webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · ファンタジー
レビュー数が足りません
77 Chs

Devill 11: The Race

Zero's Pov

Kanina pa ako hindi mapakali sa aking upuan. Ngunit nasa harap kami ng hapag kainan at ang mas nakakainis ay kasalo namin si Madam.

It is Saturday. Ngayon ang araw kung saan makakalaban ko si Draco sa race.

At ang nakakainis pa ay hindi ko pa nakakausap muli si Jack matapos naming pumunta sa bahay nila.

Hindi sya pumasok kinabukasan at maging kahapon kaya hindi ko alam kung magagawa ko pang hiramin si Raegun para sana kahit wala akong praktis ay magagawa kong manalo sa race. Ngunit paano ko naman magagawa iyon gayung hindi ko nga alam kung makakapunta ako sa lugar na sinabi ni Draco ngayon.

"How's your patient Erhis?" Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Madam.

"She's fine grandma. I just did a little surgery in her left arm and now she's perfect like she didn't experienced that horrible accident." Nakangiting sagot naman ni Erhis sa kanya.

"Good. I know it's just a piece of cake for you. I know her father kaya alam kong matutuwa iyon dahil ikaw ang gumamot sa anak nya." Magiliw namang puri sa kanya ni Madam.

"How about you Ed?" Baling niya kay dean.

"It's fine grandma. School is doing great and I can say that we double a number of students this year compare to last year."

"Excellent. I know you can handle it so well." Nakangiti nya ring puri dito.

"What about you Ezequil? Any trouble this week?" Dagling nag iba ang hitsura niya nang tanungin ako.

Napatingin ako kay Dean dahil baka sinumbong nya ako sa nangyari nung nakaraang araw ngunit nagpatuloy lang syang kumain.

"Wala po grandma." Sagot ko.

"You sure about that?" She doubted. Hindi ako sumagot kaya si Dean naman ang binalingan nya.

Kapag talaga sakin palagi syang may second opinion sa iba dahil hindi sya naniniwalang matino ako.

Nang sabihin ni Dean na maayos ang performance ko sa school ay saka lang sya naconvince.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Kami lang apat ang narito dahil nasa business trip ang parents ko. At kasama naman ng hipag ko ang anak nila ni Dean.

"Sya nga pala malapit na ang birthday ng Kuya Eros nyo. I want to celebrate his birthday here kaya maghanda kayo para sa araw na iyon." Ani Madam.

"But is it okay with Kuya Eros to have a party? We know that he hates that idea grandma." Ani Erhis.

Ayaw nga kasi ni Kuya Eros ang party. Sa buong buhay ko parang dalawang beses lang syang nagpaparty sa birthday nya at lahat yun ay suggestion pa ni Madam.

"Of course. I already informed him about that besides, merong importanteng taong darating sa araw na iyon and I want him to invite that important person to his birthday." Nakangiting turan ni Madam.

"Really? But who could it be?" Curious na tanong ni Dean.

Tahimik lang akong kumain at di na sila pinakinggan pa. Nasa race ang isip ko at kung papano makakapunta roon ng hindi nila malalaman.

Papuntahin ko kaya dito sina Cody at Drew?

Kaso hindi magaling magsinungaling ang mga kolokoy na yun.

"Are you listening Ezequil?" Nagulat pa ako at mabilis na napatingin kay grandma nang tumaas ang boses nya.

"Po?" Gulat na bulalas ko. Napabuntong hininga si Madam with disappointment on her face.

"Pasensya na po." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"Grandma, stop being too harsh to Zero. Baka magkaphobia na sa inyo si Bunso." Nakangusong reklamo ni Erhis at hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

"Erhis, I'm not being too harsh to him. Can't you just see that he's not listening to me? Nasaan na naman ba ang isip mo Ezequil?" Kontrang sagot naman ni Madam.

"Sorry po." Tanging nasabi ko nalang.

