webnovel

Wedding Ring (Original)

Every fairytale has its ending. And in every ending, there's a wedding, and uh, a baby. But mine was different, it begins with how everything ends. A wedding. My name is Bryan. And I met the most beautiful, graceful and enamoring woman with exquisitely shaped features I have ever seen in my entire life. Just like how piercing and fiercely her eyes are, my mind was easily subdued, my heart instantly surrendered and simply pointed her. But what makes her contrastive is her title. She's called the "TIGER WOMAN OF ASIA". She's not a mafia member nor justice seeker but rather the most successful businesswoman on her young age in leading and expanding their prestigious and well-known corporation around the world. But I’m just a young man who never had a girlfriend, was new to his newly founded restaurant and thought that his life was meant for his dreams alone. And my fate got entangled with her when she proposed---- no, ordered me to marry her. For real. But the moment our baby was brought into this world, she left it in my care and vanished without a farewell. Now, how can I face a new chapter of my life being a newbie father of this adorable baby girl, a husband to a cold-hearted and dominant woman, stranger to a new and whole different lifestyle, and prisoner of family rules in this luxurious and enormous villa? Does the wedding ring symbolize only as an ownership of a claimant or is it beyond that line that none of us have ever crossed before?

IAMLARRAINE · 現実
レビュー数が足りません
13 Chs

Chapter II.1: The War of the Legends

Meanwhile in Villa…

"Sigurado ka ba? Dito sya nakatira?" Nag-aalalang tanong ng isang medyo may katabaan na negra sa kanyang kasama na walang ginawa kundi silipin ang nakatagong paraiso sa likod ng mataas at malapad na iron gate.

(A/N: Credits to petworthgates.co.uk site || Source link of the gate style: https://petworthgates.files.wordpress.com/2012/10/lion-gate-at-hampton-court.jpg)

"Positive ako dito. Hindi ako nagkakamali, Mare. Kitang-kita ng dalawang mata ko na dito sya pumapasok araw-araw. Sabi ko na sayo eh niloloko ka lang ng asawa mo, masyado ka kasing nagtitiwala." Madamdaming pagsusumbong nito habang nanlalaki ang mga mata kakasilip sa loob.

"Sandali lang, Mare. Sigurado ka ba kasi unang-una sa lahat eh paano ka nakakapasok sa pribadong village na 'to? Eh kanina pa nga lang parang ang hirap ng kausapin nung mga nagbabantay, swerte na nga lang natin na pinapasok tayo rito at saka parang ang layo-layo naman ng---" Pagtataka niya

Ngunit pinagdidikdikan ng tsismosa ang kanyang mukha sa kanya habang nanlalaki ang mga mata nito. "Oo Mare, di'ba sinabi ko naman sayo na dito ako nagtatrabaho, sweeper ako dito kaya ka-vibes ko yung mga yun. Isa pa, walang nakakatakas sa matang lawin kong mata."

Napabuntong-hininga na lang sya at nilabas ang nakatuping papel sa kanyang bulsa at binuklat ito. "Sabi nya sa isang apartment lang sya nakatira kung saan kasya ang isang tao pag nakatayo at pag nakahiga naman eh nakalabas na ang mga paa sa pintuan. Pero etong lugar na to," Binaling nya ang tingin sa direksyon ng gate. "Mukhang maliligaw ka pa bago mo mailabas ang mga paa mo. Kaya nga niloloko ka lang nya. Sa totoo lang ah, may kabit yang asawa mo kung perspektib ko ang tatanungin mo." Patuloy nito na parang manhid kung magkwento.

Na-alarma naman ang negra at napa-urong. "Teka lang Mare, paano kung isa nga syang katulong dito at inaabuso? Paano kung may apartment talaga sa loob nito?"

"Oops! Ano sabi nya sayo? Anong trabaho nya?" Pagpigil nito sa kanya.

Natauhan naman si negra at napatigil. "Ma-manager. Pero okay naman ang pinapadala nyang pera kumpara nung mga nakaraan nyang trabaho, nakakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw na may merienda at panghimagas pa, dati sa butas lang kami tumatae, ngayon may inidoro na---"

"Mare, sa totoo lang ayokong sabihin to sayo kaya lang kumare kita, concern lang ako sayo at base sa mga naririnig ko eh mukhang kailangan mong malaman ang mas malaking pasabog." Pagsabat nito sa kanya.

"Pasabog?" Naguguluhang tanong nito sa kausap.

"Isang araw, nakita ko syang may kausap na lalaki dito sa loob."

"Okay? Mukhang wala namang masama dun."

"Ang tamis ng kanilang mga ngiti.---"

"Matamis ang ngiti? Baka naman, nagkakatuwaan lang. Magkumpare."

"Hindi Mare! Malalandi ang kanilang pagtitinginan. Kitang-kita ko, ang lagkit eh! May spark! Boom! Yung tipong nakikita mo sa mga magjowa na may balak." Patuloy nito habang tahimik na nakikinig ang isa.

"Mare, babae tayo kaya alam natin yung sa malagkit sa malapot. Aminin mo yan, at saka sa panahon ngayon, di mo na alam kung anong gusto ng tao, madali tayong magbago sa malakas na impluwensya ng paligid."

Hindi na nagreact pa ang negra at parang nakikinig na lamang.

"O sige, ganito na lang para maniwala ka. May hawak-hawak silang baby na hinahagis pa sa ere at itataya ko ang tandang ng asawa ko sayo kung magkamali man ako."

"Yung puti ba yan na may pula sa ulo?" Usisa ng negra.

"O-oo. Nakailang panalo na yun." Tango ng tsismosa nang may pag-aalangan ngunit mukhang malayo na sa kawalan ang negra.

