🐺REIKA VANADEY🐺
Masaya akong umuwi sa paaralan, ilang araw na din ang lumipas simula ng naka uwi ako dala dala ang gamot ng batang si esha. Nakamataba ng puso dahil sa kanilang labis na pag papasalamat sa akin, hindi ko binanggit kanino man ang nangyari sa akin sa kagubatang iyon, baka kasi kay mag sumbong. Naniniwala ako sa nilalang na iyon na isa siyang prinsipe at base sa mga aklat na nababass ko ay makapangyarihan ang mga prinsipe. Sabi niya prinsipe daw siya ng mga loob sa emperyo ng aviana, hindi ko alam kung saan iyon, dahil gaya ng sinaad ko, hindi ko alam kung nasaan kami na emperyo.
Pinag dadasal ko sa mga bathala na sana hindi na lamang mag kross ang landas naming dalawa at pangawalang pag kakataon. Kakaiba ang hatid na pinadarama sa akin ng lalaking iyon, pinatitibok niya ng kabilis puso ko. At hindi ko iyon nais, tulad nga ng sinaad ko, mahilig akong mag basa ng aklat kaya naman alam ko kung anong ibig sabihin nun.
Pinipilit kong isaad sa aking isipan na nadarama ko lamang iyon dahil natatakot ako sa kanya pero hindi ko din ipagkakaila na nag sisinungaling ako. Na hindi takot ang nararamdaman ko sa kanya, kundi pakiramdam ko ay ligtas ako pag siya ang aking kasama. Marahil dahil niligtas niya ako, kaya ayon. Tama ganon na nga.
Kagagaling ko lamang sa paborito kong lugar, ang talon sa hindi ka layuan ng paaralan namin. Naligo ako doon saglit, at agad din namang bumalik dahil sa nangako ako kay ina na tutulongan ko siyang mag asikaso ng mga bata.
Bumaba ako sa lumilipad kong walis, regalo iyan ni ina sa akin.
Nag lakad na ako papunta papasok at malapad ang ngiti, dala dala ko ang brona ko. Isinandal ko iyon sa pader ng paaralan.
Agad kong tinahak ang daanan papunta sa silid ng mga bata, ngunit natigilan ako ng may narinig akong nag uusap. Napa kunot noo ako ng nakita ko ang aking ina naka upo sa upuan sa aming sala, may kausap itong dalawang lalaki.
"Kailangan mo na talagang sumama sa amin Lady Nadia, kailangan ng aming emperyo ang iyong tulong. Nag kakaroon ng karamdaman ang iba't ibang lobo sa aming emperyo, at kailangan ka namin doon." rinig kong saad ng isang lalaki, naka talikod ito sa akin kaya naman hindi makita ang kanyang mukha. Pero parang narinig kona ang boses na iyon sa kung saan man.
"At ang mas malala pa doon, ang aming ina, hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanya, nag kaka sakit na din ang aking ina." saad ng isa, mukhang prinsipe ang mga ito base sa kanilang kasuotan at anyo. Matangos ang ilong ng lalaking nag salita, magandang nilalang din ito. Ngunit mas magandang nilalang ang prinsipeng nakilala ko sa kagubatan.
Teka? Bakit koba siya iniisip.
"Patawad ngu--" hindi nakapag tapos sa pag sasalita ang aking ina ng pinutol nung isang lalaki na naka upo sa naka talikod sa akin.
"Hindi mo kami maaring tanggihan Lady nadia, sampong taon na simula ng umalis ka sa emperyo namin, nang walang sapat na rason. Kaya naman bumalik kana, bumalik kana sa emperyo ng aviana. Higit limang taon ka naming hinanap, andirito ka lang pala, naka rating pa kami sa iba't ibang lupain ng mundong ito." Tila maatoridad na saad nito, bakit ba nito pinipilit si ina? Kung ayaw naman nito.
Hindi na ako nanahimik sa gilid, kaya naman lumabas ako sa pinagtataguan ko.
"Ina sino po sila?" tanong ko na ikinalingon nilang lahat. Nag tama ang mata namin ni ina, ngunit nawala din naman agad iyon at nag tama ang mata namin sa lalaking naka talikod sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, at tila tumigil ang pag ikot ng aking mundo. Bakit siya narito? Nakita ko din ang pagka gulat niya, at kasabay non ang pag kunot noo niya.
Napako ako sa aking kina tayuan, pinang liitan ako nito ng mata.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong naming sabay sa isa't isa. Tinatapunan ako nito ng masamang tingin na nais ako nitong patayin. Ngunit iniwas ko ang aking tingin at tinignan sila ina.
