webnovel

When The Time Comes [MR Series #3] (Tagalog)

MysteryRomance#3 Arzalea Desiree Smith & Azrael Daven Gomez There's no one to blame to people who innocently didn't know how the scenario is probably like complicated. The world, is like a disaster. And a lot of problem and can't stop thinking how to resolve it. Also call it loved how to turn crazy you are. What is your life now? If no ones by your side and helping you to the scenario. When the time comes..

ItsMeJulie · 若者
レビュー数が足りません
42 Chs

Chapter 19

Matapos ang pag uusap namin ay dumeretso ako sa bahay ni Daven at doon mag o overnight.

Maaga akong nagising nang makitang natutulog si Daven sa tabi ko. Nagulat pa ako nung una dahil hindi naman siya dapat natutulog sa kwarto ko.

Hindi ko na lamang siya pinansin at bumangon na lang upang maligo. Kumuha na muna ako nang damit ko at towel bago pumasok nang cr. Hindi ko aakalaing sasalubungin ko ang aking itsura mula sa salamin.

Nangunot ang noo ko nang may maramdamang nakatingin mula sa labas nang bintana nang cr na iyon. Kaya wala akong ginawa kung hindi magmadali para makapag luto na rin nang agahan.

Nang matapos ay binalot ko muna sa towel ang buhok ko at dumeretso na sa kusina bago nagluto ng hotdog, egg at bacon. Nag fried rice na lang din ako para hindi na mag reklamo pa ang isa.

Saktong pag tapos kong magluto ay siyang pagbaba nya. "Kumain kana, pinaghanda na kita." habang kumukuha nang tubig mula sa ref.

"Such a sweet friend." Sambit nito habang sinimulan nang kumain.

Hindi sya mahilig sa kape and we're the same. As mich as possible ay kailangsn healthy kami.

Walang din namang problema kung tubig lang ang inumin sa umaga at bihira lang din ako mag luto dahil madalas ay ang iilang katulong ang gumagawa noon.

Nakisabay na rin ako at ilang minuto pang katahimikan bago ako mag salita.

"Bakit parang nagmamadali ka?" Takang tanong ko dahil sa bilis na pagsubo nito at nakatingin sa cellphone.

Tumingin ito sa akin saglit bago ibinaling sa cellphone na parang nag t type. "May kailangan lang akong i meet."

"Sabay na ako sa'yo." Minadali na rin ang pagkain. Parehas naman nang nakaligo na kami at magbibihis na lang.

"Saan punta mo?" Curious na tanong nya.

"Kay Zaiu." Matapos kong sabihin yon ay tumango lang sya at tumayo na.

Nilingon ko ang plato nya at ubos iyon. Halatang nasarapan sa luto ko. Mabilis din ako natapos at uminom nang tubig bago dumeretso sa taas.

Nagsuot na lang ako nang t shirt black at jeans na white. Kinuha ko na rin ang black jacket ko at wallet at cp.

"Let's go."

Tahimik kami sa buong byahe, mabuti na lang din ay dala ko ang earphone ko at tinawagan si Zaiu.

"Where are you?" Nag sunglasses ako, hiniram ko muna kay tanda at hindi naman nag reklamo.

"Airport."

"Wait for me there." At binaba ko na ang tawag.

Nag taxi na lang ako papuntang Airport tutal ay may pupuntahan din sya sa hindi ko malaman kung saan. Ayoko rin mamilit kapag ganoong seryoso sya ay baka bigla na lamang magalit dahil wala sa mood.

Nang matanaw ko na sya ay patakbo akong lumapit sa kanya. May natitira na lang akong limang minuto bago sya umalis doon.

"I will missed you." Bungad ko at niyakap sya.

"I will missed you too, don't worry. I will came back." Nakangiti ito at inakbayan pa ako.

"Ingat po kayo Tita."

"Mag-iingat ka rin hija." Nagbeso pa kami ni Tita at nang mag announce na ay natawa ako nang biglang umiyak si Zaiu. Iiling iling na lamang akong nag react bago tinanaw sila hanggang sa hindi ko na sila makita.

Nang mag vibrate ang cp ko ay sinagot ko na ito.

"Coming."