webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · 都市
レビュー数が足りません
28 Chs

Chapter 20

Sunday nang maisipan ni Kenneth na pumunta sa Moon Village. Hindi iyon inaasahan ni Sam, pero nang tumawag ang security guard sa may gate, at sinabi nitong nandoon nga si Kenneth ay pinapasok pa rin niya ito. Hindi naman iyon ang first time na pumunta doon si Kenneth, pero protocol kasi ng security guards na itawag muna sa homeowner kung meron mang gustong bumisita sa kanila. Iyon ay kung hindi pa ito naitawag ng homeowner mismo sa security guard bago dumating ang bisita.

Kilala na rin naman si Kenneth ng mga magulang ni Sam, kaya noong ipagpaalam niya si Sam na mag-basketball sa may club house ay kaagad silang pumayag. At ayaw nga sanang pumayag ni Sam, pero kung tatanggi siya ay baka magtaka ang lahat. Hindi pa kasi siya tumanggi sa laro ng basketball, lalo na kung si Kenneth o ang daddy at Kuya Raul niya ang nagyaya.

Nasa may clubhouse na sila at dini-dribble na ni Kenneth ang bola nang sabihin nito ang talagang pakay sa kanya.

"Sam, meron akong itatanong sa iyo. Sana sagutin mo ng totoo."

Medyo kinabahan si Sam sa sinabing iyon ni Kenneth. "Ano iyon?"

"May problema ba tayo?"

Natigilan si Sam.

"Pansin ko kasi, parang iniiwasan mo kami ni Ryan. Lalo na ako… May nagawa ba akong hindi mo gusto?"

Hindi makasagot si Sam. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin sa kanya. Wala naman kasi itong nagawang kung ano. Siya lang talaga ang may problema.

"May… nasabi ba ako na narinig mo…?" Napaiwas ng tingin si Kenneth.

"Wala…" Napayuko na rin si Sam.

Napatingin si Kenneth sa kanya. Ramdam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Lalo tuloy lumakas ang kutob niya na nalaman na nito na crush nga niya ito. Siguro sinabi sa kanya ng mga officers nila. Obvious naman nga kasi na lagi silang pinagsasama nitong mga nakaraang training nila.

"Ganito na lang… Maglaro tayo ng basketball. Paunahang maka-thirty points. Kapag nanalo ka, hindi na ako magtatanong. Tsaka kung gusto mong huwag na tayong maging magkaibigan pa, papayag din ako."

Napatingin si Sam dito.

"Pero kapag nanalo ako, dapat sabihin mo sa akin kung ano ba ang problema mo sa akin."

Hindi na hinintay pa ni Kenneth ang sagot ni Sam. Inihagis na muna niya dito ang bola.

"Ikaw na ang mauna," ang sabi pa niya dito.

Medyo nainis si Sam sa ginawa nito. "Bakit parang pinagbibigyan mo ako?"

Nagkibit-balikat si Kenneth. "Alam ko naman na matatalo mo ako." Ganoon naman kasi talaga ang nangyayari kapag naglalaro sila ng basketball. For some reasons, lagi siyang natatalo ni Sam. Kahit doon sa mga pagkakataong hindi niya ito pinagbibigyan, nananalo pa rin ito sa kanya, Siguro kasi mas magaling talaga ito sa kanya? O kaya naman, akala lang niya na hindi niya ito pinagbigyan pero, nagpaubaya pa rin pala siya. Natutuwa lang kasi siyang makita na maligaya ito kapag natatalo siya nito. Gustong-gusto niyang nakikita ang ganoon.

At tuluyan na ngang nainis si Sam. "At hindi ka talaga gagawa ng paraan para mabago iyon? Well, bahala ka!"

At kung anuman ang pagkailang na nararamdaman ni Sam kanina ay naglaho nang lahat. Siguro dahil sa inis na nadama niya dahil sa mga sinabi ni Kenneth. Kaya hayun, natalo niya ito sa one-on-one basketball match nilang dalawa. Thirty-two to twenty-eight ang score, pabor kay Sam.

