webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · ファンタジー
レビュー数が足りません
77 Chs

Devil 7: The Bead

Zero's Pov

"Wohohow! Look who's here guys!" Nakangisi pang bungad ni Draco habang papalapit sakin. Napatiim bagang ako saka inihanda ang sarili sa maari nilang gawin.

They're my mortal enemy.

"Wow, kapag sinuswerte ka nga naman. Nag iisa ka yata Montero." Nakangisi ring saad ni Kurt.

"Wala sya sa school kaya hindi makakarating ng basta basta ang mga bata nya. Malas mo lang at dito tayo nagkita." Bakas naman ang gigil sa boses na wika ni Rob.

Hindi ko sila pinansin. Kunwa'y wala lang akong pakialam sa kanilang tatlo.

Agad kong pinakiramdaman ang sarili ko kung dala ko ang cp ko ngunit sa kamalas malasan ay hindi ko nga pala iyon nadala kanina.

Nahiling ko nalang na sana ay may pumasok na ibang tao roon. Dahil tiyak na gulpi ang abot ko sa tatlong to.

"Binalaan na kita dati Zero, wag kang aalis ng nag iisa dahil nasa likod mo lang kami at humahanap ng tyempo. At sa tingin ko ay ito na ang tyempong yun." Napatingin ako ng deresto kay Draco. Matagal nya na talaga akong gustong saktan ngunit dahil lagi akong may kasama ay di nya ako magalaw. Masyado kasi silang strict sa rules nila na kung sino lang ang kailangan ay yun lang ang tatrabahuhin nila. Bawal ang may madamay.

"Hindi ka pa rin nagbabago Draco, miss na miss mo parin ako." Nakangisi ring saad ko saka naghalukipkip at sumandal sa sink.

"Lintek talaga sa yabang ang bwisit na 'to!" Gigil na saad ni Rob at waring gusto na akong sugurin.

"Relaks Rob, we need him alive, beside nakalimutan mo na bang nagbago na ang parusa sa kanya?" Nakangising pigil naman ni Draco saka tumawa na akala mo'y demonyo.

Bagay talaga ang pangalan nya sa kanya. Mukha syang kampon ng dilim.

Pero napaisip ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin na nagbago na ang parusa ko?

"Hoy Montero, marunong ka bang magmotor?" Nakangising tanong ni Kurt.

"Baka kahit besikleta di mo kayang patakbuhin. Hahaha!"

"Tsh, ba't ka naman interesadong malaman? Magpapaturo ka ba sakin? Naku wag na ako, baka hindi mo makaya ang serbisyo ko." Nakangisi ring sagot ko.

Nawala naman ang ngiti niya at napalitan iyon ng galit at akmang susugurin ako ng pigilan sya ni Draco

At gusto kong magpasalamat sa ginawa nyang iyon dahil kung nagkataon.. ang lakas pa namang sumuntok ng gagong Kurt na 'to.

"Chill lang kayo guys. You know the rules. Magpasalamat ka at maswete ka parin kahit papanu Montero. Pero may kapalit ang swerte mo ngayon." Ani Draco at bahagyang lumapit sakin.

"Anong swerte naman yan? Nakakain ba yan?" Sarkastikong sagot ko pa.

"Hmm..try mo baka pwede."

"What do you want?" Seryosong tanong ko.

"Saturday, 8pm sa underground field, bring your own bike. We're going to have a race." Marahang saad niya.

"What?" Hindi ko napigilang magtaka. What the hell? Bakit naman nila ako gugustuhing makalaban sa motor race? Alam naman nilang hindi ako mahilig sa mga dirty works nila.

I know that its illegal at kung di ako nagkakamali ay purong gangster ang mga sumasali sa ganun.

"Wag kang maduwag, may tatlong araw kapa para magpractice at bumili ng motor mo. Mayaman ka naman kaya wala yung problema sayo. At bawal kang tumanggi. Dahil sa oras na tumanggi ka hindi na ikaw ang magbabayad sa kasalanan mo. Sasaluhin ka ng mga taong malapit sayo."

"What are you talking about!" Gigil na sigaw ko sa kanya.

"Relaks ka lang Zero. Kapag lang naman tumanggi ka sa imbitasyon ni boss eh. But be ready, dahil kapag natalo ka sa race..." Lumapit siyang lalo at bumulong sa teynga ko.