"Malapit na ang interhigh kaya malamang na doon ang isip ni Bunso. And he's an ace of the school kaya mabigat ang responsibilidad na nakapatong sa kanya hindi ba Kuya Ed?" Pagtatanggol muli sakin ni Erhis.

"Tama si Erhis grandma. Zero is doing well at school at proud akong sabihin na sya ang Ace ng Montero High. At hindi lang yun he's so popular too. Kaya bawas bawasan nyo na ang pagiging strict nyo sa kanya." Ani Dean saka tumingin sakin.

I kow he's just trying to build me up para hindi na ako sungitan ni Madam.

"Whatever. I'm still not convince na matino na sya after what happened last year. Hanggang ngayon ay mainit parin tayo sa media dahil sa kahihiyang dulot nya."

"Grandma!" Sabay na suway sa kanya ng dalawa.

Napayuko nalang ako at napatiim bagang.

I know what she's talking about. Last year I got involved in a gang fight dahil kay Draco. At may nasaktang ibang tao na kaibigan pala ni Madam ang mga magulang. Kaya lalo lang syang naging masungit sakin dahil napahiya raw siya sa kaibigan niya.

Matapos kong kumain ay dumeritso na agad ako sa kwarto.

Alam kong hindi lang dahil sa nakaraang taon kaya mainit ang dugo sakin ni Madam. Ang di ko lang maintindihan ay kung ano ang dahilan nya para pagsungitan at pagmalupitan ako. Totoo naman nya akong apo pero bakit parang iba ang tingin nya sakin keysa sa mga kapatid ko.

Napaupo ako sa kama at napahilmos ng mukha. Ipinilig ko ang ulo ko para iwaksi si Madam sa isip ko at nag isip nalang ng tungkol sa race.

Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang planong gagawin ko kung paano makakapunta sa underground field nang hindi nalalaman ni Madam.

Kanina parin ako tinatawagan at tinitext nina Drew at Cody pero hindi ko naman masagot.

Haayst, ano na bang gagawin ko?

Nang tumunog ng phone ko ay mabilis ko iyong sinagot.

"Hello dude! Where the hell are you? Kanina pa kami dito sa field ikaw nalang din ang hinihintay ng grupo ni Draco. Asan kana ba?" Napapikit ako sa inis sa sinabing iyon ni Cody.

Shit! Ba't ba kasi nandito pa si Madam at bakit ba kasi hindi pumasok si Jack!

"Dude, as much as I want to be there pero nandito si Madam." Pabulong na sabi ko dahil baka marinig ako sa labas.

"What?! Patay tayo dyan! Ano ng mangyayari ngayon? Nagbanta pa naman si Draco kanina na kapag di ka dumating talo kana. And you know what will happen."

"Bwisit talagang Draco yan. Pero gagawa ako ng paraan. Sabihin mong papunta na ako at naatraso lang. Hindi ako makakapayag na magdiwang sya at saktan kayo."

"Okay dude. Sana makarating ka ng maayos dito."

"Okay."

Napahilamos ako sa mukha matapos patayin ang tawag ni Cody.

Bwisit naman oh! Bakit ba ngayon pa ako minalas??

Natigilan ako nang makarinig ng katok sa pinto.

"Bunso, can I come in?" Anang malambing na boses sa labas.

Napabuntong hininga ako saka binuksan ang pinto.

"Hey, are you okay?" Agad nyang tanong sakin at di pa man ako nakakapagsalita ay sinalat na niya ang noo at leeg ko.

"I'm fine." Tipid ko lang na sagot saka tinalikuran siya at naupo sa kama.

She closed the door at naupo sa tabi ko.

"May problema ka ba? You seems tense at kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali. Is there something bothering you?"

"No, it's nothing. Hindi ko lang inaasahan na darating ang lola mo."

"Hey, don't say that. She's your lola too." Agap niya.

Natawa ako ng pagak sa sinabi nya.

"Talaga? Kelan pa? Parang hindi ko naman naramdaman."

"Bunso.. I know you're not close to grandma but I want you to know that what she's doing now was just because she's worried about us."