Ang totoo niyan, nagseryoso talaga si Kenneth sa paglalaro nila kanina. Hindi niya pinagbigyan kahit minsan lang si Sam, at hindi rin niya naramdaman iyong pagkailang dahil nakikipaglaro nga siya sa crush niya. Pero natalo pa rin siya ni Sam. Na ikinalungkot niya ng husto. Alam kasi ni Kenneth kung ano ang ibig sabihin nito. Dahil doon ay napaupo na lamang siya sa court, dala na rin ng pagod at pagkadismaya sa pagkatalo niya.

Nayakap na lamang ni Kenneth ang kanyang mga tuhod sa pagkakaupo niya sa sahig ng court. At dahil doon ay nakita niya ang rubber shoes na suot. Regalo iyon sa kanya ni Sam noong nakaraang birthday niya. Mukhang iyon na ang huling regalo na matatanggap niya mula dito.

Naramdaman niyang tinabihan siya nito sa kaliwa. Pero kahit magkatabi ay nakaharap naman ito sa may likuran niya. Kumbaga ay magkatabi sila na magkaharap sa pagkakaupo.

"Crush ka daw ni Mia."

Nagulat si Kenneth sa sinabi nito. Napatingin siya dito, at ganoon din naman si Sam.

"Ikaw iyong sinigaw niya noong nag-dive siya sa pool."

Napaiwas ng tingin si Kenneth.

"Sabi niya, tulungan ko daw siya sa iyo."

Saglit silang natahimik. Parehong hindi malaman kung ano ang sasabihin. Si Sam ang bumasag noon.

"Gusto mo rin ba siya?"

Napatingin si Kenneth kay Sam, at parang si Sam naman ang nahiya. Siya naman ang napaiwas ng tingin.

"May… May iba akong gusto…"

Napatingin si Sam kay Kenneth, pero nakaiwas na ito ng tingin.

"Pero… hindi pwede, eh."

"Bakit naman?" tanong ni Sam na na-curious bigla.

"Kasi… kasi komplikado…"

Wala nang sinabi pa si Kenneth tungkol doon. Naramdaman na rin ni Sam na ayaw nang pag-usapan pa iyon ni Kenneth.

"Ayaw mong si Mia na lang?" ang sabi na lamang nito.

Muling napatingin sa kanya si Kenneth, at hindi malaman ni Sam kung bakit bigla itong natawa.

"Hindi naman ganoon kadali iyon, Sam. Hindi naman basta-basta napapalitan iyong crush."

"Sabagay…"

Kung tutuusin, ramdam ni Sam na si David Duchovny pa rin ang the best para sa kanya. O kaya naman, hindi mismong si David Duchovny kundi ang character nitong si Fox Mulder. At kung papipiliin siya between Fox Mulder and Kenneth Oliveros and Ryan Arcilla, si Mulder pa rin ang pipiliin niya.

Kasi nga, kaibigan niya si Kenneth. Best friend. Oo, ngayon alam na ni Sam na ang espesyal na nararamdaman niya kay Kenneth ay iyong pagmamahal para sa kaibigan. Kaya nagalit siya noong sinabi nitong sa larong basketball lang nakataya ang friendship nila.

"Bakit mo sinabi iyong reason kung bakit ka umiiwas?"

Napatingin si Sam sa katabi.

"Hindi ba dapat baligtad iyon? Kapag natalo ka, doon mo sasabihin."

"Ayoko naman talagang mawala yung friendship natin," ang sabi ni Sam. "Naiinis lang ako sa'yo kaya tinalo kita."

"So… friends pa rin tayo?"

"Ayaw mo yata, eh?!" sigaw ni Sam sa kanya.

Napangiti na lamang si Kenneth sa katarayan ng kaibigan.

"Friends tayo forever!" ang sabi ni Sam. "Walang iwanan, ganoon."

Natuwa naman si Kenneth sa narinig. At least, kahit friend ay makakasama niya ng panghabang-buhay si Sam. Okay na sa kanya iyon. Siguro naman, lilipas din ang kung anumang nararamdaman niya para dito.

As for Sam, she concluded na impluwensiya lamang nina Mia at Shane kung anuman ang nararamdaman niya ngayon. Kenneth is her best friend, at iyon ang dahilan sa pagpapahalagang nararamdaman niya para dito. Wala nang ibang dahilan pa.