"...you're Heart is going to be mine." Kinilabutan ako sa sinabi nyang iyon at sa galit ko ay walang sabing sinapak ko siya sa mukha. Naalarma naman ang dalawa nyang kasama at akmang susugurin ako ngunit muli silang pinigilan ni Draco na noon ay tatawa tawa pang humarap sakin.

"Don't you dare come near her or else I'll kill you!" Galit na banta ko sa kanya. Alam kong matagal na syang may gusto kay Heart ngunit di lang siya nito pinapansin noon dahil ako ang mahal ni Heart at ramdam ko yun. Kahit hindi namin yun napag uusapan.

"You have no choice Montero. Pag isipan mong maigi ang desisyon mo dahil baka pagsisihan mo agad." Saad pa niya saka ngumisi.

Pinakalma ko ang sarili ko.

"What if I won the race?"

"Ohw, and you really think you can win over me? HAha. That's the spirit Zero. But if you win the race, you'll have your freedom." Saad niyang nakataas pa ang dalawang kilay.

Napatiim bagang ako.

"I'm going to win. Dahil hindi ka mahirap kalaban. Tandaan mo yan." Matigas na sabi ko pa sa kanya saka siya tinulak at naglakad palabas ng restroom.

Napabuga ako ng hininga ng maisara ko ang pinto.

Shit ka talaga Draco! Pagsisisihan mo ang araw na to!

At bago pa ako umalis dun ay nakangisi ko pang nilock ang pinto ng restroom saka nilagyan ng out of order sign.

Manigas kayo dyan! Mga inutil!

Nang makabalik ako sa table namin ay sinalubong pa ako ng nag aalalang mukha ni Drew.

"Ba't ang tagal mo?" Tanong nya pa.

"Are you okay Zeck?" Tanong din ni Heart.

"Yeah, of course I am. Sorry medyo sumama lang ang tyan ko kaya ako natagalan." Katwiran ko pa.

"Eww dude. Sana pagkatapos nalang nating kumain mo ginawa yun. Nakakadiri ka eh." Waring diring diri pang sabi ni Dy.

"Tsh, parang di mo ginagawa yun ah!" Sansala ko naman.

"Hindi kana nahiya kina Angel, tapos tatabi ka pa sa kanya. Naghugas ka ba ng kamay-!"

"Shut up, asshole!" Asik ko sa kanya.

"Tama na yan guys. Nandito na ang food kumain na tayo." Seryoso namang awat ni Drew samin.

"Ang seryoso naman nito. Okay let's eat!" Masiglang bulalas ni Dy at nagsimula ng kumain. Natatawa namang sumunod nalang din sina Heart.

Habang kumakain kami ay panay ang tingin sakin ni Drew dahil mukhang may alam sya kung bakit ako natagalan sa CR pero mamaya ko na lang sasabihin sa kanya ang bagay na yun dahil nandito pa sina Heart. At kailangan ko ring humingi ng advice sa kagaguhang gagawin ko.

Motor race? Tsh! Paano ako sasabak dun eh ni hindi nga ako marunong magmotor. Kung kotse sana yun medyo kaya ko pa. Pero sa motor. Goodluck nalang sakin! Pero kahit anong mangyari hindi ako makakapayag na mapunta si Heart sa gagong Draco na yun. Never!

****

Shane Pov

Nakahinga pa ako ng maluwag nang makalabas sa office ng dean matapos ang mahaba nyang sermon at pagbibigay ng suspension samin.

"Kahapon si Jack, ngayon naman ikaw. Baka bukas kickout na kayo rito sa school?" Nakakunot ang nuong sermon sakin ni Tanda.

"Pwede ba Tanda. Sinabon na ako ni Dean wag mo ng banlawan, okay? At saka isa pa, alangan namang pabayaan ko nalang si Jack kanina. Narinig mo naman ang paliwanag ko kay Dean diba? They attacked us first at pinagtanggol ko lang ang mga sarili namin." Nakasimangot na sagot ko sa kanya.

"I know at naiintindihan ko yun. Pero pwede kang tumawag sa prof nyo or kahit na kanino para hindi nalang sana ikaw ang nakipaglaban at baka wala pang nasaktan."

"Sinisisi mo ba ako?"

"No. I'm just saying!"

"Umuwi kana nga. Hindi ka nakakatulong!" Inis na tinalikuran ko nalang sya saka akmang aalis ng pigilan nya ako sa braso.

"Shane, I'm sorry okay? Wag ka ng magalit." Biglang lambing niya.