"She's worried about you not me. She doesn't care about me she just concerned about other people that I might harm."

She held my face at iniharap sa kanya.

"Hindi yan totoo. Grandma always worried about you and-!"

"Stop convincing me Erhis. You don't know what I feel coz you're the favorite grandchild. You and Ed. You're too perfect in her eyes and she only sees my mistakes not a good things I've done."

"Bunso please.."

"I'm going to bed now." Sabi ko saka akmang hihiga na sa kama nang yakapin nya ako.

"I'm sorry for making you less priority in this family. But I want you to know na kahit ano at sino ka pa. Nandito lang si Ate para suportahan ka okay?" Medyo teary eyed na sabi nya.

For a moment I calm myself. My sister's voice is like a magic that drives away my hatred.

Napatango tango ako sa kanya at gumanti rin ng yakap.

"By the way, someone is looking for you outside." Aniya pagkatapos akong yakapin.

Takang napatingin naman ako sa kanya.

"Sino daw?"

"I don't know. Kilala mo raw sila at mukhang nagmamadali. Nakalimutan mo raw kasi na ngayon ang practice nyo sa play na project nyo. Ikaw ha? Hindi mo sinasabi sakin na marunong kang magplay." (Theatre play)

Lalo akong nagtaka sa sinabi nya.

Sino naman ang maghahanap sakin ngayon? Kilala ni Erhis ang mga kaibigan ko kaya sasabihin nya ang pangalan kung sila ang naghahanap sakin.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga tauhan ni Draco.

Shit. Ang lakas ng loob nilang sugurin ako sa teritoryo ko ha! At ang galing gumawa ng kwento!

Mabilis akong nagtungo sa pinto ngunit muli akong napalingon kay Erhis.

"Teka, nakita ba sila ni grandma?"

"Yes, they're talking with grandma now."

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba.

Shit! Shit! Shit! Ang lalakas talaga ng loob ng mga hayup na yun! Nagawa pa talaga nilang kausapin ang-!

Natigilan ako ng makita ang dalawang babae na noo'y kausap ni Madam sa sala.

What the hell are they're doing here?

"Oh, he's here." Ani Madam nang makita ako. Napalingon naman sakin si Shane habang nanatiling nakatalikod sakin si Jack.

"Hi Zeroin! Kanina ka pa namin hinihintay sa studio pero mukhang wala ka ng balak dumating kaya kami nalang ang pumunta sayo. Baka kasi masama pala ang pakiramdam mo kasi diba, nilagnat ka kahapon." Nakangiting wika ni Shane at bakas ang pag aalala.

What on earth she's talking about?!

"Kung hindi pa pumunta dito ang mga group mates mo mukhang wala ka rin talagang balak na makipag cooperate sa kanila at kung di dahil sa kanila hindi ko pa malalaman na nagkasakit ka kahapon." Medyo sermon na wika sakin ni Madam pero hindi naman sya galit.

Agad nyang binalingan ang dalawang babae.

"Pagpasensyahan nyo na sana ang katigasan ng ulo ng batang yan. But I'll make sure na makikipag cooperate sya sa project nyo." Nakangiting wika ni Madam sa kanila.

"Naku, mabait naman po si Zeroin sa school at talagang maasahan sa mga projects namin. Sya nga po ang leader namin eh kaya nag alala po kaming lahat dahil baka may sakit parin sya hanggang ngayon." Ani Shane na kung di ko lang kilala ay siguradong mapapaniwala ako sa mga sinabi nya.

"Well, kung ganun. Isama nyo na sya nang hindi kayo masyadong gabihin." Ani Madam na paniwalang paniwala sa sinabi ni Shane.

Shit! Ang galing gumawa ng kwento ng babaing 'to ah!

Tumayo narin si Jack at bumaling sakin. Medyo nanibago pa ako sa kanya ngayon dahil naka blouse sya at simpleng pants. She's wearing her eye glasses at mukhang estudyante talaga na gagawa lang ng projects.

Shit! Sana lang hindi sila nakita ni Dean kanina dahil tiyak na buking ang dalawang ito.

