webnovel

54th Chapter

Paolo's Point of View

Huli na ako. Alam na niya. Kung binilisan ko lang ng konti pa sana hindi niya malalaman ang totoo sa ganitong paraan.

While looking at her---- it's sends something hurtful inside me.

Sinusundan ko siya habang naglalakad siya. Kita ko sa balikat niya ang kaniyang paghikbi.

Gusto kong tumakbo at puntahan siya. She's always right there when I'm in pain. Ngayon. Wala ako sa tabi niya.

My eyes is starting tremble. Umupo siya sa sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko magawang humakbang papunta sa kinauupuan niya ngayon. Kusa na lang tumulo ang luha ko habang tinitingnan siyang naiyak sa sidewalk. Pinunasan ko agad ito.

"I'm sorry, for not able to sit beside you right now," I said while looking at her. Tangina lang talaga. Ang sakit tingnang umiiyak siya ta's wala akong magawa.

Paano ko mapapakita ang mukha ko sa kaniya. Anak ako ng taong pinili ng Papa niya over her mom. I want her to be alone. Alam ko nakakagago pero sigurado akong sa ngayon, mas gugustuhin niyang mapag-isa muna at umiyak ng walang humpay. Gusto kong maging sandalan niya pero alam ko... alam kong ipagtutulakan niya lamang ako.

I know what it feels like, Eloi. Alam kong masakit. But you need to fight.

Napapikit ako ng ipang-punas niya ang kaniyang palad sa kaniyang luha sa mata.

Fuck. Ang sakit.

Sinundan ko siya hanggang sa sumakay siya sa bus. Nasa likod ako ng kinauupuan niya. Kahit na hindi ko rinig ang pag-iyak niya alam kong lumuluha pa rin siya.

Nang sinabi ang lugar na bababaan ni Eloisa at ako ng kundoktor. Hindi siya sumagot. Nang inulit ito ay tila nagising siya sa kaniyang mga iniisip. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko para pigilan ang badyang pag-luha ko.

Bumaba siya at bumaba na rin ako.

Sa tapat ng parking ng HLC kami bumaba. Nakatungo lang siyang naglalakad. Kung sinabi ko ba agad sa kaniya ang totoo mas maganda ba? Kasi alam kong sobrang sakit na makita niya ito ng harapan. Sobrang sakit makita ito ng sarili mong mata.

Nakatingil lang siya habang nakatungo. Nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig sa aking ulo. Tumingin ako sa kalangitan na kinain na ng dilim. Tumulo ang ambon sa aking mata kaya ako'y napapikit-pikit.

Inalis ko ang aking tingin don. I looked at her. Nakatigil pa rin siya hanggang ngayon pero nakatingala na siya habang nakapikit. Ang kamay niya ang nakalahad habang dinadama nito ang pagpatak ng ulan sa kaniyang palad.

Lumakas lalo ang pagpatak ng ulan hanggang sa mabasa na ng tuluyan ang paligid. Basa na rin ang aking damit. Si Eloisa ay dinadama pa rin ang ulan.

Basang-basa na siya kaya pinagpasyahan kong maglakad na papalapit sa kaniya. Pero ikinagulat ko ang sunod na mangyari. Bumagsak siya.

Kinuha ko agad siya sa sahig na kaniyang hinihigaan.

"Eloisa. Eloi! Eloi! Wake up!" sigaw ko sa kaniya. Pumapatak ang ulan sa kaniya.

Tumayo ako habang buhat-buhat siya.

Itinataas ko ang aking isang kamay para makakuha ng sasakyan habang buhat ko pa rin si Eloisa. Bumibilis na ang aking paghinga.

May taxi na tumigil na sa harap namin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa backseat. Inuna kong ipasok ang paa ni Eloisa saka ako pumasok habang nakahiga naman ang ulo niya sa aking hita. Nakaluktot anv kaniyang paa. Bumuntong-hininga. Kagagaling niya lang sa ospital last week. Bakit ang tanga ko't hindi ko naisip na delikadong maulanan ulit siya.

Sinaraduhan ko na ang pinto.

"Ano pong nangyari sa kaniya, Ser?" tanong ng taxi driver habang nagdadrive.

"Sobrang taas po ng lagnat niya. Pede po bang paki-bilisan? Sa pinakamalapit pong Ospital." sabi ko sa kaniya.

Hinawakan kong muli ang kaniyang noo. Nakakapaso ang init nito. Napalo ko dahil sa galit ang likod ng passenger seat. Galit ako sa sarili ko. Nakakatangina lang.

---

Nakaupo ako sa isang upuan sa tabi ng hospital bed ni Eloisa. I am just looking at her. May dextrose na nakatusok sa kaniyang kamay.