"Ano po ang kailangan nila sa inyo ina? Bakit po sila narito?" tanong ko sa kanya. Tumayo naman siya sa kanyang kinauupuan at lumapit ito sa akin.
"Anak, sila ang isa sa mga prinsipe ng emperyong aviana." saad niya sa akin, iginaya niya ako papunta sa upuan at pinaupo. Pinanliitan ko ang dalawa ng mata.
"Wala akong pake kung sila ay mga prinsipe ina, pinipilit ka nilang sumama sa kanila." taim tim na saad ko, bigla na lamang mag salita ang lalaking nasa aking gilid.
"Hey, easy Beautiful lady. Hindi naman talaga namin intensyon na siya ang ay pilitin, we just too desperate, because we need her help." saad niya.
"Sinisigawan niyo kasi siya kanina!"
"We're sorry about that." sabi niya, nakaka hanga naman ang lalaking ito, ang buong akala ko ay masama din ang ugali nito tulad ng nasa harap ko. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi kaba hihingi ng patawad?" mataray na tanong ko sa kanya, inirapan naman ako nito.
"We don't need you here, so bakit ka andito?" aba ang kapal, akmang babatokan ko na siya ng bigla na lang ako pinigilan ni ina.
"Nag kakamali ka, sige babalik ako sa aviana ngunit kailangan kasama ang aking anak, hindi siya maaring maiwan dito." Saad ni ina at tinignan ako, mag sasalita sana iyong lalaking walang pag galang nang nauhanan na siya ng mabait.
"Wala pong probelema Lady Nadia, sang ayon po ako." sabi nito na naka ngiti.
"Mabuti kong ganon pang apat na prinsipe. Ikinagagalak kong marinig iyan." sabi ni ina.
"Amm bye the way young lady, I'm William Zyling Hanzdrian, the fourth prince of aviana empire, manipulator of snow willing for short. Just be always hanzdrian for me and I'm willing to stay with you." then kinuha niya ang kamay ko at lumuhod sa harapan ko at hinalikan ang likod ng kamay habang naka tingin sa akin. He wink at me. Binitawan naman niya agad ang kamay ko at bumalik sa kanyang upuan, ngunit hindi nawala ang ngiti niya sa kanyang labi.
Pang apat na prinsipe, kayang manupulahin ang nyebe. Naguguluhan ako sa aking sarili, nakaka intindi ako ng salitang Inglisha ang salita ng mundo ng mga tao, napag alaman ko sa aklat na tanging mahaharlika lamang ang nakakapag salita ng ganitong lenggwahe. Dahil ang mahaharlika lamang ang may kakayahang mag labas masok sa aming mundo at mundo ng mga tao. Naituro nadin ito sa isang paaralan ng mga maharlika, o mayayamang nilalang lamang ang nakaka alam. Alam kong isa lamang akong mahirap na nilalang, kaya naman wala akong kakayahang mag aral ng isang pang maharlikang paaralan.
Tuloy parang nais kong malaman kung ano ang buhay ko bago ako nawalan ng ala ala.
Tinignan ko ang lalaking nasaharapan ko at sinimangotan lamang ako nito. Hindi ba siya mag papakilala? Di bale na nga wala din naman akong interes.
Nginitian ko si willing.
"Ako si Vanadey." simpling saad ko, at ngumiti sa kanya.
"Hindi kaba isang mangkukulam?" tanong nito, umiling ako.
"Tinuturuan lamang ng isang mangkukulam kaya naman natuto ako ng ibang mahika." napa lingon naman ako sa lalaking nasa harap ko.
"So you are a liar? I thougt you're a witch" saad nito, hindi ko na lamang siya pinansin.
"He's rykier by the way. The 3rd prince of aviana wolverians empire. He can manipulate fire." Saad sa akin ni willing, napa tango tango naman ako. Gusto ko sanang sabihin na wala akong pake kaso wag na lang. May dugong bughaw nga sila, may kapangyarihan sila gaya nga mga dyos. May dalawang dahilan kung bakit may kapangyarihan ang mga nilalang dito sa mundo. Iyon ay biyayang binigay ng dyos sayo, dahil sa nagawa mong kabutihan. O isa kang may dugong bughaw. Iyon ang alam ko.
"Ina, ang mga bata?" tanong ko kay ina.