"I'm just doing my job here James, Pomnite, vy zadali etu pozitsiyu? I ya prosto delayu eto tak, kak khochu. YA dazhe budu sledovat' za tem, chto khochu, ne prodiktovav kogo by to ni bylo!" May bahid ng hinanakit na turan ko sa kanya. (Ikaw ang naglagay sa posisyon kong ito remember? At ginagawa ko ito sa paraang gusto ko. Yun man lang masunod ko kung ano ang gusto ko ng walang nagdidikta na kahit sino!)

"I'm sorry. You know the reason why I put you there. This is the only way to keep you safe. At sa ganitong paraan lang kita mababantayan." Lumanlam ang mga mata niya at nagtubig ang gilid niyon.

"Psh, umuwi kana may trabaho pa ako." Asik ko sa kanya saka siya tinalikuran.

Alam ko naman ang dahilan nya at alam ko rin kung gaano kadelikado ang trabaho naming dalawa. Naiinis lang talaga ako sa kanya dahil palagi nalang ako ang may mali. Lahat ng gawin ko ay di sapat para sa kanya. Buti pa si Jack naiintindihan ako.

Nagmadali akong bumalik sa room namin dahil iniwan ko na naman dun si Jack at baka kung ano pa ang mangyari na naman sa kanya. Pero sabagay wala na naman dun ang Zero na yun na una palang mainit na agad ang dugo samin. Pati narin ang Drew na yun na nagsumbong sa dean.

Psh, akala ko pa naman mabait syang tao. Dahil mukha naman syang gentleman at seryoso. Yun nga lang masyadong mabait at allergy sa gulo.

Pagdating ko sa room namin ay nagulat pa ako ng makita ang dalawang classmate namin na pinapanood ang natutulog na si Jack. Madalas nyang gawin yan. Papatayin ang hearing aid upang wala syang marinig na kahit ano pero alam kong ramdam nya kung ano ang nangyayari sa paligid nya.

Maliban sa isa. Ezequil Zeroin Montero.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero hindi tumatalad ang powers ni Jack pagdating sa Zero na yun at wala syang maramdaman na kahit ano. Kaya siguro sila nag pang abot nito kahapon dahil bukod sa wala siyang naririnig ay di nya pa maramdaman ang presensya nito. Pero ngayon ay meron na dahil denekwat nya ang kwintas ni Zero at sapat na yun para maramdaman niya ito sa paligid.

Jack has this powers. Hindi naman sya superwoman pero hindi rin sya pure human. At ang pagiging kakaiba nya ay di naman nakakasama wag lang syang gagalitin ng todo dahil nawawala ang pagiging tao nya.

"Excuse me, what are you two doing?" Tanong ko pa sa kanila ng makalapit ako.

"Ay kabayong pula!" Gulat na gulat pang bulalas ng isa kaya napataas pa ang kilay ko.

"Ah.hehe..ah..ano...w-wala naman Shane, kasi..ikaw na magpaliwanag."

Nahihintakutang wika nito at bumaling sa kasama na bagamat medyo kalmado ay kababakasan parin ng takot sa mukha.

"Ah..pasensya kana, nacurious lang kami kay Jack, kakaiba kasi syang matulog eh." sagot naman nito. Napatingin ako kay Jack. Nakaupo lang sya ng tuwid at bahagyang nakabaling ang ulo sa bintana, nakasalamin at nakahalukipkip na parang di humuhinga. Magkadikit ang mga hita at tuwid lang na nakalapat sa sahig ang mga paa. Para sakin normal na tulog nya lang yun sa umaga.

"Ganun ba, okay lang. Kakaiba naman talaga yan eh. Pero I'll warn you na naninipa yan kapag ginising ng kung sino." Nakangiti ko namang sagot. Ngunit lalo lang yata silang natakot kaya naman napangiti nalang ako.

"Ah, s-sige b-balik na kami sa upuan namin." nanginginig pang sabi ng isa.

"Ah, wait..ano nga pala ang pangalan nyo para naman may makilala din ako dito bukod kay Jack."

Halata ang pag alangan ng dalawa ngunit nakangiti namang nagpakilala sakin.

"Ako nga pala si Nicole at sya naman si Ynna." Pakilala ng isa.

"Nice to meet you. I'm Shane." At nakipagkamay sa kanila.

"H-hello Shane." Nanginginig paring bati ni Ynna.

"Wag ka namang matakot sakin. Hindi naman ako nangangagat eh. Si Jack pwede pa. Haha!" Pabirong sabi ko pa upang mabawasan ang tense nila.