The doctor must be right. Hindi lang siya stress. She's sick.

Buhat-buhat kong dinala papasok si Eloisa sa ospital. May sumalubong naman sa aking nurse. Humingi siya ng assistance para kunin ang isang stretcher hospital bed. Inihiga ko si Eloisa doon. Dinala siya sa isang kwarto at doon ay nilagyan siya ng dextrose.

"By any chance, recently ba ay na-ospital si Ms. Ramos o collapsed? Maliban sa pagkahimatay niya ngayon." tanong sa akin ng doctor.

This is a different hospital. Mas malapit ito sa HLC.

I nodded. "Opo. Last week, naospital din po siya. Same happening po. Nahimatay siya with high fever." ani ko sa doctor.

Tumango-tango si Doktora. "Anong inexplain na dahilan ng doktor?"

"Stress daw po." sabi ko.

Kumunot ang noo ni doktora. "This is just my prediction, hijo. Pero it's too impossible na dahil lang sa stress kaya siya nahihimatay at nagkakaroon ng mataas na lagnat. Basang-basa siya kanina. Maski ikaw ngayon. Naulanan siya tama? She has a low immune system. I can see that. Pero I am pretty sure hindi lang iyon 'yon. She has an anemia in my theory. Kinuhanan namin siya ng blood sample. Malalaman natin kung tama ba ako." ani doktora. "And also. When she wokes up. Ask her briefly. Kung mayroon ba siyang mga symptoms ng anemia. Like, headaches, and chestpains. We'll see para magamot agad ito. Wala pa siya sa malalang parte kaya mabuting alamin na agad kung meron siyang anemia para mabigyan siya ng gamot." tumango ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Eloisa at hinalikan ito. Natigilan ako ng gumalaw ang kamay niya. Tiningnan ko siya. Papamulat na ang kaniyang mata. Napangiti ako.

Nang matama ang mata niya sa aking mata ay agad niya inalis ang pagkakahawak ko.

Nawala akong ngiti sa aking labi. Pero ngumiti ulit ako at hinawakan ulit ang kamay niya.

"Okay ka na ba? Alam mo bang may sakit ka? The doctor is not sure yet. Pero sa tingin ko mayroon ka ring anemia, Eloi. Nagkakachestpain ka ba o headach---" I cutted off when she removed my hand on hers using her other hand.

"Anong pakialam mo kung may sakit ako? I don't think you ever care for me. Alam mo, tama? But you kept everything on me. Itinago mo yung isang bagay na karapatan kong malaman. You are my half-brother's halfbrother. And si Tita Ayen..." kumuha siya ng hininga bago magsimula ulit. My eyes starting to tremble. "----she was my father's mistress 5 years ago, alam mo na rin siguro yon? I overheard my parents that time about something I can't understand because I am just twelve years old! Wala pa akong kaalam-alam sa nangyayari sa mundo sa edad na yon. Not knowing si Ace na palang nabubuhay sa tiyan ng mom mo ang pinag-uusapan nila." she cried.

Tumulo na din ang luha sa aking mata.

"Eloi..." kinuha ko ang kamay ni Eloisa at tumulo don ang aking luha.

"Pero alam mo yung pinakamasakit? Yung galit na nabubuo sa puso ko. Hindi sayo, sa mom mo, o maski sa batang si Ace. Yung galit ko sa sarili ko! I am so guilty! Umaagos sa dugo ko yung dugo ng taong sumira sa pamilya mo. And that's the reason I am guilty. Kasi tatay ko siya." she cried out loud.

"Shh... it's not your faul---" she cut off my line.

"Yes it wasn't but he's still my father." she said. "Leave." aniya.

"Eloi."

"I said leave." sabi niya na may blankong emosyon ngunit may tumutulo pa ring luha sa kaniyang mata. "Just by looking at you my heart aches. So much. Kaya umalis ka na, Paolo. I'm begging--- you." pumiyok siya dahil sa patuloy na pagpipigil ng kaniyang iyak.

Lumabas ako ng kwarto niya.

Pagkasara ko ng pinto ng kaniyang kwarto napaupo ako. Sumandal ako sa pinto at lumuha ng tahimik. Ang nakakamao kong kamay ay iniharahang ko sa aking pipigil para pigilan ang nagbabadyang ilalabas nitong tunog.

Hindi ko siya kayang iwan pero pinagtutulakan niya ako. Paano pa ako lalapit sa kaniya kung siya na mismo ang lumalayo.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan si Andrea.

Nag-riring na ito.

"Oh, Paolo?" bungad sa akin ni Andrea na nasa kabilang linya.

"Andrea. Can you do me a favor?" tanong ko sa kaniya.