"Anak kailangan na nating lisanin ang lugar na ito, kaya naman inanunsyo ko na sa kanila na wala nang mag tuturo sa kanila." Saad niya, bigla namang bumigat ang aking dibdib.
"Kung maiwan na lang po kaya ako ina? Ituturo ko na lamang ang mga natutunan ko sa inyo." saad ko, mabilis naman siyang umiling.
"Hindi maari vanadey, hindi ako lilisan pag wala ka." sabi niya. Kawawa naman kasi iyong nga bata, nais nilang mag aral ngunit wala silang pambayad para makapag aral sa isang paaralan.
"Ngunit kailangan ka nila ina." wika ko.
"Kailangan mo din ang gabay ko, kaya naman hindi ako aalis sa tabi mo." napakagat labi naman ako sa sinaad niya. Napa lingon ako kay rykier na nag salita.
"We'll sent a witch here to teach them." Sabi niya, nakita ko namang tumango si willing.
"Tama, kaya naman maari mo na silang iwanan vanadey. Mas higit namin ang kailangan niyo." pakli nito.
"Kayo bahala, ina mag tutungo na ako sa aking silid." pag papa alam ko kay ina. Tumango naman siya kaya naman agad akong tumayo sa aking kinauupuan. Sa totoo lang ayoko ng lisanin ang lugar na ito, tahimik ang buhay ko dito. Walang gulo.
Agad ko naman silang iniwan para makapag usap sila. Sa totoo lamang ay malakas parin ang tibok ng puso ko dahil sa lalaking iyon. Ang buong akala ko ay hindi na mag tatagpo ang mga landas namin ngunit nag kamali ako. Bakit ba ganito na lamang ang nararamdaman ko para dito? Kailangan mawala ito, kailangan.
Agad akong umakyat sa aking silid, at doon ay humiga ako sa aking kama. Sana panaginip lamang ang lahat ng ito. Nakaramdam ako ng pagod at antok marahil ay sa kaka langoy ko ito kanina.
Dahan dahang bumaba ang tuklap ng aking mga mata, siguro naman ay maari akong matulog muna.
Nagising na lamang ako dahil sa may tumatapik na kung ano sa aking pisngi. Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata at nakita ko ang aking ina.
"Gumising kana vanadey, lilisanin na natin ang lugar na ito." Saad niya sa akin na ikinakunot noo ko.
"Agad agad po ina?" gulat na tanong ko, tumango naman siya.
"Oo, kailangan na daw nating mag madali. Higit limang taon na nila akong hinahanap anak. Kaya naman wala na daw panahon para manatili pa rito." wala naman akong nagawa sa sinaad niya. Bumangon ako galing sa pag kakahiga sa aking kama.
"Ang mga kagamitan kopo?" tanong ko.
"Natapos ko nang ligpitin anak, kumilos na tayo. Kailangan na nating umalis." nag mamadaling saad niya.
"Ngunit ina, paano po ang buhay natin dito? Diba po magulo ang malapit sa palasyo?" anang ko, lumapit naman siya sa akin at nginitian ako. Hinaplos niya ang aking pisngi.
"Anak, sampong taon na tayong nag tatago sa lugar na ito, kaya naman nais kong harapin ko ang ating totoong mundo. Hindi mo makikita ang kagandahan ng mundo pag narito ka lamang at ikukulong ko. Napag pasyahan ko anak na wala tayong magagawa kahit pilit nating takasan ang nakaraan." nag tataka naman akong tumingin sa kanya.
"Nakaraan po?" nginitian lamang niya ako. Bago bitawan ang pisngi ko at nag salita.
"Kumilos kana anak, hihintayin kita sa labas. Huwag kang mag tatagal." Sabi niya, tumango na lamang ako sa kanya. Ano paba magagawa ko? Nakapag pasya na siya. Kaya naman ang kailangan ko na lamang ay sumabay sa agos. Nilibot ko ang buong paligid ng aking silid, paniguradong mamimiss ko ito. Bakit naman kasi may bigla bigla na lang susulpot at gugulohin ang lahat?
Biglang nakita ko ang wangis ng pangatlong prinsipe. Ang wangis nung una ko siyang nakita, ang wangis na tila matagal ko nang nakita. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at napak malakas ang tibok nito, bakit kaya?
Napakagat na lamang ako sa aking labi at bumaba sa aking silid. Lilisanin ko ang lahat dito? Ang mga bata? Ang paaralan? At ang lugar? Tila nawawarak ang puso ko dahil doon. Labis na silang napa lapit sa akin. Napaka bilis naman ng pangyayari, parang kailangan lang nung simula ako tanggapin ng lugar na ito.