Humarap ang negra sa gate, naglakad hanggang isang pulgada na lang ang pagitan. "Hoy! Lalaking ama ng anak ko na mahilig rin sa lalaki, lumabas ka dyan!!!" Kinalampag nya ito habang sumisigaw na ubod ng lakas. "Harapin mo ko at magpakalalaki ka!"

Napangiti naman ang tsismosa na may kalakip na tuwa.

♥♣♠♦♠♣♥

*Clink* *Clink* *Clink*

♪ Kahit na wala akong pera

(A/N: Simpleng tao by Gloc 9)

"Ikaw naman Paolo magpadyak, namamanhid na dalawang hita ko eh." Reklamo ni Wally na nagpepedal at tumutulo ang pawis na parang isang waterfalls simula ulo hanggang braso.

♪ Kahit na butas aking bulsa

"Hoy-oy, nakaka-isang round ka palang ah. Ako nga nakatatlo na pero ni isang salita wala kang narinig sakin." Sabat naman ni Jose na nakaupo sa may harapan ko.

♪ Kahit pa maong ko'y kupas na

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang padyak patungo kung saan naka-parke ang aming sasakyan, napapatingin na lamang ang mga taong nadadaanan namin sa tugtog at ingay na naririnig nila.

Malapit lang naman ang paroroonan namin ngunit…

♪ At kahit na marami dyang iba

"Kasalanan mo yan Wally! Kaya kailangan makapag-fifteen rounds man lang tayo. Kalahati sayo tapos hati kami ni Jose." Sarkastikong sinabi ni Paolo.

Hindi ako sigurado kung bakit nila sinisisi si Wally ngunit wala naman syang nai-sambit na iba bukod sa salitang 'Patay'.

♪ Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)

Hindi ko tuloy makuha kung bakit hindi pa kami pwedeng umuwi, but I'm thinking about Althea.

She's exposed too much on heat, noise, pollution and sun.

♪ Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)

Napatigil naman bigla si Wally bilang protesta at hinarap si Paolo na nakaupo lamang sa may likod nya na nagpapaypay.

"Bumaba ka kaya, sarap na sarap ka dyan tapos hindi mo alam na ikaw ang dahilan ng paghihirap at pawis ko?"

♪ Ang maipagyayabang ko lang sa'yo (my love)

Althea is awake now because of the noise of the pedicab and the surrounding itself but she's not crying it all.

My baby is a strong warrior, she rarely cries and if she did, she has a valid reason, I embraced and caressed her even more for act of comfort.

♪ Pag-ibig ko sa'yo na 'di magbabago

Not Good, they're arguing and attracting more attention.

♪ At kahit na anong bagyo, ika'y masusundo

"Ganito na lang, bato-bato pick tapos yung matalo sya ang magpapadyak." I intervened, hoping it will make them agree.

♪ Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)

I have huge respect for pedicab drivers, hindi biro buhatin ang tatlong dambuhala kasama na ang iyong sarili with tinkerbell.

♪ Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)

"Mabuti pa!" Sang-ayon ni Jose at lumabas agad sya ng sidecar.

♪ Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo (ay ang...)

Paolo stretched his full body and cracked his fingers. "Aray! Masakit pala." He flinched. "Akala ko may special powers 'pag ginawa ko yun."

"Ha! Wala akong inuurungan na laban." Hamon ni Wally. "Forte ko ata ang manalo."

"Tama ng satsat! Umpisahan na ang digmaan!" Jose declares.

They all looked serious as if they will really ravage each other to death.

I just heaved a soft sigh.

"Bring it on, little babies. Tandaan nyo wala pa kong laban na hindi nananalo kaya naman----" Paolo moves his hands, legs and whole body as if he's trying to dance in a weird, very weird way.

They're starting to circle.

"Ako si Sailor Moon taga-pagtanggol ng pag-ibig at katarungan, sa ngalan nang kapangyarihan ng buwan, 'parurusahan kita." Paolo says as the sun shines on his face and he really posed like… a woman?

Who is even Sailor Moon?

"Oi! Ya n no ka? Kakatte koi yo!" Jose's voice turned into a giant beast and it almost brings shiver into my body, his eyes are blazing like fire. "Yareru mon nara yatte mina! Ore datte, yaru toki wa yaru n da ze. Name n na yo!" He roared.

"Ano yun?" Tanong ni Wally.

"Naintindihan mo, Sir?" Tanong ni Paolo sakin na nakapose pa rin at kaagad naman akong umiling.

"Naintindihan mo ba pinagsasabi mo, Jose?" Balik ni Wally kay Jose.

"Mga bobo! Natural hindi. Mukha ba kong Ching-Chong?" Sagot naman ni Jose.

I tried to stifle a laugh.

"Ikaw naman Wally, dali, nangangalay na ko." Sabi ni Paolo.

"Nani?" Sambit ni Wally. "Ano ba yan nadadamay pa ko sayo Jose."

Wally looked serious in an instant and not even the fly buzzing around him can distract his concentration. "You have my respect. I hope the people of Earth will remember you."

And the legendary war of Bato-bato pick has begun.

And after long time of throwing their powerful fists into the middle, sweats pouring into their face and all over the body, faces that were in between life and death, plan to overthrow one another and spectacular strategy to win the honor.

Hold your breath for the loser has been proclaimed.

"Paolo, paki-bilis bilisan naman yang pagpapadyak mo at pati yung estudyanteng nakasabayan mo kanina pa eh isang metro na ang layo sayo, partida nakatakong pa yun." Wally sits behind him with full leisure.

Sailor moon loses the fight in the middle of a sunny day.