siguro nga. Even noong high school ay palaging natataken for granted ang kabaitan ko. Ako ang palaging talo. Hindi sa pag mamayabang pero mukhang malaki talaga ang puso ko para sa mga tao.

"Ano palang gagawin mo sa labas? Bibili ako ng food for midnight snacks. Bawal istorbohin si Mama tapos nahihiya naman akong mag paluto kay Manang." Saad niya

Napaisip naman ako ng mga bibilhin para manginabang na rin ako. Mukhang magugutom ako mamaya habang nag aaral.

"Bili nalang tayo ng pang shawarma, Neomi. Gusto ko rin kumain habang nag aaral. Ako gagawa ng pita." Saad ko

Tumango tango ito bilang sangayon. Dahil may malapit namang convenience store sa labas ng subdivision ay doon na kami nag tungo.

Dumilim na ang paligid pero nag tatalo parin kami ni Neomi dahil pareho naming hindi alam ang ingredients ng gusto naming gawin. Kinailangan pa talaga naming mag tanong sa mga staff.

"Ikaw nakaisip tapos hindi mo pala alam ingredients. Nakakahiya ka, kuya." Dismayadong sabi ni Neomi habang iniaalis ang kadena ng bike sa pinag paradahan nito

"Sorry na. Numbers kasi ang nasa isip ko." Biro ko dito

Dahil may tray naman ang bike ni Neomi ay doon na namin nilagay iyong mga pinamili namin. Nang masigurado kong nakasakay na ito ay sumakay na rin ako sa bike ko. Dahil madilim na nga ay binuksan ko ang ilaw sa tapat ng bike ko. Medyo madilim rin kasi sa dadaanan namin pauwi.

"Turn on your lights. Baka may magulungan kang sharp object." Bilin ko sa kapatid ko

Nang matapos niyang buksan ang ilaw ay nag pasya na kaming mag bike. Maayos naman ang pag mamaneho namin pauwi ngunit sabay kaming napahinto ng may marinig kaming tili ng babae.

"Narinig mo 'yun?" Tanong ko kay Neomi

Nanlalaki ang mata nitong tumango tango sa akin. Kakaiba ang tili ng babaeng iyon. Masasabi talagang nasa panganib ito.

"I know what you're planning to do, Kuya. Let's just call the police." Saad ni Neomi

Inilingan ko ito bilang tugon.

"But the police will come in an hour. That's a waste of time. She might be dead if we wait for them." Saad ko

Inilibot ko ang mata ko sa bawat madilim na parte ng paligid upang hanapin ang pinanggalingan ng tili na iyon. Nang makita ko ang anino sa isang eskinita ay nilingon ko ang kapatid ko.

"'Wag kang aalis dito. Babalik ako." Saad ko

Napipilitan man ay tumango tango ito bilang tugon. Nabitawan ko na ang bike ko at tumakbo papunta doon sa eskinita. Tama ako ng hinala. Panganib nga ang kakaharapin ko.

"Excuse me, Sir. Can you please let her go?" Pakiusap ko

Madilim ang paligid kaya naman ang nakikita ko lang ay ang isang lalaki na hawak ang isang babae sa leeg nito.

"Mukha kang mayaman at edukado. Pero hindi ba tinuro sa'yo na wag makialam sa ginagawa ng iba? Nag kakasiyahan pa kami dito kaya umalis ka na." Saad ng lalaki

Sa boses nito ay bakas ang pag babanta. Mukhang talagang may gagawin itong masama sa akin sa oras hindi ako umalis rito.

"Aalis lang ako kapag binitawan mo siya. Look at her, she can't breathe!" Saad ko

Binitawan niya nga ang babae at bumagsak ito sa lupa. Ilang hakbang ang nagawa ko para lalapitan ito ngunit may malamig na bagay na dumampi sa braso ko. Tyaka ko nalang nalamang patalim iyon ng may naramdaman akong hapdi at pag tulo ng likido galing doon.

He's about to stab me again but a police siren save me. Dahil doon ay tumakbo ito paalis. Hahabulin ko sana ito ngunit may humawak ng kamay ko.

"Wag! Hindi mo siya kilala! P-papatayin ka niya!" Saad nito

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuoan niya. Nang makitang nakasando lang ito ay hinubad ko ang jacket ko at inilagay iyon sa kaniya. Inalalayan ko rin itong tumayo at lumabas kami sa eskinita. Akala ko ay may maabutan akong pulis pero nagulat ako ng makita si Neomi na hawak ang cellphone nito.

"Did the siren ringtone works?!" Tanong nito at sinilip pa ang bukana ng eskinita, doon palang ito nakahinga ng maluwag, "What the freak kuya!"

Bakas sa boses nito ang pag aalala. Mag sasalita pa sana ako ngunit dumating na ang mga totoong pulis. Kaagad silang bumaba sa sasakyan nila at pumunta sa kinaroroonan namin.

"What took you so long?! Look at my kuya oh! His arms are bleeding!" Galit na sabi ni Neomi

Sumenyas naman ako dito na manahimik pero hindi parin umaliwalas ang reaksyon nito.

"Pasensya na. Kasalanan ko ito." Saad ng babae

Kaagad akong napalingon dito. Dahil sa liwanag ng ilaw ng kotse ay nakilala ko kung sino ito. Sabay pa kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

"Wala namang krimen dito. Makakaalis na ho kayo." Saad niya

"Sigurado kayo Maam?" Tanong ng pulis

Tumango tango ito, "Simpleng away lang ho iyon. Sadyang nagasgasan lang itong kaibigan ko. Pasensya na ho sa abala."

Napalingon tuloy ako dito ng may nag tatakang tingin. Nang makaalis ang mga pulis ay doon palang ako nag lakas loob na mag tanong.

"Anong simpleng away, miss? Muntikan ka na niyang mapatay dahil sa pag sakal niya sa'yo." Saad ko

Nakita ko ang pangisi nito. Napatitig nalang ako sa kaniya habang kinukuha niya iyong bike ko at itinapat iyon sa akin.

"Umuwi ka na at gamutin ang sugat mo, Carlhei. Hindi ka dapat nakikigulo sa gulo ng ibang tao. Pwede mong ikamatay 'yan." Saad niya at naunang nag lakad sa amin

"Hindi ka ba mag papasalamat?! My kuya almost died because of saving you!" Sigaw ni Neomi

"Salamat. Ibabalik ko nalang ang jacket sa susunod." Saad niya at nag lakad ulit papunta maliwanag na parte

Akay akay ang bike ko ay pinantayan ko ito ng pag lalakad.

"What's your name?" Tanong ko

Nilingon ako nito ng may ngisi sa labi niya. Nag labas ito ng panyo galing sa kaniyang short at inilagay iyon sa braso ko.

"Ako si Karen. Wala akong apelyido, pero pwede ring lagyan mo." Saad nito

Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Hanggang sa nawala ito sa paningin ko ay nakahinto parin ako sa kinatatayuan ko.

"Oh please kuya. 'Wag ang babaeng tulad niya." Saad ni Neomi

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

"I'm curious about her. I wanna know her." Saad ko