Pinahid ko ang luha ko na bumagsak galing sa aking mga mata. Napag pasyahan ko na sumunod na kay ina, napaka bilis naman kasi mag desesyon ni ina. Sana pala hindi ako nag pakita sa kanya, baka hindi pa siya pumayag. Bakit ba kasi ganon? Wala naman kaming babalikan doon.
Wala ba?
May posibilidad ba na doon ko mahahanap ang nawawalang ala ala ko? Ngunit kontento na ako kung anong buhay ko, kahit na pakiramdam may malaking kulang sa pagkatao ko.
Naka labas agad ako at nakita kong nag hihintay na sila sa labas. Unang nag tama ang mata namin ni ina, naka ngiti siya sa akin. Pinapagaan niya ba ang loob ko?
Sunod kong tinignan ay si willing, naka ngiti siya sa akin. Hindi na ako nag aksayang tignan si rykier kasi alam kong masama lamang ang tingin nito sa akin. Kasalanan naman niya bakit siya natulog sa kagubatan ng delone. Kung sana binaba niya ako ng may pag iingat, edi sana kakaibiganin ko siya.
Lumapit sa akin si ina.
"Halikana anak, natutuwa ako dahil agad kang sumunod sa akin." naka ngiting saad niya, nginitian ko lang din siya.
"Patawad kong kabayo lamang ang dala namin, nag lalakbay lamang kami ng nawala itong si rykier kaya naman naisipan namin libotin ang buong lugar at napag alaman namin na may mangkukulam na naka tira dito." Saad ni willing, ibig sabihin kasalanan ko talaga kung bakit natagpuan nila si ina?
"Paano ka naka alis sa kagubatan?" wala sa sariling tanong ko kay rykier sabay binalingan siya, nakita kong bigla na lamang umiba ang kulay ng mga mata nito, naging dilaw ito, ngunit agad din namang nawala. Mata iyon ng isang galit na lobo, ibig sabihin galit ito?
Malamang! Iwan mo pa naman sa isang mapanganib na lugar na tulog.
Binabagabag ako ng aking konsensiya, bakit ba ganito? Kasalanan din naman niya.
Agad akong nag iwas ng tingin sa kanya, at napa kagat ako sa aking labi. Bakit ba ako nag tanong?
"Huwag kang mag alala vanadey hindi naman siya gaanong nasaktan. Atsaka malakas siya." sabi ni willing sa akin.
Gaano? So nasaktan siya?
"Nakipag laban lang naman siya sa isang baboy ramo nang walang lakas." dagdag nito.
Kinokonsensiya ba ako nito? May alam ba ito?
Marahil nag uusap sa isip ang dalang ito, may kakayahan ang mga lobo na mag usap sa kanilang isip.
Nag iwas na lamang ako ng tingin sa kanila.
"Ammm lady nadia, maari bang sa kabayo ko na lang po kayo sumakay?" tanong ni willing, tumango naman ang aking ina.
"Sige, tapos si vanadey sa pangatlong prinsipe na lang siya sasakay." Saad ni ina, kaya naman napa kunot noo ako.
"Ina? Hindi kaba nag bibiro? Maari bang kay prinsipe willing na lamang ako maki angkas?" pag tutol ko, nginitian naman ako ni ina.
"Sige, kung iyan ang nais mo." naka hinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni ina. mabuti naman. Baka kasi ihulog pa ako ng walang galang na prinsipeng iyan. Tapos magka gutay gutay katawan ko. Hindi ako isang lobo, isa lamang akong hamak na tao na may kakaibang kagandahan. Wala akong kakayahang pahilomin ang sugat na matatamo ko.
Lumapit naman ako kay willing.
"Willing tara na." pag yayaya ko sa kanya. Tumango naman siya, at nauna siyang sumakay sa puting kabayo at pagkatapos ay sumunod ako. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at hinila niya ako upang para makasakay ako.
Naka upo na ako sa likod ng kabayo, tinignan ko si ina at ganon din siya naka sakay na din siya sa kabayo sa likod ni rykier.
Aksidenteng nag tama ang mga mata namin ni rykier at nakita ko ang pandidilim ng paningin nito. Nag iwas naman agad ako ng tingin.
"Kumapit ka ng mabuti binibining vanadey, baka ikaw ay mahulog." Saad sa akin ni willing, humawak naman ako sa damit niya.
"Salamat." Saad ko sa kanya.
Not edited
Mystertiosgirl