"Let's go?" Napakurap ako nang tanungin ako ni Jack.

Bago pa ako makapag react ay muli syang bumaling kay madam.

"We have a lot of projects to do Ma'am kaya baka hindi kami makauwi ng maaga. But I'll make sure that your grandson will be home safe and sound." Aniya na seryoso.

"It's okay. As long as it's pure project. Mag iingat kayo." Ani Madam at bahagya pang nginitian ang dalawa saka tumalikod na.

"Be good to them." Sabi nya pa sakin bago tuluyang umakyat ng hagdan.

Nakanganga pa akong bumaling sa dalawa.

"How's my acting skills?" Nakangiting tanong pa ni Shane habang napangisi lang si Jack.

"Let's go Natsu." Aniya pa saka ako nilampasan.

What did just happened?

***

Marami nang tao sa field nang makarating kami.

I drive Raegun habang nasa kabilang motor naman si Jack at nakaangkas sa motor ni Shane.

Hindi ko alam kung paano nilang nalaman na may race ako ngayon dahil wala naman akong nababanggit sa kanila pero hindi na ako nagtanong pa nang sabihin nilang hinihintay na ako sa field.

Napatingin samin ang lahat nang makapunta kami kina Drew at Cody.

Bigla naring umingay ang field. Marami akong nakitang estudyante ng school namin at maging ang mga tauhan ko ay naroon habang sa kabila naman ay purong tauhan nina Draco.

"Zero! Zero! Zero! Zero!" Hiyawan ng mga tao.

"Someone's got a lot of fan." Napatingin ako kay Jack sa sinabi nya. She's now wearing her leather jacket.

"Tsh! Okay sana kung sumisigaw sila dahil magaling ako."

Napangisi siya sa sinabi ko.

"Magaling ka naman eh. Kung marunong ka lang sana."

Napatingin ako sa kanya ng masama.

Ang yabang talaga! Kung di ko lang kailangan ang motor nya. Kainis!

"Dude, buti nandito kana." Ani Cody na lumapit sakin.

"Anong balita?" Tanong ko sa kanya.

"Eh di yan. Kanina ka pa hinihintay ng mga kumag. At kanina parin sila nagpapasikat sa lahat ng narito. Punong puno na nga ng alikabok ang ilong ko sa kakaikot nila." Parang batang sumbong nya.

"Mag iingat ka Zee, I think they're not here just to win the race. Something's not right." Ani Drew na bahagya lang akong binulungan.

Ganun nga din ang pakiramdam ko. Kung simpleng race lang ito ay hindi dapat ganito karami ang mga tao.

Ano na naman kayang kademonyohan ang tumatakbo sa makitid na utak ng Dracong yun.

"Hey Natsu." Bahagya akong napalingon kay Jack na prenting nakasandal sa motor ni Shane di kalayuan samin. Nasa medyo kadiliman sila na hindi naiilawan kaya hindi sila napapansin ng iba. She's still wearing her glass pero bakit parang ang hot nyang tingnan.

Shit! What am I talking about? She's a devil!

"What?" Sagot ko.

"Don't think too much. Let Raygun take the wheel. She knows what to do." Seryosong wika niya saka sumakay sa motor ni Shane.

"We'll be out of here. Keep Raygun for awhile and don't forget to wear the helmet and the earpiece." Dagdag nya pa.

Shit! Aalis na sila? Hindi man lang nila hihintayin na magsimula ang race?

"Uy Zero! Wag mong gagalitin si Raygun ha? Alam mo na. Mana yan kay Jack naninipa kapag nabibigla." Natatawang sabi naman ni Shane saka inistart na ang motor nya.

"Tsh! Mukhang mayabang din." Sagot ko naman na tinawanan nya lang.

Nang makaalis ang dalawa ay muli kong kinausap sina Drew ngunit natigilan kami nang may dumating na mga nakamotor.

"Look who's here!" Napalingon ako sa nagsalita.

Tsh! Another devil here!

--