webnovel

Video Call

<October 27>

NAGTAGO AKO sa isang gilid para hindi ako makita ni Kurt. Sinilip ko siya saglit para tignan kung hinahanap pa ba ako. Napansin ko na lumiko ito sa ibang direksiyon kaya napangiti ako sa tagumpay.

Cassual akong lumabas sa pinagtataguan ko atsaka dumiretso na para pumunta sa malapit na Starbucks.

Balak ko lang naman na bumili ng kape pero ayaw ako payagan ni Kurt. Wala tuloy akong ibang choice kung hindi takasan siya ulit.

"Nakalusot ka na naman sa manager mo noh?" natatawang hula ni Ronan mula sa kabilang linya.

"Napaka-kulit kasi eh. Daig pa ang babae kung maghabol" reklamo ko.

"Gago. Ikaw ang makulit. Buti nga may manager ka pa na ganyan katiyaga sa'yo eh"

"Wala siyang choice. Kakilala ni papa ang boss ng company kung saan siya nagtatrabaho eh" mayabang na sabi ko.

Narinig ko ang pagtawa nito bago ito sumagot ulit, "Iba talaga kapag may koneksyon."

Mabuti na lang at break time nina Ronan ngayon kaya natawagan ko ito. Halos minsan na lang kasi kami makapag-usap. Akala mo tuloy mas busy pa ito sa akin. Sabagay, ikaw ba naman na magkaroon ng halos tatlong iba't-ibang trabaho. Wala na nga itong pahinga sa buong linggo dahil araw-araw itong wala sa bahay.

Ewan ko ba dito sa best friend ko at sobrang sipag magtrabaho. Hindi naman na sila ganoon kulang sa pera ngayon, hindi katulad noon talaga na halos tumigil na rin sa pag-aaral ang kakambal niya, pero kung makapagtrabaho ito ngayon akala mo sobrang hirap pa rin nila.

"Anong oras ba uwi mo ulit ngayon? Malapit kami sa area niyo ngayon eh. Baka gusto mong sumabay na sa akin pag-uwi. May dinner na rin dito since may manlilibre ata" pag-aya ko sa kanya habang umo-order na ako ng kape.

"Pangalan po?" tanong ng lalake na kumukuha ng order ko.

"AJ" sagot ko sa lalake.

"Hindi ako sigurado, pero sige. Daan na lang ako diyan kung hindi pa rin kayo tapos" rinig kong sabi ni Ronan.

"Maya na lang tol. Trabaho muna ako" pahabol na paalam niya bago pinatay ang tawag. Hindi na ako nakapagpaalam dahil mukhang nagmamadali rin ito.

Hinintay ko na lang ang order ko habang patuloy na hindi pinapansin ang mga tawag ni Kurt sa phone ko.

Bahala siya diyan.

----

"Cut! Good take! Pahinga muna kayo. Balik tayo in an hour. Magdinner na ang mga hindi pa nakakapagdinner" sigaw ni Direk.

Nag-unat ako ng katawan matapos ang scene na 'yun.

Haaa. Gusto ko nang umuwi at maglaro. Pumasok ako sa tent namin atsaka kinuha ang cellphone na iniwan ko doon. Napansin ko na nagmessage pala si Ronan sa akin, 20 minutes ago.

Kaysa magtype ako ng irereply sa kanya ay tinawagan ko na lang ito. Mabuti na lamang ay mabilis itong nakasagot.

"Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?"

Tumawa ito, "Hindi pa babe. Namiss mo ba ako?" malanding sabi nito gamit ang iniipit na boses niya.

"Puta. Gago!" natatawa kong mura sa kanya.

"Seryoso nga? Nandito pa kami. Mukhang hanggang mamaya pa kami dito dahil mayroon pa kaming dalawang eksena na hindi nasho-shoot. Makakadaan ka pa ba dito o diretso ka na sa inyo?"

"Sige. Malapit na rin naman ako diyan. May pinabili pa kasi sa akin si boss Arlie kanina"

"Sige, sige. Message mo ako kapag nandito ka na. Tawagan ko lang si Divine. Baka magtampo na naman eh"

"Sige babe" malandi niyang sabi ulit bago pinatay ang tawag.

Hindi ko alam kung tatawanan ko ba 'yun o kikilabutan eh.

"Boyfriend mo?" biro na tanong ng isang katrabaho namin na artista na mas matanda sa akin ng halos limang taon.

"Si Ronan yun. Best friend ko. Nakilala mo na siya diba?" sagot ko.

Tumango ito. "Ah, oo. Minsan nakikita kong kasama ni Cassey 'yun eh. Ingat ka tol, baka maagawan ka"

Tinawanan ko na lang sinabi ni Derick. Pinanood ko siyang lumabas ng tent. Ako naman ay mabilis na tinawagan si Divine.

"Uy. Tapos na kayo?" tanong ni Divine. Napansin ko naman sa boses nito na mukhang pagod na pagod ito.

"Hindi pa. Mayroon pa kaming dalawang eksena mamaya. Medyo maikli na lang naman 'yun pero hindi ako sigurado kung anong oras matatapos." pagbabalita ko.

"Hmm... Pero kumain ka na niyan?" tanong nito atsaka binuksan ang camera niya. Nakita ko na rin sa wakas ang mukha ng girlfriend ko na nakahiga na. Mukhang patulog na pala ito nang tinawagan ko.

"Hindi pa. Tinawagan na muna kita. Atsaka paniguradong madami pang tao doon sa labas" sabi ko. "Anong ginawa niyo ngayon?"

"Wala. Aral. Hindi ko nga alam kung may natutunan ba talaga ako eh" reklamo niya. "Oo nga pala. Nagtw-twitter ka pa ba?"

Umiling ako. "Hindi pa. Madami kaming ginawa ngayon eh"

"Mabuti 'yan. Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo ang Twitter eh. Marami nga na humahangga sa'yo pero iba pa rin ang Twitter. Mamaya eh umiyak ka na naman sa akin"

Kinunotan ko siya ng noo, "Sinong umiyak?!"

"Sige, hindi iyak. Hagulgol" natatawa niyang pang-aasar sa akin.

"Hoy" natatawa kong sabi.

Pero may halong katotohanan naman ang sinabi sa akin ni Divine. Hindi naman sa todong iyak, pero totoong naluha ako sa mga nababasa ko noon na negative comments tungkol sa akin. Hindi ko mapigilang hindi maapektuhan.

"Matutulog ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan.

"Uh-hmm. Pero tumawag ka eh" sabi niya bago ito umupo.

"Sorry napalate" paghingi ko ng pasensya.

Ngumiti ito atsaka tumango. "Okay lang. Si Cassey pala?" tanong niya.

Pagkatanong niya nito ay sumilip ako sa labas ng tent para tanawin kung nasaan si Cassey. Doon ay napansin ko na nakarating na pa si Ronan at sinusundan nito si Cassey.

"Ayun. Pinupuntahan ni Ronan. H'wag kang mag-alala. Trabaho lang talaga ang lahat, Divine. Isang taon lang naman daw eh."

Umiling si Divine. "Alam ko. Atsaka, kilala ko si Cassey. It's just that... You should still look at her from time to time..."

Sa sinabi niyang yun ay mas lalo akong nagtaka. "Bakit?"

Ngumiti ito ng malungkot bago sinabi na, "You might be one of his male best friend, but I doubt you know her that well"