Pareho silang maganda. Bakas ang kainosentihan sa mga mukha at parang normal lang na estudyante. Maputi si Ynna samantalang morena naman si Nicole pero kung lalaki ako ay si Nicole ang una kong mapapansin dahil malakas ang sex appeal nito. Kalmado lang siyang tao at mukhang seryoso sa buhay samantalang si Ynna naman ay parang may pagkaisip bata pa. Mabilis matakot pero mabilis ding makapalagayan ng loob.

Nakipagkwentuhan pa ako sa kanila ng ilang minuto bago tumunog ang bell hudyat para sa panghapong klase. Kaya naman lumapit na ako kay Jack at bahagya itong tinapik sa kamay. Sa ganung paraan lang sya pwedeng gisingin dahil sa oras na hawakan sya sa ibang party ng katawan nya siguradong may kahahantungan ka. Bahagya lang syang gumalaw saka in-on ang kanyang hearing aid at humarap sakin.

"Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko pa sa kanya.

"Okay naman sana. Kung hindi mo ko ginising."

"Psh, nandyan na ang prof natin eh." Katwiran ko naman.

"Tss, alam ko." Walang ganang sagot nya.

"Your welcome ha!" Mataray pang sabi ko sa kanya. Hindi na naman sya umimik at nagfocus nalang sa prof namin.

Sarap sanang kutusan nito eh! Di man lang magthank you! Kaso siguradong ako lang din ang magsusuffer sa huli kapag ginawa ko yun.

Sanay na naman akong walang naririnig na thank you sa kanya. Ni hindi nya nga ata alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. Hindi rin sya marunong magsorry at yun ang kinaiinisan ng mga taong nakakasalamuha niya. Minsan nakakaramdam ako ng awa sa kanya dahil hindi sya normal na kagaya ng iba. I mean, hindi sya normal na tao like me. At least ako, nakakaramdam ng sakit, ng selos, ng galit, ng tuwa, ng saya, ng lungkot, umiiyak, tumatawa, madaldal, nakakarinig, nakakakita, nakakaramdam ng kahit na anong emosyon. Pero si Jack ay limited lang ang nararamdaman. She doesn't feel hurt or pain. All she can do is talk in a different way she want. She doesn't know what is the meaning of happiness, hurt, pain, sadness, but she always feels angry. I think that's the only emotion she knew. She can't feel anything except that. Because her feelings was froze inside her body. She was frozen like death but because she's different she'll never die.

I've known her since I was eight years old. That time I always ask myself if who is she and why is she like that? Where did she came from? Who's her family. Does she even have one? Does she know where she came from? Did someone out there searching and looking for her? But all of that question doesn't answered. Until that day. When a glimpse of her memories came back. I really don't understand if why and how she became like that but all I can say is there's still something about her that I don't understand and there's something about her that I don't know yet.

At yun ang bagay na kinaiinisan ko kay James dahil ibinigay nya sakin ang tungkuling ito pero hindi nya naman maipaliwanag sakin ang lahat tungkol sa trabaho ko.

My job is to protect Jack and keep her safe from any danger that may lead to her dangerous self. Aside from that I have to make her feel that she's just an ordinary person and student base on her age now. That' s why we're here at school to study. And make us feel that we are just ordinary. Well, I'm not saying that I'm not ordinary but not just that ordinary girl because there's something I can do that can't be done by a true ordinary person and I'm proud of that. Though it's dangerous for me but at least I have the courage to say that I'm also different in a good way.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang magsalita ng malakas ang prof namin.

"Okay class, sa ngayon ay yan nalang muna ang aralin nyo at bukas ay magbibigay ako ng quiz. Okay?" Nakangiti nya pang sabi saka tumayo na at nagmartsa palabas.

Ha? Anyare? Tapos na ang klase?

"Tss. Kung ano ano kasing iniisip." Napalingon pa ako kay Jack nag sabihin iyon.

"Ha? Teka, ibig sabihin tapos na nga ang klase? Wala man lang akong naintidihan?" Bulalas ko pa.

"Sa susunod magpofocus ka kasi sa present at wag mo ng balikan ang past." Sarkastikong sagot pa nya.

Napanguso naman ako sa sinabi nya at tiningnan ang notes nya ngunit napangiwi lang din ako nang maalalang di nga pala uso sa kanya ang pasusulat dahil may recording ang hearing aid nya.

--